Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Camerino

Mga koordinado: 43°08′09″N 13°04′07″E / 43.13589°N 13.06856°E / 43.13589; 13.06856
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Unibersidad ng Camerino

Ang Unibersidad ng Camerino (Italyano: Università degli Studi di Camerino) ay isang unibersidad na matatagpuan sa Camerino, Italya. Ito ang pinakamahusay na unibersidad ng Italya kung ikukumpara sa iba pang may humigit-kumulang 10,000 mag-aaral, ayon sa 2011 at 2012 ranggo ng Guida Censis Repubblica. Sinasabing itinatag ito noong 1336 at opisyal na kinikilala ng Papa noong 1727. Ito ay naayos sa limang fakultad.

Noong 1727, itinatag ni Papa Benedicto XIII ang Universitas Studii Generalis na mayroong mga fakultad sa teolohiya, palabatasan (jurisprudence), medisina, at matematika. Noong 13 Abril 1753 ang bisa ng mga digri mula sa Camerino ay pinalawak sa buong teritoryo ng Banal na Imperyong Romano. Noong 1870, pagkatapos ng pagsanib sa Kaharian ng Italya, ang unibersidad ay idineklara na "malaya" at ito ay nanatili hanggang sa 1958, nang ito ay naging isang pamantasang estatal.

Binubuo ang unibersidad ng 5 fakultad o kaguruan:

  • Fakultad ng arkitektura (matatagpuan sa Ascoli Piceno )
  • Fakultad ng palabatasan
  • Fakultad ng parmasya
  • Fakultad ng agham at teknolohiya
  • Fakultad ng medisinang beterinaryo (matatagpuan sa Matelica)

43°08′09″N 13°04′07″E / 43.13589°N 13.06856°E / 43.13589; 13.06856


Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.