Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Norman Foster Ramsey, Jr.

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Norman Foster Ramsey
Kapanganakan27 Agosto 1915
  • (District of Columbia, Estados Unidos ng Amerika)
Kamatayan4 Nobyembre 2011[2]
MamamayanEstados Unidos ng Amerika[3]
NagtaposUnibersidad ng Cambridge[4]
Columbia University
Trabahopisiko,[5] propesor ng unibersidad

Si Norman Foster Ramsey, Jr. (Agosto 27, 1915 – Nobyembre 4, 2011) ay isang Amerikanong pisiko na nagawaran ng Gantimpalang Nobel sa Pisika noong 1989, kasama ni Hans G. Dehmelt mula sa Pamantasan ng Washington, para sa pagkakaimbento ng metodo ng nakahiwalay na hanay na oskilatoryo o separated oscillatory field method, na nagkaroon ng mahalagang paglalapat o paggamit sa pagbubuo ng mga orasang atomiko. Nagtrabaho si Ramsey bilang isang propesor sa Pamantasan ng Harvard sa halos kabuuan ng kaniyang larangan. Humawak din siya ng ilang mga puwesto sa ilang mga ahensiyang pampamahalaan at internasyunal, katulad ng NATO at ng Komisyon sa Enerhiyang Atomika ng Estados Unidos. Kabilang sa kaniyang mga nakamit ang pagtulong sa pagtatatag ng Pambansang Laboratoryo ng Brookhaven at Fermilab ng Kagawaran ng Enerhiya ng Estados Unidos.

PisikaEstados Unidos Ang lathalaing ito na tungkol sa Pisika at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. "Norman Ramsey dies at 96; Nobel winner's work led to MRI machines"; inilimbag sa: Los Angeles Times; petsa ng paglalathala: 9 Nobyembre 2011.
  2. "Norman Ramsey Dies at 96; Work Led to the Atomic Clock". 6 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. http://www.nndb.com/org/290/000161804/.
  4. "Norman Foster Ramsey, Jr". 16 Hulyo 2015. Nakuha noong 26 Agosto 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. http://www.nndb.com/gov/789/000055624/.