Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Tengco, Nicole Ahn y

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

SULIRANIN NG MGA KOLEHIYONG ESTUDYANTE NA NAG-AARAL SA

UNIVERSITY OF NORTHERN PHILIPPINES NA NAGKAKASERA SA


TAMAG, VIGAN, ILOCOS SUR

ORIHINAL:

Pangangasiwa sa mga dormitoryo at boarding house


MALAKING tulong ang mga dormitoryo at boarding house lalo na sa mga
estudyanteng malayo ang bahay sa iskuwelahang kanilang pinapasukan.

Ayon kay Senator Jinggoy Ejercito Estrada, “Students who have to stay far away from
home to attend school face a lot of challenges – loads of school works, familiarization
of their new environment, building new relationships with teachers, schoolmates and
friends, and keeping themselves safe and sound while they are away from their homes
and families. While they are on guard on all of these concerns all day, the only time
they can relax and recharge for the next day’s activities is when they reach their
dormitories or boarding houses.”

Pero marami aniya sa ganitong mga establisimento ang hindi sapat na


napangangasiwaan ng mga may-ari. Napakarami nang mga sunog, pagnanakaw, at iba
pang krimen at aksidente na naganap sa iba’t ibang dormitoryo at boarding house
kung saan ay hindi na mabilang ang mga naapektuhan lalo na ang mga estudyante.

Kaugnay nito, isinusulong niya ang Senate Bill 2478 (Comprehensive and integrated
national policy and program guidelines for the operation and maintenance of
dormitories and boarding houses).

Itinatakda ng panukala ang mga sumusunod na patakaran at regulasyon para sa lahat


ng dormitoryo at boarding house:

1. License from the city/municipal government.

2. Discount of 10% for all students.

3. At least one helper for every 50 boarders or occupants for the proper maintenance
of the establishments.

4. Adequate lighting in all rooms, passageways and other parts of the premises
especially those intended for reading and studying purposes.
5. Adequate ventilations and enough space for comfort, and all bedrooms shall have a
window.

6. Lavatory for every 10 boarders and such other necessary sanitary facilities.

7. Fire escapes and other firefighting facilities, including fire extinguishers and hose
cabinet.

8. Study room for general use.

9. Basic first aid medicine and equipment.

10. Garbage receptacles to be disposed daily.

11.Closed-circuit television (CCTV) cameras in strategic areas in their vicinity.

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2015/01/03/1408971/pangangasiwa-sa-mga-dormitoryo-boarding-
house

BUOD:
Ang dormitoryo at boarding house ay malaking tulong sa mga estudyanteng
malayo ang bahay sa pinapasukan nilang eskwelahan. Ayon kay Senator Jinggoy
Ejercito Estrada, maraming pagsubok ang nararanasan ng mga estudyanteng
nagkakahera, gaya ng maraming gawain sa paaralan, pagbuo ng relasyon sa ibang tao,
pagkupkop sa panibagong kapaligiran at iba pa.
Bagamat napakarami nang mga sunog, pagnanakaw, at iba pang krimen at
aksidente na naganap sa iba’t ibang dormitoryo at boarding house kung saan ay hindi
na mabilang ang mga naapektuhan lalo na ang mga estudyante. Kaugnay nito,
isinulong ang Senate bill 2478 kung saan itinalaga ang mga pambansang patakaran at
programa ng mga gabay para sa pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga dormitoryo at
boarding house.
ORIHINAL:
Sa isang pag-aaral ng Tsavo Media Inc. (2010), naitalakay ang isang espisipikong
paksa patungkol sa palagay ng mga estudyante kung ipagpapatuloy ang paninirahan
kasama ang pamilya habang nag-aaral. Naipahayag dito na ang pamamalagi sa
orihinal na tanan ay maaaring maglagay sa kanila sa kasahulan sapagkat sa pagsunod
nito ay di sila matututong tumayo sa sariling mga paa at maging independiente.
Nasasabi rin na ang malayo-layong pagbbyahe patungo at pauwi galing sa paaralan ay
makakapagresulta sa pakiramdang sila ay nahihiwalay sa nasabing paaralan na siyang
nagiging dahilan sa pagbaba ng marka ng mga mag-aaral.
Ayon kay Dinkmeyer at Dreikurs sa taong 1963, isa sa mga susi sa pagkatuto ng
isang estudyante ay ang pamilya. Nagagawang mapagtibay nito ang tiwala sa sarili,
mapalawak ang kaalaman at mapaunlad ang kakayahan dahil sa suporta at
panghihikayat na natanggap galing sa pamilya. Isa rin sa mga dahilan upang mahubog
ang pagkatao ng estudyante ay dahil sa impluwensya at epekto nga kanyang
kapaligiran. Mahalagang mapagbuti ang koneksyon ng pamilya upang makatulong sa
pagbuo ng isang matagumpay na kinabukasan ang estudyante. May iba`t- ibang
paraan ng pagkatutu ng mga estudyante, kung saan nagbibigay ito ng epekto sa
kanilang pagganap sa kani-kanilang mga tungkulin bilang mga mag-aaral. Ang lugar
kung saan sila komportable’ng manuluyan ay nakapabibigay ng malaking
kontribusyon para sa mga mag- aaral. May mga lugar kung saan ang isang tao ay
nabibigyan ng kalayaan kung paano o ano ang dapat isaispi basi sa lugar na kanyang
kinalakihan (Morgan, 1997). Ang isang estudyante ay malayang mamili ng kanyang
tutuluyan basi sa kung saan siya komportable. Ang lugar kung saan ang isang
magaaral ay nakatira ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng kanyang kalagayan,
pagiging komportable sa lugar at sa bisa kung nagreresulta ito ng positibong
kinalabasan sa kanyang pagaaral.(Kelly,1997), ayon dito upang magkaroon ng
positibong pagganap ng mga estudyante sa paaralan ay nararapat na tanungin ng isang
tao ang kanyang sarili, kung saan siya komportabling manuluyan,at kung ang lugar na
kanyang pinili ay magkatugma sa istilo at kagustuhan nito sa pagaaral.
Kizlik(1997), nakasaad dito na ang bawat estudyante ay hindi pare-pareho ang
pangangailangan sa pagaaral. Nagkakaiba-iba ang pagaaral nila, at may ilang paraan
ng pagaaral na gumagana sa isang estudyante at maaring hindi gumana sa iba.
Gayunpaman, may ilang pangkalahatang paraan na may magandang kinalabasan na
resulta.
Sinasabi din sa Dinkmeyer at Dreikurs, 1963, na ang mga magulang ay may
malaking kontribusyon sa kung paano makipagsalamuha ang isang bata sa luob ng
komunidad. Gayundin, kung paano makipaghalubilo sa ibang tao. Iba talaga ang
gabay ng pamilya sa isang bata. Maliban dito, ito rin ay nakakamulat ng mata sa kung
paano lumago ang relasyon ng bata sa mga bagay sa paligid niya. Ang tungkulin ng
mga magulang ay napaka-importante sa paglaki ng bata at paano niya ipagpapatuloy
ang pag-aaral.
https://www.studocu.com/ph/document/mindanao-state-university-iligan-
institute-of-technology/bs-accountancy/other/pananaliksik-final-
rawr/7177458/view

PARAPHRASE:

Ayon sa pag-aaral ng Tsavo Media Inc. (2010), ang pagkakasera ay tumutulong


sa isang estudyante na matutong tumayo sa kanyang sariling paa at maging
independiente. Nabanggit rin na ang malayo-layong pag biyahe patungo at pauwi sa
paaralan ay nakakapagresulta ng pagiging sagabal nito para sa mga estudyante.
Ayon naman kina Dinkmeyer at Dreikurs (1963), Ang magulang ang may pinaka
importante at malaking ambag sa pakikisalamuha at pakikihalubilo ng isang bata.
Pamilya at ang mga taong nakapaligid dito ang huhubog at susi sa pagkatuto at
pagkatao ng isang estudyante. Na kung saan, napagtitibay nito ang kaalaman,
kakayahan, kumpiyansa at tiwala sa sarili. Ang bawat estudyante ay may kanya-
kanyang paraan ng pagkatuto gaya ng mga lugar kung saan sila komportableng mag-
aral. Ito ay dahil may mga estudyanteng nakakapag aral lamang sa mga piling lugar o
sa kung saan sila hiyang.
ORIHINAL:
Dapat Bang Pumasok ang Inyong Anak sa Isang “Boarding School”?

IPAGPALAGAY na nakatira kayo sa isang munting bayan sa isang


nagpapaunlad na bansa. Mayroon kayong ilang anak na nasa paaralang primarya,
ngunit sa edad na 12, tutuntong na sila sa paaralang sekundarya. Sa inyong lugar, ang
mga paaralang sekundarya ay punung-puno na, di-sapat ang mga pasilidad, at kulang
sa mga kawani. Dahil sa welga kung minsan ay nagsasara ang mga paaralan sa loob
ng ilang linggo o buwan.

May nag-abot sa inyo ng isang makintab na brosyur na naglalarawan sa


isang boarding school (paaralan na naglalaan ng pagkain at matutuluyan) sa lunsod.
Nakikita ninyo ang mga larawan ng masasaya, mahuhusay-manamit na mga
estudyante, na nag-aaral sa mga silid-aralan, laboratoryo, at mga aklatang kumpleto sa
kagamitan. Ang mga estudyante ay gumagamit ng mga computer at nagrerelaks sa
malinis, kaakit-akit na mga silid sa dormitoryo. Nabasa ninyo na ang isa sa mga
layunin ng paaralan ay ang tulungan ang mga mag-aaral na “makamit ang
pinakamataas na pamantayan sa pag-aaral na doo’y may kakayahan sila.” Nabasa pa
ninyo: “Lahat ng mag-aaral ay kailangang sumunod sa isang alituntunin ng paggawi
na katulad sa normal na maaasahan sa isang pamilya na kung saan idiniriin ang
pagpipitagan, kagandahang-asal, paggalang sa mga magulang at sa matatanda,
pakikipagtulungan, pagpaparaya, kabaitan, katapatan at integridad.”

Sinipi ang sinabi ng isang nakangiting kabataang lalaki: “Binigyan ako ng aking
mga magulang ng natatanging pribilehiyo na pumasok sa pinakamahusay na
paaralan.” Sabi naman ng isang batang babae: “Nakapagpapasigla at nakatutuwa ang
paaralan. Dito ay masarap mag-aral.” Ipadadala ba ninyo ang inyong anak na lalaki o
babae sa gayong boarding school?

Edukasyon at Espirituwalidad

Nais ng lahat ng mapagmahal na magulang na bigyan ang kanilang mga anak ng


magandang pasimula sa buhay, at upang matupad ito ay mahalaga ang isang kumpleto
at timbang na edukasyon. Madalas na ang sekular na edukasyon ay nagbubukas ng
mga pintuan para sa mga pagkakataong makapagtrabaho sa hinaharap at tumutulong
sa mga kabataan na sumulong upang maging mga nasa hustong gulang na may
kakayahang mangalaga sa kanilang sarili at sa kanilang magiging pamilya.

‘Kung ang isang boarding school ay nag-aalok ng isang mahusay na edukasyon


lakip na ang isang moral na patnubay, bakit hindi natin samantalahin iyon?’ baka
itanong ninyo. Bilang sagot sa tanong na ito, dapat na may pananalanging isaalang-
alang ng Kristiyanong mga magulang ang isang napakahalagang salik—ang
espirituwal na kapakanan ng kanilang mga anak. Itinanong ni Jesu-Kristo: “Tunay
nga, ano ang kapakinabangan ng isang tao na matamo ang buong sanlibutan at
maiwala ang kaniyang kaluluwa?” (Marcos 8:36) Mangyari pa, wala talaga itong
kapakinabangan. Kung gayon, bago magpasiyang ipadala ang kanilang mga anak sa
isang boarding school, dapat na isaalang-alang ng Kristiyanong mga magulang ang
malamang na epekto nito sa pag-asa ng kanilang mga anak para sa buhay na walang-
hanggan.

Ang Impluwensiya ng Ibang Estudyante

Ang ilang boarding school ay maaaring may kahanga-hangang mga pamantayan


sa pag-aaral. Subalit kumusta naman ang mga pamantayan sa moral niyaong mga nag-
aaral o marahil ng ilan sa mga nangangasiwa sa gayong mga paaralan? Hinggil sa uri
ng mga tao na darami sa “mga huling araw” na ito, sumulat si apostol Pablo: “Sa mga
huling araw ay darating ang mga panahong mapanganib na mahirap pakitunguhan.
Sapagkat ang mga tao ay magiging mga maibigin sa kanilang sarili, mga maibigin sa
salapi, mga mapagmapuri-sa-sarili, mga palalo, mga mamumusong, mga masuwayin
sa mga magulang, mga walang utang-na-loob, mga di-matapat, mga walang likas na
pagmamahal, mga hindi bukás sa anumang kasunduan, mga maninirang-puri, mga
walang pagpipigil-sa-sarili, mga mabangis, mga walang pag-ibig sa kabutihan, mga
mapagkanulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki sa pagmamapuri, mga
maibigin sa mga kaluguran kaysa maibigin sa Diyos, na may anyo ng maka-Diyos na
debosyon ngunit nagbubulaan sa kapangyarihan nito; at mula sa mga ito ay lumayo
ka.”—2 Timoteo 3:1-5.

Ang pagguhong ito sa moral at espirituwal ay pandaigdig, anupat naghaharap ng


hamon sa mga Saksi ni Jehova may kinalaman sa pamumuhay nang ayon sa mga
simulain sa Bibliya. Nasumpungan niyaong mga estudyanteng umuuwi sa tahanan
araw-araw na kahit ang kanilang limitadong pakikisalamuha sa makasanlibutang mga
kamag-aral ay maaaring magdulot ng isang malakas na negatibong impluwensiya sa
kanilang espirituwalidad. Maaaring maging isang malaking pakikipagpunyagi para sa
mga anak na Saksi ang pagharap sa gayong impluwensiya, sa kabila ng araw-araw na
suporta, payo, at pampasigla ng kanilang mga magulang.

Ano, kung gayon, ang kalagayan ng mga anak na lumisan sa tahanan upang
pumasok sa mga boarding school? Sila’y nakabukod, anupat hiwalay mula sa regular
na espirituwal na alalay ng maibiging mga magulang. Yamang kasama nila ang
kanilang mga kamag-aral sa loob ng 24 na oras bawat araw, ang panggigipit na
umayon sa karamihan ay may mas malakas na impluwensiya sa kanilang murang isip
at puso kaysa sa posibleng maranasan ng mga estudyanteng nakatira sa tahanan.
Ganito ang sabi ng isang estudyante: “Sa moral na paraan, ang isang boarder ay
namumuhay sa panganib mula umaga hanggang gabi.”

Sumulat si Pablo: “Huwag kayong palíligaw. Ang masasamang kasama ay


sumisira ng kapaki-pakinabang na mga kinaugalian.” (1 Corinto 15:33) Hindi dapat
malinlang ang Kristiyanong mga magulang sa pag-iisip na hindi mapipinsala ang
espirituwalidad ng kanilang mga anak kung lagi nilang nakakasama yaong mga hindi
naglilingkod sa Diyos. Sa isang yugto ng panahon, ang maka-Diyos na mga anak ay
maaaring maging manhid sa mga pamantayang Kristiyano at maaaring mawalan ng
pagpapahalaga sa espirituwal na mga bagay. Kung minsan ay hindi ito nakikita ng
mga magulang hanggang sa makaalis na sa boarding school ang kanilang mga anak.
Kung magkagayo’y madalas na huli na upang ituwid ang mga bagay-bagay.

Pangkaraniwan ang karanasan ni Clement. Ganito ang inilahad niya: “Bago


pumasok sa boarding school, ako ay umiibig sa katotohanan at naglilingkod sa
larangan kasama ng mga kapatid. Tuwang-tuwa akong makibahagi lalo na sa aming
pampamilyang pag-aaral sa Bibliya at sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat. Subalit
nang pumasok ako sa boarding school sa edad na 14, lubusan ko nang iniwan ang
katotohanan. Sa loob ng limang taóng ginugol ko sa boarding school, hindi ako
kailanman dumalo sa mga pulong. Bunga ng masasamang kasama, ako’y nasangkot
sa paggamit ng droga, paninigarilyo, at paglalasing.”

Limitadong Pagkilos

Di-tulad sa mga pamantasan, kung saan karaniwan nang may kalayaan ang mga
estudyante na gawin ang naisin nila, nililimitahan naman ng mga boarding school ang
maaaring gawin ng mga bata. Hindi pinahihintulutan ng marami sa mga paaralang ito
na umalis sa bakuran ng paaralan ang mga estudyante maliban na kung Linggo, at
hindi pa man din ito pinahihintulot ng ilang paaralan. Ganito ang sabi ni Eru na isang
11-taóng-gulang na estudyante sa isang boarding school: “Hindi kami pinapayagan ng
mga awtoridad ng paaralan na dumalo sa mga pulong, lalo na ang maglingkod sa
larangan. Sa loob ng paaralan, may mga serbisyo para lamang sa mga Katoliko at mga
Muslim. Bawat estudyante ay kailangang pumili ng alinman sa dalawa o kaya’y
humarap sa matinding galit kapuwa ng mga guro at mga estudyante. Napipilitan din
ang mga estudyante na umawit ng pambansang awit at mga himnong pansimbahan.”

Kapag ipinatala ng mga magulang ang kanilang mga anak sa gayong paaralan,
anong mensahe ang itinatawid nila sa mga kabataan? Maaaring ang mensahe ay na
higit na mahalaga ang sekular na edukasyon kaysa sa pagtitipon para sa pagsamba at
pakikibahagi sa paggawa ng alagad—anupat mas mahalaga pa kaysa sa integridad sa
Diyos.—Mateo 24:14; 28:19, 20; 2 Corinto 6:14-18; Hebreo 10:24, 25.

Sa ilang boarding school, nagagawa ng mga estudyanteng Saksi na makapag-aral


ng Bibliya nang sama-sama, ngunit kalimitan nang mahirap ding gawin ito. Ganito
ang sabi ng kabataang si Blessing, na ang edad ay 16, tungkol sa boarding school na
pinapasukan niya: “Nagtitipon araw-araw upang manalangin ang mga tinaguriang
Kristiyano. Sinubukan naming mga Saksi na makiusap sa kanila upang makapag-aral
kami, pero sinasabi sa amin ng magtatapos na mga estudyante na ang aming relihiyon
ay hindi kinikilala. Pagkatapos ay pinipilit nila kaming sumama sa kanila sa
pananalangin. Kapag tumatanggi kami, pinarurusahan nila kami. Lalo lamang
nagpapalubha ng mga bagay-bagay ang paglapit sa mga guro. Kung anu-ano ang
ibinabansag nila sa amin at sinasabihan ang mga magtatapos na mga estudyante na
parusahan nila kami.”

https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/1997207

ORIHINAL:
Pagbabadyet ng Mag-aaral (Student Budgeting)
“Mas madaling mamuhay nang nakabadyet ang pera kaysa mamuhay na
hinahabol ang mga taong inutangan mo,” ayon kay Erika Turk, isang estudyanteng
kolumnista para sa Young Money Magazine.
Ang pagbabadyet ay isang plano kung paano gagastusin ang kinitang pera (May
Plano ka ba?, http://masaganang-pinoy-blogspot.com/2007_01_01_archive.html).
Ito’y nakatutulong sa kaayusan ng paggastos at pagkamit ng mga pangarap na may
kinalaman sa pera. Ang taong may badyet ay kadalasang may kontrol sa kanyang
pera. Alam niya kung saan ito nanggagaling at saan ito dapat pupunta. Sa
pagbabadyet, inuuna munang bilhin ang mga mahahalagang bagay at ang mga
pangunahing bilihin kaysa sa mga luho (Student Budgets,
http://www.studentfinancedomain.com/budgets/budget-planning.aspx).

Mga Hakbang sa Pagbabadyet


Ayon sa tatlong artikulong aming nakuha na Leave College Without Credit Card
Debit, Budgeting Tips for Students at How to Survive on a College Student’s Budget,
mayroong tatlong hakbang sa pagbabadyet:
Una, maghanda ng budget worksheet at unang itala ang perang natanggap o
kinita- kung may trabaho, negosyo o sideline (maaaring sa isang linggo, buwan o higit
pa). Ilagay dito kung saan nanggaling ang pera at kung magkano ito lahat-lahat. 
Pangalawa, itala ang mga gastos tulad ng mga bayarin ng isang estudyante para
sa matrikula, pagkain, gastusin sa mga proyekto, libro at iba pa (maaaring sa isang
linggo, buwan o higit pa). Itala rin kung magkano ang nagagastos sa bawat kategorya.
Huwag rin kalimutan itala lahat ng mga bagay na binili at ang mga presyo nito. 
Huling hakbang ay ihambing ang gastos at kita. Kung labis o mas malaki ang
kita, matagumpay ang pagbabadyet at may ipon. Kung mas malaki naman ang gastos
kaysa sa kita, nangangailangang bigyang pansin ang mga gastusin at unahin dapat ang
mga mahahalagang bagay
(http://financialplan.about.com/cs/college/a/MoneyCollege.htm,
http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm,
http://www.ehow.com/how_2199383_survive-college-students-budget.html).

Mga Pamamaraan sa Pagbadyet at Pag-ipon


Ngayong alam na natin ang mga hakbang sa pagbabadyet, nararapat ring
malaman ang ilan sa mga pamamaraan tungo sa mabisa at epektibong pagbabadyet.
Kailangan alam natin ang mga pamamaraan upang lalo pa tayong maka-ipon o kumita
ng pera. Ayon kay June Walbert, dahil karamihan sa mga estudyante sa kolehiyo ay
walang sapat na karanasan sa paghawak ng pera, responsibilidad ng mga magulang na
ipaalam sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng paggastos ng pera sa wastong
paraan (Better Budgeting for Students, http://www.msnbc.msn.com/id/94028721).
Isa sa mga pamamaraan ay bigyang limitasyon ang mga gastusin. Ayon sa Young
Money Magazine, magagawang limitahin ang gastusin sa pagkain sa pamamagitan ng
pagbili ng pagkaing hindi mabilis maubos at mabulok tulad ng instant noodles,
embutido, longganisa, tocino at iba pang mga ready-to-cook na pagkain . Pumili rin
ng pagkaing madaling lutuin o gawin. Sabi naman sa artikulong Epektibong
Pagbabadyet ni Jonathan Poblacion, hangga’t maaari, magbaon na lamang ng pagkain
sa paaralan at iwasang bumili sa mga restaurant o fast food chains. Kung lalabas
naman o may pupuntahang lakad kasama ang mga kaibigan, magdala lamang ng sapat
na perang gagastusin. Kung malaking halaga ng pera ang dala, malaki rin ang
posibilidad na mapagastos sa mga bagay na hindi naman talaga kailangan (Budgeting
tips for Students, http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm). 
Sa pagbili naman ng kagamitan tulad ng mga damit, sapatos at alahas, mas
epektibo ang paglilimita ng gastusin kung maghahanap ng murang tatak subalit
maganda rin naman ang kalidad. Mag-ikot muna sa iba’t ibang tindahan upang
mapagkumpara ang mga presyo ng iyong bibilhin. Kadalasan, ang ibang tindahan o
tindero/tindera ay mas mababa sumingil kumpara sa ibang tindahan o tindero/tindera.
Pairalin din ang pagiging malikhain at resourceful. Hangga’t maaari, matutuong
magresiklo ng mga bagay-bagay. Nakatipid ka na, nakatulong ka pa sa kalikasan
(Budgeting tips for Students,
http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm).
Kung may sarili namang sasakyan, nararapat na gamitin lamang ito kung talagang
kailangan. Kung malapit lang naman ang iyong pupuntahan, mas makabubuti kung
maglakad na lamang o gumamit ng bisikleta. Maari ring mag-carpool kasama ang
mga iyong kaibigan upang makatipid sa gas (Young Magazine,
http://www.youngmoney.com/aboutus/press/040824).
Maging pamilyar rin sa mga diskwento na ibinibigay ng unibersidad. Kalimitan
ay nagsasagawa pa sila ng libreng mga konsyerto para sa ikalilibang ng mga
estudyante nito (Budgeting tips for Students,
http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm).
Kung nakatira naman sa dormitoryo o apartment, bayaran ang mga bayarin sa
tamang oras. Huwag nang hintaying magpatong-patong ang mga ito (Budgeting tips
for Students, http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm). Mabisa rin
ang pagkakaroon ng savings account o joint accounts sa mga magulang upang
masubaybayan ang paggastos at makasigurong nababayaran ang mga bayarin (Better
Budgeting for Students, http://www.msnbc.msn.com/id/94028721).
Mabisang paraan din ang pagtatabi agad ng pera sa oras na ito ay nakuha o
natanggap. Maaaring itabi ang 5-10% ng baon o kita para siguradong may ipon. Kung
hindi naman masyadong nahihirapan sa paaralan at kung may sapat na oras, maaaring
magkaroon ng negosyo o sideline. Mabisa rin ito dahil bukod sa iyong baong pera,
may dagdag kita ka. Dahil rito, dadami pa ang iyong ipon (May Plano ka
ba?,http://masaganang-pinoy-blogspot.com/2007_01_01_archive.html, Budgeting tips
for Students, http://www.essortment.com/family/budgetingtipss_sndl.htm).
http://studentbudgetingustnursing.blogspot.com/2009/03/oh-my-gastos-isang-pag-
aaral-sa.html

ORIHINAL:
Pangangasiwa sa mga dormitoryo at boarding house
MALAKING tulong ang mga dormitoryo at boarding house lalo na sa mga
estudyanteng malayo ang bahay sa iskuwelahang kanilang pinapasukan.

Ayon kay Senator Jinggoy Ejercito Estrada, “Students who have to stay far away from
home to attend school face a lot of challenges – loads of school works, familiarization
of their new environment, building new relationships with teachers, schoolmates and
friends, and keeping themselves safe and sound while they are away from their homes
and families. While they are on guard on all of these concerns all day, the only time
they can relax and recharge for the next day’s activities is when they reach their
dormitories or boarding houses.”

Pero marami aniya sa ganitong mga establisimento ang hindi sapat na


napangangasiwaan ng mga may-ari. Napakarami nang mga sunog, pagnanakaw, at iba
pang krimen at aksidente na naganap sa iba’t ibang dormitoryo at boarding house
kung saan ay hindi na mabilang ang mga naapektuhan lalo na ang mga estudyante.

Kaugnay nito, isinusulong niya ang Senate Bill 2478 (Comprehensive and integrated
national policy and program guidelines for the operation and maintenance of
dormitories and boarding houses).
Itinatakda ng panukala ang mga sumusunod na patakaran at regulasyon para sa lahat
ng dormitoryo at boarding house:

1. License from the city/municipal government.

2. Discount of 10% for all students.

3. At least one helper for every 50 boarders or occupants for the proper maintenance
of the establishments.

4. Adequate lighting in all rooms, passageways and other parts of the premises
especially those intended for reading and studying purposes.

5. Adequate ventilations and enough space for comfort, and all bedrooms shall have a
window.

6. Lavatory for every 10 boarders and such other necessary sanitary facilities.

7. Fire escapes and other firefighting facilities, including fire extinguishers and hose
cabinet.

8. Study room for general use.

9. Basic first aid medicine and equipment.

10. Garbage receptacles to be disposed daily.

11.Closed-circuit television (CCTV) cameras in strategic areas in their vicinity.

https://www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/opinyon/2015/01/03/1408971/pangangasiwa-sa-mga-dormitoryo-boarding-
house

ORIHINAL:
Isang Paghahambing Na Pag-Aaral Sa Epekto Ng Paninirahan Sa Dormitoryo at
Sa Sariling Tahanan Ng Mga Mag-Aaral Sa Unang Taon Ng Unibersidad Ng
Manila Sentral Sa Kursong Parmasya
Ang pagiging kolehiyo ay hindi madaling buhay, ito ay nangangailingan ng
pagsusumikap, determinasyon, at pakikisama bago malampasan. Kalimitan, sa layo ng
tirahan ay napipilitan o di kaya’y gustong manirahan sa boarding house o sa mga
dormitoryo. Ayon sa isang pag-aarral sa Colorado College, USA nina de Araujo at
Murray noong taong 2010, merong sapat at magandang dahilan ang pagtira sa isang
dormitory, maliban sa hindi problema ang mga gawaing pambahay, ito daw ay
pwedeng magkaroon ng magandang epektong pang-akademiko sa isang estudyante.
Inilahad naman ni Thompson et al (1993) karamihan sa mga naninirahang mga mag-
aaaral sa unang taon sa kolehyo na nakatira sa mga dormitoryo ang nakakapagtapos sa
kolehiyo. Halos lahat ng mga pag-aaral kabilang ang mga nabanggit ay nagsasabing
merong magandang epekto pang-akademiko ang pagtira sa ganitong pamayanan.
Subalit, hindi nito mabubura ang katotohanang mahirap at maraming pagsubok ang
kakaharapin ng isang estudyanteng naninirahan malayo sa kanilang pamilya lalo na
kung unang beses niya itong gagawin. Ayon kay Joshua Huffman (2010), maaring
magdulot ng mga masamang epekto ang pag-dodormitoryo. Inilahad niya na bagamat
maraming pwedeng matutunan ang isang mag-aaral sa paninirahan sa ganitong
pamayanan ay hindi maiiwasan ang laki ng gastos na kakaharapin nito at hindi rin sila
nalalayo sa peligro lalong lalo na kung ito ay nasa labas ng unibersidad. Maaring
matuto ng mga masasamang bisyo ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng kanilang
mga dorm mates. Dagdag pa ni Huffman, sa haba ng araw na pamamalagi ng isang
mag-aaral sa dormitoryo ay hindi nito maiiwasan ang pangungulila sa kanyang
pamilya at kalaunan ay nagpapakita ng pagbabago sa kanyang ugali at pagkilos.
Panghuli, ang pagsasaalang-alang sa kalusagan ng mag-aaral, hindi lahat ng mga
dormitoryo ay may sari-sariling palikuran kaya’t minsan sa isang banyo anim
hanngang walong tao ang gumagamit na pwedeng magkusa ng iba’t ibang sakit sa mga
estudyante. 
Sa kabilang dako, ang paninirahan sa sariling tahanan ay hindi isinasantabing
opsyon ng marami, sa katunayan maraming mga benipisyo ang pagtira sa sariling
tahanan, unang-una ay ang pinasyal na usapin. Mas makatitipid ang isang pamilya
kung mismong sa sariling tahanan nila mananatili ang kanilang anak habang nag-aaral
sa kolehiyo. Pangalawa, hindi lahat ng mag-aaral ay madaling umangkop sa
pagbabago ng kanilang kalagayan sa dahilang hindi sila sanay na malayo sa kanilang
mga mahal sa buhay na pwedeng magbunga ng pagkastress, pagbabago ng ugali at
emosyon. At sa pinaka-importanteng makamit ng estudayante ay paggabay ng mga
magulang, dito karaniwang nalilinang at nagkakaroon ng motibasyon ang mga mag-
aaral para tapusin ang kanilang pag-aaral. Ang pamilya rin ang nagpapalakas ng loob
sa isang mag-aaral kung sakaling meron itong mabigat na problema (Plaige, 2007).
Ngunit, ang mga pag-aaral na ito ay hindi unibersal. Hindi nangangahulugang lahat ng
mga mag-aaral na nakatira malapit sa universidad ay may magandang epekto sa
kanilang pang-akademiko kakayahan at hindi rin nangangahulugan na lahat ng mga
mag-aaral na nakitira sa kanilang sariling tahanan ay nabibigyan ng sapat na gabay at
pang-unawa galing sa kanilang pamilya. Ito ay nakadepende pa rin sa mag-aaral kung
gustong niyang ayusin ang kanyang pag-aaral at ipagpagtuloy ito hanggang sa
makatapos gaano man kabigat ang pagsubok na kanyang kakaharapin.

Maituturong natin na pagsubok ang mga problema, lahat ng tao may kinaharap,
kinakaharap at kakaharaping pang mga problema sa mga susunod na panahon kung
kaya’t gaano man kasipag o katalino ang isang mag-aaral, dahil isa pa rin siyang
indibidwal ay hindi niya maipagkakait ang mga hadlang o sagabal sa kanyang pag-
aaral. Ang buhay kolehiyo ay punong-puno ng mga problema, nakatira ka man sa
dormitoryo o hindi ay kakaharapin mo pa rin ang mga ito. Naparaming salik ang
kinakaharap ng mga mag-aaral kung bakit nahihirapan silang lutasin ng kanilang mga
problema sa kolehiyo. Isa rito ang kanilang pag-uugali na kung tawagin ay “Ugaling
Pinoy”. Isa ito sa mga ugaling maaring magkaroon ng mga masamang epekto kung
magiging habit ng isang mag-aaral lalong-lalo na sa pang-akademikong kakayahan
nito. Halimbawa nito ang Mañana at Bahala na habit at iba pa. 
Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay ginawa upang malaman ang mga
ugali ng mga mag-aaral kasama na ang mga stratehiya o pamamaraan nila upang
malagpasan ang mga pagsubok na kanilang kinakaharap sa pag-aaral nakatira man sa
sariling tahanan o sa dormitoryo. Ito rin ay napapatungkol sa mga karaniwang
problemang kinakaharap ng mag-aaral sa kanilang pag-aaral lalong lalo sa mga mag-
aaral na nakatira sa dormitoryo at malayo sa kanilang tahanan. Paano nila ginugol ang
oras ng pag-aaral at gawain sa domitoryo? Mas disiplinado ba ang mga mag-aaral na
nakatira sa dormitoryo kaysa mga mag-aaral na nakatira sa kanilang tahanan? Sino ang
kalimitang mayroong Ugaling Pilipino ang mga nasa dormitoryo o mga nakatira sa
kanilang tirahan? At sino ang mas madaling humawak ng mga mabibigat na problema
ang mga mag-aaral na nasa dormitoryo ba o ang mga mag-aaral na nasa kanilang
tahanan?
https://www.termpaperwarehouse.com/essay-on/Isang-Paghahambing-Na-Pag-Aaral-
Sa-Epekto-Ng-Paninirahan-Sa-Dormitoryo-at-Sa-Sariling-Tahanan-Ng-Mga-Mag-
Aaral-Sa-Unang-Taon-Ng-Unibersidad-Ng-Manila-Sentral-Sa-Kursong-
Parmasya/145656

ORIHINAL:
            Bilang isang estudyante, mahalagang malaman kung papaano gagastusin ang
kanyang baong salapi, nagko-commute man o hindi. Nakakatulong ito sa kaayusan ng
paggastos, kawastuhan ng pamamahala sa salapi, at kung lumaon, pati sa pagkamit ng
mga pangarap namay kinalaman sa kayamanan. Malaking porsiyento ng kanilang
baon o kita (kung may negosyo o trabaho) ay napupunta sa pagbili ng pagkain. Isang
dahilan kung bakit ang pagkain ay mahalaga at nararapat lamang para sa kalusugan
natin. Maaaring isa sa mga dahilan kung bakit malaking bahagi ng pera ang
napupunta rito ay ang kamahalan ng pagkain at bilihin ngayon. Alam naman nating
lahat na ang mga presyo ng bilihin ay patuloy na tumataas dulot ng krisis. Isa pa sa
mga maaaring dahilan ay ang kakulangan sa pagkontrol sa sarili. Minsan ay hindi
natin mapigilang bumili ng mga pagkaing masasarap o matagal na nating hindi
natitikaman.
            Pangalawang pangunahing gastusin ay ang transportasyon o pamasahe.
Maraming estudyante ang bumabiyahe pa araw-araw mula sa kanilang tahanan upang
pumasok sa klase. Kahit may student discounts, malaki-laki pa rin ang perang
napupunta rito.
Ikatlo ang gastusin sa paaralan. Nabibilang dito ang gastos sa pagpapapakopya
ng mga handout mula sa mga propesor.
Sumusunod sa listahan ang internet o kompyuter, hilig o gusto (gadgets), at sa
kasintahan. Ngayong alam na natin ang mga hakbang sa pagbabadyet, nararapat ring
malaman ang ilan sa mga pamamaraan tungo sa mabisa at epektibong pagbabadyet.
Kailangan alam natin ang mga pamamaraan upang lalo pa tayong maka-ipon o kumita
ng pera.
Ayon kay June Walbert, dahil karamihan sa mga estudyante sa kolehiyo ay
walang sapat na karanasan sa paghawak ng pera, responsibilidad ng mga magulang na
ipaalam sa kanilang mga anak ang kahalagahan ng paggastos ng pera sa wastong
paraan.
Ayon sa Young Money Magazine, magagawang limitahin ang gastusin sa
pagkain sa pamamagitan ng pagbili ng pagkaing hindi mabilis maubos at mabulok
tulad ng instant noodles, embutido, longganisa, tocino at iba pang mga ready-to-cook
na pagkain . Pumili rin ng pagkaing madaling lutuin o gawin.
Sabi naman sa artikulong Epektibong Pagbabadyet ni Jonathan Poblacion,
hangga’t maaari, magbaon na lamang ng pagkain sa paaralan at iwasang bumili sa
mga restaurant o fastfood chains. Kung lalabas naman o may pupuntahang lakad
kasama ang mga kaibigan, magdala lamang ng sapat na perang gagastusin. Kung
malaking halaga ng pera ang dala, malaki rin ang posibilidad na mapagastos sa mga
bagay na hindi naman talaga kailangan.
Kaugnay na Literatura
Alawans ng mga nagrerenta ng boarding
Ang layunin ng alawans ng mga nagrerenta ay upang makatipid sa pamasahe
kung magmumula sa isang malayong lugar ang mag-aaral. Ang paaralan ay mas
malapit na sa paaralan.
Alawans ng mga nag byabyahe
Ang pakinabang na ito ay lalo nainilaan upang pagsamahing muli ang isang
full-time na post-sekundaryong mag-aaral na pumapasok sa kolehiyo (kabilang ang
mga post-baccalaureate antas), teknikal o bokasyonal na paaralan sa mga
empleyado/magulang paghahatid sa US na pamahalaan sa ibang lugar. Gayun paman,
ang pang-edukasyon na paglalakbay ay maaaring bayaran para sa isang bata sa
sekundaryong paaralan (grado 9 sa pamamagitan ng 12) sa halip ng edukasyon ng
allowance nainilarawan sa itaas. Pang-edukasyon sa paglalakbay ay hindi maaaring
bayaran sa parehong oras bilang ang alawans ng edukasyon at hindi dapat malito sa
transportasyon bahagi ng ang "malayo-mula sa-post" na edukasyon
alawans.Educational travel can commence from either the school or the post, but only
one round trip between school and post is allowed annually.
Pang-edukasyon paglalakbay ay maaaring pasimulan mula sa alinman sa
paaralan o sa mga post, ngunit lamang ang isang buweltahan sa pagitan ng paaralan at
pagkatapos ay pinapayagan taun-taon. Based on achange in law, the DSSR changed
effective July 22, 2007 eliminating the restriction that the school attended full-time
had to be in the United States. Batay sa isang pagbabago sa batas, ang DSSR ang
nagbago epektibo Hulyo 22, 2007 aalis ang paghihigpit na pumasok ng paaralan ng
full-time na nagkaroon na maging sa Estados Unidos
http://jesusapondang.blogspot.com/2015/03/ang-epekto-ng-alawans-ng-mga-mag-
aaral.html

ORIHINAL:
Banyagang Pag-aaral
Sa pag-aaral nina Astin (1977) at Selby at Weston(1978) kadalasang binibigyang
pansin sa mga residential life researches ay ang mga pagkakaiba ng mga estudyanteng
hindi nagdodorm at yung mga nagdodorm. Ayon din kina Chapman at
Pascarella(1983) at Tinto (1957) kadalasan sa pagkokompura ng mga ito ay lumalabas
na ang pagtira sa loob ng kampus ay naiuugnay sa akademikong perpormans dahil sa
pinalawak na opurtunidad na mapalapit sa edukasyon gaya ng pagiging malapit sa
ilang mga facultiesat mga pasilidad sa paaralan, pwede ring maging dahilan madalas
na pakikipag-usap sa mga taong nakapaligid sayo, sa mga barkada at ang mga hindi
pormal na aktibidad ng isang kolehiyo.
Dagdag pa ni Astin (1984), makakabutiang pagtira sa isang dormitoryo sa pag-
angat sa paaralan ng isang mag-aaral kung magkakaroon ito ng mas malapit na
ugnayan sa edukasyon at sinabi rin ni Tinto (1975) na ang pagdodorm ay ang
pinagsamang akademiko at sistemang sosyal ng isang estudyante. Ang mga
estudyante naman na nakatira sa labas ng paaralan o yung mga hindi nagdodorm na
malayo ang tinitirhan sa paaralan ay iniisip na mas maliit ang kaugnayan sa
edukasyon at institusyon at dahil dito ay mas maliit ang tsansang magtagumpay sa
kanyang pagaaral. Dahil ang pagtira sa bahay ay sagabal pagkaugnay ng estudyante sa
sosyalidad.
Lokal na Pag-aaral
Banyagang Literatura
Inilahad sa sanaysay na isinulat ni Danielle Parrella, isang magaaral sa kolehiyo
na nagmula sa Iona College in New Rochelle, NYC. “I was able to sleep comfortably
without the noise of my roommates, and I had the support of my family as I went
through a stressful program.” Sinabi niya rito na mas banayad ang naging paninirahan
niya sa kanilang tahanan dahil bukod sa makakaiwas na siya sa kaniyang maiingay na
kasama sa dormitoryo ay masusuportahan pa siya ng kaniyang mga magulang. Batay
sa rin komposisyon ni Janice Delahunt, “When it comes to the cash benefit of living at
home, let's make sure it's money saved and not money not-spent”. Ipinapabatid niya
dito na kung nais mong mag mula sa inyong tahanan, siguraduhin mo na hindi
mawawaldas ang iyong pera ay naiipon at hindi naiimbak.
Lokal na Literatura
Sa kwentong Buhay Dorm ni Jonathan Jet G. Ruiz ipinakikita ang pakiramdam
ng isang estudyanteng nanuluyan sa isang dormitoryo. Inilarawan sa akda ang
personal niyang karanasang ”Noong una ay sayang saya, hindi alam ang kahaharaping
iba’t ibang pagsubok at problema sa pagtira sa isang dormitoryo. Di kalauna’y ang
dating masaya ay naging malungkot at mapagisa, na ang tanging hiling na lamang
ngayon ay ang umuwi at bumalik sa dating tahanan.” Nakaramdam siya ng
kalungkutan noong mga panahon na siya ay nakatira pa sa isang dormitoryo malapit
sa kolehiyo na kaniyang pinapasukan. Isinalaysay din sa akda ni Krisha Meigh
Custodio na pinamagatang Ang Buhay ng Mga Estudyanteng Nakatira sa Dormitoryo
ang hirap, hindi lamang ng mismong mag-aaral, kundi na rin ng ibang kasapi ng
pamilya “Habang nagpapakasaya ako rito, hindi pa alam na ang mga magulang ko
pala ay wala ng makain doon para lang may maipambayad ako sa pinapasukan ko.
Habang nagpapakasaya ako kasama ang mga kaibigan ko, hindi ko pa alam na nasa
hospital na pala sila dahil nagkasakit na sa katatrabaho para lang may maibigay na
baon para sa akin.”
file:///C:/Users/ASUS/Downloads/dlscrib.com_pamanahong-papel.pdf

ORIHINAL:

There are many environments where students live and some of these are school
dormitories, apartments, and their homes. A student’s living environment is more
than just a place to live, it is a society in which a student is a member (Dakin, 2008).

A dormitory is a place where students could meet various people and develop
friendships and it could also develop self-independence (Moffat, 1970). For some,
living in a dorm is the typical college option. Dorm life means living on campus and
not having to deal with the hassles of commuting and the need to cook for meals. On
the other hand, living in a dorm means limited space. It also means dealing with a 
dorm roommate. Dorms also are not open all year long, so students have to find other
accommodations on vacations. And dorm life usually means eating fixed meals.
Living in a dorm can also affect the study habits of a student. Students who stay in
on-campus dorms perform better academically than those in off-campus living
arrangements. The main benefit to living on-campus is that a student is a short walk
from the campus library, which can help a student succeed in his or her research
papers. Closeness to the library contributes to students using their study time wisely.
Though most students perform better academically, some students have their grades
suffer because they are unable to focus on their studies with everything that’s going
on around them because dorms are rarely solemn (Tsavo Media Canada Inc., 2010).

Davis (1998) said that for many college students, an apartment is a serious step
towards adulthood and freedom. Compared to a dorm, an apartment means space, a
living area. A bathroom that only needs to be shared between a few people and
students no longer have to rely on the campus dining hall, and can prepare their food
from their own refrigerators in their own kitchen. On the other hand, the
responsibilities of apartment life really can be a hassle. Suddenly students need to
worry about monthly bills, furniture, and cooking. Depending on where the apartment
is, students may also have to deal with the expenses and hassles of commuting. It
could also affect the time the student spends for school works and might result to
decrease in grades (Gladen, 2010).

Gladen (2010) mentioned that some students are not yet ready to leave their
home but it is also an advantage living with parents because it could save a lot of
money instead of spending it to pay apartment bills. For some students, the thought of
continuing to live with parents after high school graduation is a huge disadvantage
because then, students wouldn’t learn how to be independent.  It also means
commuting everyday and this could make students feel disconnected from the campus
which can contribute to the student’s lowering of grades (Tsavo Media Canada Inc.,
2010). 

https://tanestelle.blogspot.com/2011/02/review-of-related-literature.html?
m=1&fbclid=IwAR3URC9TtRv7oZ1mGokg-
QZPrZaDkNXCKtdg6PnnLjRy1_8_IsZAmgn5pK4

You might also like