Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Obituwaryo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Obitwaryo)

Ang obituwaryo o bakting[1][2] ay bahagi ng pahayagan tungkol sa anunsiyo o balita sa kamatayan ng isang tao na nagbibigay pabatid sa publiko at naglalayong ipagbigay-alam sa mga kamag-anak, mga kaibigan, at kakilala ang kamatayan. Kadalasang mga pahayagan ang naglalathala ng mga obituwaryo bilang mga balitang artikulo. Bagaman madalas na nakatuon sa positibong aspeto noong nabubuhay pa ang namatay, hindi parati ganito ang kaso.[3] Sa isang pahayagang lokal, maaring ilathala ang obituwaryo ng kahit anumang lokal na residente na namatay na. Ang nekrolohiya ay isang rehistro o tala ng mga rekord ng mga namatay na tao na may kaugnayan sa isang partikular na organisasyon, pangkat o larangan, na maaring kaunti ang nilalamang detalye, o mga maliit na obituwaryo. Maaring maging mahalagang mapagkukunan ng impormasyon ang makasaysayang nekrolohiya.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Obituary, obituwaryo, baktin - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. Blake, Matthew (2008). "Obituary". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Obituary Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine..
  3. Hume, Janice. "Write ill of the dead? Obits rarely cross that taboo as they look for the positive in people's lives". The Conversation (sa wikang Ingles). Nakuha noong Abril 13, 2021.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)