1st Monthly Pananaliksik
1st Monthly Pananaliksik
1st Monthly Pananaliksik
Ayala)
Unang Semester 2017-2018 UNANG BUWANANG PAGSUSULIT
1. Dito tinalakay ang paksa hinggil sa panukalang isa sa mga umiiral na wika ang dapat maging wikang pambansa.
2. Probisyong pangwika na nagsaad na ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo ng isang wikang pambansa na nakabatay
sa kung ano ang umiiral sa katutubong wika.
3. Isang batas na isinulat ni Norberto Romualdez, nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa.
4. Ang Kautusang ito ang naging daan upang iproklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging
batayan ng Wikang pambansa base sa rekomendasyon ng Surian.
5. Ayon sa probisyong ito “ Ang Batasang Pambansa ay dapat magsasagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na
magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning Filipino.
6. Sa bisa ng batas na ito ipinahayag na ang wikang opisyal ng bansang Pilipinas ay Tagalog at Ingles.
7. Ito ay “nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina at ahensya ng pamahalaan ng magsasagawa ng mga hakbangin
para sa layuning magamit ang Pilipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensiya.”
8. Isinasaad sa kautusang ito na ang wikang pambansa ang siyang gagamitin sa pagtuturo sa mga paaralang pampubliko at pribado
ay batay sa Tagalog.
9. Ilang taon bago magkabisa ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
10. Nakasaad sa probisyong ito na “ Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa sa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.
11. Ang taong nagmungkahi na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika ng Pilipinas.
12. Siya naman ay naniniwalang ang wika ay tunay na likas sapagkat ang bawat wika raw ay kailangan munang pag-aralan bago
matutuhan.
13. Ito ang sinasabing bilang ng wika at wikaing umiiral sa ating bansa.
14. Sa patakarang ito ay gagamitin ang unang wika bilang panturo at bilang hiwalay na asignaturang pangwika samantalang ituturo
din ang Filipino at Ingles bilang mga hiwalay na asignatura.
15. Ito ang wikang naging batayan ng wikang pambansa dahil ito ay tumutugma sa mga pamantayang binuo ng sangay na nagsuri sa
iba’t ibang wika o diyalekto sa bansa.
16. Iba pang katawagan sa unang wika, Mother Tongue o L1.
17. Siya ang lingguwista at propesor na nagbigay pagpapakahulugan sa wika bilang masistemang balangkas ng mga tunog na pinili
at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura.
18. Siya ang dating Kalihim ng Edukasyon na nagpalabas ng kautusang pangkagawaran nagsasaad na mula Tagalog ay Pilipino na
ang itatawag sa ating wikang Pambansa.
19. Ang tawag sa barayti ng wika kung saan ang wikang nagsimula bilang pidgin ay nagging likas na wika o unang wika nang
batang isinilang sa komunidad.
20. Ang wikang puro at walang kahalong anumang barayti. Sinasabing walang buhay na wika ang ganito sapagkat kailanman ay
hindi maaring maging pare-pareho ang pagsasalita ng lahat ng gumagamit ng wika.
21. Ito ang barayti ng wika kung saan naiiangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
22. Sa barayting ito ng wika nakabatay ang pagkakaiba-iba sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong
gumagamit ng wika.
23. Katangian ng wikang nagpapakitang ito’y hindi maaring maging puro sapagkat ang bawat wika ay binubuo ng iba’t ibang
barayti dala na rin ng mga salik panlipunang nagiging dahilan sa pagkakaiba-iba ng mga ito.
24. Barayti ng wikang nagyayari kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang
wika at di nakakaalam sa isa’t isa.
____________________________________________________________________________________________________________________________
Unang Buwang Pagsusulit – Unang Semestre 2017-2018 SUBJECT CODE– Filipino 102 Komunikasyon at Pananaliksik• Page 1
25. Ito ang barayti ng wikang nagiging bahagi nang pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
26. Kasalukuyang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.
27. Ito ang barayti ng wika kung saan lumulutang ang personal na katangian at kakanyahang natatangi ng taong nagsasalita.
28. Ito ang tawag sa wika ng mga bakla o beki na nagsimula bilaang sikretong wika subalit kalauna’y ginagamit ng nakararami.
29. Ang mga ito ang dalawang opisyal na wika sa ating bansa ayon sa itinadhana ng ating saligang batas ng 1973.
30. Siya ang kalihim na nanguna sa pagtataguyod ng mga pagbabagong dala ng K – 12 Kurikulum.
1. Kilalang –kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag siansabi niya ang pamoso
niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
2. Nagtatagalog din ang mga taga Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga taga- Metro Manila.
3. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ni Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “ Ah, ha, ha, ha! Okey! Darla!
Halika!
4. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man dumating ang mga Espanyol.
Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na estruktura at hindi pag-aari
ng sinuman sa kanila.
5. Ang ilan sa mga Tsinong nskipagkalakalan sa ating mga ninuno ay nagpakasal sa mga dalagang taga-Binondo. Ang wikang
kanilang binuo na maituturing na hindi pag-aari ninuman ay siyang naging unang wika ng mga naging aanak nila.
6. Maririnig sa usapan nina Lauro a.k.a. “Laura” at kaibigan niya na si Danilo a.k.a “Dana” ang mga salitang charot, chaka,
Haggardo Versoza at iba pa.
7. Habang nakasakay sa bus si Norie ay narinig niyang nag-uusap ang dalawang babae sa unahan. Narinig niya sa usapan ang
mga salitang lesson plan, quiz, essay, at grading sheets. Mula rito’y alam niyang mga guro ang mga nakaupo sa harap niya.
8. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakatatawa ang ginagamit nilang mga salita
subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng klase at ng guro ay biglang nag-iba at
nagging pormal ang paraan nila ng pagsasalita.
9. Natutuhan ni Joven ang salitang Vakkul mula sa mga Ivatan nang mamasyal siya sa batanes. Saan man siya magpunta
ngayon, kapag naririnig niya ang salitang vakkul ay alam niyang ang salitang ito ng mga Ivatan ay tumutukoy sa gamit
nilang pananggalang sa init at ulan.
10. “Handan a ba kayo?” ito ang pamosong linyang bibibigkas ni Korina Sanchez sa kanyang programang Rated K. Kahit hindi
nakatingin sa telebisyon at narinig lamang ang kanyang pagsasalita ay tiyak na malalaman mong si korina nga ito dahil sa
sarili niyang estilo ng pagbigkas.
– WAKAS NG PAGSUSULIT –
____________________________________________________________________________________________________________________________
Unang Buwang Pagsusulit – Unang Semestre 2017-2018 SUBJECT CODE– Filipino 102 Komunikasyon at Pananaliksik• Page 2
____________________________________________________________________________________________________________________________
Unang Buwang Pagsusulit – Unang Semestre 2017-2018 SUBJECT CODE– Filipino 102 Komunikasyon at Pananaliksik• Page 3