Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Talaan ng mga musika

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang talaan ng mga musika ay isang pagraranggo ng mga musika ayon sa kasikatan nila. Iba't ibang pamantayan ang ginagamit para mabuo ang isang talaan katulad ng bilang ng benta ng mga plaka, rami ng mga "downloads" at gaano kadalas ang paghihimpapawid ng mga awitin sa radyo. Kadalasan ay dalawang uri ng talaan ng mga musika ang ginagawa: ang mga nangungunang album at mga awitin. Ang pinakakaraniwang panahon sakop ng isang talaan ay isang linggo, kung saan sa dulo ng linggo nilalathala ang talaan. Mayroon ring arawan, buwanan at taunang mga talaan na ginagawa. Ang pinakaunang talaan ng mga musika ay ang Billboard na unang isinagawa ang kanilang talaan noong Enero 4, 1936 at hanggang ngayon, ito pa rin ang opisyal na talaan ng mga musika ng Estados Unidos.[1] Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay walang pa ring opisyal na talaan ng mga musika.

Mga Terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito ay mga termino o salita na madalas makikita sa isang talaan ng mga musika:

  • Puwesto ngayong linggo (this week's position)
  • Puwesto noong nakaraang linggo (last week's position)
  • Pinakamataas na puwesto (peak position) — ay ang puwestong pinakamataas naabot ng isang album o awitin sa buong buhay nito sa loob ng talaan.
  • Bilang ng mga linggo (number of weeks) — ay ang dami ng mga linggo nanatili ang isang album o awitin sa loob ng talaan.
  • Bagong pasok (new entry) — ay isang album o awitin na bagong lahok sa talaan.
  • Muling pagpasok (re-entry) — ay isang album o awitin na dating ng nahulog sa labas ng talaan at muling bumalik sa loob nito.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "On This Day: January 4" (sa wikang Ingles). Reference.com. Nakuha noong Agosto 10, 2013. {{cite web}}: Unknown parameter |trans_title= ignored (|trans-title= suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]