Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Santa Muerte

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Babae ng Banal na Kamatayan
Nuestra Señora de la Santa Muerte
Close-up of a Santa Muerte south of Nuevo Laredo, Tamaulipas
Ibang mga pangalanLady of Shadows, Lady of Night, White Lady, Black Lady, Skinny Lady, Bony Lady, Mictēcacihuātl (Lady of the Dead)
AffiliationMaraming mga kapangyarihan kabilang ang pag-ibig, pagpapala, kalusugan, kayamanan, paggaling sa mga karamdaman, proteksiyon mula sa pangkukulam, proteksiyon sa karahasan sa pagbaril, proteksiyon laban sa marahas na kamatayan
SandataScythe
SymbolSi Santa Muerte
RehiyonSentral Amerika, Mehiko, Estaodos Unidos at Canada
Mga pistaAgosto 15
Prusisyon ng mga imahen ni Santa Muerte sa Tepito, Siyudad ng Mehiko.
Mga deboto ni Santa Muerte sa Mehiko.
Mga rebulto ni Santa Muerte sa Palengkeng Sonora sa Siyudad ng Mehiko.

Si Nuestra Señora de la Santa Muerte (Kastila: [ˈnwestra seɲora de la santa mweɾte]; Espanyol na ang ibig sabihin ay Ang Babae ng Banal na Kamatayan) o Santa Muerte ay isang santa, imahen pang-kultura at Diyosa sa relihiyong Mehikano na Katolisismo at neopaganismo.[1][2]:296–297 Si Santa Muerta ay isang personaipinasyon ng kamatayan at nauugnay sa paggaling sa karamdaman, proteksiyon at ligtas na paglalakbay sa kabilang buhay para sa mga deboto nito.[3] Sa kabila ng pagsalungat rito ng Simbahang Katoliko Romano[4] at mga ebanghelikal, ang kulto ng Santa ay lalong lumaki sa ika-21 siglo.[5]

Pamimintuho at pagsamba kay Santa Muerte

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang rebulto ng Pulang Santa Muerte.
Isang mananampalataya ni Santa Muerte na humihipo sa dambana nito sa Tepito, Siyudad ng Mehiko.
Mga kandila ng paghahandog kay Santa Muerte sa isang tindahang groseriya sa suburban Washington, D.C.

Ang ritwal na binibigay sa Ating Babae ng Banal na Kamatayan o Santa Muerte ay kinabibilangan ng mga prusisyon upang humingi ng pabor sa Santa. Ang ilang mga deboto niya ay nananatiling kasapi ng Simbahang Katoliko Romano ngunit ang milyong milyong mga tao ay tumiwalag na sa Simbahang Romano Katoliko at nagtatag ng mga simbahan ni Santa Muerte at mga templo nito. Ang mga dambana o altar ni Santa Muerte ay pinapalibutan ng mga sigarilyo, mga bulaklak, mga prutas, insenso, tubig, mga alak, mga barya, mga candy at mga kandila. Ayon sa paniniwala ng mga deboto ng Santa, siya ay napakamakapangyarihan at nagbibigay ng mga pabor sa mga sumasamba sa kanya. Ang kanyang mga imahen ay itinuturing na banal at nagbibigay milagro. Bilang Señora de la Noche ("Babae ng Gabi"), siya ay karaniwang sinasamo upang maiwasan ang mga banta sa gabi gaya sa mga tsuper ng taxi, mga pulis, sundalo at mga patutot. Sila ay naniniwalang iingatan ng Santa mula sa mga pananambang, mga aksidente, mga karahasan sa pagbaril at lahat ng mga mararahas na anyo ng kamatayan. Ang damit ng Santa ay iba iba kung ano ang hilingin ng mga deboto niya. Siya ay binibihisan ng mga damit gaya ng mga santa sa Katolisismo at mga damit ng mga madre.

Mga deboto ni Santa Muerte

Ang relihiyon ni Santa Muerte ay matatagpuan sa lahat ng sektor ng lipunang Mehikano mula sa mga ordinaryong trabahador hanggang sa mga mayayamang tao. Ang karamihan nito ay mga babae. Ang isang malaking mga tagasunod nito sa mga Mehiko ay dahil sa pagkadismaya ng mga Katoliko sa kawalang kakayahan ng mga santong Katoliko na iahon sila sa kahirapan. Ang phenomeno ng Santa ay batay sa mga mamamayang walang mga sapat na kabuhayan na hindi isinasama sa pormal na ekonomiya, hudikatura at edukasyon lalo na sa mga siyudad. Ang debosyon kay Santa Muerte ayon sa mga antropologo ay isang "Kulto ng Krisis". [3] Ang pagsamba kay Santa Muerte ay tumataas sa panahon ng kahirapan sa ekonomiya at sa mga relasyon sa lipunang Mehikano na may malaking epekto sa mga ordinaryong trabahador. Ang debosyon kay Santa Muerte ay umaakit sa mga mamamayan na nasa mga sitwasyong kadesperaduhan, kahirapan, kawalang pag-aasa ngunit ito ay matatagpuan rin sa mga propesyonal at mayayaman lalo na sa mga distrito na tinitirhan ng mga mayayaman sa Coyoacán at Condesa sa Lungsod ng Mehiko. [3] Ang karamihan sa mga tagasunod ni Santa Muerte ay mula sa itinakwil ng lipunan gaya ng mga gumagawa ng maliliit na krimen dahil sa desperasyon gaya ng mga magnanakaw o mandurukot at mga patutot at maging sa pamayanang LGBT.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Chesnut, R. Andrew (2016). "Healed by Death: Santa Muerte, the Curandera". Sa Hunt, Stephen J. (pat.). Handbook of Global Contemporary Christianity: Movements, Institutions, and Allegiance. Brill Handbooks on Contemporary Religion. Bol. 12. Leiden: Brill Publishers. pp. 336–353. doi:10.1163/9789004310780_017. ISBN 978-90-04-26539-4. ISSN 1874-6691.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Flores Martos, Juan Antonio (2007). "La Santísima Muerte en Veracruz, México: Vidas Descarnadas y Práticas Encarnadas". Sa Flores Martos, Juan Antonio; González, Luisa Abad (mga pat.). Etnografías de la muerte y las culturas en América Latina (sa wikang Kastila). Cuenca: Ediciones de la Universidad de Castilla–La Mancha. pp. 273–304. ISBN 978-84-8427-578-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 Chesnut 2018, pp. 6–7.
  4. Kingsbury and Chesnut 2019, The Church's life-and-death struggle with Santa Muerte, The Catholic Herald
  5. Chesnut, R. Andrew (26 Oktubre 2017). Santa Muerte: The Fastest Growing New Religious Movement in the Americas (Talumpati). Lecture. Portland, Oregon: University of Portland. Inarkibo mula sa orihinal noong 7 Pebrero 2021. Nakuha noong 14 Agosto 2021.{{cite speech}}: CS1 maint: date auto-translated (link)