Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

R. D. Blackmore

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
R. D. Blackmore
Kapanganakan7 Hunyo 1825
  • (Vale of White Horse, Oxfordshire, South East England, Inglatera)
Kamatayan20 Enero 1900[1]
  • (London Borough of Richmond upon Thames, Kalakhang Londres, London, Inglatera)
MamamayanUnited Kingdom of Great Britain and Ireland
Trabahomanunulat, nobelista, prosista, makatà, barrister

Si Richard Doddridge Blackmore (7 Hunyo[2] 1825 – 20 Enero 1900), na karaniwang tinatawag bilang R. D. Blackmore[2], ay isa sa pinakabantog na Ingles na mga nobelista ng ikalawang hati ng ika-19 daang taon. Sa kahabaan ng panahon ng kanyang larangan, nakakamit si Blackmore ng maraming mga tagasunod sa buong mundo. Nanalo siya ng parangal na pampanitikan para sa kanyang paglalarawan at personipikasyon ng kanayunan, kasama sa kahanay ni Thomas Hardy. Mayroon siyang karanasan sa Kanluraning Inglatera at malakas na tagpuang pangrehiyon sa kanyang mga akda.[3] Dahil sa kanyang mata para sa at simpatya sa kalikasan, nilarawan ng mga manunuri ng panitikan ang kanyang pagsusulat bilang isa sa pinakakahangahangang sangkap ng kanyang mga sulatin.

Kadalasang itinuturing bilang ang "Huling Biktoryano", gumanap si Blackmore bilang tagapagsimula ng bagong kilusang romantiko sa piksiyon na nagpatuloy kay Robert Louis Stevenson at iba pa.[2] Bagaman napakapopular noong kanyang panahon, malawakang ipinagwawalangbahala ang mga gawa ni Blackmore, maliban na lamang sa kanyang nobelang Lorna Doone, na naging tanyag. Nawala na sa larangan ng paglalathala ang iba pa niyang katawan ng mga akda. Ngunit pangunahing nananatili ang kanyang reputasyon sa romantikong akdang Lorna Doone sa kabila ng hindi ito ang kanyang paboritong personal.

Ipinanganak si Blackmore sa Longworth, Berkshire. Anak na lalaki siya ng isang bikaryo sa parokya ng pook na ito. Nag-aral siya sa Paaralan ni Blundell sa Tiverton. Maaga siya nag-asawa. Nakipag-isang dibdib siya sa isang Portugesa. Dahil sa maagang pag-aasawa at karamdamang tumagal ng mahabang panahon, dumanas siya ng kahirapan. Noong 1860, nagkaroon siya ng mabuting kapalaran, na naging dahilan ng kanyang pagkaaliw sa paghahalaman at panitikan. Una siyang nagsulat ng mga kuwentong sensasyonal na nasundan ng mga pangkasaysayang romansa. Noong 1869, naging bantog na nobelista siya dahil sa Lorna Doone: A romance of Exmoor, ang simula (kaugnay ng nabanggit na sa itaas) ng isang bagong kilusang romantiko sa larangan ng mga salaysayang kinathang-isip. Pinakatanyag sa kanyang mga bayaning babae si Lorna Doone. Kasama pa sa kanyang mga naisulat ang mga nobelang mayroon ding babaeng mga bayani o bida ang Cradock Nowell, ang Alice Lorraine, at ang The Maid of Sker ("Ang Binibini ng Sker"). Pumanaw siya noong 1900 habang nasa Teddington.[2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://data.bnf.fr/ark:/12148/cb120659967; hinango: 10 Oktubre 2015.
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Encyclopædia Britannica
  3. Michael Millgate, Thomas Hardy: A Biography (New York: Random House, 1982), 179, 249.

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


TaoInglateraPanitikan Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Inglatera at Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.