Momentum
Itsura
Momentum | |
---|---|
Mga kadalasang simbulo | p, p |
Yunit SI | kg⋅m/s |
Ibang yunit | slug⋅ft/s |
Napapanatili? | Oo |
Dimensiyon | MLT−1 |
Sa klasikong mekaniks, ang momentum ang produkto ng masa(mass) at belosidad ng isang obhekto(bagay) na inilalarawan ng pormulang: . Tulad ng belosidad, ang momentum ay isang bektor na Euclidiano na nagtataglay ng direksiyon gayundin ng magnitudo. Ang momentum ay isang konserbadong kantidad na ang ibig sabihin ay kung ang isang saradong sistema ay hindi apektado ng mga panlabas na puwersa, ang kabuuang momentum nito ay hindi magbabago. Ang momentum ay minsan tinutukoy na linyar na momentum upang ibukod sa angular na momentum.