Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Tuwa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Larawan ng isang mag-asawang natutuwa sa pakikinig ng musika mula sa isang ponograpong gawa ni Thomas Alva Edison at nakapataong sa hapag-pangkusina.

Ang tuwa o katuwaan[1] ay mga bagay-bagay at pangyayari na nagiging sanhi ng kagalakan o kasiyahan sa isang tao o anumang nilalang. Kasingkahulugan at kaugnay ito ng lugod, kaluguran, ligaya, kasiyahan, saya, kaysaya (mula sa "kay saya"), galak, kagalakan[2], malaking kagalakan, ligaya, kaligayahan, kasiyahang-loob, at kasayahan.[3]

Ayon kay Barbara Holland, maraming mga katuwaan na nanganganib na mawala sa buhay ng tao dahil sa mga pagbabagong nagaganap sa makabagong panahon. Ayon sa aklat ni Holland (at sa kaniyang pananaw bilang may-akda nito) na pinamagatang Endangered Pleasures (In Defense of Naps, Bacon, Martinis, Profanity, and Other Indulgences) o "Mga Nanganganib na Katuwaan (Sa Pagtatanggol ng Pag-idlip, Tosino, mga Martini, mga Kalapastanganan, at Iba pang mga Kalabisan),[4] kabilang rito ang mga sumusunod na halimbawang nakatala sa ibaba. Halos hindi na napupuna ng mga tao ang mga katuwaang matatanggap mula sa mga karanasang nakatala rito dahil na rin sa labis na kaabalahan ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na buhay sa kasalukuyan:[5]

  • paggising sa umaga
  • pag-inom ng kape
  • pagkain ng agahan
  • pag-eehersisyo
  • pagligo at pagpapaulang gumagamit ng dutsa
  • pagbasa ng pahayagan tuwing umaga
  • pananamit
  • paninigarilyo
  • paghahanap-buhay
  • hindi paghahanap-buhay
  • paglalakad ng walang sapin sa paa
  • pagkain ng tanghalian
  • pamimili ng mga bagay
  • pagiipon ng salapi
  • pag-idlip
  • pagsasaya tuwing gabi
  • pagtanggap at pagbasa ng mga liham na ipinadala sa koreo
  • pagkain ng hapunan
  • "paggamit" sa tao
  • pamamasyal
  • pakikipag-usap
  • hindi paglabas ng bahay o silid
  • paghuhubad ng damit
  • paghiga sa higaan sa buong maghapon
  • pagsapit ng Sabado't Linggo
  • panahon ng tag-sibol
  • palaro at palakasan
  • paghahardin
  • pagsasaya tuwing panahon ng tag-araw
  • pagpaplano
  • pagbibiyahe at pagbisita sa mga kaibigan at kamag-anak
  • pamamangka o pagsakay sa barko
  • pagpapahalaga sa tubig
  • paggamit ng apoy sa panahon ng tag-lamig
  • paglanghap ng hangin
  • pagmamanehong hindi gumagamit ng sinturon na pananggalang kung mangyari ang sakuna
  • pagmamadali o paggamit ng kabilisan
  • pagsipol
  • pagsapit ng panahon ng tag-lagas
  • paglalaro ng mga larong pansugal lamang
  • pagmamasid sa mga tanawin
  • pagsapit ng panahon ng tag-lamig
  • pagsusuot ng mga kasuotang yari sa tunay na balat ng hayop
  • pagtanaw sa mga kulay
  • Kapaskuhan
  • pagsunod sa layaw ng sarili
  • pagbibigay at pagtanggap ng papuri dahil sa mga gawain
  • kaginhawahan
  • pagbangon mula sa mga suliranin at sakuna
  • pagkakaroon ng maraming mga tao sa paligid
  • mga alagang ibon, aso, pusa, at baka
  • mga hayop sa kalikasan
  • pagiging buntis
  • pagkakaroon at pagaalaga ng mga sanggol
  • paglaki sa panahon ng kabataan
  • panahon ng pagtanda o pagkaka-edad
  • pagkanta ng mga awitin noong panahon ng kabataan
  • pagbabasa ng mga aklat

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pleasure Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine., Tagalog English Dictionary, Bansa.org, Seasite.niu.edu Naka-arkibo 2008-05-09 sa Wayback Machine., at Gutenberg.org (1915)
  2. De Guzman, Maria Odulio (1968). "Pleasure, kagalakan". The New Filipino-English / English-Filipino Dictionary. National Bookstore (Lungsod ng Mandaluyong) ISBN 9710817760.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. English, Leo James (1977). "Galak". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Literal na salin ng pamagat ng aklat.
  5. Holland, Barbara. Endangered Pleasures (In Defense of Naps, Bacon, Martinis, Profanity, and Other Indulgences), Perennial, HarperCollins Publishers, New York, 1995/2000, ISBN 0-06-095647-X