Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Seychelles

Mga koordinado: 7°06′00″S 52°46′00″E / 7.1°S 52.76667°E / -7.1; 52.76667
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Seychelles

République des Seychelles
Republika, soberanong estado, island country, Bansa, archipelagic state
Watawat ng Seychelles
Watawat
Eskudo de armas ng Seychelles
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 7°06′00″S 52°46′00″E / 7.1°S 52.76667°E / -7.1; 52.76667
Bansa Seychelles
Itinatag29 Hunyo 1976
KabiseraVictoria, Seychelles
Bahagi
Pamahalaan
 • President of SeychellesWavel Ramkalawan
Lawak
 • Kabuuan459.0 km2 (177.2 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2017)[1]
 • Kabuuan95,843
 • Kapal210/km2 (540/milya kuwadrado)
WikaPranses, Ingles
Plaka ng sasakyanSY
Websaythttp://www.egov.sc/

Ang Republika ng Setselles (Creole: Repiblik Sesel) o Setselles ay isang bansa ng mga pulo sa Karagatang Indiyano, mga 1,600 km silangan ng pangunahing lupain ng Aprika, hilaga-silangan ng pulo ng Madagaskar. Kabilang sa mga kalapit na mga pulong bansa at teritoryo ang Marisyus at Réunion sa timog, Komoros at Mayot sa timog-kanluran, at Maldibas sa kanluran-silangan.

Hindi sigurado kung mga lahing Malay (o Austronesian) o mga Arabo ang unang naglayag sa Seselas. Noong 1502 unang nasaksihan ng mga Europeo ang kapuluan sa pamamagitan ng Portuges na si Admiral Vasco da Gama, na naglayag lampas sa Amirant na ipinangalan niya sa sarili niya (kapuluan ng Admiral).

Dahil sa pagiging daan nito mula Aprika patungong Asya, karaniwang ginagamit ang mga ito ng mga pirata hanggang makuha ito ng mga Pranses simula sa taong 1756 noong naglagay ng Batong ng Pagmamay-ari si Kapitan Nicholas Morphey. Ipinangalan ang mga pulo kay Jean Moreau de Séchelles, Ministro ng Salapi ni Louis XV.[2]

Sinimulang agawin ng Reyno Unido ang kapuluan noong 1794 hanggang 1810. Si Jean Baptiste Quéau de Quincy, ang Pranses na namumuno sa Seselas noong panahong iyon, ay tumangging manlaban.[3] Bagamat, nakipagkasundo siya kaya's nanatili ang pribilehiyong nutralidad sa mga naninirahan noon sa mga pulo.

Ganap na nasakop ng Reyno Unido ang Marisyus noong 1810, na pinatatag noong 1814 ayon sa Kasaunduan sa Paris. Ang Seselas ay naging hiwalay na kolonya mula sa Marisyus noong 1903. Nakamit ang kalayaan ng bansa noong 1976 matapos ito maging isang republika.[4] Noong 1977, pinatalsik ng isang kudeta si James Mancham at pinalitan ni France Albert René.[5] Noong 1979, idineklara sa pamamagitang ng konstitusyon na gawing isang isang-partidong sosyalistang bansa ang Seselas at nanatili ito hanggang 1991. Hindi napas ang pumalit na konstitusyon noong 1992 pero naipasa ito noong 1993.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. https://data.worldbank.org/indicator/SP.POP.TOTL; hinango: 8 Abril 2019.
  2. "Virtual Seychelles". Inarkibo mula sa orihinal noong 2006-08-22. Nakuha noong 2010-11-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "The Statehouse Cemetary". statehouse.gov.sc. 2010. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-04-04. Nakuha noong 2010-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "History of Seychelles". seychelles.com. 2009. Nakuha noong 2010-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The coup d'etat". seychellesweekly.com. 2007-06-29. Nakuha noong 2010-09-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)


BansaAprika Ang lathalaing ito na tungkol sa Bansa at Aprika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.