Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Magpapakita ng mga suhestyon pagkatapos i-type ang input sa paghahanap. Gamitin ang pataas at pababang arrow para tumingin-tingin. Gamitin ang enter para pumili. Kung parirala ang pinili, isusumite sa paghahanap ang pariralang iyon. Kung link ang suhestyon, pupunta sa page na iyon ang browser.
Paraan kung paano
Bisita

Pagbu-book ng magkaugnay na pamamalagi

Sa magkaugnay na pamamalagi, puwede mong hatiin ang mas matatagal na pamamalagi sa dalawang magkaibang listing. Pinagpapares sa bawat magkaugnay na pamamalagi ang dalawang magkasunod na pamamalagi para sa inilagay mong hanay ng petsa. Sa ganitong paraan, makakapag‑explore ka ng iba't ibang listing, kapitbahayan, o maging destinasyon sa biyahe mo.

Saan lumalabas ang magkaugnay na pamamalagi

Kapag naghahanap ng matutuluyan para sa pamamalaging may petsang aabot nang isang linggo o mas matagal pa, awtomatikong lalabas ang magkaugnay na pamamalagi sa dulo ng mga resulta ng paghahanap mo sa kategoryang Lahat ng Listing kung wala pang 300 listing ang nakakatugon sa mga pamantayan mo sa paghahanap. Mag‑scroll lang pababa para sa iba't ibang opsyon para mahati ang pamamalagi mo sa dalawang magkalapit na listing.

Puwede ring lumabas ang magkaugnay na pamamalagi habang nagba‑browse ka sa 14 na kategorya, kabilang ang Camping, Elegante, Mga Pambansang Parke, Skiing, Surfing, Tropikal, at marami pang iba. Sa pamamagitan ng pagpapares na ito, makakapamalagi ka sa magkatulad na property o makakagawa ka ng magkatulad na aktibidad sa dalawang magkaibang lokasyon.

Magkaugnay na pamamalagi

Magtatampok ang magkaugnay na pamamalagi ng mga opsyon para hatiin ang pamamalagi mo sa dalawang magkaibang listing (hal.: isang linggo sa unang listing at susunod na linggo sa ikalawang listing). Narito ang ilang dapat malaman:

  • Lalabas ang magkaugnay na pamamalagi sa mga resulta ng paghahanap mo batay sa mga inilagay mong petsa. Ganap na awtomatiko ang proseso ng pagpapares.
  • Hanggang dalawang magkasunod na pamamalagi lang ang puwede sa magkaugnay na pamamalagi. Pareho ang petsa ng pag-check out sa unang pamamalagi at ang petsa ng pag-check in sa ikalawang pamamalagi.
  • Magtatampok lang ang magkaugnay na pamamalagi ng mga listing na tumutugma sa anumang opsyon sa filter na inilagay mo (presyo, bilang ng kuwarto, amenidad, atbp.)
  • Tinutukoy sa mapa ang magkaugnay na pamamalagi gamit ang natatanging icon, at may animated na arc na kumokonekta sa dalawang listing. Kaya mahahanap mo kung nasaan ang parehong listing at malalaman mo kung saan sa dalawang tuluyan ka unang mamamalagi.

Mag‑book ng magkaugnay na pamamalagi

    1. Humanap ng magkaugnay na pamamalagi sa Dalawang tuluyan sa isang biyahe sa mga resulta ng paghahanap mo
    2. I‑click ang bawat isa sa dalawang listing para ma‑preview ang mga detalye ng bawat listing
    3. I‑click ang alinman sa mga listing at simulan ang proseso ng pag‑check out
    4. Tapusin ang proseso ng pag‑check out para sa unang listing
    5. Kapag naipareserba na ang listing na iyon, gagabayan ka sa pag‑check out sa ikalawang listing

    Pagbu‑book ng isang listing lang

    Kung isa lang sa mga listing sa pamamalagi ang gusto mong i‑book, puwede mong tapusin ang pag‑check out para sa isa sa mga listing at makakaalis ka sa pag‑check out para sa isa pang listing. Mananatiling nakareserba sa account mo ang unang listing. Pagkatapos, puwede mong piliing maghanap ng mga alternatibong listing para sa mga natitirang petsa.

    Sa magkaugnay na pamamalagi, hindi mo mae‑edit ang mga petsa sa proseso ng pag‑check out. Kung gusto mong i‑edit ang mga petsa, puwede mong buksan nang hiwalay ang listing na iyon, isaayos ang mga petsa, at i‑book nang hiwalay ang listing na iyon gaya ng karaniwan mong ginagawa. Aalisin ka sa opsyong magkaugnay na pamamalagi.

    Pagkatapos mong mag‑book ng magkaugnay na pamamalagi

    • Magkahiwalay ang reserbasyon sa bawat listing sa magkaugnay na pamamalagi, at lalabas ang mga iyon bilang dalawang magkasunod na pamamalagi sa tab na Mga Biyahe.
    • Kung magbago ang isip mo, puwede mong kanselahin ang isa o parehong reserbasyon pero malalapat ang patakaran sa pagkansela na partikular sa bawat listing.
    • May sariling host ang bawat listing sa magkaugnay na pamamalagi, at kailangan mong makipag‑ugnayan sa host ng bawat listing sa magkaugnay na pamamalagi.
      Nakatulong ba ang artikulong ito?

      Mga kaugnay na artikulo

      Magpatulong hinggil sa iyong mga reserbasyon, account, at marami pang iba.
      Mag-log in o mag-sign up