Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Mauricio Macri

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mauricio Macri
Ika-53 Pangulo ng Arhentina
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
10 Disyembre 2015
Pangalawang PanguloGabriela Michetti (Halal)
Nakaraang sinundanCristina Fernández de Kirchner
Pangulo ng Republican Proposal
Kasalukuyang nanunungkulan
Unang araw ng panunungkulan
3 Hunyo 2010
Nakaraang sinundanNaitatag na posisyon
Ika-5 Hepe ng Pamahalaan ng Buenos Aires
Nasa puwesto
10 Disyembre 2007 – 10 Disyembre 2015
DiputadoGabriela Michetti
María Eugenia Vidal
Nakaraang sinundanJorge Telerman
Sinundan niHoracio Rodríguez Larreta
Ika-30 Tserman ng Boca Juniors
Nasa puwesto
27 Pebrero 2008 – 1 Hunyo 2008
Nakaraang sinundanPedro Pompilio
Sinundan niJorge Amor Ameal
Nasa puwesto
13 Disyembre 1995 – 4 Disyembre 2007
Nakaraang sinundanPedro Pompilio
Sinundan niPedro Pompilio
Personal na detalye
Isinilang (1959-02-08) 8 Pebrero 1959 (edad 65)
Tandil, Arhentina
Partidong pampolitikaCommitment to Change (2003–2009)
Republican Proposal (2009–kasalukuyan)
Ibang ugnayang
pampolitika
Cambiemos (2015–kasalukuyan)
AsawaYvonne Bordeu (1981–1991)
Isabel Menditeguy (1994–2005)
Juliana Awada (2010–kasalukuyan)
AnakAgustina
Jimena
Francisco
Antonia
Alma materKatolikong Pontipikal na Pamantasan ng Arhentina
WebsitioOpisyal na sayt

Si Mauricio Macri (pagbigkas sa wikang Kastila: [mauˈɾisjo ˈmakɾi]; ipinanganak noong 8 Pebrero 1959) ay isang inhinyerong sibil, negosyante at politiko, at Pinuno ng Pamahalaan ng Nagsasariling Lungsod ng Buenos Aires. Bilang anak ni Francisco Macri na isang prominenteng negosyanteng Italyano sa sector pang-industriya at konstruksyon, siya ang kumatawan sa Lungsod ng Buenos Aires sa Mababang Kapulungan ng kongreso at nahawakan na niya ang kanyang kasalukuyang tanggapan simula pa noong 10 Disyembre 2007.

Itinuring siyang isang potensyal na kandidato para sa pangkalahatang halalan noong 2011, ngunit kanyang tinanggihan ang pagtakbo bilang pangulo ng bansa at sa halip ay tumakbo para sa muling pagkakahalal bilang alkalde. Nakakuha siya ng halos 47% ng boto sa halalang pang-alkalde, na nanguna sa runoff noong ika 31 Hulyo 2011, laban sa kandidatong si Daniel Filmus. Noong 22 Nobyembre 2015, pagkatapos ng pagiging patas sa unang ronda ng halalang pam-pangulo noong 25 Oktubre, nanalo si Macri sa unang sistemang two-round sa kasaysayan ng Arhentina, na tinalo ang Frente para la Victoria (Kilusan para sa Victoria) na kandidatong si Daniel Scioli at naging halal na pangulo. Naluklok siya sa kanyang tanggapan sa 10 Disyembre 2015.[kailangan ng sanggunian]

Ipinanganak si Mauricio Macri sa Tandil, sa lalawigan ng Buenos Aires, na anak ng Italyanong magnateng si Francesco Macri at ni Alicia Blanco Villegas na mayroong lahing Espanyol. Nag-aral si Macri sa Pamantasang Katoliko ng Arhentina (UCA), kung saan ay nakatanggap siya ng antas sa Inhinyerong Pang-sibil. Noong 1985, lumahok siya mga mumunting kurso sa Paaralang Pangkalakalan ng Columbia, Wharton School of the University of Pennsylvania at ang lokal na Universidad del CEMA.[1]

Nagsimula ang kanyang karanasang propesyonal sa SIDECO Americana S.A., isang kompanyang pang-konstruksyon na nabibilang sa holding ng kanyang ama, ang Socma Group, kung saan ay nagtrabaho siya roon sa loob ng 3 taon bilang junior analyst, at pagkatapos ay naging senior analyst. Noong 1984, nag-trabaho siya sa sangay na pang-kredito ng Citibank Arhentina sa Buenos Aires. Umanib siya sa Socma ng taong iyon, at mula 1985 paabante ay naglingkod siya bilang Punong Tagapamahala (General Manager). Noong 1992 ay naging pangalawang pangulo siya ng Sevel Argentina at naging pangulo noong 1994.[1]

Noong 1991, ipina-kidnap siya sa loob ng 12 araw ng mga alagad ng Policía Federal Argentina, at pinalaya matapos mapa-balitaang nagbigay ng pangtubos ang kanyang mag-anak na nagkakahalaga ng milyun-milyong dolares.[2] Pagkatapos ng kanyang mahigpit na pagsubok niya iyon ay nabanggit niyang nais niyang pumasok sa politika.[3]

Binigyang-kilanlan siya bilang pangulo ng isa sa mga pinaka-sikat na klub na pang-futbol sa Arhentina, ang Boca Juniors. Inihalal siya noong 1995, at mulingg nahalal noong 1999 at 2003, na nakapag-kumpleto ng isa sa mga pinakamatagumpay na panahon ng klub, na nanalo sa maraming pang-internasyonal na paligsahan.

Karerang Pampulitika

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Si Macri kasama ang kanyang asawang si Juliana Awada at ang anak nilang si Antonia, kasama si Papa Francisco.

Noong 2003, nagsimula na sa larangan ng politika si Macri noong itinatag na niya ang gitnang-kanang partidong Compromiso para el Cambio (Pangaka para sa Pagbabago,[4] at makalipas ng taong iyon ay tumakbo siya bilang alkalde ng Buenos Aires para sa kanyang partido. Nanalo siya sa unang ronda ng halalan na may 33.9% ngunit natalo sa halalang runoff na may 47% na boto laban sa kanyang katunggaling si Aníbal Ibarra.

Noong 2005, umanib siya kay Ricardo López Murphy ng Recrear upang lumikha ng right-wing electoral fron na tinatawag na Propuesta Republicana (PRO) at matagumpay na nakatakbo sa Lungsod ng Buenos Aires para sa Kapulungan ng Deputado ng Arhentina kung saan nanalo siyang mayroong 33.9% na boto.[5] This and later campaigns were managed by Jaime Durán Barba.[6] Sa kabuuan ng 2006 ay pinagsalit-salit niya ang kanyang mga gawaing pampolitiko bilang deputado kasama ang ganyang pagiging pangulo ng Boca Juniors.

Noong 2007 ay nasa talakayan si Macri kasama ang kanang-konserbatibong si Jorge Sobisch,[7] ang gobernador ng Lalawigan ng Neuquén, bago pa man maganap ang halalan sa Arhentina noong 2007. Subalit, ang kasunduang iyon ay nasa di-pagkakaayos kaakibat ng dating pakikipag-alyansa kay Ricardo López Murphy, na nagpasiyang tumakbo sa pagka-pangulo at tumuligsa kay Sobisch dahil sa katiwalian, na naglaan pa ng isang video na kung saan nagbibigay si Sobisch ng suhol kay Jorge Taylor, deputado ng partidong Radical. Kalaunan ng taon na iyon, lubhang nasira ang imahe ni Sobisch nang mapatay ang tagapagturong si Carlos Fuentealba habang isinasagawa ang isang unyong demostrasyon sa Neuquén. Dahil kaharap ang sitwasyong iyon, agarang umatras si Macri mula sa mga naging kasunduan nila ni Sobisch at nanatiling neutral sa pambansang halalan noong 2007.[8]

Macri sa pagbubukas ng Ika-125 Sesyong IOC na ginanap sa Buenos Aires.

Noong Pebrero 2007, ipinahayag ni Macri muli siyang tatakbo bilang alkalde ng Lungsod ng Buenos Aires, na nanguno sa PRO slate kasama si Gabriela Michetti na running-mate. Sa unang ronda ng halalan noong 2 Hunyo 2007, nanalo siya ng 45.6% boto. Ang inkumbido na si Jorge Telerman naman ay nasa ikatlong puwesto. Ginanap noong 24 Hunyo 2007 ang halalang runoff sa pagitan ni Macri at Filmus, na nagresulta sa tagumpay ni Macri na may 60.96% ng mga boto.[9][10]

Mariing naisuri ang pagkapanalo ni Mauricio Macri bilang isang pagkatalo para kay Pangulong Néstor Kirchner na nagpaganap sa inihalal na alkalde na maging isang pinuno oposisyong kanang-gawi (right-wing), na nanatiling wala sa ayos pagkatapos ng krisis-politikal sa Arhentina noong kalaunan ng 2001.[11] Ang nakitang dagok sa suportang political ni Kirchner ay pinalakas ng panlalawigang halalan sa Tierra del Fuego, na ginanap noong araw na iyon, kung saan ang isa pang kandidato ay patalikod na tinulungan ng pambansang pamahalaang natala kay Fabiana Ross.

Nagsagawa ng alyansa si Mauricio Macri kayla Francisco de Narváez at Felipe Solá para sa 2009 halalan. Matagumpay naman ang alyansa, habang natalo ni Nervaez Kirchner sa Lalawigan ng Bueos Aires at si Gabriela Michetti, kandidata ni Macri, ay nanalo sa halalan sa Lungsod ng Buenos Aires. Kaya naman tinuring si Macri na isang kandidato na disputahin ang pagkapangulo sa halalan noong 2011. Subalit, pinasimulan ang panahon ng halalan 2011 ng pagsang-ayon ni Fernandez na may halos 58 bahagdan,[12] at ang polling na nagbibigay ng indikasyon na maaari siyang muling mahalal sa unang ronda.[13]

Noong 2011, sa halip na tumakbo para sa pagka-pangulo, tumakbo siyang muli bilang alkalde. Nanalo siya sa unang ronda ng halalan noong 10 Hulyo 2011, na may 47.08% ng boto laban kay Filmus na may 27.78% at si Fernando "Pino" Solanas bilang kanyang mga pangunahing katunggali, at nanalo sa runoff laban kay Filmus uli nonog 31 Hulyo, na noon ay nagkamit ng 64.25% ng mga boto.[14]

  1. 1.0 1.1 Mauricio Macri's curriculum vitae Naka-arkibo 2007-06-27 sa Wayback Machine. PDF
  2. "''Río Negro'': Detuvieron a ex comisario por el secuestro de Macri" (sa wikang Kastila). Rionegro.com.ar. Inarkibo mula sa orihinal noong 2017-02-27. Nakuha noong 2012-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Faries, Bill (2007-06-25). "June 25, 2007 - Kirchner's Argentina Electoral Losses Fuel Opposition". Bloomberg.com. Nakuha noong 2012-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Murphy, Martin (2007-06-25). "Americas | Profile: Mauricio Macri". BBC News. Nakuha noong 2012-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Macri's profile". Terra.com.ar. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-05-27. Nakuha noong 2012-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "El gurú de Macri y De Narváez reparte consejos a los políticos". edant.clarin.com. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2015-11-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Macri y Sobisch unen fuerzas con la vista puesta en el 2007". Clarin.com. 2005-03-16. Inarkibo mula sa orihinal noong 2007-08-28. Nakuha noong 2012-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Macri volvió a tomar distancia del gobernador Jorge Sobisch - lanacion.com". Lanacion.com.ar. Nakuha noong 2012-07-31.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  9. Bloomberg.com, 4 June 2007. Macri Expects Run-Off Election Win After First Round Victory.
  10. BBC News, June 25, 2007. Profile: Mauricio Macri.
  11. Bloomberg.com, June 25, 2007. Kirchner's Argentina Electoral Losses Fuel Opposition.
  12. "La imagen positiva de Fernández sube a niveles de comienzos de su Gobierno". Agencia EFE. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-08-29. Nakuha noong 2015-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Cristina, en todas las encuestas, gana cómoda en primera vuelta". Diagonales. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-04. Nakuha noong 2015-11-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. lanacion.com, July 31, 2011. estableció un nuevo récord en la ciudad Naka-arkibo 2017-01-09 sa Wayback Machine.

Kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga tungkuling pampolitika
Sinundan:
Jorge Telerman
Hepe ng Pamahalaan ng Buenos Aires
2007–2015
Susunod:
Horacio Rodríguez Larreta
Sinundan:
Cristina Fernández de Kirchner
Pangulo ng Arhentina
2015–kasalukuyan
Kasalukuyan