Naro
Naro | |
---|---|
Comune di Naro | |
Tanaw mula sa kastilyo | |
Mga koordinado: 37°18′N 13°48′E / 37.300°N 13.800°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Sicilia |
Lalawigan | Agrigento (AG) |
Lawak | |
• Kabuuan | 207.49 km2 (80.11 milya kuwadrado) |
Taas | 600 m (2,000 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 7,580 |
• Kapal | 37/km2 (95/milya kuwadrado) |
Demonym | Naresi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 92028 |
Kodigo sa pagpihit | 0922 |
Santong Patron | San Calogero |
Saint day | Hunyo 18 |
Websayt | Opisyal na website |
Ang Naro (Siciliano: Naru) ay isang komuna sa Malayang Konsorsiyong Komunal ng Agrigento, sa isla ng Sicilia, Italya. Ito ay may hangganan sa mga komuna ng Agrigento, Caltanissetta, Camastra, Campobello di Licata, Canicattì, Castrofilippo, Delia, Favara, Licata, Palma di Montechiaro, Ravanusa, at Sommatino . Ang naturalisadong Pranses na kompositor na si Achille Campisiano (1837–1901) ay isinilang sa nayong ito. Ito rin ang lugar ng kapanganakan ng mananawit ng Il Volo na si Piero Barone.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagkaroon na ng mga kabahayan sa pook ng Naro noong panahong Romano, na kung saan nananatili tulad ng mga katakumba at mga pook na katatagpuan ng mga guho ng mga Romanong villa. Ito ay isang mahalagang pinatibay na bayan sa panahon ng Arabe at pananakop ng Normando, at nanatiling isang sentral na rehiyon. Ang kastilyong medyebal, ang guho ng simbahang Normando at maraming barokong gusali ay nagpatotoo sa mayamang kasaysayan nito.
Nong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Naro ay napinsala ng mga pambobomba mula sa himpapawid.
Ang Naro ay sikat sa pagdiriwang ng lokal na santong patron, San Calogero, na ipinagdiriwang tuwing Hunyo 18. Sa araw na ito, isang rebulto ng Santo ay ipinaparada sa mga kalye ng lungsod sa isang prusisyon kasama ang maraming kalahok.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ISTAT
Mga panlabas na link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- May kaugnay na midya ang Naro sa Wikimedia Commons