Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Mga Subdibisyon ng Rusya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Nahahati ang Rusya sa ilang uri at antas ng mga subdibisyon.

Mga kasakupang pederal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga kasakupang pederal ng Russia bago ang pagdaragdag ng Republika ng Crimea at ng pederal na lungsod ng Sevastopol noong 2014

Mula Marso 18, 2014, binubuo ang Pederasyon ng Rusya ng walumpu't limang kasakupang pederal na manghahalal na miyembro (constituent member) ng Pederasyon.[1] Gayunman, dalawa nitong mga kasakupang pederal—ang Republika ng Crimea at ang pederal na lungsod ng Sevastopol—ay internasyonal na kinikilala bilang bahagi ng Ukranya. Pantay-pantay ang pederal na karapatan ng lahat ng mga kasakupang pederal sa diwa na pantay-pantay ang kani-kanilang representasyon—tig-dadalawang delegado—sa Konseho ng Pederasyon (mataas na kapulungan ng Kapulungang Pederal). Gayunpaman, iba-iba ang kanilang ikinagagalak na antas ng awtonomiya.

Mayroong 6 uri ng kasakupang pederal—22 republika, 9 krai, 46 oblast, 3 pederal na lungsod, 1 awtonomong oblast, at 4 awtonomong okrug.

Ang mga awtonomong okrug lamang ang may kakaibang katayuan ng pagiging pederal na kasakupan sa sari-sariling pamamaraan nila, subalit kasabay nito, itinuturing din ang mga ito bilang mga dibisyong administratibo ng mga iba pang kasakupang pederal (Awtonomong Okrug ng Chukotka ang tanging pagbubukod dito).

Pagsasanib ng Crimea ng 2014

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Noong ika-18 ng Marso, 2014, bilang bahagi ng pagsasanib ng Crimea at kasunod ng pagtatatag ng Republika ng Crimea (isang hiwalay na entidad na kinikilala lamang ng Rusya), nilagdaan ang isang kasunduan sa pagitan ng Rusya at Republika ng Crimea kung saan inilakip ang Republika ng Crimea at ang Lungsod ng Sevastopol bilang mga manghahalal na miyembro ng Pederasyon ng Rusya.[2] Ayon sa Kasunduan, tinatanggap ang Republika ng Crimea bilang kasakupang pederal na may katayuan ng republika habang katayuan ng pederal na lungsod ang natanggap ng Lungsod ng Sevastopol.[2] Ni ang Republika ng Crimea o ang lungsod ng Sevastopol ay kinikilala sa politika bilang mga bahagi ng Rusya ayon sa pandaigdigang batas[3] at karamihan ng mga bansa.[4]

Mga dibisyong administratibo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bago ang pagpapatibay sa Saligang Batas ng Rusya ng 1993, pinangasiwaan ang istrakturang pang-administratibo-teritoryal ng Rusya ng Dekreto ng Presidium ng Sobyet Supremo ng RSFSR ng ika-17 ng Agosto, 1982 "Patungkol sa Pamamaraan ng Pakikitungo sa mga Usapin ng Istrakturang Pang-administratibo-teritoryal ng RSFSR".[5] Gayunman, hindi itinukoy ng Saligang Batas ng 1993 ang mga usapin ng dibisyong administrabong-teritoryal bilang pananagutan ng pamahalaang pederal ni bilang panlahatang pananagutan ng pamahalaang pederal at ng mga kasakupan. Binigyang-kahulugan ito ng mga pamahalaan ng mga kasakupang pederal bilang tanda na ang mga usapin ng dibisyong administratibo-teritoryal ay naging responsibilidad lamang ng mga kasakupang pederal.[5] Bilang resulta, magkakaiba-iba ang mga modernong istrakturang pang-administratibo-teritoryal ng mga kasakupang pederal mula sa isa't isa. Habang malaki ang pagkakaiba ng mga detalye ng pagsasakatuparan, sa pangkalahatan, gayunpaman, kinikilala ang mga sumusunod na uri ng dibisyong administratibo na may mataas na antas:

Ang mga awtonomong okrug at okrug ay mga namamagitang yunit ng mga dibisyong administratibo, na kinabibilangan ng ilan sa mga distrito ng kasakupang pederal at mga lungsod/bayan/pamayanang uring-urbano na mahalaga sa mga kasakupang pederal.

  • Ang mga awtonomong okrug, habang nasa ilalim ng kapamahalaan ng isa pang kasakupang pederal, ay kinikilala pa rin ng saligang batas bilang mga kasakupang pederal sa sari-sariling karapatan nila. Eksepsyon dito ang Awtonomong Okrug ng Chukotka dahil hindi ito napapailalim nang administratibo sa alinpamang kasakupang pederal ng Rusya.
  • Kadalasan, ang mga okrug ay mga dating awtonomong okrug na nawalan ng katayuan bilang kasakupang pederal dahil sa pagsasama nito sa iba pang kasakupang pederal.

Karaniwan, kinabibilangan ang mga mas mababang antas na dibisyong administratibo ng:

Mga dibisyong munisipal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa paglipas ng repormasyon sa munisipyo ng Rusya ng 2004–2005, kinailangan ng lahat ng mga kasakupang pederal ng Rusya na gawing mas simple ang mga istruktura ng lokal na sariling pamamahala, na ginagarantiya ng Saligang Batas ng Rusya. Minandato ng reporma na magkaroon ang bawat kasakupang pederal ng nagkakaisang istruktura ng mga lawas ng pamahalaang munisipal bago mag-Enero 1, 2005, at nagkabisa ang batas na nagpapatupad ng mga probisyon ng reporma noong Enero 1, 2006. Ayon sa batas, ang mga yunit ng dibisyong pangmunisipyo (tinatawag na "pormasyong munisipal") ay ang sumusunod:[6]

  • Distritong munisipal, isang grupo ng mga pamayanang uring-urbano at uring-rural, kadalasan sa mga teritoryo sa pagitan ng mga pampamayanan. Sa katunayan, madalas binubuo ang mga distritong munisipal sa mga hangganan ng mga umiiral na distritong administratibo (mga raion).
  • Okrug urbano, isang pamayanang urbano na hindi isinama sa isang distritong munisipal. Sa katunayan, madalas binubuo ang mga urbanong okrug sa mga hangganan ng mga umiiral na mga lungsod na mahalaga sa mga kasakupang pederal.
  • Teritoryong intra-urbano (intra-urbanong pormasyong munisipal) ng isang pederal na lungsod, isang bahagi ng teritoryo ng pederal na lungsod. Sa Mosku, ang mga ito ay tinatawag na mga pormasyong munisipal (na katumbas sa mga distrito); sa San Petersburgo—mga munisipal na okrug, bayan, at pamayanan. Sa Sevastopol (na matatagpuan sa Tangway ng Crimea, na pinagtatalunang teritoryo ng Rusya at Ukranya), kilala ang mga ito bilang mga munisipal na okrug and bayan.[7]

Ang mga teritoryo na hindi kasama bilang bahagi ng mga pormasyong munisipal ay kilala bilang mga teritoryo sa pagitan ng mga pamayanan (inter-settlement territory).

Sinusugan ang Batas Pederal noong ika-27 ng Mayo, 2014 upang isama ang mga bagong uri ng mga dibisyong munisipal:[8]

  • Okrug urbano na may mga dibisyong intra-urbano, isang okrug urbano na nahahati sa mga distritong intra-urbano sa mas mababang antas sa herarkiya ng munisipyo
    • Distritong intra-urbano, isang pormasyong munisipal sa loob ng okrug urbano na may mga dibisyong intra-urbano. Karaniwang naitatatag itong uri ng pormasyong munisipal sa mga hangganan ng umiiral na distrito ng lungsod (yaon ay, mga dibisyong administratibo sa ilan sa mga lungsod na mahalaga sa mga kasakupang pederal).

Noong Hunyo 2014, ang Okrug Urbano ng Chelyabinsky ang naging unang okrug urbano na nagpatupad ng mga dibisyong intra-urbano.[9]

Idinagdag ng lehislasyong pederal na ipinakilala noong Mayo 1, 2019 ang isa pang yunit ng teritoryo:[10]

  • Okrug munisipal, isang pangkat ng mga iilang pamayanan na walang estadong munisipal. Pormal na ginagamit ng mga okrug munisipal ang lokal na sariling pamamahala sa pamamagitan ng direktang paraan o elektoral at iba pang mga institusyon.

Mga iba pang uri ng subdibisyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga distritong pederal

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga distritong pederal

Nakagrupo ang lahat ng mga kasakupang pederal sa walong distritong pederal,[11] bawat isa pinamamahalaan ng isang sugo na hinirang ng Pangulo ng Rusya. Nagsisilbi ang mga sugo ng mga kasakupang pederal bilang mga pag-uugnayan sa pagitan ng mga kasakupang pederal at ng pamahalaang pederal at may pananagutan sa pangagasiwa ng pagtalima ng mga kasakupang pederal sa mga batas pederal.

Mga rehiyong pang-ekonomiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga rehiyong pang-ekonomiko ng Rusya

Para sa mga layuning pang-ekonomiya at pang-estadistika, nakagrupo ang mga kasakupang pederal sa labindalawang rehiyong pang-ekonomiko.[12] Nakagrupo naman ang mga rehiyong pang-ekonomiko at ang mga bahagi nito na may katulad na takbo-ekonomiya sa mga sonang at makrosonang ekonomiko.

Mga distritong panghukbo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga distritong panghukbo ng Rusya

Para makabigay ang Sandatahang Lakas ng episyenteng pangangasiwa ng mga pangkat-militar, kani-kanilang pagsasanay, at mga iba pang aktibidad sa pagpapatakbo, nakagrupo ang mga kasakupang pederal sa limang distritong panghukbo.[13] Tumatakbo ang bawat distritong panghukbo sa ilalim ng pangunguna ng punung-himpilan ng distrito, na pinamumunuan ng komandante ng distrito, at nakabababa sa Kawani Heneral ng Sandatahang Lakas ng Pederasyon ng Rusya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Saligang Batas, Artikulo 65
  2. 2.0 2.1 Kremlin.ru. "Договор между Российской Федерацией и Республикой Крым о принятии в Российскую Федерацию Республики Крым и образовании в составе Российской Федерации новых субъектов" ("Kasunduan sa pagitan ng Pederasyon ng Rusya at Republika ng Crimea ukol sa Pag-akyat tungo sa Pederasyon ng Rusya at Republika ng Crimea at ukol sa Pagtatatag ng mga Bagong Kasakupan sa loob ng Pederasyon ng Rusya") (sa Ruso)
  3. http://www.un.org/en/ga/search/view_doc.asp?symbol=A/RES/68/262
  4. "Putin signs Crimea treaty, will not seize other Ukraine regions" Naka-arkibo 2014-03-18 sa Wayback Machine. ["Nilagdaan ni Putin ang kasunduan ng Crimea, hindi sasakupin ang mga iba pang rehiyon ng Ukranya"] (sa wikang Ingles), Reuters, Marso,18 2014.
  5. 5.0 5.1 "Энциклопедический словарь конституционного права". Статья "Административно-территориальное устройство". Сост. А. А. Избранов. — Мн.: Изд. В.М. Суров, 2001.
  6. Государственная Дума Российской Федерации. Федеральный Закон №131-ФЗ от 6 октября 2003 г. «Об общих принципах организации местного самоуправления в Российской Федерации», в ред. Федерального Закона №243-ФЗ от 28 сентября 2010 г. (State Duma of the Russian Federation. Federal Law #131-FZ of 6 October 2003 On the General Principles of Organization of the Local Self-Government in the Russian Federation, as amended by the Federal Law #243-FZ of 28 September 2010. ).
  7. Law #17-ZS
  8. Федеральный Закон №136-ФЗ от 27 мая 2014 г. «О внесении изменений в статью 26.3 Федерального Закона "Об общих принципах организации законодательных (представительных) и исполнительных органов государственной власти субъектов Российской Федерации" и Федеральный Закон "Об общих принципах организации местного самоуправления в Российской Федерации"». Вступил в силу со дня официального опубликования. Опубликован: Официальный интернет-портал правовой информации http://www.pravo.gov.ru, 27 мая 2014 г. (Federal Law #136-FZ of 27 May 2014 On Amending Article 26.3 of the Federal Law "On the General Principles of Organization of Legislative (Representative) and Executive Bodies of State Power in the Subjects of the Russian Federation" and the Federal Law "On the General Principles of Organization of the Local Self-Government in the Russian Federation". Effective as of the day of the official publication.).
  9. Законодательное Собрание Челябинской области. Закон №706-ЗО от 10 июня 2014 г. «О статусе и границах Челябинского городского округа и внутригородских районов в его составе». Вступил в силу со дня официального опубликования. Опубликован: "Южноуральская панорама", №87 (спецвыпуск №24), 14 июня 2014 г. (Legislative Assembly of Chelyabinsk Oblast. Law #706-ZO of 10 June 2014 On the Status and Borders of Chelyabinsky Urban Okrug and the City Districts It Comprises. Effective as of the day of the official publication.).
  10. Государственная Дума Российской Федерации. Федеральный Закон №87-ФЗ от 1 мая 2019 г. «О внесении изменений в Федеральный закон "Об общих принципах организации местного самоуправления в Российской Федерации"». (State Duma of the Russian Federation. Federal Law #87-FZ of May 1, 2019 On Changes to the Federal Law "On General Principles of the Organization of Local Self-Government in the Russian Federation". ).
  11. Президент Российской Федерации. Указ №849 от 13 мая 2000 г. «О полномочном представителе Президента Российской Федерации в федеральном округе». Вступил в силу 13 мая 2000 г. Опубликован: "Собрание законодательства РФ", №20, ст. 2112, 15 мая 2000 г. (President of the Russian Federation. Decree #849 of May 13, 2000 On the Plenipotentiary Representative of the President of the Russian Federation in a Federal District. Effective as of May 13, 2000.).
  12. "Общероссийский классификатор экономических регионов" (ОК 024-95) введённый 1 января 1997 г., в ред. Изменения № 05/2001. Секция II. Экономические районы (Russian Classification of Economic Regions (OK 024-95) of January 1, 1997 as amended by the Amendments #1/1998 through #5/2001. Section II. Economic Regions)
  13. Президент Российской Федерации. Указ №900 от 27 июль 1998 г. «О военно-административном делении Российской Федерации», в ред. Указа №1144 от 20 сентябрь 2010 г. Вступил в силу 27 июль 1998 г.. (President of the Russian Federation. Decree #900 of July 27, 1998 On Military Administrative Division of the Russian Federation, as amended by the Decree #1144 of September 20, 2010. Effective as of July 27, 1998.).
  • 12 декабря 1993 г. «Конституция Российской Федерации», в ред. Федерального конституционного закона №7-ФКЗ от 30 декабря 2008 г. Вступил в силу со дня официального опубликования. Опубликован: "Российская газета", №237, 25 декабря 1993 г. (December 12, 1993 Constitution of the Russian Federation, as amended by the Federal Constitutional Law #7-FKZ of December 30, 2008. Effective as of the official publication date.).
[baguhin | baguhin ang wikitext]