Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Panahong Yayoi

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Yayoi)

Mga bandang 300 BK, unti-unti ng napapalitan ang kulturang Jomon ng mas abanteng kulturang Yayoi. Ang pangalang Yayoi ay hango sa isang purok sa Tokyo na kung saan natagpuan ang mga palayok Naka-arkibo 2008-12-04 sa Wayback Machine. sa galing sa makalumang panahong ito, noong 1884.

Ang bagong kulturang Yayoi ay unang nasilayan sa kanlurang bahagi ng Japan at unti-unting lumaganap papuntang silangan tapos pahilaga hanggang Honshu.

Bagamat may mga ilang impluwensiya ng lipunang Yayoi ay galing sa Jomon, ang pinakamalaking pinagkaiba nito sa Jomon at pinakamalaking ambag ng kulturang Yayoi ay ang pagpapaunlad ng mga kaalaman sa pagtatanim ng palay. Ang mga karunungan, kagamitan at mga pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay pinaniniwalaang ipinakilala galing sa Korea at Timog-silangang Tsina sa pagitan ng mga taong 1000 BK hanggang unang daang taon AD.

Dahil naging uso sa panahong Yayoi ang buhay-agraryo, ang mga mamamayan ay namirmihan na isang pamayanan na binubuo ng mga bahay Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. na yari na sa mga kahoy at may atip na damo.

Ang isa pang malaking pinagkaiba ng kulturang Yayoi sa Jomon ay sa mga banga at palayok na ginagamit sa pang-araw-araw. Ang mga palayok, tapayan, at mga banga na yari sa panahon ng Yayoi ay meron na siyang malinis na anyo at disenyo. May kaalaman na rin ang mga gumawa nito ng simpleng teknolohiya para hindi na madaling tumagas ang anumang likido na ilalagay sa mga banga na ito. Ganunpaman, ang pamamaraan ng paggawa ng mga ito ay hindi nagbago gaya ng sinaunang Jomon at pinaghahaka-hakaan ding mga galing sa kamay ng mga kababaihan ang mga ito.

Maraming mga palayok, at mga banga galing sa panahon ng Yayoi ay masasabing may kahalintulad sa Korea Naka-arkibo 2008-07-23 sa Wayback Machine.. Dahil dito, mangilan-ngilang mga mananaliksik ang nagpapahayag na ang istilong Yayoi ay nagmula sa Korea, dumating sa hilagang Kyushu at unti-unting lumaganap pahilagang-silangan. Subalit may mga mangilan-ngilang mga piraso na galing sa panahon ito ang masasabing naimpluwensiyahan ng mga pamamaraang Jomon, kung kayat nagsasabi ang ilang mga mananaliksik na natural na umusbong ang ganitong mga kagamitan sa mas mababang antas o mas di magarbong disenyong Jomon ng mga kagamitang yaring-putik galing sa hilagang Kyushu

Sa panahon ding ito, ipinakilala mula sa malawak na lupain ng Asya ang metalurhiya o pamamaraang-metal. Ang mga tanso at bakal ay ginamit para gawing mga sandata, pananggalan, kagamitang pambukid at pangritwal gaya ng mga kampanilya (dotaku). Ang mga kampanilya, gaya ng mga banga Naka-arkibo 2016-03-05 sa Wayback Machine. ay may mga palamuti ng mga linya, tatsulok, at iba pang mga padron, meron ding mga hugis hayop, at mga gawaing pang-araw-araw na nakalarawan.

Isang pamayanang may bahagdan at uring pampolitika ang nabuo sa panahon ng Yayoi. Nagsama-sama ang mga tao sa panahong ito ng bilang isang angkang-bayan, na halos umabot ang bilang sa mahigit isangdaan sa panahon ng 100 AD. Nang mga sumunod na dangtaon, nag-away-away na ang mga angkang ito hanggang nanaig ang mga angkan ng mga Yamato noong ika-500 AD.