Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Tribo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang tribo o tribu ay pangkasaysayan o pangkaunlarang tinataw bilang isang pangkat na panlipunan na umiiral bago pa man ang pag-unlad ng, o nasa labas ng, estado. Maraming mga antropologo ang gumagamit sa katagang "lipunang makatribo" o "lipunang matribo", na nakikilala sa Ingles bilang tribal society, upang tukuyin ang mga lipunang naiayos nang malakihan batay sa pagkakamag-anak (pagiging magkakamag-anak), natatangi na ang mga pangkat ng samahan ng mga angkan o mga kanunu-nunuan. Binibigyan ng kahulugan ng tradisyunal na henealohiya ang mga tribo bilang mga pangkat na mayroong karaniwang ugnayan sa "dugo" (mga kadugo o mga kapamilya).[1]

Mayroong ilang mga teorista ang humahawak na ang mga tribo ay kumakatawan sa isang yugto ng ebolusyong panlipunan (ebolusyong sosyokultural) na pansamantalang nasa pagitan ng mga kapangkatang panlipunan at ng mga estado. Mayroong ibang mga teoristang nangangatwiran na ang mga tribo ay umunlad pagkaraan ng mga estado, at dapat na unawain batay sa kanilang kaugnayan sa mga estado.

Ang 'tribo' ay isang pinagtatalunang kataga dahil sa mga pinag-ugatan nitong nasa loob ng mga haligi o mga pundasyong pang-antropolohiyang pangkolonya at dahil sa mga pahiwatig ng mga kahulugang pangkahanayan o paglalarawang panghirarkiya nito.[2][3][4][5] Upang maiwasan ang ganitong mga kahihinatnan, mayroong ilang mga tao na mas pinipili ang paggamit ng mga katagang pangkat etniko o kaya ay nasyon.[2][3][4][5]

Ang katagang tibo ay ginamit ng mga dayuhang mananakop upang tukuyin ang mga pangkat ng mga taong kanilang sinakop na sa pananaw nila ay may mababang antas ng kabihasnan o kultura kumpara sa kanila. Isa itong katagang pangmamaliit o panghahamak. Sa pagtinging ang mga tao anuman ang pangkat na kinabibilangan o pamamaraan ng pamumuhay, mas naangkop ang katawagang pangkat etniko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Motohiro, Ono (Marso 2011). "Reconsideration of the Meanings of the Tribal Ties in the United Arab Emirates: Abu Dhabi Emirate in Early ʼ90s" (PDF). Kyoto Bulletin of Islamic Area Studies. 4–1 (2): 25–34. Nakuha noong 17 Abril 2013.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 "What is in the word tribe?". Pambazuka. 22 Enero 2008. Nakuha noong 4 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 "IC Publications | Opinions". Africasia. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Mayo 2012. Nakuha noong 4 Oktubre 2012. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Talking about "Tribe" - Africa Action: Activism for Africa Since 1953". Africa Action. Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-06-20. Nakuha noong 2012-10-04.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 "What's Wrong with the Word "Tribe"?". MADRE. 5 Pebrero 2008. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Oktubre 2012. Nakuha noong 4 Oktubre 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)