Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Random access memory

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Example of writable volatile random-access memory: Synchronous Dynamic RAM modules, primarily used as main memory in personal computers, workstations, and servers.

Ang Random-access memory (RAM) ay isang anyo ng imbakan ng datos ng kompyuter. Ang isang kasangkapang random access ay nag-iimbak ng datos na direktang makukuha sa anumang randomang pagkakasunod. Salungat, ang ibang mga media na imbakan ng datos gaya ng mga hard disk, mga CD, mga DVD at mga magnetic tape gayundin ang maagang mga pangunahing uri ng memorya ng kompyuter gaya ng drum memory ay nagbabasa at nagsusulat lamang ng datos sa isang naunang natukoy na pagkakasunod dahil sa mga limitasyon sa disenyong mekanikal at kaya ang panahon para makuha ang isang ibinigay na lokasyon ng datos ay iba iba depende sa lokasyong pisikal. Ngayon, ang mga random-access memory ay nasa anyo ng mga integrated circuit. Sa pagsasalitang strikto, ang mga modernong uri ng DRAM ay hindi random access dahil ang datos ay binabasa mga pagputok bagaman ang pangalan ayDRAM / RAM ay nanatili. Gayunpaman, ang maraming mga uri ng SRAM, ROM, OTP, at NOR flash ay mga random access pa rin kahit sa istriktong kahulugan. Ang RAM ay kadalasang nauugnay sa mga uring volatile ng memorya (gaya ng mga DRAM memory module) kung saan ang nakaimbak na impormasyon nito ay nawawala kapag ang kuryente ay pinatay. Maraming mga ibang uri ng mga hindi-volatile na memorya ay mga RAM rin kabilang ang karamihan ng mga uri ng ROM at isang uri ng flash memory na tinatawag na NOR-Flash. Ang mga unang RAM module na ipinagbili sa pamilihan ay nilikha noong 1951 at ipinagbili hanggang sa mga huli nang 1960 at maagang mga 1970.