Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

UNESCO

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Watawat ng UNESCO

Ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization o UNESCO ay isang ahensiya ng Mga Nagkakaisang Bansa na nangangalaga sa:

  • Edukasyon: Pagkatuto at paraan ng pagkatuto ng mga tao.
  • Kalinangan: Kung ano ang ginagawa ng mga taong nasa iba't ibang mga bansa, at kung ano ang mahahalaga para sa iba't ibang mga tao.
  • Agham: Kung ano ang nalalaman ng mga tao tungkol sa daigdig.

Isa sa mga bagay na ginagawa ng UNESCO ang gumawa ng isang talaan ng lahat ng pinakamahalaga, natatangi, at nakapagbibigay-pansin o magagandang mga pook sa mundo. Tinatawag itong "UNESCO World Heritage Sites" sa Ingles o Pandaigdig na Pamanang mga Pook ng UNESCO. Hindi dapat guhuin ang mga pook o mga gusaling ito, dahil mahalaga sila at maganda na maaaring kasiyahan ng mga tao sa hinaharap. Nagsasabi ang mga lugar na ito ng ukol sa nakaraan. Halimbawa, naglalahad ang Uluru ng tungkol sa kultura ng mga Aboriheno. Karamihan sa mga bansa ang mayroong kahit na isang lugar sa listahang ito, ngunti may ilang mga bansang may marami. Kasama rito ang makasaysayang mga gusali o sityo, magagandang tanawing panlupa, mga pook na may kahalagang pang-agham (katulad ng heolohiya), o mga pook na napakahalaga sa isang kalinangan (katulad ng Uluru).

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]


Nagkakaisang mga Bansa Ang lathalaing ito na tungkol sa Nagkakaisang mga Bansa ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.