Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Neuroplastisidad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hinahamon ng konsepto ng neyuroplastisidad ang diwang ang mga tungkulin ng utak ay nananatili lamang sa mga tiyak na mga lokasyon.

Ang neyuroplastisidad o neuroplastisidad[1] (mula sa Ingles: unlaping neuro, hinggil sa hinggil sa nerve o ugat-pandama at nervous system, ang sistemang nerbyos, at plasticity o plastik, plastik, "madaling ihubog o ihulma"[1]) ay ang pagbabago ng istruktura at silbi ng mga selula ng utak pagkatapos ng isang karanasan. Laganap ang paksang ito dahilan sa kapansin-pansing mabilis na pagbabago sa utak ng isang tao sa murang panahon mula sa panahon ng pagdadalang tao ng ina. Dagdag pa rito ang mga pag-inam ng utak pagkatapos ng mga malubhang aksidente na nagdudulot ng pagkawala ng mga selula. Tinatawag ding plastisidad ng utak (kalambutan o kaplastikan ng utak), plastisidad na kortikal, muling pagmamapang kortikal o muling pagtutugma sa kayarian at organisasyon ng utak. Itinuturing na pinasimulan ng Polakong neurosiyentipikong si Jerzy Konorski ang paggamit ng salitang plastisidad kaugnay prosesong pang-neyuron (neyuronal).[2]

Isa sa mga maimpluwensiyang bagay na makapagsasabi na ang pagbabagong ito ng utak ay mangyayari ay ang edad ng isang tao. Mas malaki ang pagkakataon na pagkatapos ng isang aksidente, gagaling ang biktima kung siya ay nasa batang edad.

Ang pagtubo at pagbubuo ng mas maraming sangay ng mga neyuron ang nagiging sanhi ng neyuroplastisidad. Sa paglaganap ng mga neyuron ay nakakatagpo nila ang marami pang mga neyuron na sa dami ay nagtatala ng isang daang bilyon sa utak ng tao. Habang bata pa ang tao, mas maraming mga neuron at mga sinapses (ang makipot na daan sa pagitan ng mga neyuron para sa pakikipag-ugnayan ng mga ito). Dahilan dito, maraming pagkakataon na magbago ang kayarian ng utak sa lalong madaling panahon kung kinakailangan—tuwing may aksidente o tuwing may bagong natututunan o natutunghayan ang isang tao. Sa katunayan, maaari nating sabihing nagaganap ang neyuroplastisidad sa oras na matapos ang ating pag-aaral ng isang leksiyon.

Dahil sa neyuroplastisidad ng mga siyentipiko, mayroon tayong mga maaaring gawin upang mapagaling ang mga malalang kundisyon ng utak tulad ng karamdaman ni Alzheimer, karamdaman ni Parkinson, istrok, mga kundisyong dulot ng mga hene (karamdaman ni Huntington). Para maisagawa ang paggaling mula sa mga sakit na ito, kinakailangan ang iba't ibang paraan. Isa na rito ang paglalagay ng mga sangang-selula, mga selula na maaaring maging kahit anong uri ng selula bago ito utusan ng mga taglay na hene. Maliban pa rito ang pagpapadaloy ng kuryente sa mga akson na gamit ang mga elektrowd na may resulta nang pagtubo ng mga akson. Ang mga paktor sa paglaki ng nerb ay maaari ring gamitin upang mapadali ang pagtubo at pagtatag ng mga neyuron sa utak.

  1. 1.0 1.1 "Neuro" at "plasticity" Naka-arkibo 2011-07-11 sa Wayback Machine., Gabby's Dictionary, GabbyDictionary.com
  2. "Synaptic Self", Joseph LeDoux 2002, p. 137