Walt Disney
Walt Disney | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Disyembre 1901[1] |
Kamatayan | 15 Disyembre 1966[1]
|
Mamamayan | Estados Unidos ng Amerika |
Trabaho | direktor ng pelikula, prodyuser ng pelikula,[2] animator, host sa telebisyon, tagapagboses, manunulat, prodyuser, pintor, imbentor, screenwriter, artista sa pelikula, ilustrador, karikaturista, direktor, artista |
Pirma | |
Si Walter Elias Disney (5 Disyembre 1901 – 15 Disyembre 1966) ay isang Amerikanong prodyuser, manunulat at direktor ng pelikula, aktor pamboses, animador (kartunista), negosyante, at pilantropo. Siya ay kilala bilang isa sa mga tagapasimuno ng industriyang animasyon at isa sa mga gumawa ng pinakasikat na kartong karakter tulad ni Mickey Mouse.[3]
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pinanganak noong Disyembre 5,1901 kay Elias Disney at Flora Call Disney, si Disney ay isa sa kanilang limang bata: apat na kapatid na lalaki, isang babae. Lumaki sa kabukiran malapit sa Marceline, Missouri, siya ay natutong gumagawa ng mga ginuhit na larawan kung saan ibinebenta niya ito mula sa murang edad.[4]
Mula sa pag-aaral niya sa McKinley High School, mas yumabong pa ang interes ni Disney sa pagguhit at potograpiya. Dahil sa interes na ito, nabigyan ito ng pansin ni Disney kung saan ito ang naging paksa ng kanyang kontribusyon ng pahayagan sa eskwela.[4]
Sa kalagitnaan ng Unang Digmaang Pandaigdig, nagpalista si Disney sa militar pero hindi siya pinayagan sa kadahilanang labing-anim na taong gulang lang siya. Dahil hindi siya pinayagan ng militar, sumali si Disney sa Red Cross kung saan siya ang tagamaneho ng ambulansya.[4]
Karera
[baguhin | baguhin ang wikitext]Animation Studio nina Disney at Ub Iwerks
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkatapos ng giyera, bumalik si Disney sa Lungsod ng Kansas. Noong 1919, nagtrabaho siya bilang isang draftsman at inker sa isang art studio kung saan nakilala niya si Ub Iwerks, isang batang artista.[3] Kasama si Ub Iwerks, nageksperimento si Disney kung papaano iperpekto ang metodo ng animasyon sa tunay na buhay. Noong 1920, binagyang patalastas niya ang kanyang orihinal na mga animadong karton. Dito, naging ganap na kartonista at animador si Disney.[4]
Dahil hindi kontento sa kanilang trabaho, nagtaguyod ang dalawa ng animation studio noong 1922. Sa ilalim ng animation studio nila, sila ay gumawa ng mga kartong iginuhit na "Laugh-O-grams" at isang animasyong pelikula na nagngangalang "Alice in Cartoonland". Dahil niloko sila ng isang distributor sa New York, nagpa-file si Disney ng pagkalugi.[3] Simula noong Agosto ng 1923, umalis si Disney sa Lungsod ng Kansas papunta sa Hollywood.[4]
Sa pamamagitan ng simpatya ng kanyang kapatid na si Roy O. Disney, binigyan siya ng pera upang makapagsimula muli bilang isang sinematograpo. Pero dahil sa tagumpay ng kanyang unang pelikula kay Alice, bumalik muli si Disney sa animasyon at naging kasosyo niya sa negosyo si Roy kung saan binuhay muli nila ang naluging animation studio.[3]
Si Mickey Mouse at mga tagumpay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang animadong "Steamboat Willie" ay ipinalabas sa teatro sa Colony Theater sa New York noong Nobyembre 18,1928. Ito ang kauna-unahang pagpapakita sa kartong karakter na si Mickey Mouse at ang kauna-unahang pelikang animado na may tunog. Si Disney ang nagsilbing boses ni Mickey at si Ub Iwerks ang tagadisenyo.[5]
Bilang resulta ng malakas na tagumpay ng maikling animasyon, gumawa pa sina Iwerks, Disney, Roy, kasama ang kanilang mga asawa ng mga bagong pelikulang animado kung saan naging ganap na karakter ay sina Minnie Mouse at Mickey Mouse. Ang mga pelikulang sumunod ay ang "Plane Crazy" at ang "The Gallopin' Gaucho". Noong 1929, ginawa ni Disney ang "Silly Symphonies" kung saan ipinakilala rito ang mga bagong kartong karakter na sina Donald Duck, Pluto, at Goofy.[5]
Isa rin sa mga malaking tagumpay ni Disney ang unang pagkapanalo ng kanyang animation studio ng Oscar dahil sa gawa nilang maikling animasyon na "Flowers and Trees" (1932),kung saan ito ang kauna-unahang animasyon na nagpapakita ng kulay.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 "Walt Disney".
- ↑ https://id.lib.harvard.edu/alma/99157880266903941/catalog; hinango: 23 Hulyo 2024.
- ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 "Walt Disney | Biography, Movies, Company, Characters, Resorts, & Facts | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). 2023-12-30. Nakuha noong 2024-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 "About Walt Disney". D23 (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2024-01-01.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 5.2 "Walt Disney - Frozen, Quotes & Pictures". Biography (sa wikang Ingles). 2022-01-07. Nakuha noong 2024-01-02.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.
- Articles with BNC identifiers
- Articles with CANTICN identifiers
- Articles with LNB identifiers
- Articles with NCL identifiers
- Articles with NLR identifiers
- Articles with PortugalA identifiers
- Articles with RSL identifiers
- Articles with Scopus identifiers
- Articles with AAG identifiers
- Articles with Emmy identifiers
- Articles with MoMA identifiers
- Articles with PIC identifiers
- Articles with RKDartists identifiers
- Articles with ULAN identifiers
- Articles with Trove identifiers
- Articles with RISM identifiers
- Ipinanganak noong 1901
- Namatay noong 1966
- Sining
- Pelikula
- Guhit-larawan
- Mga manunulat mula sa Estados Unidos