Niyoki
Niyoki (Italyano: gnocchi; Kastila: ñoqui) ang katawagan para sa sari't saring uri ng mga malalambot na luglog o siyomay. Maaaring magawa ang mga ito sa semola, arina, patatas, giniling na tinapay, at iba pa.
Ang gnocchi ang anyong pangmaramihan ng gnocco, na nangangahulugang "bukol" sa Italyano, at nagmula sa salitang nocchio, isang buhol sa kahoy.[1] Ito'y naging isang tradisyonal na uri ng Italyanong pasta mula noong panahon pang Romano at na maaaring nagmula sa Gitnang Silangan.[2] Dinala ito ng mga Romanong lehyonaryo noong malakihang paglawang ng imperyo sa mga bansa ng Europa. Sa nakaraang 2,000 taon nakapaggawa ang bawat bansa ng sari-sarili nitong mga syomay, at ang sinaunang niyoki ang iisang pinagmulan nilang lahat. Noong panahong Romano, gawa ang niyoki sa isang malalugaw na masa ng semola na hinaluan ng mga itlog, at matatagpuan pa rin ang mga magkasintulad na anyo sa panahong ito, partikular na sa Sardegna. Ang isang anyo, ang gnocchi di pane (lit. "niyoki na gawa sa tinapay"), ay gawa sa giniling na tinapay at popular sa Friuli at Trentino-Alto Adige. May pagkakamakailan lamang ang paggamit ng patatas, na nangyari lamang pagkatapos unang maipasok ang patatas sa Europa sa ika-16 dantaon.[3]
Kinakain ang mga niyoki bilang mga pampagana (primo piatto) sa Italya o bilang mga alternatibo sa mga sabaw o pasta.
Mabibili ang niyoki bilang tuyo, nakayelo, o sariwa sa mga supermarket o malalaking pamilihan at sa mga tindahan ng mga pinagdalubhasaang Italyano. Nasasama sa mga klasikong katapat ng niyoki ang sarsa ng kamatis, pesto, at tunaw na mantekilya (na minsa'y piniprito) at keso.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Oxford English Dictionary. 1989. 2nd ed.
- ↑ Serventi & Sabban 2002:17
- ↑ Theisen, K. "World Potato Atlas: China - History and Overview". International Potato Center.