Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Ne Win

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ne Win
Ne Win (kanan)
Kapanganakan24 Mayo 1911
  • (Pyay District, Bago Region, Myanmar)
Kamatayan5 Disyembre 2002
  • (Yangon Region, Myanmar)
MamamayanMyanmar
NagtaposPamantasan ng Yanggon
Trabahoopisyal, politiko
OpisinaPunong Ministro ng Myanmar (29 Oktubre 1958–4 Abril 1960)
Pirma

Si Ne Win (Mayo 24 o 14 Mayo 1911 o kaya 10 Hulyo 1910 – 5 Disyembre 2002), kilala rin sa kanyang pangalan noong ipinanganak na Maung Shu Maung, ay isang Burmes na politiko, heneral[1], at komander ng militar. Naglingkod siya bilang Ministro ng Pagtatanggol o Depensa ng Burma.[1] Siya ang Punong Ministro ng Burma magmula 1958 magpahanggang 1960 at mula 1962 hanggang 1974, at naging ulo ng estado mula 1962 hanggang 1981. Naging Pangulo siya ng Burma pagkaraan ng isang hindi madugong kudeta noong 1962, kung kailan naialis sa tungkulin ng pagkapangulo si U Nu.[1] Siya rin ang tagapagtatag ng Partidong Programang Sosyalista ng Burma at naging tagapangasiwa nito mula 1963 hanggang 1988. Ang partidong ito ang nag-iisang partidong pampolitika sa Burma mula 1964 hanggang 1988.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 "Ne Win, Maung Shu Maung". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik na N, pahina 440.


TalambuhayPolitikaMyanmar Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Politika at Myanmar ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.