i _____________________________________________ _____________________________________________ ii _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA Published by the Peoples Development Institute 91 Madasalin Street, Brgy. Sikatuna Village, 1101 Quezon City, Philippines Tel. No. (632) 351-7553 Lay-out and Artwork by: Ramon T. Ayco, Sr. of Peoples Development Institute Set in Times New Roman Txt LT Std, pt. 12 Published in the Philippines _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad iii _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA (SOLID WASTE MANAGEMENT) _____________________________________________ iv _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad v _____________________________________________ Acknowledgement This training module is the result of the long years of PDI experience in development work. We would like to extend our deepest gratitude to Bread for the World for their unwavering support to the PDI program and their deep understanding of the imperatives for developing the capacities of the peasants, indigenous people, women and the out-of-school youth. From the Peoples Development Institute, support was provided by Ramon Ayco and Analyn Larot for technical support and Salvador Mirandilla for developing and translating the training modules in Pilipino. Most importantly, PDI would like to thank all the community organizers and workers of PDI who helped in the conceptualization and design of the training modules. Aurea Miclat-Teves President Peoples Development Institute _____________________________________________ vi _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 1 _____________________________________________ PANGKALAHATANG LAYUNIN: Maunawaan ang wastong pangangasiwa ng basura upang ating mapangalagaan ang kapaligiran at magkaroon ng dagdag na pagkakakitaan. PARTIKULAR NA LAYUNIN: Sa pagtatapos ng pagsasanay, inaasahan na ang mga kalahok ay matuto ng mga sumusunod: 1. Maayos na pangangasiwa ng basura sa kanilang tahanan. 2. Maayos na pangangalaga ng kapaligiran. 3. Paghiwalay ng mga basurang nabubulok sa di nabubulok. 4. Paggawa ng kompost sa bahay. 5. Matukoy ang mga pakinabang mula sa basura. PARAAN NG PAGTUTURO: Lecture Discussion Workshop Laro Demonstration Brainstorming _____________________________________________ 2 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA MGA PAKSA: I. Ano ang Solid Waste Managament? II. Bakit kailangang gawin ang Solid Waste Management? III. Ano ang Nararapat Gawin sa Problema ng Basura? IV. Tatlong Hakbang sa Wastong Pamamahala ng Basura V. Paggawa ng Kompost sa Bahay VI. Mga Pakinabang sa Wastong Pamamahala ng Basura. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 3 _____________________________________________ PANIMULA: Mahigit 1,500 toneladang basura ang itinatapon sa buong Metro Manila araw-araw. Noong 2001 nagkaroon ng pagguho ng basura sa Payatas, and Payatas Trashlide, dahil sa gabundok na basura at pagguho ng lupa. Ang mga naninirahan sa tabi ng Dumpsite ay natabunan, maraming buhay ang nasawi at mga bahay na natabunan. Dahil dito ay hindi na pinahintulutan na magtapon ng basura sa Payatas ang hindi taga Quezon City. Naging problema para sa ilang bayan ng Metro Manila kung saan magtatapon ng basura na nakokolekta araw-araw. Noong January 26, 2001, nakaisip ang ating mga Congressmen na magbuo ng isang programa para _____________________________________________ 4 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA maisaayos ang problema sa basura. Ito ay tinawag na Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2000. Ang pinakalayunin nito ay maging maayos ang pangangasiwa sa basura upang hindi ito magdulot ng problema sa kalusugan at bagkus maging kapaki-pakinabang. Sabi nga, May Pera sa Basura. Alamin natin ang tungkol sa Waste Management. I. Ano ang Solid Waste Management ? Ang Solid Waste Management ay isang teknolohiyang naglalayong gawing kapaki- pakinabang ang mga basura upang wala na o kaunti na lang ang itatapon. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 5 _____________________________________________ Ito ay isang paraan kung saan muling ginagamit ang mga bagay na pangkaraniwang itinatapon upang gawing pataba, pagkain, fermentables, panggatong (fuel), produktong ibinabalik sa pabrika, fne crafts at flling materials. Kung gagamiting muli ang basura, wala nang matitirang basurang kailangang itapon. Ang paulit-ulit na paggamit sa isang bagay ay madaling gawin sa bahay. Pagkakakitaan ito. Sa ganitong paraan, natutulungan natin ang Bansang makatipid ng ilang milyong dolyar. II. Bakit Kailangang Gawin ang Solid Waste Management? Ang kasalukuyang Sistema ng pangongolekta ng basura na hindi pinaghihiwalay ang nabubulok _____________________________________________ 6 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA sa di nabubulok, pagdadala ng mga ito sa malayong tapunan at ang pagtatambak sa dumpsite ay nagiging sanhi ng mga problemang pangkalusugan, pangkapaligiran, pangkabuhayan at pangkalikasan. Samantala, ang pagtaas ng pangangailangan sa mga basurang maaring gamitin muli ay naghihikayat sa mas marami na magbasurero. Ang hindi paghihiwalay ng nabubulok sa di nabubulok na basura at ang maling pagtatapon ay nagiging dahilan din ng pagdumi o pagtambak ng basura. Ang mga basurang hindi nakokolekta ay nagpaparumi sa mga lansangan at iba pang pampublikong lugar. Nagiging sanhi ito ng pagbabara ng mga estero at kanal na siyang nagdudulot ng pagbaha at polusyon sa hangin, mga ilog, sapa at lawa. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 7 _____________________________________________ Ang hindi nakokolektang basura ay nakakaakit ng mga insekto at peste, gaya ng langaw, ipis at daga na maaring magkalat ng nakakahawang sakit. Tumatagas rin sa lupa ang tubig mula sa mga basurahan. Ito ang dahilan ng pagdumi ng tubig sa ilalim ng lupa. Samantala ang pagsusunog ng plastic ay nakapipinsala naman sa ozone layer at ito ang nagiging dahilan ng pagkabulag, kanser sa balat, pagkaubos ng ibat-ibang uri ng isda at halaman at pangkalahatang pag-init sa buong mundo. III. Ano ang Nararapat Gawin sa Problema ng Basura? Ang pagsusunog ng basura ay hindi dapat gawin. Ito ay nagiging dahilan ng polusyon sa hangin, sa lupa at sa tubig. Ang pagsusunog ng basura ay nakapipinsala rin sa ozone layer at ito ang nagiging dahilan ng pag-init ng klima. Sa mga susunod na panahon, ang pagbabagong ito ng klima ang magiging dahilan ng malakas na bagyo o di kayay ng mahabang tagtuyot. Ang nararapat gawin ay ang wastong pamamahala ng basura. _____________________________________________ 8 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA IV. Tatlong Hakbang sa Wastong Pamamahala ng Basura Ang basura mula sa bahay ay maaring gamitin muli kung susundin ang mga wastong hakbang sa paghihiwalay, pagbabalot, at pagtatapon ng basura. A. Paghihiwalay ng basura sa bahay. Ang karaniwang basura mula sa bahay ay ang mga sumusunod: Lata Bote Papel Plastic Pinagbalatan ng gulay at prutas Ang mga itoy karaniwang pinagsasama-sama sa isang basurahan. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 9 _____________________________________________ Upang magamit muli ang mga basura, paghiwalayin ang mga ito sa dalawang grupo: Biodegradables o nabubulok at nonbiodegradables o di nabubulok. Hindi dapat pagsasamahin ang mga ito. Sa bahay pa lang ay dapat na itong paghiwalayin at ilagay sa bukod na basurahan. Muling paghiwalayin ang mga basurang nabubulok sa mga sumusunod na grupo: 1. Basura mula sa kusina: Pinagbalatan ng gulay at prutas Tirang pagkain Pinagtabasan ng gulay Pinaggawaan ng isda Balat ng tulya, tahong, at hipon Di nakakaing buto at tinik ng isda _____________________________________________ 10 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA 2. Basura mula sa hardin: Damo Sanga ng tangkay dahon 3. Basura mula sa Hayop: Dumi ng hayop Pinagkatayan ng mismong patay na hayop 4. Basura mula sa Tao: Dumi ng tao Basahan Lamping itinapon Sanitary napkin o pasador 5. Basurang Panggatong: Mga bagay na maaring panggatong tulad ng: Sanga ng tangkay Ugat ng puno _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 11 _____________________________________________ Dahon Bunot at iba pa Mga gas na madaling magliyab: Lahat ng mga bagay na organiko Para sa mga gamit na nangangailangan ng biogas Pagsamasamahin naman ang mga di nabubulok na basura sa dalawang grupo: 1. Mga bagay na maaring ibalik sa pabrika: Lata Bakal Salamin Bote Plastic Styrofoam Goma Papel Karton Pinagtabasan ng tela _____________________________________________ 12 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA 2. Mga bagay na maaring magamit sa mga proyektong pangkabuhayan: Paper mache Plastic twine Salamin Goma Balat Buto Shell Basket Braid Floor wax Bakal Balahibo at tela A. Tamang Pagbabalot ng Basura: Gumamit ng lalagyan gaya ng malalaking lata, sako at plastic bag upang maging malinis at maayos ang paghihiwalay, pag-iipon at pagtatapon ng basura. Ilagay ang mga basurang mula sa kusina sa isang lata o timba. Samantala, pagsamasamahin sa isang sako ang mga basurang di nabubulok at basurang mula sa halaman at hayop. Ilagay naman ang mga basurang maari pang ibalik o ipagbili sa mga kahon, sako at plastic bag. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 13 _____________________________________________ B. Tamang Pagtatapon ng Basura: Maaring magamit muli ang mga basura sa mga sumusunod na paraan: 1. Gamiting pakain sa hayop ang mga tira- tirang pagkain. 2. Gumamit ng pataba mula sa kompost o binulok na basurang galing sa hayop, tao at halaman. 3. Gamiting muli ang mga papel, karton, lata, salamin, bote, Styrofoam, goma, tela at plastic. 4. Gamiting panggatong ang mga pinagtabasan ng puno, mga dahon, bunot at iba pa. _____________________________________________ 14 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA Ang pagsunog ng basura ay isa sa nagiging dahilan ng pag-init ng ating klima. Magsunog lamang sa may silbing kadahilanan. Gamitin ang mga basurang galing sa hardin bilang panggatong sa pagluluto upang makatipid. Sa ganitong paraan, mababawasan rin ang pagsunog ng iba pang basura mula sa bahay. 5. Gumawa ng fne crafts mula sa mga shells, papel, bote, kaliskis ng isda at iba pang basura. 6. Iwasan ang hindi kinakailangang pagtatambak at pagsusunog ng basura na nagiging sanhi ng hindi normal na pag- init ng panahon. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 15 _____________________________________________ V. Paggawa ng Kompost sa Bahay: Marami sa basurang nabubulok ay maaring gawing kompost o pataba. Ang pagkokompost ay isang paraan ng tamang paggamit sa mga basurang nabubulok. Ang paraang ito ay hindi nakakasama sa ating kapaligiran. Sa pagkokompost, inihahalo ang mga basurang nabubulok sa lupa, tubig at hangin. Maari ring maglagay ng mga additives o activators para mapabilis ang pagkabulok. Ang nabubulok na organikong material o ang kompost ay nagsisilbing pataba kung ito ay inilalagay sa lupa. _____________________________________________ 16 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA A. Paano Gumawa ng Kompost? Upang masimulan ang paggawa ng kompost, tanggalan ng damo ang lugar na paggagawaan ng kompost. Ito ay makatutulong sa mabilis na pagbulok ng basura. Ang mga sumusunod ay isang gabay sa paggawa ng compost: Unang Patong: Tatlo hanggang apat na pulgada ng pinagputol-putol na mga sanga. Makatutulong ito upang maging maayos ang daloy ng hangin sa loob ng hukay. Ikalawang Patong: Anim hanggang walong pulgada ng pinaghalong dahon, damo, kusot at iba pa. Dapat na ang mga ito ay medyo basa. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 17 _____________________________________________ Ikatlong Patong: Isang pulgadang lupa. Ito ay magdadagdag ng mga mikrobyong magpapabilis sa pagpapabulok o pagkokompost. Ikaapat na Patong: (Opsyunal) Tatlo hanggang apat na pulgadang abono o pataba para magkaroon ng nitrohena ang mga mikrobyo. Magdagdag ng tubig kung tuyo ang pataba. Ikalimang Patong: Ulitin ang una hanggang ikaapat na patong hanggang mapuno ang lalagyan ng kompost. Paibabawan ang bunton ng apat hanggang anim na patong ng dayami at maggawa ng isang maliit na butas sa gitna para maipon ang tubig ulan. _____________________________________________ 18 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA Makaraan ang lima hanggang anim na linggo, baligtarin ang bunton sa pamamagitan ng paghahalo ng mga nasa tabi ng bunton papasok sa gitna. Mas mapapabilis ang pagkabulok kung ito ay gagawin ng madalas. Ang kompost ay maari ng gamitin kung ito ay maitim, malutong at amoy-lupa na. B. Mga Dapat Tandaan sa Pagkokompost: 1. Paghiwa-hiwalayin ang basura at ibukod ang mga basurang nabubulok. Patuluin o gayatin ang mga basurang ito para mas mapabilis ang pagkabulok. Paghalu- haluin ang mga basurang galing sa kusina, halaman, hayop at tao. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 19 _____________________________________________ 2. Iwasan ang pagsiga sa ibabaw ng kompost. Ito ay pumapatay sa mga organism sa basura na siyang nagpapabilis ng pagkabulok. Nagpapabagal din ito sa proseso ng pagkokompost. 3. Panatilihing basa ang kompost. Ngunit iwasang mabasa ito ng husto para hindi maubos ang mga sustansya ng lupa. 4. Haluin, wisikan at tabunan ng lupa ang kompost. Mayroon nang likas na mikrobyo ang lupa na nakapagpapabulok. Ang dami ng lupang ihahalo ay dapat mga 20% ng kabuuan ng kompost. 5. Pabayaang mahanginan ang hukay. Kapag masyadong mainit, umuunti at namamatay ang mga mikrobyo at bumabagal ang proseso ng dekomposisyon. _____________________________________________ 20 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA C. Mga Komposter sa Bahay: Piliin sa mga sumusunod na mga komposter ang tama sa inyong pangangailangan. 1. Dalawang Magkatabing Hukay: Gumawa ng dalawang hukay na may layong tigkalahating metro at may sukat na 1m x 1m x 1m. Lagyan ng maliit na sanga ang mga ilalim ng hukay at maglagay ng kawayan sa may gitna para may daluyan ang hangin. Sundin ang mga tuntunin sa pagkokompost at halinhinang gamitin ang dalawang hukay. Mga isang buwan bago mapuno ang hukay. Ito ay nagbibigay ng sapat na panahon para mabulok at maging kompost ang mga basura bago magamit bilang pataba. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 21 _____________________________________________ 2. Gulong na Pinagpatong-patong: Maggawa ng dalawang pataas na mga lumang gulong at gamitin itong lalagyan ng kompost. Upang mahanginan ang loob, maglagay ng anumang bagay na bato sa pagitan ng mga gulong. Kung itoy ipapatong sa sementadong sahig, lagyan ng lupa ang pinakailalim. 3. Mga Komposter na walang ilalim: Mga lumang drum at mga lalagyan ng tubig na wala ng ilalim, o mga lumang sako na wala ring tahi sa ilalim at sinusuportahan ng tatlong maliliit na posteng kahoy. _____________________________________________ 22 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA 4. Paso-paso: Maghanda ng 10 paso, isang bolo para pangtadtad ng mga basurang nabubulok at isang bag ng pinaghalu-halong lupa, dahon, kusot at iba pa. Gamitin ng isa-isa ang mga paso. Kapag puno na ang ikasampung paso at makalipas ang isang buwan, tanggalan ang laman ng unang paso at gamitin ito bilang pataba sa mga halaman. Maaring pagpatungpatungin ang mga paso bastat panatilihing basa ang laman ng mga ito. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 23 _____________________________________________ 5. Plastik bag na komposter: Lagyan ng lupa ang ilalim ng mga plastic bag at ilagay ang tinadtad na mga basurang nabubulok. Paibabawan ito ng mga dahon at basa-basain. Pagpatungpatungin ang mga plastic bag habang hinihintay itong mabulok. Makalipas ang ilang linggo, ang mga ito ay maari ng gamiting pataba ng mga halaman. 6. Lalagyan ng Kompost Ang mga ito ay maaring yari sa chicken wire o anumang materyales na pwedeng gawing basket. Kung malakihan ang pagkokompost, maaring gumamit rin ng mga tablang kahoy sa loob ng mga lalagyang ito. Siguraduhin lamang na mahahalo o mababaligtad ang laman ng mga ito. _____________________________________________ 24 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA D. Malakihang Pagkokompost Ang mga tuntunin sa malakihang pagkokompost ay pareho rin sa pagkokompost sa bahay, ngunit ito ay mangangailangan ng mga makinang katulad ng shredder, mixer at iba pang additives, o activators upang mapabilis ang pagkokompost. _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 25 _____________________________________________ VI. Mga Pakinabang sa wastong Pamamahala ng Basura: 1. Magagawang kapaki-pakinabang ang ibat-ibang bagay na itinapon. 2. Mas kakaunti ang basura. 3. Mas malinis at maayos ang pangongolekta ng basura 4. Magkakaroon ng maraming pataba 5. Makakatipid sa enerhiya. 6. Mapapalawak ang partisipasyon ng mga tao sa paglutas ng kanilang mga problema. 7. Maraming magkakaroon ng trabaho at dagdag kitang pera. 8. Malinis at maayos na kapaligiran at mas kaunting polusyon sa hangin, tubig at lupa. 9. Maipagpapatuloy ang harmony at balance ng tao sa kanyang kapaligiran. _____________________________________________ 26 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA _____________________________________________ Aralin sa Paghubog ng mga Lider Pang-Komunidad 27 _____________________________________________ _____________________________________________ 28 _____________________________________________ MODYUL PARA SA MAAYOS NA PAMAMAHALA NG BASURA
Selected International Human Rights Instruments (Mga Piling Pandaigdig Na Kasunduan at Deklarasyon NG Nagkakaisang Mga Bansa Hinggil Sa Karapatang Pantao)