Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 86

TULUNG-

TULONG
SA PAGLAGO:
PAGDIDISCIPLE
SA LOCAL
CHURCH
HEALTHY CHURCH STUDY GUIDES
“9Marks, as a ministry, has taken basic biblical teaching about the church and put it into the
hands of pastors. Bobby, by way of these study guides, has taken this teaching and delivered
it to the person in the pew. I am unaware of any other tool that so thoroughly and practically
helps Christians understand God’s plan for the local church. I can’t wait to use these studies
in my own congregation.”
Jeramie Rinne, Senior Pastor, South Shore Baptist Church, Hingham, Massachusetts

“Bobby Jamieson has done local church pastors an incredible service by writing these study
guides. Clear, biblical, and practical, they introduce the biblical basis for a healthy church.
But more importantly, they challenge and equip church members to be part of the process
of improving their own church’s health. The studies work for individual, small group, and
larger group settings. I have used them for the last year at my own church and appreciate
how easy they are to adapt to my own setting. I don’t know of anything else like them. Highly
recommended!”
Michael Lawrence, Senior Pastor, Hinson Baptist Church, Biblical Theology in
the Life of the Church

“This is a Bible study that is actually rooted in the Bible and involves actual study. In the 9Marks
Healthy Church Study Guides series a new standard has been set for personal theological
discovery and corresponding personal application. Rich exposition, compelling questions,
and clear syntheses combine to give a guided tour of ecclesiology—the theology of the
church. I know of no better curriculum for generating understanding of and involvement in
the church than this. It will be a welcome resource in our church for years to come.”
Rick Holland, Senior Pastor, Mission Road Bible Church, Prairie Village, Kansas

“In America today we have the largest churches in the history of our nation, but the least
amount of impact for Christ’s kingdom. Slick marketing and finely polished vision statements
are a foundation of sand. The 9Marks Healthy Church Study Guides series is a refreshing
departure from church-growth materials, towards an in-depth study of God’s Word that will
equip God’s people with his vision for his Church. These study guides will lead local congreg-
ations to abandon secular methodologies for church growth and instead rely on Christ’s
principles for developing healthy, God-honoring assemblies.”
Carl J. Broggi, Senior Pastor, Community Bible Church, Beaufort, South Carolina;
President, Search the Scriptures Radio Ministry

“Anyone who loves Jesus will love what Jesus loves. The Bible clearly teaches that Jesus loves
the church. He knows about and cares for individual churches and wants them to be spiritually
healthy and vibrant. Not only has Jesus laid down his life for the church but he has also
given many instructions in his Word regarding how churches are to live and function in the
world. This series of Bible studies by 9Marks shows how Scripture teaches these things. Any
Christian who works through this curriculum, preferably with other believers, will be helped
to see in fresh ways the wisdom, love, and power of God in establishing the church on earth.
These studies are biblical, practical, and accessible. I highly recommend this curriculum as
a useful tool that will help any church embrace its calling to display the glory of God to
a watching world.”
Thomas Ascol, Senior Pastor, Grace Baptist Church of Cape Coral, Florida;
Executive Director, Founders Ministries
TULUNG-
TULONG
SA PAGLAGO:
PAGDIDISCIPLE
SA LOCAL
CHURCH
Bobby Jamieson
Mark Dever, General Editor
Jonathan Leeman, Managing Editor

HEALTHY CHURCH STUDY GUIDES

BULACAN, PHILIPPINES
Tulung-tulong sa Paglago: Pagdidisciple sa Local Church
Copyright © 2022 by Treasuring Christ PH

Salin sa Filipino/Taglish ng Growing One Another: Discipleship in the Church. Published by


Crossway, a publishing ministry of Good News Publishers, 1300 Crescent Street, Wheaton,
Illinois 60187, USA.

Unless otherwise indicated, Scripture quotations are from the ESV® Bible (The Holy Bible,
English Standard Version®), copyright © 2001 by Crossway, a publishing ministry of Good News
Publishers. Used by permission. All rights reserved.

Lahat ng Filipino Scripture quotations, malibang-iba ang binanggit, ay galing sa Magandang


Balita Biblia. Copyright © 2012 by Philippine Bible Society. Ginamit nang may pahintulot.
Reserbado lahat ng karapatan. Ang iba pang Scripture quotations na may markang “AB” ay galing
sa Ang Biblia. Copyright © 2001 by Philippine Bible Society, ginamit nang may pahintulot. Ang
may markang “ASD” ay galing sa Ang Salita ng Dios. Copyright © 2015 by Biblica Publishing.
Ginamit nang may pahintulot. Reserbado lahat ng karapatan. Lahat ng binigyang-diin sa mga
Scripture quotations ay idinagdag ng sumulat.

Translation: Jodi Parfan


Typesetting: Karlo Matt Rian Ong
Trade Paperback ISBN: 978-621-8238-23-7
PDF ISBN: 978-621-8238-24-4
ePub ISBN: 978-621-8238-21-3
Mobipocket ISBN: 978-621-8238-22-0

Published (2022) in the Philippines by


Treasuring Christ PH
A ministry of Baliwag Bible Christian Church
116 Vergel de Dios St., Concepcion, Baliuag, Bulacan 3006 Philippines
tcphbooks@gmail.com
CONTENTS
Introduction 7

An Important Mark of A Healthy Church:


Biblical Discipleship and Growth 11

WEEK 1
The Need for Discipleship 17

WEEK 2
The Definition of Discipleship 21

WEEK 3
The Motivations of Discipleship 27

WEEK 4
The Means of Discipleship: Following Godly Examples 33

WEEK 5
The Means of Discipleship: Teaching One Another 39

WEEK 6
The Enemy of Discipleship: Indwelling Sin 45

WEEK 7
The End of Discipleship 49

Teacher’s Notes 53
INTRODUCTION

Ano ang kahalagahan ng local church para sa iyo?


Siguro ay mahal mo ang inyong church. Mahal mo ang mga kasama
mo doon. Gusto mo ang preaching, ang pag-aawitan. Kinasasabikan
mo ang sumamba sa araw ng Linggo, at pinahahalagahan mo ang
fellowship kasama ang ibang church members.
Siguro ang church ay isang lugar lang na pinupuntahan mo
dalawang beses sa isang buwan. Late ka kung dumating, at maaga
ka pang umaalis.
Kami sa 9Marks ay naniniwala na ang local church ay ang plano
ng Diyos para ipakita ang kanyang kaluwalhatian sa mga bansa. At
gusto naming tulungan kang makita at maipamuhay ang vision na
iyon, kasama ang inyong buong church.
Ang 9Marks Healthy Church Study Guides ay serye ng anim o
pitong-linggong pag-aaral sa bawat isa sa “siyam na tanda ng isang
healthy church” at isang panimulang pag-aaral. Ang siyam na tandang
ito ay ang pinakamahalagang pinaniniwalaan ng aming ministry.
Para magbigay ng maikling introduction sa mga ito, isinama namin
sa bawat pag-aaral ang isang kabanata mula sa libro ni Mark Dever
na pinamagatang What is a Healthy Church? Hindi namin sinasa-
bing ang siyam na tandang ito ang pinakamahalaga o ang tanging
mahalaga tungkol sa church. Pero naniniwala kami na ang mga ito ay
biblikal kaya makakatulong sa mga churches.
Sa mga pag-aaral na ito, aalamin natin ang mga biblical foundations
at practical applications ng bawat isa. Ang sampung pag-aaral na
ito ay:

7
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

• Built upon the Rock: The Church (the introductory study)


• Hearing God’s Word: Expositional Preaching
• The Whole Truth about God: Biblical Theology
• God’s Good News: The Gospel
• Real Change: Conversion
• Reaching the Lost: Evangelism
• Committing to One Another: Church Membership
• Guarding One Another: Church Discipline
• Growing One Another: Discipleship in the Church
• Leading One Another: Church Leadership

Ang bawat sesyon sa mga pag-aaral na ito ay nakatuon sa isa o higit


pang talata sa Biblia at kung paano ito maipapamuhay ng buong
iglesya. Kaya ang aming inaasahan sa mga pag-aaral na ito ay akma
maging sa Sunday school, small groups, at iba pang pagtitipon ng
dalawa hanggang dalawang daang katao para pag-aralan ang Salita
ng Diyos.
Ang mga pag-aaral na ito ay base sa observation, interpretation,
at application questions, kaya maging handa kang magsalita! Umaasa
rin kami na ang mga pag-aaral na ito ay magbibigay ng pagkakataon
sa mga tao para pag-isipan ang kanilang karanasan sa church, ano
man ang mga karanasang iyon.
Nang tinawag ni Jesus sina Pedro at Andres para iwanan ang
kanilang gamit sa pangingisda at sumunod sa kanya, tinawag niya
sila sa isang bagong buhay. At kapag tinawag ni Jesus ang bawat
isa sa atin para maging disciple, tinatawag rin niya tayo sa isang
bagong buhay.
Ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugang siya ang papa-
kinggan, titingnan at susundin natin. Kakamuhian ang kinakamu-
hian ni Jesus at iibigin ang iniibig ni Jesus.

8
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

Ito rin ay pagtulong sa iba na gawin din ang gayon. Pagkatapos


ng kanyang resurrection, iniutos ni Jesus sa kanyang mga tagasunod
na humayo at gawing tagasunod rin niya ang marami pang tao,
turuan silang sumunod sa lahat ng kanyang iniuutos.
At makikita natin sa buong pag-aaral na ito ang disenyo
ng Diyos na ang local church ang pangunahing konteksto ng
disciple making. Itinatag ng Diyos ang church para sa pagpapatunay,
pangangasiwa at pagpapalago ng marami pang mga tagasunod
ni Jesus.
Ang lahat ng ito ay posible dahil sa ginawa na ni Jesus para sa
atin. Binayaran na niya ang parusa para sa ating mga kasalanan.
Ipinagkasundo niya tayo sa Diyos. May bagong buhay at bagong
pagkatao na tayo dahil sa ating pakikipag-isa sa kanyang kamatayan
at muling pagkabuhay. Dati tayong mga rebelde sa Diyos. Ngayon
tayo ay malugod na nagpapasakop na sa Hari ng mga hari, at iniibig
natin ang kanyang mga utos.
Sa pag-aaral na ito, pagtutuunan natin ang paglago kay Cristo
at pagtulong sa iba na gawin din iyon – sa mga local churches. Pag-
aaralan natin ang mga ito:

• The need for discipleship


• The definition of discipleship
• The motivations of discipleship
• The means of discipleship
• The enemy of discipleship
• The end of discipleship

Ikaw ba ay nagsusumikap na lumago kay Cristo at tulungan ang


ibang gawin din iyon? Ang aming panalangin ay makatulong ang
pag-aaral na ito na magawa mo iyon nang mas matapat.

9
AN IMPORTANT MARK
OF A HEALTHY CHURCH:
BIBLICAL DISCIPLESHIP
AND GROWTH
NI MARK DEVER

(Orihinal na inilathala bilang kabanata 12 ng Ano ang Isang Healthy


Church?)

Ang isang mahalagang tanda ng isang healthy church ay ang


laganap na pagmamalasakit sa paglago ng church ayon sa nakasulat
sa Bibliya. Ibig sabihin nito ay lumalagong mga miyembro, hindi
lang dumarami ang bilang.
May ibang nag-iisip na ang isang tao ay maaaring maging “baby
Christian” buong buhay niya. Ang paglago ay itinuturing na option-
al o para lamang sa mga masigasig na tagasunod ni Jesus. Pero ang
paglago ay tanda ng buhay. Kung ang isang puno ay buháy, ito ay
lalago. Kung ang isang hayop ay buháy, ito ay lalaki. Ang pagiging
buháy ay nangangahulugan ng paglago, at ang paglago ay nanganga-
hulugan ng patuloy na paglago at pag-usad, hanggang matapos ito
sa kamatayan.

11
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

Inaasahan ni Pablo na ang mga taga-Corinto ay lalago sa kanilang


pananampalataya (2 Cor. 10:15), at ang mga taga-Efeso ay magiging
“lubos na katulad ni Cristo, na siyang ulo nating lahat” (Efe. 4:25;
cf. Col. 1:10; 2 Tes. 1:3). Sinabi ni Pedro sa kanyang mga sinulatan,
“Gaya ng sanggol, kayo’y manabik sa dalisay na gatas na espirituwal
upang lumago kayo tungo sa kaligtasan” (1 Ped. 2:2).
Nakakatukso sa mga pastor at maging sa ilang miyembro na
sukatin ang paglago ng kanilang churches sa bilang ng mga duma-
dalo, nagpapabautismo, nagpapamiyembro, at pagkakaloob. Ang
ganitong paglago kasi ay nakikita at nasusukat. Pero ang mga
statistics na ito ay hindi sapat na basehan ng paglago na isinala-
rawan ng Bagong Tipan at siyang nais ng Diyos.

GROWTH IN HOLINESS
Paano natin malalaman kung ang mga Kristiyano ay lumalago sa
kabanalan? Hindi natin ito masasabi base lang sa kanilang kasabikan
sa mga gawain, sa paggamit ng mga salitang relihiyoso, o sa pagdami
ng kanilang kaalaman sa Biblia. Hindi rin matibay na basehan ang
ipinapakita nilang pagmamahal sa church o kumpiyansa sa kanilang
sariling pananampalataya. Hindi rin natin masisiguradong lumalago
ang mga Kristiyano dahil tila may ipinapakita silang debosyon sa
Diyos. Ang lahat ng ito ay maaaring maging ebidensya ng tunay na
paglagong Kristiyano. Pero kasabay nito, ang isa sa pinakamahala-
ga at karaniwang di napapansing tanda ng paglago ay ang paglago
sa kabanalan na nakaugat sa self-denial o pagkakait sa sarili (San.
2:20-24; 2 Ped. 1:5-11). Ang church ay dapat kakitaan ng laganap na
pagmamalasakit sa paglago sa kabanalan ng mga miyembro nito.
Ang pagbalewala sa kabanalan, katulad ng pagbalewala sa
church discipline, ay nagbubunga ng mga disciples na mahirap akayin
sa paglago.
Nagiging malabo sa mga tagasunod ni Jesus kung ano ang
buhay na kalugodlugod kay Cristo sa mga churches na hindi

12
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

sinasaway ang mga makasalanang gawain. Para itong hardin na


hindi man lang tinanggalan ng mga masamang damo o hindi tinam-
nan ng magagandang mga halaman.

WHAT GROWTH DOES AND DOESN’T LOOK LIKE


Ang church ay may pananagutan sa Diyos sa paglago ng mga tao
sa kabanalan. Ang pamayanang nakipagtipan sa Diyos na mamuhay
sa kabanalan ay maaaring maging kasangkapan niya sa ikalalago ng
kanyang mga anak. Habang ang mga anak ng Diyos ay sama-samang
lumalago at napapatatag sa kabanalan at pag-ibig, dapat ding nagi-
ging mas mahusay sa pagdidisiplina at paghihikayat sa discipleship.
Kung sisilipin mo ang buhay ng isang church, makikita mo ang
paglago ng mga miyembro sa iba’t ibang paraan. Ito ang ilan sa mga
posibleng mangyari:

• Pagdami ng mga tinawag sa pagmimisyon—“Nasiyahan ako


sa pagbabahagi ng gospel sa aking mga kapitbahay mula sa
India. Tinatawag kayo ako ng Diyos na … ?”
• Ang mga mas nakatatandang miyembro ay nagkakaroon ng
panibagong pagkilala sa kanilang responsibilidad sa pagba-
bahagi ng ebanghelyo at pagdi-disciple sa mga nakababatang
miyembro—“Halika’t maghapunan ka sa amin.”
• Ang mga mas batang miyembro ay dumadalo sa libing ng
mga mas matatandang miyembro dahil sa kanilang pag-
mamahal sa kanila — “Salamat sa kabutihan ni Mr. at Mrs. …
na kumupkop sa akin noong aking kabataan…”
• Paglago sa pananalangin ng church na naka-sentro sa evan-
gelism at ministry opportunities—“Magsisimula ako ng
evangelistic Bible study sa trabaho. Kinakabahan ako. Pwede
ba akong ipanalangin ng church?”
• Mas maraming miyembro ang nagbabahagi ng gospel sa mga
hindi pa kasama sa church.

13
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

• Mas maraming mga gawain na pinapasimulan ng mga miyembro


at hindi na masyadong umaasa sa program lang ng church—
“Pastor, ano po sa tingin ninyo kung mag-organize kami ni
Sally ng Christmas party para mai-share ang gospel …”
• Napag-uusapan ang mga espirituwal na bagay, kasama na ang
pagpapahayag ng kasalanan pagpapaalala na tumingin kay
Cristo at sa ginawa niya, sa mga simpleng pagtitipon ng mga
church members—“Kapatid, nag-struggle talaga ako sa …”
• Mas lumalaki ang sacrificial giving—“Honey, paano kaya
tayo makakapagbawas ng 1,000 pesos sa ating budget para
makatulong sa …”
• Mas lumalago ang bunga ng Espiritu.
• Nagsasakripisyo ang mga miyembro ng kanilang trabaho para
makapaglingkod sa church—“Nabalitaan mo ba na tatlong
beses tinanggihan ni Chris ang promotion niya para patuloy
siyang makapaglingkod bilang elder?”
• Pinangungunahan ng mga asawang lalaki ang kanilang mga
asawang babae nang may pagsasakripisyo—“Honey, ano ba
ang mga puwede kong gawin para mas maramdaman mo na
mahal at inuunawa kita?”
• Ang mga asawang babae ay nagpapasakop sa kanilang asawang
lalaki—“Sweetheart, ano ang pwede kong gawin ngayon
para masmapagaan ang buhay mo?”
• Ang mga magulang ay nangunguna sa pag-aakay sa kanilang
mga anak sa pananampalataya – “Ipapanalangin natin ngayong
gabi ang mga Christian workers sa bansang … ”
• Pagsang-ayon ng kabuuan ng church na disiplinahin ang mga
hayagan at hindi tinatalikurang kasalanan.
• Pagpapakita ng pagmamahal sa makasalanan sa pamama-
gitan ng pag-abot sa kanya bago pa man umabot sa pagdidisipli-
na—“Gusto kitang makausap …”

14
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

Ilang halimbawa lang ito ng klase ng church growth na dapat nating


ipanalangin at pagsikapan bilang mga Kristiyano. Ang mga healthy
churches ba ay lalago din sa bilang? Karaniwan ay oo, dahil sa kaaya-
ayang patotoo nila sa Mabuting Balita. Pero hindi natin dapat isipin
na ito ang sukatan ng paglago. Minsan ay may ibang layunin ang
Diyos katulad ng pagtuturo sa kanyang mga anak na maghintay at
magtiyaga. Ang dapat nating pagtuunan ay ang pagpapatuloy sa kat-
apatan at totoong paglagong espirituwal.
At ano ang nagdudulot ng totoong paglago? Matapat na panga-
ngaral ng Salita ng Diyos sa pamamagitan ng expositional Bible
preaching. Tamang biblical theology. Gospel-centeredness. At ang
biblical na pagkaunawa sa conversion, evangelism, membership,
discipline, at leadership!
Pero kung ang mga churches ay lugar kung saan ang mga ideya
lang ng pastor ang itinuturo, kung saan ang Diyos ay mas pinag-
dududahan kaysa sinasamba, kung saan ang gospel ay pinapalab-
naw at ang evangelism ay ginagamitan ng gimik, kung saan walang
kabuluhan ang pagiging miyembro ng church, at hinahayaan ang
makamundong pamumuhay ng mga taong kasama ng pastor, wala
tayong makikitang komunidad na nagkakaisa o nakapagpapalago ng
ating pananampalataya.

GOD GLORIFIED BY GROWTH


Kapag nakakita tayo ng church na binubuo ng mga miyembro na
lumalago sa pagiging katulad ni Cristo, sino ang napupuri? Ang
Diyos, dahil, gaya ng sabi ni Pablo, “ang Diyos ang nagpatubo at
nagpalago. Hindi ang nagtatanim o nagdidilig ang mahalaga kundi
ang Diyos, sapagkat siya ang nagpapatubo at nagpapalago” (1 Cor.
3:6b-7; cf. Col. 2:19).
Ganun din sa pagwawakas ng sulat ni Pablo sa mga sinaunang
Kristiyano, “Magpatuloy kayong lumago sa kagandahang-loob at sa
pagkakilala sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa

15
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

kanya ang kaluwalhatian, ngayon at magpakailanman! Amen” (2 Ped.


3:18). Baka isipin natin na ang ating paglago ay magbibigay ng papuri
sa ating mga sarili. Pero alam ni Pedro ang totoo: “Mamuhay kayo
nang maayos sa gitna ng mga Hentil upang kahit na pinaparatangan
nila kayo ng masama, kapag nakita nila ang inyong mabubuting gawa
ay magpupuri sila sa Diyos sa Araw ng kanyang paghuhukom. (1 Ped.
2:12). Katulad ito ng sinabi ni Jesus. “Gayundin naman, dapat nin-
yong paliwanagin ang inyong ilaw sa harap ng mga tao upang maki-
ta nila ang inyong mabubuting gawa at [papurihan kayo?” Hindi!]
“papurihan ang inyong Ama na nasa langit” (Mat. 5:16). Ang pag-
sisikap para sa paglago at pagtulong ng ibang Kristiyano sa kanilang
pagsunod kay Cristo (discipleship) ay isa pang tanda ng isang healthy
church.

16
WEEK 1
THE NEED FOR
DISCIPLESHIP
GETTING STARTED
1. Ano ang isang karanasan mo na nagpakita na marami ka pang
kailangang matutunan – pwedeng ito ay sa pamilya, sa trabaho, sa
church o sa iba pang bahagi ng buhay mo?

Ang buong pag-aaral na ito ay tungkol sa discipleship. Ang pagiging


disciple ay pagiging estudyante na natututo at gumagaya sa kanyang
teacher. Bilang mga disciples ni Jesu-Cristo, lahat tayo ay tinawag
para matuto at sumunod sa kanya sa bawat bahagi ng buhay.
Ibig sabihin, dapat nating maintindihan na ang discipleship ay
isang lifelong process. Sa buhay na ito, wala ni isa man sa atin ang maka-
kapagtapos dito. Lahat tayo ay kailangang magpatuloy bilang disciple.

MAIN IDEA
Walang sinuman sa atin ang perpekto. Lahat tayo ay kailangang
lumago bilang mga tagasunod ni Cristo.

DIGGING IN
Sa Filipos 3:8-11, ipinahayag ni Pablo na lahat ng dati niyang ipinag-
mamalaki ay itinuturing na niya ngayong walang halaga dahil
sa higit na kahalagahan ng makilala si Cristo. Ipinaliwanag niya
kung bakit masaya siya kahit nawala ang mga iyon at higit pa: naging
daan iyon para makilala niya si Cristo, makabahagi sa kanyang pag-

17
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

durusa, at makamit ang pagkabuhay mula sa mga patay.


Pero hindi sinabi ni Pablo na siya ay naging perfectly mature. Siya
mismo ang nagsabi:

12
Hindi sa nakamtan ko na ang mga bagay na ito. Hindi
rin sa ako’y ganap na; ngunit sinisikap kong makamtan ang
gantimpala sapagkat ito ang dahilan kung bakit ako’y ti-
nawag ni Cristo Jesus. 13 Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay
na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang ginagawa ko:
habang nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating
ang layuning nais kong makamtan, 14 nagpupunyagi ako
patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng
pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Je-
sus, ang buhay na nasa langit. 15 Ganyan ang dapat maging
kaisipan nating mga matatag na sa pananampalataya. Kung
hindi ganito ang inyong pag-iisip, ipapaunawa iyan sa inyo
ng Diyos. 16 Ang mahalaga ay panghawakan natin ang ating
nakamtan na. 17 Mga kapatid, magkaisa kayong tumulad sa
halimbawang ipinakita ko sa inyo. Pag-ukulan din ninyo
ng pansin ang lahat ng sumusunod sa aming halimbawa. 18
Sapagkat tulad ng madalas kong sinasabi sa inyo noon at
ngayo’y luhaang inuulit ko, marami ang namumuhay bil-
ang mga kaaway ng krus ni Cristo. 19 Kapahamakan ang
kahihinatnan nila sapagkat ang dinidiyos nila ay ang hilig
ng kanilang katawan. Ikinararangal nila ang mga bagay na
dapat sana nilang ikahiya, at wala silang iniisip kundi ang
mga bagay na may kinalaman sa mundong ito. 20 Subalit
sa kabilang dako, tayo ay mga mamamayan ng langit. Mula
roo’y hinihintay nating may pananabik ang Panginoong Je-
su-Cristo, ang ating Tagapagligtas. 21 Sa pamamagitan ng
kapangyarihang ginamit niya sa pagpapasuko sa lahat ng
bagay, ang ating katawang may kahinaan ay babaguhin niya

18
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

upang maging katulad ng kanyang katawang maluwalhati.


(Fil. 3:12–21)

1. Ano ang sinasabi ni Pablo na hindi pa niya nagawa at hindi pa niya


nakamit? (vv. 12–13)?

2. Kung ganito ang pananaw ni apostol Pablo sa kanyang sarili, ano


ang sinasabi nitong dapat na attitude natin sa ating mga sarili?

3. Anong dahilan ang sinabi ni Pablo kung bakit siya nagsusumikap na


mas makilala si Cristo? (v. 12)?

4. Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa batayan at motivation ng


paglago bilang mga Kristiyano?

5. Ano ang isang bagay na ginagawa ni Pablo (vv. 13–14)?

6. Ano ang larawang ginamit ni Pablo sa vv. 13-14? Ano ang naaalala
mo dito? Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa pagsisikap na
dapat nating ginagawa para lumago bilang mga Kristiyano?

7. Sino ang tinutukoy ni Pablo na tularan natin sa v. 17? (Hint: May


dalawang sagot.)

8. Ano ang itinuturo nito sa atin tungkol sa kung paano tayo lalago
bilang mga Kristiyano?

9. Ano ang sinabi ni Pablo na banta (threat) sa ating matapat na pag-


sunod sa mabuting halimbawa niya at ng iba (vv. 18-19)? Bakit lalong
mahalaga na sumunod sa godly examples dahil sa bantang ito?

19
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

10. Isulat ang lahat ng sinabi ni Pablo sa vv. 20-21 na totoo sa atin bil-
ang mga Kristiyano. Paano nagpapalakas sa atin ang bawat isa dito
na magpatuloy bilang tagasunod ni Cristo?

11. Paano ka tumutugon kapag itinama ka o sinaway ka ng isang kap-


wa mananampalataya? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa pag-
tingin mo sa iyong sarili?

12. Sa pag-aaral na ito, nakita natin na lahat tayo ay kailangang pat-


uloy na lumago bilang mga tagasunod ni Jesu-Cristo, at gagawin
natin ito sa pamamagitan ng pagsunod sa mga taong makadiyos.
Sino ang isa o dalawang tao na para sa ‘yo ay karapat-dapat tu-
laran dahil sa pagsunod nila kay Cristo? Anu-anong mga katangian
ang nakikita mo sa mga taong iyon na karapat-dapat tularan dahil
katulad ito ng kay Cristo?

13. Sinabi ni Pablo na siya ay isang halimbawang dapat tularan.


Maaaring gawin ito nang may kayabangan. Ipaliwanag kung paano
ito magagawa nang may kababaang-loob.

14. Ang buhay mo ba ay isang halimbawa na dapat tularan ng mga mas


nakababatang Kristiyano? Kung hindi, nagsisikap ka bang maging
ganito?

15. Ano ang isang hakbang na gagawin mo sa linggong ito para lumago
bilang isang disipulo ni Jesu-Cristo?

20
WEEK 2
THE DEFINITION
OF DISCIPLESHIP
GETTING STARTED
1. Ano ang naiisip mo kapag pinag-uusapan ang “discipleship”? Positibo
ba o negatibo ang naiisip mong ito?

MAIN IDEA
Ang ibig sabihin ng discipleship ay paglago bilang mga tagasunod ni
Jesus at pagtulong sa iba na sumunod din sa kanya.

DIGGING IN
Sa Gospels, tinatawag ni Jesus ang mga tao para iwanan ang lahat
at sumunod sa kanya. Basahin nang malakas ang mga talatang ito:

18
Minsan, naglalakad si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea.
Nakita niyang naghahagis ng lambat sa lawa ang dalawang
mangingisda, si Simon na tinatawag ding Pedro, at ang
kapatid niyang si Andres. 19 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Su-
munod kayo sa akin at gagawin ko kayong mga mangingisda
ng mga tao.” 20 Noon di’y iniwan nila ang kanilang mga
lambat at sumunod kay Jesus. (Mat. 4:18–20)

21
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

9
Pag-alis ni Jesus doon, nakita niya si Mateo na nakaupo sa
tanggapan ng buwis. Sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa
akin.” Tumayo nga si Mateo at sumunod sa kanya. (Mat. 9:9)

24
Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Sinumang nag-
nanais sumunod sa akin ay kailangang itakwil ang kanyang
sarili, pasanin ang kanyang krus, at sumunod sa akin. 25 Ang
naghahangad na magligtas ng kanyang buhay ay mawawalan
nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa
akin ay magkakamit nito. (Mat. 16:24–25)

25
Ang taong nagpapahalaga sa kanyang buhay ay siyang
mawawalan nito, ngunit ang taong hindi nagpapahalaga sa
kanyang buhay sa daigdig na ito ay siyang magkakaroon ng
buhay na walang hanggan. 26 Ang naghahangad na magling-
kod sa akin ay dapat sumunod sa akin, at saanman ako
naroroon ay naroroon din siya. Pararangalan ng Ama ang
sinumang naglilingkod sa akin.” (Juan 12:25–26)

1. Base sa mga talatang ito, ano ang ibig sabihin ng pagsunod kay Je-
sus? Isulat ang lahat ng maiisip mo tungkol dito.

2. Ang pagsunod kay Jesus ba ay nangangahulugang dapat nating iwanan


ang ating mga responsibilidad tulad ng ginawa nina Pedro, Andres,
at Mateo? Ipaliwanag ang sagot mo mula sa Biblia.

3. Ayon sa mga talatang ito, madali ba ang pagsunod kay Jesus?

Sa nakaraang pag-aaral natin, napag-usapan natin ang katoto-


hanang walang isa man sa atin ang perpekto. Lahat tayo ay kaila-
ngang lumago bilang mga tagasunod ni Jesus. Kahit noong tayo
ay maniwala sa Mabuting Balita, hindi tayo tunay na tagasunod

22
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

ni Jesus kung tayo ay “nagpasya” o “nagdesisyon” lang na isuko ang


buhay sa kanya pero wala namang naging pagbabago sa atin.
Ang pagiging Kristiyano o tagasunod ni Jesus ay nanga-
ngahulugang palagian tayong nagsisisi at humihingi ng tawad sa
ating kasalanan, nilalabanan ito, at nagsisikap na lumago sa pagka-
katulad kay Cristo. Katulad ng sinasabi ni Pedro, “Sa halip, patuloy
kayong lumago sa kagandahang-loob ng ating Panginoon at Taga-
pagligtas na si Jesu-Cristo, at sa pagkakilala sa kanya” (2 Ped. 3:18).
Ang pagiging tagasunod ni Jesus ay patuloy na paglago sa pagsunod
kay Jesus.
Tingnan natin ang isa pang talata sa Biblia na nagbibigay ng
linaw sa discipleship. Sa huling bahagi ng aklat ng Mateo, binigyan ni
Jesus ang 11 disciples ng tagubilin na tinatawag na Great Commission.
Sabi rito,

18
Lumapit si Jesus at sinabi sa kanila, “Ibinigay na sa akin
ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 Kaya’t
humayo kayo, gawin ninyong alagad ko ang mga tao sa lahat
ng mga bansa. Bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama,
at ng Anak, at ng Espiritu Santo. 20 Turuan ninyo silang su-
munod sa lahat ng iniutos ko sa inyo. Tandaan ninyo, ako’y
laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.”
(Mat. 28:18–20)

4. Ano ang sinabi ni Jesus na ibinigay na sa kanya (v. 18)? Ano ang
dapat nating maging tugon dito?

5. Ano ang iniutos na Jesus na gawin ng kanyang mga disciples? Paano


nila ito gagawin (vv. 19–20)?

23
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

6. Sa palagay mo ba ang talatang ito ay para rin sa mga mananam-


palataya ngayon, o para lamang ito sa 11 disciples? Ipaliwanag ang
iyong sagot mula sa talata.

7. Anong encouragement o pampalakas ng loob ang ibinigay ni Jesus


sa atin sa gawaing ito ng pagtuturo sa iba na sumunod din kay Jesus
(v. 20)?

8. Ano ang mga bagay na maaaring magpahina ng loob natin sa pag-


akay sa iba sa pagsunod kay Jesus? Sa mga pagkakataong iyon,
paano makatutulong sa atin ang pangako ni Jesus na palagi natin
siyang kasama?

9. Karaniwan nating ginagamit ang talata ito kapag pinag-uusapan ang


cross-cultural missions o pag-abot sa ibang lahi. Tiyak na iyon ang
iniuutos ni Jesus dito pero iyon lang ba ang application ng talatang ito?
Ano sa palagay mo?

Nakita natin sa talatang ito na dapat sumunod sa lahat ng kanyang


utos ang mga disciples ni Jesus. Kasama rito ang paghayo at pag-
tuturo sa iba na sumunod din sa kanya. Ibig sabihin nito, lahat ng
disciples ni Jesus ay kikilos para ang ibang tao ay maging tagasunod
din ni Jesus. Gagawin natin ito sa pamamagitan ng pagpapahayag
ng Mabuting Balita sa kanila. At para sa mga magtitiwala kay Jesus,
tuturuan silang sumunod sa lahat ng iniutos niya.
Ang pagiging tagasunod ni Jesus ay pagtulong sa iba na lumago
bilang mga tagasunod ni Jesus.

10. Naipapamuhay mo ba ang pagiging tagasunod ni Jesus sa bawat bah-


agi ng iyong buhay? Anong bahagi ng buhay mo ang nahihirapan kang
sumunod kay Jesus?

24
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

Ito ang isang praktikal na paraan para matugunan mo ang naunang


tanong. May kakilala ka bang isang mananampalataya na nagpa-
pakita ng pagsunod kay Jesus sa bahaging iyon na nahihirapan ka?
Kung gayon, tanungin mo siya kung maaari kang tulungan at turuang
makasunod kay Jesus sa aspetong ito. Disenyo ng Diyos na tayo ay
lumago sa tulong din ng iba. Kung wala ay magtanong-tanong ka sa
church n’yo hanggang may makita kang godly example sa bahaging ito.

11. Tinuturing mo ba na normal na bahagi ng pagsunod kay Jesus ang


pagtulong sa ibang lumago bilang tagasunod ni Jesus? Sa anong
paraan maiimpluwensiyahan nito ang mga sumusunod:

• Ang paggamit mo ng oras sa araw-araw?


• Ang paghahanda mo sa lingguhang worship service?
• Ang mga ordinaryong pakikipag-usap sa mga kaibigan?
• Ang iba pang mga bahagi ng buhay?

25
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

26
WEEK 3
THE MOTIVATIONS
OF DISCIPLESHIP
GETTING STARTED
1. May mga bagay ba na kailangan mong gawin pero madalas ay ayaw
mong gawin? Paano ka nagkakaroon ng gana o motivation na gawin
ito? Ano ang ginagawa mo?

Sa pag-aaral na ito, pagtutuunan natin ng pansin ang mga motiva-


tions sa discipleship. Bakit dapat tayong magsikap na sumunod sa
Diyos at lumago sa kabanalan? Anu-ano ang mga tamang dahilan
para magpatuloy sa paglago bilang Kristiyano at tulungan ang iba
na gawin din ito?

MAIN IDEA
Dapat tayong lumago bilang mga Kristiyano at tulungan ang iba na
magpatuloy din sa paglago dahil sa kung sino ang Diyos, ano ang
ginawa niya para sa atin kay Cristo, at kung sino na tayo dahil sa paki-
kipag-isa natin kay Cristo.

DIGGING IN
Sa Colosas 3, inilahad ni apostol Pablo ang pangitain para sa paglago
bilang mga tagasunod ni Jesus na may mayaman at iba’t ibang
dahilan. Isinulat niya,

27
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

1
Yamang binuhay kayong muli na kasama ni Cristo, ituon
ninyo ang inyong pag-iisip sa mga bagay na nasa langit na
kinaroroonan ni Cristo, na nakaupo sa kanan ng Diyos.
2
Ang mga bagay na panlangit ang isaisip ninyo, hindi ang
mga bagay na panlupa, 3 sapagkat namatay na kayo at
ang inyong buhay ay nakatago sa Diyos, kasama ni Cristo.
4
Si Cristo ang inyong buhay, at kapag siya’y nahayag na,
mahahayag din kayong kasama niya at makakahati sa
kanyang kaluwalhatian.
5
Kaya’t patayin na ninyo ang mga pagnanasang maka-
mundo: ang pakikiapid, karumihan, mahalay na simbuyo
ng damdamin, masamang pagnanasa, at ang kasakiman na
isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. 6 Dahil sa mga ito,
tatanggap ng parusa ng Diyos [ang mga taong ayaw pasakop
sa kanya]. 7 Kayo man ay namuhay din ayon sa mga pag-
nanasang iyon nang kayo ay pinaghaharian pa ng mga ito.
8
Ngunit ngayon, itakwil na ninyo ang lahat ng galit, poot,
at sama ng loob. Iwasan na ninyo ang panlalait at malas-
wang pananalita.
9
Huwag kayong magsisinungaling sa isa’t isa, sapagkat
hinubad na ninyo ang dati ninyong pagkatao, pati ang mga
gawa nito.
10
Isinuot ninyo ang bagong pagkatao na patuloy na
nababago at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa
inyo, upang lalo ninyo siyang makilala. 11 Kaya’t sa kala-
gayang ito, wala nang pagkakaiba ang Griego at ang Judio,
ang tuli at ang di-tuli, ang dayuhan at ang hindi sibilisado,
ang alipin at ang malaya. Ngunit si Cristo ang pinakamaha-
laga sa lahat, at siya’y nasa inyong lahat.
12
Kaya nga, dahil kayo’y hinirang ng Diyos, minamahal niya at
pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait,
mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis. 13 Magpasensiya

28
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

kayo sa isa’t isa. Kung may hinanakit kayo kaninuman, mag-


patawad kayo gaya ng pagpapatawad sa inyo ng Panginoon.
(Col. 3:1–13)

1. Ano ang iniuutos ni Pablo na gawin natin sa verse 1? Ano ang basehan
ng iniuutos na ito ni Pablo (v. 1)?

2. Sinasabi ni Pablo na tayo ay spiritually dead noon, pero ngayon ay


binuhay na kasama ni Cristo, at ngayon ay nakaupong kasama niya
sa langit. Nagbibigay ba ito ng motivation o pagnanais sa iyo na
lumago bilang tagasunod ni Jesus? Bakit o bakit hindi?

3. Ano ang kaibahan ng ganitong motivation sa discipleship kumpara


sa pagsunod sa utos ng Diyos dahil ito ay isang obligasyon?

4. Ano ang iniuutos ni Pablo sa atin sa verse 2? Ano ang basehan ng utos
na ito ni Pablo (vv. 3-4)?

5. Sinabi ni Pablo sa verse 3 na kung ikaw ay isang Kristiyano, ikaw ay


namatay na. Namatay ka na sa iyong lumang pagkatao. Namatay
ka na sa kasalanan. Namatay ka na sa kapangyarihan ng mundong
ito na dating umalipin sa iyo. Paano nagbibigay ng sigla at lakas ng
loob ang katotohang ito sa pamumuhay mo nang may kabanalan?

6. Sa verse 4, pinapaalala ni Pablo sa atin na kapag nahayag na si


Cristo, tayo ay mahahayag ring kasama niya at makakahati sa
kanyang kaluwalhatian.

a) Isipin mo ang isang gawaing natapos mo na may tiyak


na layunin, katulad ng project na may deadline. Ngayon
isipin mo kung ang kalalabasan nito ay sigurado at tiyak na
mangyayari. Paano makakaapekto ito sa iyong pagsisikap na

29
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

gawin at tapusin ito?


b) Paano magtutulak sa atin na magpatuloy sa paglago kay
Cristo ang tiyak na pag-asa na tayo’y makakahati sa kaluwal-
hatian niya?

Sa kabuuan, ang unang apat na verses sa talatang ito ang nagpapa-


sigla sa ating paglago sa kabanalan sa pagpapaalala sa atin ng ating
kamatayan sa kasalanan at bagong buhay kay Cristo (vv. 1–3), at ang
tiyak na pag-asa ng kaluwalhatian kasama si Cristo (v. 4).

7. Ano ang sabi ni Pablo na “patayin na” sa verse 5? Ano ang ibig sabi-
hin ng “patayin na” ang isang asal o ugali?

8. Ano ang sinasabi ni Pablo sa verse 6 na tatanggapin ng mga taong


ayaw pasakop sa Diyos? Bakit?

Malinaw sa katuruan ni Pablo tungkol sa poot ng Diyos na isang


dahilan kung bakit tayo dapat sumunod kay Cristo ay ang kaparu-
sahan ng Diyos sa kasalanan.
Una, dapat tayong sumunod kay Cristo para ipakita ang pagig-
ing totoo ng faith natin. Sabi ni Jesus na ang mga umiibig sa kanya
ay sumusunod sa kanyang mga utos (Juan 14:15). Kung hindi natin
sinusunod ang mga utos ni Jesus, hindi tayo kabilang sa kanya. Ibig
sabihin ay nasa atin pa rin ang poot ng Diyos.
Pangalawa, ang poot ng Diyos sa kasalanan ang dapat na
magtulak sa atin para layuan ito at pagsumikapan ang pamumuhay
sa katuwiran. Ang poot ng Diyos ay nagpapakita kung ano talaga
ang kasalanan: ito ay pagtataksil sa Diyos at dapat lamang parusa-
han. Kaya tayo rin ay magagalit sa kasalanan kung pagbubulayan
natin ang tungkol sa galit ng Diyos sa kasalanan.

30
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

9. Ano ang iniuutos ni Pablo na “itakwil na” sa verse 8? Ano ang iniu-
tos niya na huwag nating gawin sa verse 9? Ano ang ibinigay niyang
dahilan kung bakit hindi natin dapat gawin ang mga bagay na ito
(vv. 9–10)?

10. Ano ang sinabi ni Pablo tungkol sa ugali at pagtrato ng Diyos sa atin
sa verses 12–13? Ano ang sinabi niyang gawin natin dahil dito?

Sa pag-aaral na ito, nakita natin na ang Diyos ay nagbibigay sa atin


ng maraming dahilan para magpatuloy tayo sa pagsunod sa kanya at
tulungan ang iba na gawin din ito:

• Ang ating kamatayan sa kasalanan at bagong buhay kay Cristo


(vv. 1–3).
• Ang ating tiyak na pag-asa na makasama si Cristo sa kalu-
walhatian (v. 4).
• Napopoot ang Diyos sa kasalanan at paparusahan niya ito
(v. 6).
• Ang ating bagong pagkatao kay Cristo (vv. 9–10).
• Ang pagpili at pagmamahal ng Diyos sa atin (v. 12).
• Ang pagpapatawad ng Diyos sa ating mga kasalanan (v. 13).

11. Sa mga katotohanang ito, may mga bago ba para sa iyo? Kung lahat
ng ito ay alam mo na noon, meron ba ditong bagong motivation para
sa paglago mo sa pagsunod sa Diyos?

12. Paano mo magagamit ang mga katotohanan sa talatang ito para


magbigay sigla sa iyo at sa ibang tao na magpatuloy sa pagsunod
sa Diyos?

31
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

13. Base sa pag-aaral na ito, ano sa tingin mo ang mga maling dahilan
sa pagsunod sa Diyos? May natuklasan ka bang mali sa iyong mga
personal na motivation sa pagsunod sa Diyos?

14. Paanong nakatulong magbigay-sigla sa pagsunod mo sa Diyos o sa


discipleship mo sa iba ang mga katotohanang ito na ating pinag-
aralan? Ano na ang naging impact ng mga katotohanang ito sa iy-
ong discipleship?

32
WEEK 4
THE MEANS OF DISCIPLESHIP
(FOLLOWING GODLY
EXAMPLES)
GETTING STARTED
Narinig mo na ba ang kasabihang “Some things are better caught than
taught” (May mga bagay na mas madaling gayahin kaysa ituro)?
Ipinakikita nito na may mga bagay na mas natututunan kung may
halimbawang gagayahin kaysa sa pormal na paraan ng pagtuturo.

1. Ano ang mga bagay na mas natutunan mo dahil may ginaya ka kay-
sa sa pormal na pinag-aralan tungkol dito (tulad ng pakikinig sa
lecture, pagbabasa, atbp.)?

Bilang mga Kristiyano, marami talaga tayong natututunan sa pamama-


gitan ng mga pag-aaral – at pagtutuunan natin ito ng pansin sa susunod
na paksa. Pero sa pag-aaral na ito, titingnan natin ang isang maha-
laga pero madalas ay nababale-walang paraan ng paglago bilang
Kristiyano, at ito ay ang paggaya o pagtulad sa mga godly examples.

MAIN IDEA
Ang pagkatuto mula sa mga godly examples ay isang mahalagang
aspeto ng pagsunod kay Cristo. Ibig sabihin nito, dapat tayong
maghanap ng mga godly examples para tularan, at tayo rin mismo ay
maging godly example sa iba.

33
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

DIGGING IN
Sa huling bahagi ng 1 Corinto 10, tinapos ni Pablo ang isang mahaba at
masalimuot na pagtatalakay tungkol sa mga karneng inihandog sa mga
diyus-diyosan at iba pang mga isyu na gumugulo sa mga Kristiyano sa
Corinto. Ang kanyang punto ay ito – sa lahat ng ating gagawin, dapat
nating isipin ang ikabubuti ng iba. Ang ating pagtutuunan sa ating pag-
aaral ngayon ay hindi ang isyu na tinalakay ni Pablo kundi ang mga
prinsipyong ibinigay niya sa atin:

23
Mayroon namang magsasabi, “Malaya akong gumawa ng
anuman,” ngunit hindi lahat ng ito ay nakakabuti. “Mala-
ya akong gumawa ng anuman,” ngunit hindi rin lahat ng ito’y
nakakatulong. 24 Huwag ang sariling kapakanan ang unahin
ninyo, kundi ang sa iba. 25 Kumain kayo ng anumang
nabibili sa tindahan ng karne at huwag nang magtanong
pa upang hindi mabagabag ang inyong budhi. 26 Sapagkat
sinasabi ng kasulatan, “Ang buong daigdig at lahat ng naro-
roon, ang Panginoon ang may-ari niyon!” 27 Kung anyayahan
kayo ng isang hindi sumasampalataya at nais ninyong
dumalo, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo at huwag
na kayong magtanong pa kung iyon ay ikagugulo ng inyong
budhi. 28 Ngunit kung may magsabi sa inyo, “Ito’y inialay
sa mga diyus-diyosan,” huwag ninyong kainin iyon alang-
alang sa nagsabi sa inyo, upang di mabagabag ang budhi.
29
Ang aking tinutukoy ay ang budhi ng inyong kapwa, at
hindi ang budhi ninyo. Bakit hahadlangan ng budhi ng
iba ang aking kalayaan? 30 Bakit ako susumbatan dahil sa
pagkain ko ng mga bagay na ipinagpasalamat ko naman
sa Diyos? 31 Kaya nga, kung kayo’y kumakain o umiinom,
o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ika-
rarangal ng Diyos. 32 Huwag kayong maging sanhi ng pagka-
kasala ninuman, ng mga Judio, ng mga Hentil, o ng mga

34
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

kaanib sa iglesya ng Diyos, 33 sa halip, tularan ninyo ang


ginagawa ko. Sinisikap kong mabigyang kasiyahan ang la-
hat ng tao sa bawat ginagawa ko. Hindi ko inuuna ang sarili
kong kapakanan kundi ang kapakanan ng marami, upang
maligtas sila. 11:1 Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay
Cristo. (1 Cor. 10:23–11:1)

1. Ano ang nakitang mali ni Pablo sa kasabihang “Malaya akong


gumawa ng anuman” (vv. 23–24)? Ano ang itinuturo nito sa atin
tungkol sa mga dapat unahin ng isang Kristiyano?

2. Sa verses 28–29, sinabihan ni Pablo ang mga taga-Corinto na


isaalang-alang ang budhi ng ibang tao para hindi sila mabagabag.
Anong ugali ang ipinapakita nito?

3. Anong dahilan ang ibinigay ni Pablo kung bakit sinisikap niyang


bigyang kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa niya (v. 33)?

4. Ano ang sinasabi ni Pablo na gawin natin sa 11:1?

5. Para sa iyo, mayabang o self-centered ba ang dating ng isang


Kristiyano kung sasabihin niyang “Tularan mo ako, gaya ng
pagtulad ko kay Cristo”? Bakit o bakit hindi?

6. Sa palagay mo, bakit sinabi ni Pablo sa mga taga-Corinto na gayahin


ang kanyang pamumuhay kasama ang iba pang itinuro niya
sa kanyang sulat? Bakit mahalagang aspeto ng discipleship ang
pagtulad sa mga godly examples?

35
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

Ang isa pang halimbawa ng discipleship by imitation ay makikita natin


sa 2 Timoteo 3. Nagbigay ng babala si Pablo kay Timoteo tungkol
sa mga taong hindi maka-diyos sa bahaging ito (vv. 1-9). Sa verse 10
naman ay sinabi niya kay Timoteo kung paano siya dapat mamuhay sa
kabila ng oposisyong ito:

10
Ngunit sinunod mo ang aking itinuro sa iyo, ang aking
ugali at layunin sa buhay. Tinularan mo ang aking pa-
nanampalataya, pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan. 11 Na-
saksihan mo ang mga pag-uusig at paghihirap na dinanas
ko sa Antioquia, Iconio at Listra. Napakahirap ng dinan-
as ko! Ngunit sa lahat ng iyon ay iniligtas ako ng Pangi-
noon. 12 Gayundin naman, ang lahat ng nagnanais mamu-
hay nang matuwid bilang tagasunod ni Cristo Jesus ay
daranas ng mga pag-uusig, 13 samantalang ang masasama
ay lalo namang magpapakasama, at ang manlilinlang ay
patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang din. 14
Ngunit ikaw, magpatuloy ka sa mga aral na natutuhan mo
at matibay mong pinaniwalaan, sapagkat kilala mo ang
mga nagturo nito sa iyo. 15 Mula pa sa pagkabata ay alam
mong ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng daan ng ka-
ligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo
Jesus. 16 Ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos,
at nagagamit sa pagtuturo ng katotohanan, sa pagtatama
sa maling katuruan, sa pagtutuwid sa likong gawain at sa
pagsasanay para sa matuwid na pamumuhay, 17 upang ang
lingkod ng Diyos ay magiging karapat-dapat at handa sa
lahat ng mabubuting gawain. (2 Tim. 3:10–17)

7. Ano ang “sinunod” ni Timoteo (vv. 10-11)? Paano ito nakakatulong


sa kanyang labanan ang mga impluwensyang hindi maka-diyos?

36
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

8. Ano ang sinabi ni Pablo na mangyayari sa:

a) Lahat ng nagnanais mamuhay ng matuwid bilang tagasunod


ni Cristo Jesus (v. 12)?
b) Masasama at manlilinlang (v. 13)?

9. Ano ang sinabi ni Pablo na dapat gawin ni Timoteo dahil dito (vv.
14–15)? Bakit mahalagang alalahanin ni Timoteo ang taong nagturo
sa kanya ng mga aral na kanyang pinaniniwalaan?

Nakita natin sa mga talatang ito na mahalaga sa discipleship ang


pagsunod sa godly examples.
Tinuruan ni Pablo ang mga taga-Corinto na tularan siya gaya
ng pagtulad niya kay Cristo. Nangangahulugan ito na dapat nilang
isipin ang makabubuti para sa iba sa lahat ng kanilang gagawin –
para ang mga hindi pa Kristiyano ay sumampalataya rin kay Cristo
at ang mga mananampalataya na ay mas lumago pa. Kaya nga para
sa mga taga-Corinto – at para sa atin – ang pagsunod sa halimbawa
ni Pablo ay paglalaan ng buhay para matulungan ang iba na makilala
si Cristo at lumago sa pananampalataya sa kanya.
Sa 2 Timoteo, pinaalala kay Timoteo ang klase ng pamumuhay ni
Pablo: ang kanyang turo, ugali, layunin sa buhay, pananampalataya,
pagtitiyaga, pag-ibig at katapatan, at mga pag-uusig na kanyang
tiniis at naranasan ang pagliligtas ng Diyos. Sa kanyang pagharap
sa oposisyon ng mga taong hindi maka-diyos, pinaalala ni Pablo kay
Timoteo ang lahat ng ito at hinikayat na tularan siya.
Ang pagsunod sa mga godly examples ay mahalaga sa discipleship,
at ang lahat ng Kristiyano ay tinawag para lumago bilang disciples
at tumulong rin sa paglago ng ibang disciples. Kaya nga, ang lahat
ng Kristiyano ay dapat humanap ng godly examples na kanilang
tutularan at magsilbing godly examples rin naman sa iba.

37
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

10. Nakita natin sa pag-aaral na ito na mahalaga para sa mga


Kristiyano ang matuto sa pamamagitan ng paggaya sa iba bukod
pa sa pormal na pag-aaral. Ano ang maaaring mangyari kung tayo
ay natututo lamang sa pamamagitan ng pag-aaral at hindi nagka-
karoon ng malapit na relasyon sa mga taong maka-diyos?

11. Kung ang learning by imitation ay malaking bahagi ng discipleship,


bakit mahalaga sa isang Kristiyano ang pakikibahagi sa isang
healthy church?

12. Ano ang mga praktikal na hakbang na kailangan mong gawin para
matularan ang mga godly examples sa inyong local church?

13. Bilang Kristiyano, ikaw ay may responsibilidad – at joyful oppor-


tunity – na maging godly example sa iba. Paano makakaapekto ito
sa paraan ng pamumuhay mo araw-araw?

38
WEEK 5
THE MEANS OF DISCIPLESHIP
(TEACHING ONE ANOTHER)
GETTING STARTED
1. Alalahanin mo ang ilan sa mga Christians na may malaking naituro
sa iyo. Paano mo sila naituring na “good teachers”?

MAIN IDEA
Ang lahat ng mga Kristiyano ay tinawag para magsalita ng katotohanan
sa isa’t isa upang magkatulungan sa paglago sa kabanalan. Isa sa mga
pangunahing paraan ng paglago bilang mga disciples ay ang ating
personal relationships kung saan naipapamuhay natin ang mga gospel
truths sa bawat aspeto ng buhay.

DIGGING IN
Sa Roma 15:14–16, isinulat ni Pablo,

14
Mga kapatid, lubos akong naniniwalang kayo mismo ay
puspos ng kabutihan at may sapat na kaalaman, kaya’t matu-
turuan na ninyo ang isa’t isa. 15 Gayunman, sa sulat na ito’y
naglakas-loob akong paalalahanan kayo tungkol sa ilang
bagay. Ginawa ko ito dahil sa kagandahang-loob ng Diyos sa
akin 16 upang maging lingkod ni Cristo Jesus bilang pari sa
mga Hentil. Ipinapangaral ko sa kanila ang Magandang Bal-
ita ng Diyos upang sila’y maging handog na kalugud-lugod
sa kanya, dahil sila ay ginawang banal na ng Espiritu Santo.

39
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

1. Sa tingin mo ba ay isusulat ni Pablo ang verse 14 tungkol sa church


ninyo? Bakit o bakit hindi?

2. Bakit nasabi ni Pablo sa mga taga-Roma na siya ay naniniwalang


matuturuan nila ang isa’t isa (v. 14)? Ano sa palagay mo ang ina-
asahan ni Pablo na gagawin nila bilang tugon?

3. Sa tingin mo ba ay kaya mong magturo sa iba? Kaya ka bang turuan


ng ibang church members? Bakit o bakit hindi?

Nakita natin sa Roma 15:14 na inaasahan ni Pablo ang lahat ng


church members na magturo sa isa’t isa. Sa Efeso 4, nagbigay si Pablo
ng mas malinaw na pagtuturo tungkol dito at kung paanong ang
buong church ay lalago:

11
At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga
apostol, ang iba nama’y mga propeta, ang iba’y ebanghe-
lista, at ang iba’y pastor at guro. 12 Ginawa niya ito upang
ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa
ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya, 13 hanggang
makamtan natin ang iisang pananampalataya at pagkaki-
lala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao
ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. 14 Nang sa gayon, hindi
na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay
ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong
ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan
ng kanilang katusuhan at panlilinlang. 15 Sa halip, sa pama-
magitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig,
tayo’y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang
ulo nating lahat. 16 Sa pamamagitan niya, ang mga bahaging
pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang
katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang

40
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

bawat bahagi, ang buong katawan ay lalaki at lalakas sa


pamamagitan ng pag-ibig. (Efeso 4:11–16)

4. Ayon sa talatang ito, ano ang responsibilidad ng isang pastor (vv. 11-12)?
Ano ang kaibahan nito sa karaniwang naiisip natin tungkol
sa “ministry”?

5. Sino ang sinasabi ni Pablo na magkakamit ng iisang pananampa-


lataya at pagiging ganap ayon sa pagiging ganap ni Cristo? (v. 13)

6. Ayon sa verse 15, ano ang paraan para tayo ay maging lubos na
katulad ni Cristo?

7. Base sa buong talatang ito, sino ang iniisip ni Pablo kapag sinasabi
niya ang tungkol sa “pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-
ibig” (v. 15)?

8. Basahin ang verse 16. Itinuturo dito ni Pablo na ang katawan ni Cristo
ay lalago kung ang bawat bahagi ay “maayos na gumaganap ng
tungkulin.” Ano ang mga praktikal na paraan na magagawa mo para
masiguradong ang bawat church member ay nakakatulong sa paglago
ng katawan ni Cristo?

9. Base sa talatang ito, paano mo isasalarawan ang iyong bahagi at mga


tungkulin bilang isang church member? Ano ang dapat na palaging
sinisikap mong gawin sa church?

Sa Tito 2 ay may makikita tayong halimbawa ng “pagsasalita ng


katotohanan sa diwa ng pag-ibig” na iniuutos ni Pablo sa Efeso 4.
Sabi ni Pablo kay Titus,

41
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

1
Ang ituro mo naman ay ang mga bagay na naaayon sa
wastong aral. 2 Sabihin mo sa matatandang lalaki na sila’y
maging mahinahon, marangal, mapagpigil sa sarili, at
maging matatag sa pananampalataya, pag-ibig at pagtitiis.
3
Sabihin mo sa matatandang babae na sila’y mamuhay na
may kabanalan, huwag maninirang-puri, huwag maglalasing
kundi magturo sila ng mabuti, 4 upang maakay nila ang
mga kabataang babae na mahalin ang kanilang mga asawa
at mga anak. 5 Ang mga kabataang ito’y kailangan ding
turuan na maging mahinahon, malinis ang isipan, masipag
sa gawaing bahay, mabait, at masunurin sa kanilang asawa
upang walang masabi ang sinuman laban sa salita ng Diyos
nang dahil sa kanila. 6 Turuan mo rin ang mga kaba-
taang lalaki na maging mapagpigil sa sarili. 7 Sa lahat
ng paraan, maging halimbawa ka ng mabuting ugali
at maging tapat ka at kagalang-galang sa iyong pagtuturo.
8
Nararapat na pananalita ang lagi mong gamitin upang
hindi mapintasan ninuman ang mga sinasabi mo. Kaya’t
mapapahiya ang ating mga kalaban sapagkat wala silang
masasabing masama laban sa atin. (Tito 2:1–8)

10. Ano ang sinabi ni Pablo kay Tito na ituro sa mga matatandang babae
patungkol sa kanilang pag-uugali (v. 3)? Ano ang kanilang espesyal
na gawain para sa mga nakababatang babae (vv. 4–5)?

11. Paano magagawa ng mga babae sa inyong church ang itinuro ni Pablo?

12. Base sa iba pang katuruan sa Biblia, ano sa tingin mo ang sasabihin
ni Pablo na ituro ng mga matatandang lalaki sa mga nakababatang
lalaki? Magbigay ng ilang mga talata.

42
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

13. Balikan mo ang lahat ng mga talata na pinag-aralan natin sa lesson


na ito. Paano mo isa-summarize o ibubuod ang mga natutunan nating
paraan ng paglago sa kabanalan?

14. Ano ang mga praktikal na paraan para magawa mo ang pagsasabi ng
katotohanan sa diwa ng pag-ibig sa ibang mga mananampalataya?
Sa pasimula, isipin mo ang mga pagkakataon na meron ka na, tulad ng:

• Lingguhang pagtitipon ng church


• Small groups
• Church members na nakatira malapit sa inyo

43
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

44
WEEK 6
THE ENEMY OF DISCIPLESHIP
(INDWELLING SIN)
GETTING STARTED
1. Ano ang ilan sa mga challenges na nararanasan mo sa iyong pag-
lago bilang Kristiyano at pagtulong sa iba na lumago din sa pananam-
palataya? Paano mo kinakaharap ang mga ito?

MAIN IDEA
Ang kasalanang nananatili pa rin sa atin ay nakakahadlang sa ating
pagsunod kay Cristo, subalit mapapagtagumpayan natin ito sa
biyaya ng Diyos.

DIGGING IN
Sinabi ni Pablo sa Roma 7:1–12 na kahit na mabuti ang kautusan,
nagdudulot ito ng kamatayan dahil inuudyukan nito ang ating maka-
salanang pagkatao para suwayin ito. Mula verses 13 hanggang 25,
tinalakay naman niya na kahit na tayong mga Kristiyano ay may
bagong buhay sa Espiritu at wala na sa ilalim ng kasalanan, may
kasalanan pa ring natitira sa atin at humahadlang sa ating pag-
sisikap na lumago kay Cristo.

13
Ang ibig bang sabihin nito’y nagdulot sa akin ng kama-
tayan ang mabuting bagay? Hinding-hindi! Ang kasalanan
ang pumatay sa akin sa pamamagitan ng mabuting
bagay. Nangyari ito upang maipakita kung ano nga

45
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

ang kasalanan, at upang mahayag sa pamamagitan ng


Kautusan, na ang kasalanan ay talagang napakasama.
14
Alam nating ang Kautusan ay espirituwal, ngunit ako’y
makalaman at alipin ng kasalanan. 15 Hindi ko maunawaan
ang aking sarili. Sapagkat hindi ko ginagawa ang gusto ko,
sa halip ang kinasusuklaman ko ang siya kong ginagawa.
16
Ngayon, kung ginagawa ko ang hindi ko gusto, nanganga-
hulugang sumasang-ayon ako na mabuti nga ang Kautusan.
17
Kung gayon, hindi na ako ang may kagagawan niyon, kundi
ang kasalanang naninirahan sa akin. 18 Alam kong walang
mabuting bagay na naninirahan sa aking katawang maka-
laman. May kakayahan akong naisin ang mabuti, ngunit
hindi ko nga lamang ito magawa. 19 Sapagkat hindi ko ginaga-
wa ang mabuting gusto ko, ang masamang hindi ko gusto
ang siya kong ginagawa. 20 Kung ang ginagawa ko ay hindi ko
nais, hindi na ako ang gumagawa nito kundi ang kasalanang
naninirahan sa akin. 21 Ito ang natuklasan ko: kapag nais
kong gumawa ng mabuti, ang masama ay malapít sa akin.
22
Sa kaibuturan ng aking puso, ako’y nalulugod sa Kautu-
san ng Diyos. 23 Ngunit may ibang kapangyarihan sa mga
bahagi ng aking katawan na salungat sa tuntunin ng aking
isip; binibihag ako ng kapangyarihang ito sa kasalanang
naninirahan sa aking katawan. 24 Kay saklap ng aking ka-
lagayan! Sino ang magliligtas sa akin mula sa katawang ito
na nagdadala sa akin sa kamatayan? 25 Wala nang iba pa
kundi ang Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo na ating
Panginoon! Salamat sa kanya! Ito nga ang kalagayan ko: sa
pamamagitan ng aking isip, pinaglilingkuran ko ang Kau-
tusan ng Diyos, ngunit sa pamamagitan ng aking katawang
makalaman ay pinaglilingkuran ko ang tuntunin ng kasala-

46
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

nan. (Roma 7:13–25)

1. Bakit hindi maintindihan ni Pablo ang sarili niyang mga ginagawa


(v. 15)?

2. Ano ang naging konklusyon ni Pablo sa katotohanang ang ginagawa


niya ay salungat sa gusto niyang gawin (v. 17)?

3. Ibig sabihin ba nito na hindi responsable o walang pananagutan si


Pablo sa kanyang ginagawa? Bakit o bakit hindi?

4. Ano ang meron si Pablo? Ano ang wala sa kanya (v. 18)?

5. Ano ang natuklasan ni Pablo na isang regular at karaniwang nang-


yayari (v. 21)?

6. Paano mo isa-summarize ang struggle ni Pablo gamit ang iyong sa-


riling mga salita?

7. Nararanasan mo rin ba ang ganitong struggle? Paano?

8. Ano ang itinuturo ng talatang ito tungkol sa kasalanan? Ganito rin


ba ang karaniwang pagtingin mo sa kasalanan?

9. Base sa itinuturo ng talatang ito, ano ang dapat na maging attitude


natin sa kasalanan? Ano ang hindi dapat?

10. Basahin ang Roma 8:12–13. Ano ang sinabi ni Pablo na dapat nating
gawin sa kasalanang natitira sa atin? Ano ang mga paraan para
magawa natin ito araw-araw?

47
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

11. Nakita natin sa mga nakaraang lessons na lahat tayo ay tinawag


para tulungan ang mga kasama nating church members na luma-
go kay Cristo. Gagawin natin ito sa pamamagitan ng pagtuturo ng
kanyang Salita at pamumuhay nang may kabanalan na magiging
halimbawa sa kanila. Ano ang mga paraan na maaaring makasira
ang kasalanan sa discipleship sa church? Ano ang ilan sa mga naka-
sulat sa Biblia na dapat nating maging tugon kung may nagkasala
laban sa atin? Pag-usapan ang mga sumusunod na talata:

• Mateo 18:15–20
• Roma 12:17–19
• Galacia 6:1–5
• Efeso 4:32
• 1 Pedro 4:8

12. Balikan ang mga talatang pinag-usapan natin. Alin sa mga ito ang
pinakamahirap gawin para sa iyo? Bakit? Anu-anong mga bagay
ang makatutulong sa iyo para lumago sa bahaging ito?

48
WEEK 7
THE END OF DISCIPLESHIP
GETTING STARTED
Ang isang marathon ay tumatagal lamang ng apat o limang oras,
pero may nagsabi sa akin na ang ilang oras na iyon ay parang napa-
katagal kung ikaw ay nasa kalagitnaan niyon. Hindi lang iyon,
pero para maging successful sa pagtakbo sa marathon, kailangan
mo pang magsanay nang ilang buwan para makuha ng katawan
mo ang kinakailangang tatag at lakas. Sa karera man o sa training,
kailangang ituon ang paningin sa finish line para matapos ang isang
napakahirap na gawain tulad ng isang marathon.

1. Isipin mo ang isang matagal at mahirap na project na ginawa mo.


Ano ang end goal mo o inaasahan mong mangyari pagkatapos? Paano
nakaimpluwensya sa klase ng iyong pagtatrabaho ang pagnanais
mong makamit ang goal na iyon?

MAIN IDEA
Sa huli, gagawin ng Diyos na ganap ang kabanalan ng lahat ng mana-
nampalataya. Ang tiyak na pag-asang ito ay nagpapasigla at nagpa-
palakas sa ating pagsisikap na lumago sa kabanalan at tumulong din
sa paglago ng iba sa kasalukuyan.

DIGGING IN
Sa Colosas 1:24–26, sinabi ni Pablo na nagagalak siya sa kanyang pag-
hihirap alang-alang sa Mabuting Balita na noon ay inilihim ngunit
ngayo’y inihayag na sa mga hinirang ng Diyos. Sabi niya,

49
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

24
Nagagalak ako sa aking paghihirap alang-alang sa
inyo, sapagkat sa pamamagitan nito’y naipagpapatuloy
ko ang paghihirap na kailangan pang gawin ni Cristo
para sa iglesya na kanyang katawan. 25 Ako’y naging
lingkod nito nang piliin ako ng Diyos upang ipahayag
sa inyo ang kanyang salita, 26 ang hiwaga na sa maha-
bang panahon ay inilihim sa maraming sali’t saling lahi,
ngunit ngayo’y inihayag na sa kanyang mga hinirang.
27
Niloob ng Diyos na ihayag sa kanila kung gaano kadakila
ang kamanghamanghang hiwagang ito para sa mga Hentil
na walang iba kundi si Cristo na nasa inyo. Siya ang ating
pag-asa na tayo’y makakabahagi sa kaluwalhatian ng Diyos.
28
Iyan ang dahilan kung bakit ipinapangaral namin si
Cristo. Ang lahat ay aming binabalaan at tinuturuan nang
may buong kaalaman upang maiharap namin sa Diyos ang
bawat isa nang ganap at walang kapintasan dahil sa kanilang
pakikipag-isa kay Cristo. 29 Ito ang aking pinagsisikapang
matupad sa pamamagitan ng kalakasang kaloob sa akin ni
Cristo. (Col. 1:27–29)

1. Ano ang hiwaga na ngayo’y inihayag na sa mga hinirang ng Diyos


(v. 27)?

2. Sino ang ipinapangaral ni Pablo? Paano niya ipinapangaral si Cristo


(v. 28)?

3. Ano ang layunin ni Pablo kung bakit ipinapangaral niya si Cristo


(v. 28)?

4. Paano magsikap si Pablo para maiharap ang bawat isa nang ganap at
walang kapintasan dahil sa kanilang pakikipag-isa kay Cristo (v. 29)?

50
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

Kapag sinabi ni Pablo ang tungkol sa paghaharap sa bawat isa na


ganap kay Cristo, tinutukoy niya ang araw ng paghuhukom. Sa araw
na iyon ang lahat ng sumasampalataya kay Cristo ay haharap sa Diyos
na ganap ang katuwiran. Hindi natin makakamit ito sa mundong
ito. Napag-aralan natin sa nakaraang lesson na may kasalanang
mananatili sa atin habang tayo ay nabubuhay. Pero sa huling araw,
lahat tayo ay magiging ganap kay Cristo.
Gayunman hindi sinabi ni Pablo na “Huwag mo nang isipin ’yan
ngayon kasi magiging ganap ka naman sa huling araw.” Sa halip,
kabaligtaran pa ang sinabi niya! Dahil alam niya na ang mga mana-
nampalataya ay magiging ganap sa huling araw, nagsusumikap siya
at nagtitiis ng paghihirap sa lakas na kaloob ng Diyos.

5. Ano ang itinuturo nito tungkol sa hinihingi sa atin sa discipleship,


ito man ay sa pagsisikap nating lumago kay Cristo at sa pagtulong
natin sa paglago rin ng iba?

6. Kung tayo ay magsisikap para maiharap ang bawat isa na ganap


kay Cristo, bakit parehong mahalaga ang “pagpapaalala” at “pag-
tuturo”? Ano ang mga bagay na dapat nating ipaalala at ituro sa
isa’t isa?

Ang sinabi ni Juan sa 1 Juan 3 ay akma sa sinabi ni Pablo tungkol sa


layunin at mithiin ng kanyang ministry. Sabi ni Juan,

1
Tingnan ninyo kung gaano kalaki ang pag-ibig sa atin ng
Ama! Tinatawag tayong mga anak ng Diyos, at iyon nga ang
totoo. Ang dahilan kung bakit hindi tayo nakikilala ng mga
makasanlibutan ay hindi nila kinikilala ang Diyos. 2 Mga
minamahal, mga anak na tayo ng Diyos ngayon, ngunit hin-
di pa nahahayag ang magiging kalagayan natin. Ngunit alam
nating sa pagdating ni Cristo, tayo’y magiging katulad niya,

51
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

sapagkat makikita natin kung sino talaga siya. 3 Kaya’t ang


sinumang may ganitong pag-asa kay Cristo ay nagsisikap na
maging malinis tulad niyang malinis.

7. Ano ang ginawa ng Diyos sa atin para ipakita ang pagmamahal


niya sa atin (v. 1)?

8. Bakit hindi tayo kilala ng sanlibutan? Bakit ito dapat maging kaali-
wan at pampalakas ng loob natin (v. 1)?

9. Ano ang mangyayari sa atin sa pagdating ni Cristo? Bakit (v. 2)?

10. Ano ang ginagawa ng lahat ng may ganitong pag-asa kay Cristo (v.
3)?

11. Base sa talatang ito at sa nauna, paano ka tutugon sa nagsabi ng


ganito, “Kung lilinisin naman tayo ng Diyos mula sa ating mga kas-
alanan sa huli, bakit pa natin kailangang intindihin iyon ngayon?
Bakit hindi na lang tayo mamuhay kung paano natin gusto tutal
gagawin naman tayong perpekto ng Diyos sa huli?”

12. Ano ang ilang dahilan ng panghihina ng loob sa pagiging tagasunod


ni Jesus? Paano magpapalakas ng loob at magpapatibay ng pag-asa
natin ang talatang ito habang tayo ay nagsusumikap sa paglago kay
Cristo at sa pagtulong natin sa paglago rin ng iba?

13. Ano ang magagawa mo para lumago ka bilang disciple, at matulun-


gan ang iba na lumago din, sa pamamagitan ng pamumuhay araw
araw ayon sa pag-asa ng kaluwalhatian?

52
TEACHER’S NOTES
FOR WEEK 1

DIGGING IN
1. Sinasabi ni Pablo na hindi pa siya perpekto at hindi pa niya
nakakamit ang buhay na walang hanggan kasama si Cristo
(vv. 12-13).
2. Kung ito ang pagtanaw ni apostol Pablo sa kanyang sarili,
dapat ay ganoon rin ang pagtingin natin sa ating mga sarili –
hindi pa perpekto at kailangan pa ang patuloy na paglago bilang
mga Kristiyano.
3. Sinabi ni Pablo na kaya siya nagsisikap na mas makilala pa si
Cristo ay dahil tinawag siya ni Cristo at ngayon ay kabilang na
siya kay Cristo (v. 12).
4. Itinuturo nito sa atin na ang basehan at motivation natin sa
paglago bilang mga Kristiyano ay dahil tayo ay kay Cristo na.
Nais ni Pablo na panghawakan ang pagkakilala kay Cristo dahil
si Cristo na ang nagmamay-ari sa kanya. Gusto nating mas
makilala si Cristo dahil siya ang nagligtas sa atin. Nilalabanan
natin ang kasalanan dahil pinatawad na niya tayo sa mga ito.
Ang ginawa ni Cristo ang dahilan kung bakit tayo nagsisikap
na mamuhay nang may kabanalan.
5. Sinabi ni Pablo na ang isang bagay na ginagawa niya ay “nililimot
ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong
makamtan, nagpupunyagi ako patungo sa hangganan upang
makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos sa
pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na nasa langit” (Fil.
3:13–14).

53
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

6. Sa verses 13–14, ginamit ni Pablo ang larawan ng isang manla-


laro o atleta na kasali sa karera o takbuhan. Ipinapakita nito sa
atin na katulad ng mga atleta na itinutuon ang buong lakas para
manalo, ganoon din ang kailangan nating gawin para lumago
bilang mga Kristiyano. Kailangan ang disiplina, kaseryosohan
at pagsisikap na makasunod kay Cristo.
7. Sa verse 17, sinabi ni Pablo na tularan natin siya at lahat ng
sumusunod sa kanyang halimbawa. Ibig sabihin nito ay dapat
nating gayahin ang mga Kristiyanong namumuhay nang tapat
sa Salita ng Diyos. Tinukoy din ng Bibliya na tularan natin
ang mga namumuno sa ating mga churches (Heb. 13:7).
8. Ang utos na ito ni Pablo ay nagpapakita sa atin na tayo ay lala-
go sa pamamagitan ng pagtulad sa halimbawa ng iba. Dapat
nating tularan ang makadiyos na pamumuhay ng ibang Kristi-
yano. Magagawa natin ito sa pamamagitan ng pagmamasid
sa kanilang pamumuhay, pagkakaroon ng ugnayan sa kanila at
pagtulad sa kanilang pagsunod kay Jesus.
9. Sinabi rin ni Pablo na maraming false teachers na nagpapa-
laganap ng kasalanan sa pamamagitan ng kanilang katuruan
at pamumuhay (vv. 18-19). Ang mga ito ay banta at maaaring
maging balakid sa pasunod sa mabuting halimbawa niya at ng
iba. Dahil sa mga bantang ito, higit na mahalaga na tumulad
tayo sa mga makadiyos na halimbawa. Mahirap labanan ang
mga false teachers sa ating sarili lang. Kailangan natin ang
mabuting halimbawa ng mga matatagal nang Kristiyano para
magpatuloy tayo sa ating pananampalataya at hindi matangay
ng mga false teachers.
10. Sa verses 20 hanggang 21, sinabi ni Pablo na ang mga Kristi-
yano ay:

• Mamamayan ng langit (v. 20)


• Sabik na naghihintay sa pagbabalik ng Panginoong Jesu-

54
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

Cristo, ang ating Tagapagligtas (v. 20)


• Babaguhin ni Cristo sa kanyang pagbabalik kaya ang ating
mga katawan ay magiging maluwalhati katulad ng kay
Cristo (v. 21)

Bilang mga mamamayan ng langit, may nakahandang eternal


inheritance para sa atin. Kaya naman dapat tayong mamuhay
na pinananabikan ang katotohanang iyon. Sa pagbabalik ni
Cristo, itatama niya ang lahat ng mali at makakabahagi tayo
sa kanyang maluwalhati at pangwalang-hanggang kaharian.
Dahil ang ating kaligtasan ay magiging ganap, dapat tayong
magtiwala sa mabuting ginagawa ng Diyos sa ating mga buhay
ngayon. Lahat ng aspetong ito ng ating pag-asa sa hinaharap
ay dapat na magtulak sa atin na labanan ang kasalanan at
magsikap na mamuhay nang may kabanalan sa kasalukuyan.
11-12. Maaaring iba-iba ang sagot.
13. Ang taong tunay na may takot sa Diyos at hindi sa ibang tao
ay mapagpakumbaba. Paminsan-minsan ay ipapakilala niya
ang kaniyang sarili bilang halimbawang dapat tularan, kahit
pa sa tingin ng iba ito ay kayabangan.
14-15. Maaaring iba-iba ang sagot.

55
TEACHER’S NOTES
FOR WEEK 2

DIGGING IN
1. Base sa nakita natin sa mga talatang ito, ang pagsunod kay Jesus
ay nangangahulugang:

• Pagsunod kay Jesus (Mateo 4:19–20)


• Pagtatakwil sa sarili (Mateo 16:24)
• Pagpasan ng sariling krus; iyon ay pagiging handang su-
munod kay Jesus hanggang kamatayan (Mateo 16:24)
• Paglilingkod kay Jesus (Juan 12:25–26)

2. Ang pagsunod kay Jesus ay hindi nangangahulugang dapat


nating iwanan ang ating mga trabaho at ibang mga responsibili-
dad gaya ng mga unang disciples (1 Cor. 7:17–24). Katunayan,
ang pagsunod kay Jesus ay nangangahulugang dapat tayong
maging responsible at tapat sa anumang calling at responsibilities
na ibinigay sa atin ng Panginoon (tingnan ang Colosas 3:18–4:1
bilang halimbawa).
3. Ayon sa mga talatang ito, lubhang napakahirap ng pagsunod
kay Jesus. Dapat nating itakwil ang ating mga sarili, sumunod
sa kanya kahit gaano kahirap, at maging handing ibigay maging
ang ating buhay para sa kanya. Ganoon pa man, ang biyaya
ng Diyos ang magbibigay sa atin ng kakayahang sumunod kay
Jesus at nagpapanumbalik sa atin kapag tayo ay mabigo.
4. Sabi ni Jesus na lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa ay
ibinigay na sa kanya (v. 18). Hinihingi nito ang pagpapasakop

56
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

natin sa kanya at pagsunod sa lahat ng kanyang itinuturo.


5. Iniutos ni Jesus sa kanyang disciples na humayo at gumawa ng
marami pang tagasunod niya. Dapat nilang gawin ito sa pama-
magitan ng:

• Pagbabautismo sa mga taong nagsisisi sa kanilang mga


kasalanan at nagtitiwala kay Cristo. Ang bautismo ay
simbolo ng pakikipag-isa kay Jesus sa kanyang kamatayan
at muling pagkabuhay at pagpapahayag din ng mabuting
balitang ito.
• Pagtuturo sa kanila na sumunod sa lahat ng iniutos ni Jesus
(vv. 19–20).

6. Ang talatang ito ay para din sa mga mananampalataya ngayon,


hindi lamang sa unang 11 disciples. Ang pinakamatibay na dahi-
lan nito ay ang utos sa mga disciples na turuan ang mga bagong
disciples na sumunod sa lahat ng iniutos ni Jesus, kasama na ang
utos na ito na tulungan ang ibang maging tagasunod din ni Je-
sus! Kaya isa sa mga dapat gawin ng lahat ng disciples ni Jesus
ay sikaping tulungan ang ibang maging tagasunod din ni Jesus.
7. Ang encouragement o pampapalakas ng loob na ibinigay ni Jesus
ay ang pangako na siya ay makakasama natin hanggang sa kata-
pusan ng panahon (v. 20).
8. Maaaring magkakaiba ang sagot.
9. Maaaring magkakaiba ang sagot, pero ang pangunahing katoto-
hanan ay ang talatang ito ay para sa ating lahat – hindi lang para
sa mga nasa full-time ministry o nagmimisyon sa ibang kultura.
Lahat tayo ay tinawag na maging disciples, kaya lahat tayo ay ti-
nawag na ibahagi ang ebanghelyo at tulungan ang iba na maging
matatag sa kanilang pananampalataya.
10–11. Maaaring magkakaiba ang sagot.

57
TEACHER’S NOTES
FOR WEEK 3

DIGGING IN
1. Sa verse 1 iniutos ni Pablo na ituon natin ang ating isip sa mga
bagay na makalangit. Ang ating pagkabuhay kasama si Cristo
ang basehan ng utos na ito. Ito rin ay isang motibo sa ating
paglago sa pagsunod sa Diyos.
2. Personal na sagot ang hinihingi ng tanong na ito. Maaaring
sabihin nila ang tulad nito, “Nagpapasigla ito sa paglago ko
bilang Kristiyano dahil pinapaalala nito na ang Diyos ay maka-
pangyarihang kumikilos sa aking buhay. Ipinapaalala nito
na ako ay spiritually dead noon pero ngayon ay buhay na sa
Diyos. Mahal ko ang kanyang Salita. Gusto ko siyang sundin.
Ako ay may bagong pagkatao. At ipinapaalala nito na ang
kapangyarihang bumuhay kay Jesus mula sa mga patay ang
siya ring kapangyarihang kumikilos sa akin ngayon.”
3. Malaki ang kaibahan ng pagsunod kay Cristo na ang moti-
vation ay ang katotohanang tayo ay patay na sa kasalanan at
binuhay na kasama si Cristo sa “just do it” approach sa disci-
pleship (o pagsunod dahil lang sa obligasyon o responsibili-
dad). Ang naunang motivation ay nakatuon sa kung ano ang
ginawa ng Diyos para sa atin, at sa atin dahil tayo’y na kay
Cristo na. Ang pagtulad sa ipinakitang motivation ni Pablo
sa talatang ito ay nangangahulugang inaalala natin ang biyaya
ng Diyos sa gospel para sa ating patuloy na paglago bilang mga
disciples. Ibig sabihin nito na ang ating mga pagsisikap ay tu-
gon na puno ng pasasalamat at pagtitiwala sa biyaya ng Di-

58
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

yos. Ito rin ay pag-alala na ang kapangyarihan ng Diyos ang


kumikilos sa atin, hindi lamang ang sarili nating lakas – at
ito ay napakalaking encouragement sa atin upang patuloy na
magsikap na lumago.
4. Sa verse 2 iniutos ni Pablo na isaisip natin ang mga bagay na
panlangit, katulad ng iniutos niya sa verse 1. Ang basehan ng
utos na ito ni Pablo ay ang ating pagkamatay sa kapangyarihan
ng kasalanan noong tayo ay sumampalataya kay Cristo; ang
ating buhay ay natatago sa Diyos kasama ni Cristo; at tayo’y
makakahati sa kanyang karangalan sa pagbabalik ni Cristo.
5. Maaaring magkakaiba ang mga sagot, pero ito ang ilang
halimbawa:

• Dahil ako’y namatay na sa kasalanan, wala nang kapang-


yarihan ang kasalanan sa akin. Dahil ako’y buhay na kay
Cristo, may kakayanan na akong sumunod sa Diyos.
• Dahil ako’y namatay na, ako’y may bagong pagkatao na kay
Cristo. Wala na ako sa kasalanan at sa luma kong pamu-
muhay. Hindi na ako ang dating ako. Kaya dapat akong
mamuhay ayon sa bago kong pagkatao.
• Dahil namatay na ako sa sanlibutan, wala na ako sa ilalim
ng kapangyarihan nito. Hindi ko kailangang hanapin ang
approval ng mundo o katakutan ang rejection nito. Si Cristo
ang aking Panginoon, at dapat akong magpasakop sa kanya.

6. Maaaring magkakaiba ang mga sagot, pero ito ang punto: na


ang ating pag-asang makahati sa karangalan ni Cristo ay tiyak
at sigurado at makakatulong sa ating makayanan ang mga
pagsubok at paghihirap na ating nararanasan. Ipinapaalala
nito na may katapusan ang pakikipaglaban sa kasalanan. Nag-
papasigla ito sa atin dahil magkakaroon tayo ng kagalakang
walang katapusan kasama si Cristo. At lahat ng ito ay nagtu-

59
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

tulak sa ating pagsumikapang mamuhay na ngayon katulad


ng magiging buhay natin sa eternity.
7. Sa verse 5, iniutos ni Pablo na patayin lahat ng mga maka-
mundong pagnanasa tulad ng pakikiapid, karumihan, mahalay
na simbuyo ng damdamin, masamamang pagnanasa, at ang
kasakiman na isang uri ng pagsamba sa diyus-diyosan. Kaila-
ngan ang palagiang pakikipaglaban natin sa mga gawa at pag-
nanasang ito para mapatay. Hindi natin dapat alagaan o pala-
kasin ang mga ito. Hindi natin dapat pinagbibigyan at kinasi-
siyahan ang mga ito. Sa halip, ginagawa natin ang lahat para
tuluyang mawala ang mga ito. Hinihingi natin ang tulong ng
Diyos para mapagtagumpayan ang mga ito. Ipinapahayag natin
sa Diyos at sa ibang Kristiyano, at hinihingi natin ang tulong
ng iba para mapagtagumpayan ang mga ito.
8. Sa verse 6, sinabi ni Pablo na tatanggap ng parusa ng Diyos
ang mga tao. Bakit? Dahil sa mga kasalanang sinabi niya sa
verse 5 (“Dahil sa mga ito”).
9. Sa verse 8, iniutos ni Pablo na “itakwil” ang lahat ng galit,
poot, panlalait, at malaswang pananalita. Sa verse 9, sinabi
niyang huwag kayong magsisinungaling sa isa’t isa. At ang
dahilang ibinigay niya sa mga utos na ito sa verses 9 at 10 ay
dahil hinubad na natin ang ating dating pagkatao, at isinuot
na natin ang ating bagong pagkatao na patuloy na nababago
at nagiging kalarawan ng Diyos na lumikha sa atin. Tinutu-
koy ni Pablo ang ating conversion, kung kailan inalis na ang
ating luma at makasalanang pagkatao na buhay sa Diyos at
pinananahanan ng Espiritu.
10. Sa verses 12–13, sinabi ni Pablo na mahal tayo ng Diyos,
hinirang niya, pinaging-banal niya, at pinatawad sa mga kasa-
lanan. Dahil sa mga ito, sinabi ni Pablo na tayo’y maging maha-
bagin, mabait, mapagpakumbaba, mahinahon, at mapagtiis, at
magpasensya at mapagpatawad sa isa’t isa.
11. Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

60
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

12. Maaaring magkakaiba ang mga sagot, pero kasama ang mga ito:

• Pag-aralan ang mga ito sa Bibliya


• Pagbulayan ang mga ito sa Bibliya
• Ipanalangin ang mga ito at isabuhay; gamitin sa pakiki-
paglaban sa kasalanan
• Personal na ipaalala sa iba ang mga katotohanang ito sa
Bibliya para mapalakas sila
• Atbp.

13. Maaring magkakaiba ang mga sagot, pero ito ang ilan sa mga
maling motivations sa discipleship:

• Para makamit ang kaligtasan. Tayo ay naligtas dahil lamang


sa biyaya ng Diyos, sa pamamagitan lamang ng pananam-
palataya kay Cristo. Si Jesus ang nagbayad para tayo ay
maligtas.
• Para makamit ang pagmamahal at pagtanggap ng Diyos.
Mahal na tayo ng Diyos kung tayo’y mga Kristiyano. Pinili na
niya tayo (vv. 12-13). Tinanggap na niya tayo dahil kay Cristo.
Sumusunod tayo sa Diyos dahil tayo ay minamahal at tina-
tanggap niya, hindi para makamit natin ang mga ito.
• Para mapagbigyan o mapahanga ang ibang tao. Ang pagti-
ngin ng Diyos ang dapat na pinakamahalaga sa atin. Dapat
nating kamuhian ang kasalanan dahil nasusuklam siya dito
(v. 6) at iniibig natin ang katuwiran dahil iniibig natin ang
Diyos na matuwid. Hindi tayo dapat magsikap na lumago
sa kabanalan para magmukhang banal sa tingin ng mga tao
kundi para maging tunay na matuwid sa harapan ng Diyos.

14. Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

61
TEACHER’S NOTES
FOR WEEK 4

DIGGING IN
1. Ang nakikitang mali ni Pablo sa kasabihang “Malaya akong
gumawa ng anuman” (vv. 23-24) ay ito: hindi lahat ng bagay
ay makakatulong at makakabuti sa iba. Kaya sa halip na isipin
ang pansariling kalayaan, dapat nating isaalang-alang ang maka-
kabuti sa ating kapwa at kung ano ang makakatulong sa kanya.
Ipinapakita nito na bilang isang Kristiyano, pangunahing pina-
hahalagahan ni Pablo ay kung ano ang makakapagpatatag sa
kanyang kapwa.
2. Sinabihan ni Pablo ang mga taga-Corinto na iwasan nilang
gawin kung ano ang makakagulo sa budhi ng iba para hindi
sila maging sanhi ng pagkakasala (v. 29). Ito ay nagpapakita
ng ugali na handang magsakripisyo para sa ikabubuti ng iba
dahil itinuturing nitong mas mahalaga ang kapwa.
3. Ayon kay Pablo, sinisikap niyang mabigyang kasiyahan ang
lahat ng tao para maligtas sila (v. 33).
4. Sa 1 Corinto 11:1, sinabi ni Pablo na tularan natin siya gaya ng
pagtulad niya kay Cristo.
5. Maaaring iba-iba ang sagot. Para sa iba, mayabang ang isang
Kristiyano na magsasabing gayahin siya. Kung iyon ang maging
sagot, pwedeng sabihin na ang utos ni Pablo ay tularan siya sa
pagsunod lamang niya kay Cristo. Hindi tayo dapat gumaya sa
isang Kristiyano sa lahat ng aspeto, dahil lahat tayo ay natitisod
(San. 3:2). Si Jesus ang ating ultimate standard, model, at exam-
ple, at lahat tao ay gagaya sa ibang Kristiyano sa kanilang pagsu-

62
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

nod lamang kay Cristo. Pangalawa, ang pagpapakita ng godly


example ay hindi kayabangan dahil bilang mga Kristiyano, kini-
kilala natin na anumang mabuting nasa atin ay galing sa Diyos
at hindi sa ating sarili (1 Cor. 4:7). Panghuli, malinaw sa talatang
ito na ang nais ni Pablo ay hindi pansariling hangarin. Sa halip,
ang nais niya ay gawin kung ano ang makabubuti sa iba para
maging matatag sila kay Cristo.
6. Ang halimbawa ng isang tao ay may special impact sa atin
kaya bukod sa sulat niya na nagbibigay ng katuruan, sinabi rin
ni Pablo na gayahin ang kanyang pamumuhay. Totoo ito mag-
ing mabuti o masamang halimbawa man (1 Cor. 15:33)! Kahit
na iniisip natin ang ating mga magulang, ang isang guro,
pastor, kaibigan o mentor, alam natin na ang halimbawa ng
ibang tao ay may malalim na tatak sa ating mga puso at isip.
Kapag nakita mo ang isang taong ipinapamuhay ang katoto-
hanan, nahahamon at napapalakas kang gawin din iyon. Bukod
pa rito, kapag nakita mo ang isang tao na ipinapamuhay ang
katotohanan ng gospel sa lahat ng aspeto ng buhay, nagkaka-
roon ka ng karunungan kung paano mamuhay bilang isang
Kristiyano.
7. Sinunod ni Timoteo ang pamumuhay ni Pablo kasama na ang
kanyang turo, ugali, layunin sa buhay, pananampalataya, pagti-
tiyaga, pag-ibig at katapatan, at mga pag-uusig na kanyang
tiniis at naranasan ang pagliligtas ng Diyos (vv. 10-11). Makaka-
tulong ito sa kanyang labanan ang mga halimbawang hindi
maka-diyos dahil malinaw niyang nakikita ang godly charac-
ter ni Pablo. Dahil personal niyang nakita at nalaman ang
paraan ng pamumuhay ni Pablo, mas madali niyang matutu-
laran si Pablo.
8. Sinabi ni Pablo na

• Ang lahat ng nagnanais mamuhay ng matuwid bilang

63
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

tagasunod ni Cristo Jesus ay daranas ng mga pag-uusig


(v. 12).
• Ang masasama at manlilinlang ay lalong magpapakasama,
patuloy na manlilinlang at sila man ay malilinlang din (v. 13).

9. Dahil dito, sinabi ni Pablo kay Timoteo na magpatuloy sa


kanyang natutunan at pinaniniwalaan dahil alam niya kung
sino ang nagturo nito sa kanya, at dahil alam niya ang Banal
na Kasulatan (vv. 14-15). Mahalagang alalahanin ni Timoteo
ang taong nagturo sa kanya ng matibay niyang pinaniniwalaan
dahil ang halimbawa ng katapatan ni Pablo sa kabila ng mga
pag-uusig ay makakatulong sa kanyang maging matapat din.
10–13. Maaaring magkakaiba ang sagot.

64
TEACHER’S NOTES
FOR WEEK 5

DIGGING IN
1. Iba-iba ang magiging sagot. Inaasahang kikilalanin ng lahat
ng kasali sa grupo na ang lahat ng mga Kristiyano, at hindi
lang ang sinulatan ni Pablo sa church sa Rome, ay maaaring
magturo sa isa’t isa dahil nasa atin ang Espiritu ng Diyos.
2. Ipinakita ni Pablo sa mga taga-Roma na may kumpiyansa siya
na kaya nilang magturo sa isa’t isa:

• Para ipaalala sa kanila na kahit na mahigpit ang pagpapaa-


lala niya sa kanila, hindi ito dahil sa tingin niya ay kulang
sila sa kaalaman o kakayahan
• Para sila ay gisingin at himukin na gawin nga iyon!
• Sa madaling salita, pinaalala sa kanila ni Pablo na may ti-
wala siyang kaya nilang magturo sa isa’t isa dahil inaasa-
han niyang ang lahat sa church ay magtuturo sa isa’t isa.

3. Maaaring magkakaiba ang sagot.


4. Ayon sa talatang ito, ang responsibilidad ng pastor ay para
sanayin ang lahat ng mananampalataya para sa ministry
(vv. 11-12). Iba ito sa karaniwang pag-iisip na ang mga pastor
ang gagawa ng ministry habang ang lahat ay makikinig lang
sa mga itinuturo nila. Sinasabi ni Pablo na ang layunin ng
isang pastor ay para sanayin tayong lahat na gumawa para sa
ikatatatag ng katawan ni Cristo.
5. Sabi ni Pablo na tayong lahat, o ang bawat mananampalataya
kay Cristo, ay dapat magsikap para sa pagkakaisa ng pana-
65
nampalataya at sa pagiging ganap kay Cristo (v. 13).
6. Ayon sa verse 15, tayo’y magiging lubos na katulad ni Cristo
sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng
pag-ibig.
7. Base sa buong talata, tinutukoy ni Pablo ang lahat ng mana-
nampalataya sa utos na “pagsasalita ng katotohanan sa diwa
ng pag-ibig.” Ang bawat isa sa atin ay inuutusan na magsali-
ta ng katotohanan sa ating kapwa church member para lahat
tayo ay lumago kay Cristo.
8. Maaaring magkakaiba ang sagot.
9. Itinuturo nito na dapat sikapin ng bawat church member ang
makatulong sa paglago sa kabanalan ng kapatiran sa pama-
magitan ng pagtuturo ng salita ng Diyos sa iba at pagsasabu-
hay nito. Para sa marami sa atin, mangyayari ito sa ating mga
personal na ugnayan o sa mga small groups. Para sa iba, ang
pagtuturo ay mangyayari sa mas malaking grupo at pagtiti-
pon. Anuman ang pagkakataon, ang mahalaga ay tumulong
tayo sa paglago ng ibang mananampalataya sa pamamagitan
ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig sa isa’t isa.
10. Sinabi ni Pablo kay Tito na turuan ang mga nakatatandang
babae na mamuhay nang may kabanalan, huwag maninirang
puri, at huwag malululong sa alak (v. 3). Binigyan rin niya sila
ng espesyal na tungkulin na ituro sa mga kabataang babae
ang “mabuti, upang maakay sila na mahalin ang kanilang mga
asawa at mga anak, maging makatuwiran, malinis ang isipan,
masipag sa gawaing bahay, mabait, at masunurin sa kanilang
asawa upang walang masabi ang sinuman laban sa salita ng
Diyos ng dahil sa kanila” (vv. 4-5).
11. Maaring magkakaiba ang sagot.
12. Maaaring magkakaiba ang sagot pero dapat kasama ang mga
ito:

66
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

• Dapat mahalin ng mga lalaking may asawa ang kanilang


asawa gaya ng pagmamahal ni Cristo sa iglesya (Efe. 5:25–
32).
• Dapat nilang palakihin ang kanilang mga anak ayon sa di-
siplina at aral ng Panginoon (Efe. 6:4) at huwag silang pa-
gagalitan ng labis at baka masiraan sila ng loob (Col. 3:21).
• Dapat silang magtrabaho para maibigay ang pangangailan-
gan ng kanilang pamilya (1 Tim. 5:8).

13. Ganito ang isang magandang buod ng katuruan ng mga tala-


tang ito tungkol sa paraan ng paglago sa kabanalan: Lalago
tayo sa kabanalan sa pamamagitan ng pagtuturo at pakikinig
sa turo ng kapwa mananampalataya. Dapat ay patuloy tayo sa
pagtuturo ng Salita ng Diyos sa isa’t isa upang lahat tayo ay
lumago sa kabanalan.
14. Maaaring magkakaiba ang sagot.

67
TEACHER’S NOTES
FOR WEEK 6

DIGGING IN
1. Hindi nauunawaan ni Pablo ang sarili niyang ginagawa dahil
salungat ito sa gusto niyang gawin – ito ay ang pagsunod sa
Salita ng Diyos. Sa halip, ang ginagawa niya ay kung ano ang
ayaw niyang gawin at iyon ay ang kasalanan (v. 15).
2. Ito ang naging konklusyon ni Pablo sa paggawa niya ng
salungat sa gusto niyang gawin – hindi siya ang gumagawa
niyon kundi ang kasalanang nananatili sa kanya (v. 17).
3. Hindi ito nangangahulugan na wala nang responsibilidad si
Pablo sa kanyang mga ginagawa. Sa pagsasabing hindi siya
ang gumagawa kundi ang kasalanang nananatili sa kanya,
hindi sinasabi ni Pablo na wala na siyang pananagutan sa
kanyang mga ginagawa. Siya pa rin ang gumagawa noon. Ma-
linaw ring sinabi ni Pablo na ang lahat ng mananampalataya
ay mananagot sa Diyos (Roma 14:10-12). Ipinaliwanag niya sa
talatang ito na ang kasalanang nananatili sa kanya ay isang
aktibong pwersa na sumasalungat at humahadlang sa mga
gustong gawin ng bago niyang pagkatao na maka-Diyos at
pinananahanan ng Espiritu.
4. May pagnanais si Pablo na gawin ang mabuti pero kulang ang
kanyang kakayanan na isakatuparan ito (v. 18).
5. Nakita ni Pablo na sa tuwing gusto niyang gumawa ng mabuti,
may ibang kapangyarihang nakakaimpluwensya sa kanya na
gumawa ng masama (v. 21).

68
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

6. Ganito ang magandang buod ng talatang ito: Dahil siya ay


binigyan ng bagong buhay at pagkatao ng Diyos sa pamama-
gitan ng Banal na Espiritu, nais ni Pablo na bigyang-lugod ang
Diyos sa lahat ng oras. Pero dahil nananatili pa rin ang kasa-
lanan sa kanya, madalas niyang hindi nagagawa ang mabu-
ting gusto niyang gawin. Sa halip ay ang masamang kinamu-
muhian niya ang kanyang ginagawa. Kaya nga nakita ni Pablo
na ang kasalanan ay malakas, aktibo at mapanirang kaaway
na nananahan sa kanya, na sinusubukan siyang gawing alipin
muli ng kasamaan. Ito ay nag-udyok sa kanya na tumawag kay
Jesu-Cristo para siya ay mapalaya. At may tiwala siyang mapa-
palaya siya ni Cristo mula sa kasalanan.
7. Maaaring magkakaiba ang sagot, pero ang bawat Kristiyano
ay makaka-relate sa struggle na ito dahil ang lahat ng tunay
na Kristiyano ay binigyan ng bagong pagkatao ng Diyos na
nasisiyahan sa pagsunod sa kanya, bagamat meron pang kasa-
lanang naninirahan sa ating lahat na siyang nag-uudyok sa
atin na gumawa ng masama.
8. Itinuturo ng talatang ito na ang kasalanan ay aktibo at
makapangyarihang pwersa na nananatili pa rin sa ating mga
mananampalataya. Kadalasang iniisip natin na ang kasalanan
ay tungkol lamang sa mga mali nating ginawa. Ang talatang
ito ay nagtuturo sa ating siyasatin ang mas malalim na reyal-
idad nito at kilalanin na ang kasalanan ay isang kaaway na
naninirahan sa atin at dapat nating labanan nang buong lakas.
9. Base sa itinuturo ng talatang ito, dapat tayong maging aktibo,
alerto at laging handang labanan ang kasalanan. Dapat nating
kilalanin na ang kasalanan ay aalipin sa ating mga pagnanais, at
dapat tayong maging mapagbantay laban dito. Kabilang sa ma-
ling pananaw at ugali tungkol sa kasalanan ang pagiging kam-
pante, walang pakialam, pagbibigay-hilig, pagmamaliit nito at
ng panganib nito, at marami pa.

69
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

10. Sa Roma 8:12-13, sinabi ni Pablo na patayin natin ang kasa-


lanang nananatili sa atin sa pamamagitan ng Espiritu. Ito ang
ilang mga paraan para magawa natin ito araw-araw:

• Pagtatapat ng ating mga kasalanan sa Diyos at paghingi


ng tawad
• Pagtatapat sa Diyos na kinamumuhian natin ang ating
kasalanan at paghingi ng kanyang tulong para mapagta-
gumpayan ito
• Pagbabasa, pag-aaral, pagbubulay, at pagsasaulo ng Biblia,
upang ito ay bumaon sa ating mga puso at isipan
• Regular at buong pusong pakikilahok sa sama-samang pag-
samba upang ang ating puso at isipan ay mahubog ng ating
pagsamba sa Diyos, pananalangin kasama ang mga anak ng
Diyos, at pakikinig sa pangangaral ng Salita ng Diyos
• Paghingi ng payo at pagiging accountable sa kapwa mana-
nampalataya
• Pagtatapat ng mga kasalanan sa mga kaibigang pinagka-
katiwalaan at paghingi ng tulong para mapagtagumpayan
ang mga ito
• At marami pa…

11. Maraming paraan na ang kasalanan ay maaaring makasira sa


discipleship sa church, kasama dito ang:

• Pagiging sanhi ng pagkakatisod ng iba


• Hindi sadyang maging dahilan para panghinaan ng loob
ang iba dahil sa hindi maingat na pagsasalita
• Pagkasira ng pagkakaisa ng church
• At marami pa…

70
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

Ang ilan sa mga tamang tugon sa pagkakasala ng iba na naka-


sulat sa Biblia ang mga sumusunod:

• Sarilinang pakikipag-usap sa taong nagkasala sa atin para


pagsisihan niya ang kanyang nagawa (Mat. 18:15-20).
• Pagsasama ng isa o dalawang sasaksi sa inyong mapag-
uusapan kung hindi pa magsisisi agad (Mat. 18:15-20). Pag-
lalahad ng isyu sa buong church kung wala pa ring pag-
sisisi (Mat. 18:15-20). Kung may nagkasala sa atin, huwag
gantihan o gawan ng masama, sa halip ay daigin ng mabuti
ang masama (Rom. 12:17-19). Kung may makagawa ng kasa-
lanan ay tulungan siyang makabalik sa tamang daan sa
malumanay na paraan (Gal. 6:1-5).
• Patawarin ang iba katulad ng pagpapatawad ng Diyos sa atin
(Efe. 4:32).
• Pawiin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-ibig (1 Ped. 4:8).
Sa halip na gantihan ang pagkakasala sa atin, dapat natin
itong takpan katulad ng pagpatay sa apoy gamit ang basang
kumot.

12. Maaaring magkakaiba ang sagot.

71
TEACHER’S NOTES
FOR WEEK 7

DIGGING IN
1. Ang hiwaga na ngayon ay nahayag na sa mga mananampalataya
ay “si Cristo na nasa inyo. Siya ang ating pag-asa na tayo’y
makakabahagi sa kaluwalhatian ng Diyos” (Col. 1:27). Ang
kamatayan at muling pagkabuhay ni Cristo ay may dulot na
bagong realidad sa ating mga mananampalataya – ang realidad
na dati ay anino lamang noong panahon ng Lumang Tipan. Si
Cristo ngayon ay nananahan sa atin, isang patikim ng kalu-
walhatian na tiyak na naghihintay sa atin.
2. Ipinapangaral ni Pablo si Cristo (v.28). Ginagawa niya ang
pangangaral na ito sa pamamagitan ng pagpapaalala at pagtu-
turo nang may buong kaalaman (v. 28).
3. Ipinapangaral ni Pablo si Cristo, pinapaalalahanan at tinu-
turuan nang may buong kaalaman upang maiharap sa Diyos
ang bawat mananampalataya ng ganap at walang kapintasan
dahil sa kanilang pakikipag-isa kay Cristo (v. 28). Nagsisikap
si Pablo na akayin ang mga mananampalataya sa pagiging ga-
nap kay Cristo bilang paghahanda sa huling araw, kung kailan
tatapusin ng Diyos ang pagpapabanal na sinimulan niya sa
buhay na ito.
4. Upang iharap ang bawat isa na ganap kay Cristo, sinabi ni Pablo
na siya ay nagsisikap sa pamamagitan ng kapangyarihang
kaloob sa kanya ni Cristo (v. 29). Samakatuwid, nagtatra-
baho siya ng buong pagtitiyaga sa abot ng kanyang makakaya.

72
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

Para kay Pablo, kailangan niyang ibigay ang lahat ng kanyang


makakaya upang matulungan ang ibang Kristiyano na lumago
sa pagsunod kay Cristo – at handa siyang ibigay ang kanyang
sarili para sa gawaing ito.
5. Itinuturo nito na ang discipleship ay nangangailangan ng pat-
uloy, matiyaga at masigasig na pagsusumikap. Hindi ito ma-
dali! Walang sinuman sa atin ang automatic na naging banal.
Kailangan nito ang patuloy na pagtitiyaga sa biyaya ng Diyos
para mapaglabanan ang kasalanan at lumago sa kabanalan. At
kailangan din ng biyaya ng Diyos para matulungan natin ang
iba na gawin din ito.
6. Kung tayo ay gagawa para maiharap ang bawat isa na ganap
kay Cristo, mahalaga ang pagpapaalala dahil ang kasalanan
ay isang mapanganib na kaaway na nananatili pa rin sa atin
at gumagawa para tayo ay gawing alipin ng kasamaan. Sabi
sa aklat ng Hebreo na ang kasalanan ay madaya at maaaring
magdulot na mawalan tayo ng pananampalataya at tumalikod
sa Diyos na buhay (Heb. 3:12-13). Kaya nga kailangan natin
ang paalala tungkol sa kapangyarihan ng kasalanan, ang pan-
daraya at paninirang maidudulot nito. At ang pagtuturo ay
mahalaga dahil ang personal na pagbabago ay mangyayari
habang binabago ng Salita ng Diyos ang ating mga pag-iisip
(Rom. 12:1-2). Maraming magagandang sagot tungkol sa mga
bagay na dapat nating ipaalala at ituro sa isa’t isa.
7. Ang ginawa ng Diyos para ipakita ang kanyang pag-ibig sa atin
ay ginawa niya tayong kanyang mga anak (v. 1).
8. Hindi tayo kilala ng mundo dahil hindi rin nito kilala si Jesus
(v. 2). Ibig sabihin ay hindi nito kinilala at tinanggap siya bil-
ang Anak ng Diyos. Dapat itong maging comfort at encour-
agement sa atin dahil kapag naranasan natin ang rejection at
pag-uusig, alam natin na ganun din ang ginawa nila kay Jesus,
at dapat nating asahan ang parehong pagtrato na ginawa nila

73
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

kay Jesus. Unang naranasan ito ni Jesus bago pa tayo, at siya


ay maawaing helper at comforter sa atin kapag dumaan tayo
sa mga pagsubok.
9. Kapag nahayag na si Cristo, magiging katulad na niya tayo
dahil makikita na natin siya ng mukhaan (v. 2). Hindi ibig
sabihin nito na tayo ay magiging Diyos din tulad niya, kundi
magiging ganap na ang ating kabanalan katulad niya.
10. Lahat ng umaasa kay Cristo ay nagsisikap na maging malinis
ang pamumuhay tulad ni Cristo (v. 3).
11. Base sa talatang ito, ang naaangkop na sagot ay tulad nito,
“Bilang mga Kristiyano, tayo ay itinuring na matuwid sa
paningin ng Diyos sa pamamagitan lamang ng pananampa-
lataya na nagiging dahilan ng pagsisikap nating mamuhay sa
katuwiran, dahil alam na nating tayo ay pinawalang-sala na
ng Diyos. Gayundin, ang katiyakan na tayo ay magiging ganap
pagdating ng araw ay nagpapasigla sa ating pagsisikap na
lumago sa kabanalan. Hindi lang iyon, alam natin na ang mga
nagsisikap lamang na mamuhay sa kabanalan ang maluluwal-
hati sa huling araw (1 Cor. 6:9-11).”
12–13. Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

74
TULUNG-TULONG SA PAGLAGO

75
PERSONAL NOTES
PERSONAL NOTES
PERSONAL NOTES
PERSONAL NOTES
Building Healthy Churches

IS YOUR CHURCH HEALTHY?

9Marks exists to equip church leaders with a biblical vision and practi-
cal resources for displaying God’s glory to the nations through healthy
churches.

To that end, we want to help churches grow in nine marks of health


that are often overlooked:
1. Expositional Preaching
2. Gospel Doctrine
3. A Biblical Understanding of Conversion and Evangelism
4. Biblical Church Membership
5. Biblical Church Discipline
6. A Biblical Concern for Discipleship and Growth
7. Biblical Church Leadership
8. A Biblical Understanding of the Practice of Prayer
9. A Biblical Understanding and Practice of Missions

At 9Marks, we write articles, books, book reviews, and an online


journal. We host conferences, record interviews and produce other re-
sources to equip churches to display God’s glory.

Visit our website to find content in 40+ languages and sign up


to receive our free online journal. See a complete list of our
other language websites here:
9marks.org/about/international-efforts

9marks.org
The Church

Discipleship
in the Church

Church Biblical Theology


Discipline

Evangelism
Conversion

Church The Gospel


Membership

Church Expositional
Leadership Preaching

Tingnan rin ang iba pang mga kasama sa


9MARKS HEALTHY CHURCH
STUDY GUIDE SERIES

Saklaw ng seryeng ito ang siyam na tanda


ng isang malusog na iglesiya na orihinal na
nilatag sa Nine Marks of a Healthy Church ni
Mark Dever. Sinisiyasat sa bawat aklat ang
mga pundasyong biblikal ng mga mahaha-
lagang aspeto ng iglesiya upang tulungan
ang mga Kristiyano na isabuhay ang mga
realidad na ito bilang miyembro isang local
church. Mainam itong mga tulong sa Sunday
School, church-wide studies, o mga small
groups.
Misyon ng Treasuring Christ PH ang makapagbahagi ng mga free at
affordable Taglish gospel-centered resources para sa Filipino Church.
Matatagpuan sa www.treasuringchristph.org ang daan-daang
mga sermons, articles, Bible study guides at ebooks na bunga ng
preaching at teaching ministry ni Pastor Derick Parfan sa nakaraang
13 taon bilang pastor ng Baliwag Bible Christian Church sa Baliwag,
Bulacan.
Bago itong Tulung-tulong sa Paglago, nakapag-publish na rin
kami ng iba pang mga libro tulad ng:

1 . Coronavirus at si Cristo (John Piper)


2 . Habakkuk: Pag-asa sa Panahon ng Pandemic (Derick Parfan)
3 . Expositional Preaching: How We Speak God’s Word Today
(David Helm)
4 . The Gospel: How the Church Portrays the Beauty of Christ
(Ray Ortlund)
5 . Five Solas, One Gospel: Mga Foundational Doctrines para sa
Filipino Church Ngayon (Derick Parfan)
6 . Balik Tayo sa Church: Bakit Essential ang Katawan ni Kristo
(Collin Hansen at Jonathan Leeman)
7. Balik Tayo sa Church Study Guide (Megan Hill)`

Para sa mga karagdagang impormasyon, mag-email sa


tcphbooks@gmail.com.
ANG PAGDIDISCIPLE
SA LOCAL CHURCH
Ang pagdidisciple ang isa sa mga pangunahing tema sa pagtuturo ni Jesus, ngunit
hindi ito masyadong binibigyang-diin ngayon sa maraming churches. Ang study guide
na ito ay isang pagsisiyasat sa itinuturo ng Bibliya tungkol sa discipleship. Kasama
sa mga topics na tatalakayin ay ang pangangailangan, tungkulin, at hadlang sa pag-
didisciple. Gamit ang mga discussion questions sa bawat chapter, ang mga kasali sa
pag-aaral na ito ay magkakaroon ng guided reflection habang pinag-aaralan nila ang
kahalagahan ng discipleship sa buhay Kristiyano.

“I am unaware of any other tool that so thoroughly and practically helps Christians
understand God’s plan for the local church. I can’t wait to use these studies in my
own congregation.”
JERAMIE RINNE, Senior Pastor, South Shore Baptist Church, Hingham, Massachusetts

“Rich exposition, compelling questions, and clear syntheses combine to give a guided
tour of ecclesiology—the theology of the church. I know of no better curriculum for
generating understanding of and involvement in the church than this.”
RICK HOLLAND, Senior Pastor, Mission Road Bible Church, Prairie Village, Kansas

“I have used these guides for the last year at my own church and appreciate how
easy they are to adapt to my own setting. Highly recommended!”
MICHAEL LAWRENCE, Senior Pastor, Hinson Baptist Church, Portland, Oregon

Saklaw ng 9MARKS HEALTHY CHURCH STUDY GUIDES ang siyam na tanda


ng isang malusog na iglesiya na orihinal na nilatag sa Nine Marks of a Healthy Church
ni Mark Dever. Sinisiyasat sa bawat aklat ang mga pundasyong biblikal ng mga
mahahalagang aspeto ng iglesiya upang tulungan CHURCH MINISTRY / CHRISTIAN LIFE

ang mga Kristiyano na isabuhay ang mga realidad


na ito bilang miyembro ng isang local church.
Mainam itong mga tulong sa Sunday School,
church-wide studies, o mga small groups.

You might also like