Since prehistoric times, humans have changed select characteristics of their bodies, such as tattooing, hair-dyeing, cranial and feet deforming, and teeth modifying. Teeth are some of the most well-preserved remains in the archaeological record, with which we can study past cultural and ritualistic beliefs. Previous publications on dental modifications in Southeast Asia are mostly limited to the mainland, thus this paper reviews modifications observed in prehistoric sites across Southeast Asia, identifying common techniques and motivations. Findings show occurrence of dental ablation, filing, plating, and coloration, which began in the Neolithic, disappeared in the Bronze Age, but reappeared in the Iron Age, although the absence may be due to sampling shortage. Modifications have been associated to aestheticism, group identity, rite of passage, practicality, and medical benefit, but whether these all ring true remains uncertain. It is recommended that future research expand scope for better data representation, analyze modifications with context of community profiles, and investigate the significance of migration in the prevalence of certain techniques and patterns as part of understanding the cultural aspects of past humans’ lives, and assess the cultural (dis)continuity of these traditions into modern-day forms of body modification, art, healing, self-expression, and identity. Magmula sinaunang panahon, maitatala ang mga pagbabagong pisikal sa katawan, tulad ng pagtatato, pagkukulay ng buhok, at pag-iiba-anyo ng ulo, paa, at ngipin. Nabibilang ang ngipin sa mga lubos na napepreserbang artepakto sa arkiyoloji, at sa gayo’y magagamit pang-aral ng mga nakalipas na kultura at ritwal. Kasalukuyang limitado sa mainland ng Timog-Silangang Asya ang saliksik sa intensyonal na modipikasyon ng ngipin, kaya tatalakayin dito ang mga sinaunang modipikasyong nabanggit sa buong rehiyon, at tutukuyin ang pagkakatulad sa mga teknik at motibasyon. Nagsimula ang paglaganap ng sadyang pagtatanggal, pagliliha, pagkakalupkop, at pagkukulay ng ngipin noong Panahong Neolitiko, naglaho noong Panahong Tanso, at bumalik muli pagsapit ng Panahong Bakal, ngunit maaaring iukol ang paglaho sa kakulangan ng datos. Hindi pa tiyak, pero pwedeng ang mga modipkasyon sa estetisismo, pakikisama, pagriritwal, praktikalidad, at benepisyong-medikal. Inirerekomendang palawakin sa susunod na saliksik ang sakop para sa mas mabuting representasyon ng datos, suriin ang mga modipikasyon sa konteksto ng komunidad, at imbestigahan ang kahalagahan ng migrasyon sa paglaganap ng mga partikular na teknik at padron habang inuunawa ang mga aspetong kultural ng sinaunang panahon, at tasahan ang pagpapatuloy (o hindi) ng mga tradisyong nabanggit sa kasalukuyang modipikasyon ng katawan, sining, paggagamot, pagpapahayag ng sarili, at identidad.