Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Watawat ng Espanya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Watawat ng Espanya
}}
Pangalan Rojigualda
Paggamit Pambansang watawat at ensenya National flag and ensign Normal or de jure version of flag, or obverse side
Proporsiyon 2:3
Pinagtibay 6 Disyembre 1978 (kasalukuyang bersiyon, ayon sa itinakda ng Saligang Batas ng Espanya)
Disenyo Tatlong parihabang pahalang ng dilaw at pula, kung saan doble ang laki ng parihabang dilaw being sa bawa't parihabang pula.
}}
Baryanteng watawat ng Espanya
Paggamit Watawat at ensenyang sibil Civil flag and ensign Normal or de jure version of flag, or obverse side
Proporsiyon 2:3
Pinagtibay 28 Mayo 1785 (orihibal na berisyon ng ensenyang pang-hukbong dagat)
5 Oktubre 1981 (kasalukuyang bersiyon, binagong eskudo de armas)

Binubuo ang watawat ng Espanya (Kastila: Bandera de España, karaniwang kinikilala bilang "la Rojigualda"), ayon sa itinakda ng Saligang Batas ng Espanya ng 1978, ng tatlong parihabang pahalang: pula, dilaw at pula, kung saan doble ang laki ng parihabang dilaw being sa bawa't parihabang pula. Tradisyonal ding itinuring ang dilaw na parihaba sa makalumang pangalang gualda, kaya kilala rin ang watawat bilang rojigualda (pulang guwalda).

Nagmula ang kasalukuyang watawat ng Espanya sa ensenyang pang-hukbong dagat nito noong 1785, ang Pabellón de la Marina de Guerra sa ilalim ng pamumuno ni Carlos III ng Espanya. Pinili ito mismo ni Carlos III sa 12 magkaibang watawat na dinisenyo ni Antonio Valdés y Bazán (ipinakita ang lahat ng mga minungkahing watawat sa isang dibuho, na ngayo'y nasa Museong Pandagat ng Madrid).[1] Nanatiling pandagat ang watawat sa susunod na halos 50 taon, kung saan lumpiad ito mula sa mga kutang pandagat, mga barakang pang-militar, at kahit ang ibang ari-arian ng hukbong dagat. Natuklasan din noong Digmaan sa Tangway ng Iberia ang watawat na kinakarga ng mga rehimeng pandagat na lumalaban sa lupa. Taong 1820 noong unang binigyan ang isang rehimeng panlupa ang watawat (ang Rehimeng La Princesa), at itinakda ito noong 1843 ni Reyna Isabel II ng Espanya bilang opisyal na watawat ng bansa.[2]

Sa loob ng ika-18, ika-19 at ika-20 siglo, nanatili ang kulay na ginamit sa watawat, maliban sa panahon ng Ikalawang Republika ng Espanya (1931–1939); sa eskudo de armas lamang mismo nagbago ang anyo ng watawat.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Royal Spanish Navy" (sa wikang Ingles). Armada.mde.es. Nakuha noong 2012-03-05.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Volker Preuß. "National Flaggen des Königreichs Spanien". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-03-26. Nakuha noong 2004-11-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) (sa Aleman)