Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Araling Panlipunan 10 Summative Test 4 Pangalan: - A. P. 10

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 10

SUMMATIVE TEST 4
Para sa Modyul 5

Pangalan: __________________ A. P. 10 - ___________________


A. Panuto: Basahing Mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
________ 1. Ano tumutukoy sa pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard. Maaaring ito ay panandalian lamang tulad
ng lindol; sa loob ng ilang araw tulad ng baha o kaya ay buwan tulad ng digmaang sibil.
A. Speed of onset B. Forewarning C. Frequency D. Duration
________ 2. Ano ang tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard at oras ng pagtama nito sa isang
komunidad?
A. Speed of onset B. Forewarning C. Frequency D. Duration
________ 3. Anong tumutukoy sa pagsusuri ng kapasidad ng komunidad na harapin ang anomang hazard?
A. Hazard Assessment B. Vulnerability Assessment C. Capacity Assessment D. Risk Assessment
________ 4. Ano ang tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may
layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at kalikasan?
A. Hazard Assessment B. Vulnerability Assessment C. Capacity Assessment D. Risk Assessment
________ 5. Ano ang tumutukoy sa mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura
at mga naantalang pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay
ng isang nasalantang komunidad. Alin sa mga sumusunod?
A. Disaster Preparedness C. Disaster Response
B. Disaster Prevention and Mitigation D. Disaster Rehabilitation and Recovery
________ 6. Ano ang tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad?
A. Needs assessment B. Damage assessment C. Loss assessment D. Capacity assessment
________ 7. Bahagi ng Disaster Rehabilitation and Recovery ang mga hakbang at gawaing nakatuon sa pagsasaayos ng mga
nasirang pasilidad at estruktura. Ano angpangunahing gampanin ng yugtong ito?
A.Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad
B.Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod pampamahalaan
C.Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad
D.Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot
________ 8. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga mamamayan upang maging handa
pagdating ng kalamidad?
A Magsagawa ng pagpupulong ang mga ahensiya ng pamahalaan upang gabayan ang mga mamamayan.
B.Magkaroon ng kapasidad na harapin ang panganib sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa pamayanan.
C.Ipagbigay alam ang mga nararanasang suliraning pangkapaligiran na maaaring magdulot ng kapahamakan.
D.Magsagawa ang pamahalaan ng pagbabahagi ng kaalaman at tulong sa mga maaapektuhan.
._______ 9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa Disaster Prevention?
A. Hazard Assessment B. Vulnerability C. Capacity Assessment D. Risk Assessment
________10. Ano sa mga sumusunod ang unang yugto sa pagbuo ng CBDRRM?
A. Disaster Preparedness C. Disaster Response
B. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Prevention and Mitigation
________ 11. Bahagi ng Disaster Rehabilitation and Recovery ang mga hakbang at gawaing nakatuon sa pagsasaayos ng mga
nasirang pasilidad at estruktura. Ano ang pangunahing gampanin ng yugtong ito?
A.Mabigyan ng sapat na proteksyon ang mga nasalanta ng kalamidad
B.Makapagbigay ng mga inaasahang serbisyong panlipunan at paglilingkod pampamahalaan
C.Manumbalik sa dating kaayusan at normal na pamumuhay ang mga nasalantang komunidad
D.Maipagkaloob sa mga nasalantang komunidad ang mga pangunahing pangangailangan at gamot
________ 12. 10. Sa pagbuo ng CBDRRM Plan, ano ang nararapat mong gawin bilang mamamayan ng isang lugar upang maging
handa sa pagtama ng iba’t ibang hazard at kalamidad?
A. Maging aktibong kabahagi sa pagbubuo ng plano para sa buong pamayanan.
B. Magsagawa ng pansariling plano para matugunan ang pangangailangan ng lipunan.
C. Makibahagi sa gawaing pangrehabilitasyon at protektahan ang mga naapektuhan.
D. Magkaroon ng planong pinansiyal upang matustusan ang pangangailangan ng mga tao.
________ 13. Bilang katuwang ng Disaster Risk Reduction Management Plan, Alin sa sumusunod na pahayag ang
naglalahad ng kahalagahan ng pagtataya sa pinsalang dulot ng isang kalamidad?
A. Magsisilbi itong gabay ng mga NGOs para sa mga gawaing pangkabuhayan
B. Magiging epektibo ang aksiyon ng mga ahensiya ng pamahalaan sa muling pagbangon
C. Maiiwasan ang malaking pinsalang maaaring idulot ng kalamidad kung ito ay mapapahalagahan
D. Magsisilbi itong batayan upang matugunan ang pangangailangan ng mga nakaranas ng kalamidad.
________ 14. Isinasagawa ito upang matukoy ang kakayahan ng isang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang kalamidad.
A. Capacity Assessment B. Risk Assessment C. Disaster Response D. Disaster Preparedness
________ 15. Suriin ang mga pahayag: 1. Ang pagsasagawa ng Pagtataya ng Panganib ay mahalaga upang maunawaan
ng isang komunidad ang panganib, sakuna o kalamidad na maaring maranasan sa kanilang lugar at
magkaroon ng makabuluhang pagpaplano upang matugunan ito. 2. Sa gagawing pagtataya dapat isaalang
alang ang mga katangian ng panganib na maaring maranasan, upang maisagawa ng epektibo ang pagbuo
ng plano.
A. Tama ang una at ikalawang pangungusap. C. Tama ang unang pangugusap.
B. Mali ang una at ikalwang pangungusap. D. Tama ang ikalawang pangungusap

________ 16. Suriin ang mga pahayag: 1. Sa paghahanda ng plano sa pamamahala sa kalamidad o CBDRRM plan
tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang maaaring maidulot ng isang kalamidad. 2. Ang mga
impormasyong makakalap ang magsisilbing batayan upang makabuo ng epektibong paraan sa pagtugon
sa mga pangangailangan ng mga mamamayan o ng komunidad na makararanas ng kalamidad.
A. Tama ang una at ikalawang pangungusap. C. Tama ang unang pangugusap.
B. Mali ang una at ikalwang pangungusap. D. Tama ang ikalawang pangungusap
________ 17. Saan sa mga sumusunod nakapaloob sa yugtong ito ang mga gawain tulad ng
hazard assessment at capability assessment?
A. Disaster Preparedness C. Disaster Response
B. Disaster Rehabilitation and Recovery D. Disaster Prevention and Mitigation
________ 18. Ang CBDRRM Approach ay isang proseso ng paghahanda. Alin sa mga sumusunod ang kailangan upang
maging matagumpay ang CBDRRM Approach maliban sa masusing pagplano?
A. tapat na pinuno C. suporta ng mga NGO’s
B. sapat na pundo D. partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan
________ 19. Ang pagbuo ng CBDRM Plan ay sumusunod sa isang sistematikong paraan ng pagtukoy sa mga pangangailangan
ng komunidad. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga yugto sa pagbuo nito?
I. Disaster Preparedness III. Disaster Rehabilitation and Recovery
II. Disaster Response IV. Disaster Prevention and Mitigation
A. I, II, III, IV B. II, I, III, IV C. IV, I, II, III D. I, IV, II, III
________ 20. Ano ang nabubuong Sistema o programa ng mga gawain na may layuning maibalik sa dating kaayusan ang daloy
ng pamumuhay sa mga nasalantang komunidad?
A. Disaster Preparedness C. Disaster Rehabilitation
B. Disaster Response D. Disaster Prevention
______ 1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng Asya?
A. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok, kapatagan, disyerto, at
kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halamanan.
D. Ang iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon sa pamumuhay ng
mga Asyano.
______ 2. Sa maraming bansa sa Timog-Silangang Asya, bakit itinuturing na pangunahin at napakahalagang butyl ang pananim
na palay?
A. Maaring ipalit ang palay sa mga butyl ng trigo, mais, at barley.
B. Palay ang pangunahing pagkain ng mga tao sa Timog _Silangang Asya.
C. Sagan sa matatabang lupa at bukirin ang rehiyong ito na angkop sa pagtatanim.
D. Galing sa palay ang kaamihan sa mga panluwas na produkto ng rehiyonh ito.
______ 3. Kung ikaw ay nakatira dito sa bayan ng Sudipen, lalawigan ng La Union, unang rehiyon, bansang Pilipinas, saan ka
nabibilang dito sa Asya?
A. Timog asya
B. Silangang Asya
C. Timog Silangang Asya
D. Hilagang Asya
______ 4. Alin sa mga susmusunod ang hindi tugma o hindi kabilang sa grupo?
A. Saudi Arabia – Kanlurang Asya
B. Nepal – Timog-Silangang Asya
C. Japan – Silangang Asya
D. Uzbekistan – Hilangang Asya
______ 5. Isa ito sa pinagbatayan ng paghahati ng mga rehiyon sa Asya kung saan tinutukoy nito ang mga ugali, tradisyon, wika, o
pananamit. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
A. Pisikal
B. Heograpiya
C. Historikal
D. kultural
______ 6. Ano ang katangiang ng klima sa Timog-silangang Asya?
A. Ang rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw, at tag-ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababauotan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init, at tagtuyot ang nararanasan s rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang
taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
______ 7. 10.Bakit sinasabing ang Pilipinas kasama ang mga bansa sa rehiyong Asya Pasipiko ay nakalatag sa isang malawak na
sona na kung tawagin ay Pacific Ring of Fire?
A. Dahil sa ang mga lugar na ito ay nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan.
B. Dahil sa nakaharap ito sa karagatang Pasipiko.
C. Dahil nagtataglay ito ng mga hanay ng kabundukan.
D. Dahil sa napakaraming anyong tubig na nakapalibot dito.
______ 8. Anong rehiyon ng may malalawak na disyerto ngunit mayaman sa mineral na langis?
A. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya
C. Timog Asya
D. Silangang Asya
______ 9. Ano ang mahahalagang ilog na nagsilbing lundayan ng mga kabihasnan hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig?
A. Tigris at Euphrates, Indus, Huang Ho
B. Ilog ng Lena
C. Ilog ng Amu Darya
D. Yangtze
______ 10. Alin sa mga sumusunod ang hindi direktang dahilan ng mabilis na pagkwala ng biodiversity sa Asya?
A. Patuloy na pagtaas ng populasyon
B. Pagkakalbo o pagkasira ng kagubatan o deforestation
C. Walang habas na pagkuha ng at paggamit sa mga likas na yaman
D. Introduksiyon ng mga species na hindi likas sa isang parikular na rehiyon.

B. Panuto: Punan mo ng tamang kasagutan ang concept organizer. Ilagay mo ang mga
rehiyong bumubuo sa Asya, at halimbawa ng isang bansa na nabibilang dito, (5 pts.).

ASYA

c. Ano ang epekto ng kapaligiran sa paghubog ng pamumuhay ng mga tao sa isang lugar? Ipaliwanag ang
iyong mga sagot, (5 pts).

You might also like