Ursa Menor
Ang Ursa Menor, Oso Menor, Maliit na Oso, o Mas Maliit na Oso (Ingles: Smaller Bear, Little Bear, Little Dipper; Latin: Ursa Minor, na kasalansang o kabaligtaran ng Ursa Mayor) ay isang konstelasyon sa hilagaing kalangitan. Katulad ng Malaking Oso, ang buntot ng Maliit na Oso ay maaari ring makita bilang isang hawakan ng isang sandok o kutsaron, kaya't tinatawag din itong Maliit na Pangsawsaw o Little Dipper sa Ingles, kaya't tinatawag ding Maliit na Sandok o Maliit na Kutsaron ito. Isa ito sa 48 mga konstelasyong itinala ng pang-ikalawang daantaong astronomong si Ptolemy, at nananatiling isa sa 88 modernong mga konstelasyon. Ang Ursa Menor ay namumukod bilang ang lokasyon ng hilagang polong selestiyal, bagaman mababago ito pagkalipas ng ilang mga daantaon dahil sa presesyon ng mga ekwinoks.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Guilherme de Almeida (2004). Navigating the Night Sky: How to Identify the Stars and Constellations. Springer. ISBN 1852337370.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Astronomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.