Riddler
Si Riddler (Edward Nigma, kilala din bilang Edward Nygma o Edward Nashton) ay isang kathang-isip na supervillain na lumalabas sa komiks na nilalathala ng DC Comics, na nilikha nina Bill Finger at Dick Sprang. Una siyang lumabas sa Detective Comics #140 (Oktubre 1948).[1] Karaniwang isinasalarawan ang karakter bilang isang utak sa krimen sa Lungsod ng Gotham, na nasisiyahan sa paglalagay ng mga bugtong at palaisipan sa kanyang mga modus, na naiwan para maging isang palatandaan para lutasin ng mga awtoridad. Isa si Riddler sa mga pamalagiang kaaway ng superhero na si Batman at kabilang sa mga kolektibong mga kalaban niya.[2]
Noong 2009, nakaranggo si Riddler bilang ika-59 sa Pinakamagaling na Kontrabida sa Komiks sa Lahat ng Panahon ng IGN.[3] Nakaroon ng adapsyon ang karakter mula sa komiks tungo sa iba't ibang anyo ng medya, kabilang ang mga tinampok na pelikula, seryeng pantelebisyon, at mga larong bidyo. Kabilang sa mga nasa likod ng boses ni Riddler ay sina John Glover sa DC animated universe, Robert Englund sa The Batman, at Wally Wingert sa mga serye ng mga larong bidyo na Batman: Arkham. Sa totoong-tao o live-action, ang mga gumanap na Riddler ay sina Frank Gorshin at John Astin noong dekada 1960 sa seryeng pantelebisyon na Batman, Jim Carrey sa pelikula noong 1995 na Batman Forever, Cory Michael Smith sa seryeng pantelebisyon na Gotham at Paul Dano na gaganapin niya sa paparating na pelikulang The Batman.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Rovin, Jeff (1987). The Encyclopedia of Supervillains (sa wikang Ingles). New York: Facts on File. p. 299. ISBN 0-8160-1356-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Fleisher, Michael L. (1976). The Encyclopedia of Comic Book Heroes, Volume 1: Batman (sa wikang Ingles). Macmillan Publishing Co. pp. 315–317. ISBN 0-02-538700-6. Nakuha noong 29 Marso 2020.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Nasa numero 59 si Riddler Naka-arkibo 2009-05-11 sa Wayback Machine., IGN (sa Ingles).