Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Motel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang motel sa Austriya.

Ang motel ay isang uri ng hotel o tuluyan[1] para sa mga nagmamanehong motorista, na karaniwang may tuwirang daanan o pasukan papunta sa isang bukas na pook na paradahan o kaya isang garahe, isang puwang o espasyong malapit sa bawat silid ng nasabing gusali.[2] Nagmula ang pangalang ito sa pinagsamang mga salitang "motor"  – tumutukoy sa sasakyang may mga gulong tulad ng kotse at motorsiklo  – at "hotel")[1], na naging kasingkahulugan ng pariralang "hotel para sa mga motorista" o "hotel para sa mga nagmamaneho ng sasakyang de-gulong".

Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, unang tumutukoy ang salitang motel sa isang uri ng hotel na binubuo ng isang isahang gusaling may magkakadikit na mga silid na may mga pintong nakaharap sa isang loteng paradahan ng mga sasakyan at, sa ilang mga pagkakataon, isang pambalana o pampublikong lugar; o isang sunud-sunod na maliliit na mga kabinang may pangmadlang garahihan. Sa Estados Unidos, nang magsimulang umunlad ang sistema ng punong lansangan noong dekada ng 1920, naging mas pangkaraniwan ang malayuang paglalakbay sa mga lansangan na kaagapay ang pangangailangan ng mura at madaling mapuntahang mga akomodasyon o lugar na matutulugan na malapit sa mga pangunahing mga ruta, kaya't nabunsod ang pagkakaroon ng diwa ng motel.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Motel, motor + hotel - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Motel". Hammond Quick & Easy Notebook Reference Atlas & Webster Dictionary. Hammond, ISBN 0843709227., pahina 74.
  3. Jackson, Kristin (25 Abril 1993). "The World's First Motel Rests Upon Its Memories". Seattle Times. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-07-01. Nakuha noong 2008-04-02. {{cite web}}: Unknown parameter |= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)

Arkitektura Ang lathalaing ito na tungkol sa Arkitektura ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.