Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Ninuno

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang angkan, kanunununuan, o ninuno ay ang mga pinagmulang lahi ng isang tao, hayop o maging ng mga halaman. Isa rin itong magulang o (sa rekursibo) ang magulang ng isang nuno (i.e., a lolo o lola, lolo sa tuhod o lola sa tuhod at kalololohan o kalolalolahan).

Mayroong kaugnayang henetiko ang dalawang indibiduwal kung isa sa kanila ay ninuno ng isa, o kung magpareho sila ng karaniwang ninuno. Sa teoriyang ebolusyon, sinasabing may karaniwang pinagmulan ang dalawang uri ng hayop na may magkatulad na ebolusyonaryong ninuno. Bagaman, hindi nailalapat ang konsepto na ito sa ilang mga bakterya at ibang organismong may kakahayan na maglipat ng hene sa pahalang na paraan.

Mapapansin sa Bagong Tipan ng Bibliya ang ilang kaparaanan sa pagtunton ng mga ninuno. Sa Ebanghelyo ni Mateo, ginamit ang paraang magmula kay Abraham hanggang kay Hesus, na tinunton ang mga lahing legal. Samantala, sa Ebanghelyo ni Lukas, ginamit ang sistemang mula kay Hesus patungong pabalik kay Abraham, at tinunton ang lahing natural o likas.[1]

Ang ninuno ay isang malaking buto.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Pagtunton sa mga ninuno". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa 23, pahina 1516.