Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Rolyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Rollo)
Bantayog ni Rolyon sa lungsod ng Falaise, Pransiya

Si Hrolf Ganger, o mas kilala bilang Rolyon (c. 846 - c. 932) (Pranses at Kastila: Rollon; Ingles: Rollo), bininyagang Roberto at kaya minsan ay kinikilala bilang Roberto I upang maiba sa kanyang mga supling, ay isang maharlikang Danes o di kaya'y Norwego at ang tagapagtatag at pinuno ng Bikinggong bayan na siyang naging Normandia. Ang kanyang mga supling ay naging mga duke ng Normandia.

Ang pangalang "Rolyon/Rollon/Rollo" ay ang isina-Latin na pangalang Iskandinabong Rolf, o Hrolfr sa Lumang Norwego. Pinakasalan niya si Poppa. Ang nalalaman lang tungkol kay Poppa ay siya'y isang Kristyana, at anak na babae ni Berengar ng Rennes, ang naunang pinuno ng Brittania Nova na siyang naging kanlurang Normandia.


Pransiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Pransiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.