Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Tankōbon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang tankōbon (単行本 (たんこうぼん), lit. na 'independiyenteng aklat, librong nakatayo') ay isang terminong Hapones na tumutukoy sa isang aklat na ganap na sa sarili nito at maaaring hindi kasama sa isang serye. Ginagamit din ang termino para tukuyin ang mga indibidwal na bolyum ng isang serye ng manga: ang karamihan ng mga serye ay unang lumilitaw bilang indibidwal na kabanata sa isang lingguhan o buwanang antolohiya ng manga, kasama sa ibang mga obra, bago paglalathala bilang mga bolyum na tankōbon na may mararaming kabanata ng parehong serye.

Ang tankōbon ay isa sa mga pamantayang format ng paglalathala para librong nakatayo sa Hapon, kasama na shinsho [jp], isang laki ng paperback (105×173mm) na kadalasang ginagamit para sa mga paglalathalang di-kathang-isip, at bunkobon (文庫本, ぶんこぼん), isang laki ng paperback (105×148mm) na ginagamit para sa mararaming uri ng paglalathala, lalo na kathang-isip.

Kabilang sa mga pangunahing imprenta ng tagapaglathala para sa tankōbon ng manga ay Jump Comics (para sa mga serye sa Weekly Shōnen Jump at ibang mga magasin ng Jump na inilalathala ng Shueisha), Weekly Shōnen Magazine ng Kodansha, at Weekly Shōnen Sunday ng Shogakukan.

Hapones na mga komiko (manga)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Lalo na pagkatapos ng 1953[kailangan ng sanggunian], inilathala ang mga manga sa makapal na lingguhan o buwanang magasing manga (tingnan: talaan ng mga magasing manga, talaan ng magasing manga) tulad ng Weekly Shōnen Magazine o Weekly Shōnen Jump. Ang itong mga antolohiya ay madalas na may daan daang mga pahina at dose dosenang mga indibidwal na serye sa pamamagitan ng maraming mga may-akda. Naiimprenta sa murang papel na pampahayagan ay ipinalalagay na naiitapon. Mula sa dekada 1930, gayunman, isinama ang mga comic strip sa tankōbon na kinolekta ang mga kabanata ng nag-iisang serye, at naiimprenta sa isang bolyum lalos na laki ng isang paperback sa mas mabuting papel kaysa sa orihinal sa magasin. Ang mga komiko sa mga magasin at tankōbon ay kalimitang naiimprenta sa itim at puti, pero paminsan-minsan ang ilang mga seksyon ay naiimprenta sa kulay o sa pamamagitan ng mga tinta o papel na may kulay.

AklatAnime Ang lathalaing ito na tungkol sa Aklat at Anime ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.