Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

UNICEF

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Pondo para sa Kabataan ng mga Nagkakaisang Bansa (Ingles: United Nations Children's Fund; daglat: UNICEF; pagbigkas: yu•ni•sef)[1] ay isang programa ng mga Nagkakaisang Bansa na may punong-tanggapan sa Lungsod ng New York sa Estados Unidos na nagbibigay ng pangmatagalang tulong panghumanitaryo at pagpapaunlad sa mga kabataan at mga ina sa mga bansang umuunlad. Isa ito sa mga kasapi ng Pangkat sa Pagpapaunlad ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations Development Group) at ng Komiteng Tagapagpaganap nito.[2]

Itinatag ng Pangkalahatang Kapulungan ng mga Nagkakaisang Bansa ang UNICEF noong 11 Disyembre 1946 upang mamahagi ng pagkain tuwing may sakuna at pangalagaan ang kalusugan ng mga bata sa mga bansang nawasak noong Ikalawang Digmaang Pandaigidig. Kinikilala ang bakteryologong Polako na si Ludwik Rajchman bilang tagpagtatag ng UNICEF na naglingkod bilang unang tagapangulo ng institusyon mula 1946 hanggang 1950.[3] Noong 1953, naging permanenteng bahagi ng Sistema ng mga Nagkakaisang Bansa ang UNICEF at pinaikli rin ang pangalan nito mula sa orihinal na "Pandaigdigang Pondong Pangkagipitan para sa Kabataan ng mga Nagkakaisang Bansa" (United Nations International Children's Emergency Fund), ngunit patuloy na ginagamit ang daglat ng pangalan ng ahensiya batay sa orhinal nitong pangalan.

Nakasalalay sa mga ambag ng mga pamahalaan at mga pribadong tagapag-ambag ang UNICEF. Noong 2008, ang kabuuang kita ng UNICEF ay umabot sa US$3,372,540,239.[4] Dalawang-katlo ng kayamanan (resources) ng organisasyon ay mula sa mga pamahalaan, ang nalalabing porsiyento ay nagmumula sa mga pribadong grupo at anim na milyong indibiduwal na dinaraan sa kanilang mga Pambansang Komite. Tinatayang 91.8% na kanilang rentas ay inilalagak para sa mga palingkurang pamprograma (program services).[5] Binibigyang-diin ng mga programa ng UNICEF ang pagpapaunlad ng mga serbisyo sa antas ng pamayanan upang maitaguyod ang kalusugan at kapakanan ng mga kabataan. Ginawaran ang UNICEF ng Nobel Peace Prize noong 1965 at ng Gantimpalang Prinsipe ng Asturias ng Kapayapaan noong 2006.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 25 Tanong at Sagot hinggil sa Kalusugan at Karapatang Pantao (PDF). Pandaigdigang Organisasyon sa Kalusugan. 2002. Nakuha noong 29 Enero 2016.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Executive Committee". Undg.org. Inarkibo mula sa orihinal noong 2011-05-11. Nakuha noong Marso 26, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Fifty years for children". Inarkibo mula sa orihinal noong Mayo 25, 2015. Nakuha noong Hulyo 9, 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "UNICEF Annual Report 2008" (PDF) (PDF) (sa wikang Ingles). unicef.org. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2015-10-10. Nakuha noong 2015-10-01.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Charity Navigator Rating – United States Fund for UNICEF" (sa wikang Ingles). Charitynavigator.org. Nakuha noong Marso 26, 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)