Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

International Journal of Research Studies in Education

2022 Volume 11 Number 15, 19-28

Kalagayan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng araling


panlipunan sa antas elementarya

De Mesa, Alvin Rom


Leyte Normal University, Philippines (ar_demesa@ymail.com)
Labao, Richel T. ISSN: 2243-7703
Hingatungan National High School, Philippines (richellabao6@gmail.com) Online ISSN: 2243-7711

OPEN ACCESS
Received: 1 August 2022 Revised: 20 August 2022 Accepted: 10 October 2022
Available Online: 20 October 2022 DOI: 10.5861/ijrse.2022.b026

Abstract

The DepEd Order no 16, s. 2012 issued the Guidelines on the Implementation of the Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) which was implemented in all public
schools, specifically in Kindergarten, Grades 1- 2 and 3 as part of the K to 12 Basic Education
Program starting School Year (SY) 2012-2013. Major languages or lingua franca and others
shall be offered as a learning area and utilized as the language of instruction. In relation to this,
the Filipino language is no longer used as a medium of instruction in teaching Social Studies
in Kindergarten, Grades 1, 2, and 3. The Filipino language is used as the medium of
instruction in Grades 4,5 and 6. Being fluent in the mother tongue benefits the child in
numerous ways. It associates him with his culture, ensures enhanced cognitive development,
and supports the learning of other languages. Further, sustaining the use of the national
language is challenging nowadays because those who cared about Filipino as a language are
facing different kinds of obstacles to being able to sustain its use. Moreover, the researcher
found out that the Filipino language is no longer used as a medium of instruction in teaching
Social Studies in Kindergarten, Grades 1-2, and 3 in all public schools because of the change
in curriculum. Teachers who have been using the Filipino language as the medium of
instruction in teaching Grades 4-5 and 6 are optimistic that learners should learn the national
language prior to learning foreign languages.

Keywords: kalagayan, pagtuturo, mother-tongue, Filipino, national language

© The Author(s) / Attribution-NonCommercial-NoDerivs CC BY-NC-ND


De Mesa, A. R., & Labao, R. T.

Kalagayan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng araling panlipunan sa antas elementarya

1. Introduksiyon

Malinaw na binanggit sa Kautusang Pangkagawaran Bilang 25, serye 1974 ang Implementing Guidelines for
the Policy of Bilingual Education o Panuntunan sa Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa lahat
ng antas sa pagkatuto mula elementarya hanggang sa kolehiyo na sinundan ng Memorandum ng Ministry of
Education and Culture (MEC) Bilang 203, serye 1978 kaugnay sa Accelerating the Attainment of the Goals of
Bilingual Education. Sa mga naturang batas kung saan nilinaw ang pagpapatupad ng paggamit ng wika, Ingles at
Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng pagkatuto. Dagdag pa, sa pagpapaigting ng pagpapatupad ng
Edukasyong Bilinggwal ay inilabas din ang Kautusang Pangkagawaran Bilang 52, serye 1987 Ang Patakarang
Edukasyong Bilinggwal gayundin ang Kautusang Pangkagawaran Bilang 54 serye 1987. Dahil sa mga naturang
batas, mahalagang malaman ang kalagayan ng Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan bilang wikang
panturo, sa ganitong paraan mababatid ng mga mababasa ng pananaliksik na ito kung hanggang sa taong
kasalukuyan, 2022 ay naipatutupad pa rin ba ito.

Kaugnay rito, binigyan din ng pansin sa pag-aaral na ito ang Kautusan ng Departamento ng Edukasyon
(DepEd) Bilang 16, serye 2012 kung saan nakasaad ang Guidelines on the Implementation of the Mother
Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE) sa Kinder hanggang Baitang 3. Pagtunay pa, ang naturang
batas ay pagbibigay ng katuparan sa mga ginawang pananaliksik ng mga eksperto na ang paggamit ng
MTB-MLE ay nakatutulong nang malaki upang mas lalo pang maunawaan ng mga mag-aaral na Pilipino ang
lahat ng mga paksa na itinuturo sa Kinder at Baitang 1-3. Isinakatuparan ang naturang batas simula Taong
Akademiko 2012-2013. Dagdag pa, mayroong labindalawang (12) katutubong wika na lingua franca ng bawat
lugar sa Pilipinas ang inirekomendang gamitin, ito ay Tagalog, Kapampangan, Pangasinense, Iloko, Bikol,
Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanao, Maranao at Chabacano. Dahil dito, ginamit ng mga guro
ang Mother-Tongue at hindi wikang Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa Kinder at Baitang 1-3 sa mga
pampubliko at pampribadong paaralan. Dahil napag-alaman ng mga mananaliksik na hindi masyadong tinutukan
ng mga pampribadong paaralan ang pagpapatupad ng MTB-MLE, minabuting tinutukan sa pag-aaral na ito ang
mga pampublikong paaralan dahil sila ang nagsagawa ng puspusang implementasyon bunsod na rin sa mahigpit
na utos ng DepEd.

Sa natuklasan ng mga mananaliksik mula nang tukuyin ang mga paaralan na naging sangkot sa pag-aaral
kung saan nagmula ang mga kalahok na guro, nabigyang-linaw na ilaan ang pagtutok ng pag-aaral sa Baitang
4-6 dahil ang mga baitang na ito ang gumamit ng wikang Filipino bilang wikang pantuturo sa asignaturang
Araling Panlipunan. Dagdag pa, nakatulong nang malaki ang nakalap na mga kaugnay na literatura na gumabay
sa mga mananaliksik upang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Isa na rito ang pagpapatunay ni Nishanthi (2020), na ang paggamit ng mother tongue ay napakahalaga sa
pagbuo sa pag-iisip at emosyon ng bawat indibidwal. Ang pagkatuto sa paggamit ng mother tongue ay
napakahalaga sa komprehensibong pag-unlad ng isang bata, ito ay upang maging bihasa sa paggamit ng mother
tongue na mayroong maraming benepisyo sa mga kabataan. Naiuugnay sila sa kanilang kultura, napahuhusay
ang pag-unlad ng kanilang kamalayan, at nasusuportahan ang pagkatuto sa iba pang mga wika. Dagdag pa ni De
Mesa (2022a), bagamat nahihirapan ang mga guro sa pagtuturo ng Mother-tongue, naniniwala pa rin sila na
kailangang tulungan nila ang kanilang sarili para maturuan nila nang tama ang kanilang mga mag-aaral. Pahabol
pa niya, nakatulong nang malaki ang Ortograpiyang Waray ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para
maituro ng mga guro ang Mother-tongue na naaayon sa pagiging istandardisado ng mga letra at pagbabaybay sa
wikang waray.

Binigyang-diin naman nina Bylund, Abrahamsson, at Hyltenstam (2012) na mahalaga pa rin ang unang wika

20 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators)


Kalagayan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng araling panlipunan sa antas elementarya
subalit, dapat ding tingnan kung ito pa rin ba ay umaagapay sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Kaya naman,
nagbigay rin sila ng paliwanag na ang ikalawang wika (Filipino) ay kailangan ding pahalagahan kung ito naman
ang nagsisilbing polisiya ng paaralan na gamitin bilang wikang panturo sa lahat ng baitang o hindi naman kaya
sa Baitang 4-6. Kung gayon, kailangang isaalang-alang ng guro kung ano ang wikang dapat gamitin sa pagtuturo
ng Araling Panlipunan. Batid naman ng lahat na ang mga guro sa elementarya ay hindi dalubhasa sa Araling
Panlipunan at Filipino subalit, lahat ng mga guro ay kumuha ng pangkalahatang kurso sa Agham Panlipunan at
Filipino na dahilan para masabing sila rin ay may kaalaman sa dalawang asignatura na siyang pinagkatiwalaan
ng namamahala ng paaralang kanilang pinapasukan.

Kaugnay rito, pinaalalahanan ni Goswami (2018) ang lahat na hindi kailanman iwawaglit ang
pagpapahalaga sa paggamit ng mother tongue dahil ito ang pinakabatayan ng bawat mag-aaral sa kanilang
pagkatuto. Dagdag pa ni Kolb (1984), ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa wikang ginagamit sa
pagtuturo kung kaya, nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan ang wastong pangangalaga
sa paggamit ng wikang panturo sa paaralan. Sa ganitong paraan, makatutulong nang malaki ang pagpapahalaga
ng wikang ginagamit sa pagtuturo ng Araling Panlipunan tulad ng paggamit ng Filipino bilang wikang panturo
upang sa gayon madaling matutuhan ng mga mag-aaral ang mga paksa sa Araling Panlipunan.

Sa huling banda, sinabi ni Rosales (2010), na ang pagpapalaganap sa Wikang Pambansa ay isang malaking
hamon sa panahong ito. Sapagkat napakaraming balakid ang susuungin ng mga nagmamalasakit sa wikang
Filipino upang maisakatuparan ang adhikaing ito. Hindi maitatatwa na ang isang wikang pansarili ay isang
wikang taal at di-dayuhan kung saan mahalaga sa pagkakaroon ng self-identity o kakanyahan. Dagdag pa ni
Gonzales (2009), makatutulong ang patuloy na paggamit ng Wikang Pambansa kasabay ng pagpapausbong ng
mga Wikang Katutubo na nakapalibot rito. Kaya naman, inalam sa pananaliksik na ito ang kalagayan ng wikang
Filipino bilang wikang panturo sa asignaturang Araling Panlipunan sa antas elementarya partikular na ang
Baitang 4-6.

Mula sa mga nabanggit na impormasyon, nilayon sa pananaliksik na ito na mabigyan ng kasagutan ang
sumusunod na mga suliranin: Una, ano ang naitulong ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa pagkatuto ng
mga mag-aaral sa Asignaturang Araling Panlipunan? Ikalawa, ano ang pagtanggap ng mga guro ng asignaturang
Araling Panlipunan sa paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo? Ikatlo, ano ang karanasan ng mga
guro sa pagtuturo ng Araling Panlipunan gamit ang wikang Filipino bilang wikang panturo? At ikaapat, ano ang
kalagayan ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa asignaturang Araling Panlipunan sa antas elementarya?
Upang makakalap ng mga kasagutan sa mga nabanggit na suliranin, minabuti ng mga mananaliksik na
isaalang-alang ang buong kasagutan ng bawat gurong kalahok sa isinagawang pag-aaral.

2. Metodolohiya

Tinalakay sa bahaging ito ang disenyo ng pag-aaral, mga natukoy na mga guro na nagtuturo ng Araling
Panlipunan sa antas elementarya, konsiderasyong etikal, proseso sa pagsasagawa ng in-depth na pakikipanayam
sa mga kalahok, at pagsusuri at pagberepika ng mga tugon ng bawat kalahok.

2.1 Disenyo ng Pag-aaral

Binigyang-tuon ang paraan sa isinagawang pananaliksik ang maingat na pagsunod sa proseso ng


pagsasagawa ng isang Kwalitatibong Pananaliksik bilang disenyo upang malaman ang kalagayan ng wikang
Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa antas elementarya (Leavy, 2017). Ginamit din ang
Penomenolohikal ni Husserl (1991) na binanggit sa isang aklat kung saan inalam ang mga naranasan ng mga
gurong kalahok kaugnay sa kalagayan ng Filipino bilang wikang panturo sa asignatrang Araling Panlipunan sa
Baitang 4-6. Para naman sa pagkuha ng mga nakalap na mga impormasyon, ang in-depth interview naman ang
ginamit sa tulong ng gabay sa pakikipanayam upang magkaroon ng direksiyon ang pagtatanong ng mga
manaliksik kung saan detalyadong nakuha mula sa mga kalahok ang kalagayan ng Filpino sa pagtuturo ng

International Journal of Research Studies in Education 21


De Mesa, A. R., & Labao, R. T.
Araling Panlipunan sa antas elementarya (De Mesa, 2022b).

2.2 Mga natukoy na mga guro na nagtuturo ng Araling Panlipunan sa antas elementarya

Sinikap ng mga mananaliksik na magkaroon ng kinatawan na mga guro mula sa iba’t ibang paaralang
elementarya ng Silago, Southern Leyte. Dagdag pa rito, pinanatili sa pananaliksik na ito ang pribadong
pagkakakilanlan ng mga paaralan na mayroong mga kalahok na guro dahil na rin sa kanilang kahilingan. Kaya
naman, napagkasunduan ng mga mananaliksik na itago na lamang ang pangalan ng mga paaralan na Paaralan A,
Paaralan B, Paaralan C, at Paaralan D.

Dahil dito, isinaalang-alang ang pagpili ng mga paaralan na ang wikang panturo sa Araling Panlipunan ay
Filipino. Bagamat hindi Baitang 1-6, ang nakuhang mga kalahok na guro dahil sa ang Baitang 1-3 at
napag-alaman ng mga mananaliksik na mother tongue ang wikang panturo na ginagamit sa Araling Panlipunan.
Subalit, hindi nawalan ng pag-asa ang mga mananaliksik dahil maraming guro ang nagbigay ng suhestiyon na
magpokus na lamang sa Baitang 4-6 dahil pasok raw ito sa pamagat ng pananaliksik na Kalagayan ng Wikang
Filipino sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan sa Antas Elementarya. Dahil na rin sa suhestiyon ng mga guro na
mahigit na sampung (10) taon nang nagtuturo sa elementarya, napagdesisyunan ng mga mananaliksik na ituon
ang pag-aaral sa pagtukoy ng kalagayan ng Filipino sa elementarya, partikular na sa Baitang 4-6.

Mula sa mga ibingay na mungkahi ng mga guro, natukoy ng mga mananaliksik ang apat (4) na paaralang
elementarya na pinangalanan ng mga mananaliksik na Paaralan A na mayroong limang (5) kalahok, Paaralan B
ay limang (5) kalahok din, Paaralan C ay mayroon anim (6) na mga kalahok na guro, at sa Paaralan D ay dalawa
(2) lamang sa kadahilanang maliit lamang ang paaralan na ito. Sa kabuuan, nabuo ang labinwalong (18) mga
kalahok na guro na may siyamnapu’t walong bahagdan (98%) sa kanila ay nagtuturo na nang mahigit sampung
(10) taon na. Dagdag pa, humingi rin ang mga mananaliksik sa mga eksperto ng Kwalitatibong Pananaliksik
upang masuri at mabalida ang hakbang sa pagpili ng mga kalahok sa isinagawang pag-aaral.

2.3 Konsiderasyong Etikal

Lahat ng mga naging kalahok ay pawang mga nasa hustong gulang na subalit sinikap ng mga mananaliksik
na bigyan sila ng Consent Letter para sa malinaw na unawaan sa pagitan ng mga gurong kalahok at mga
mananaliksik. Sa nasabing liham, ipinakilala ng mga mananaliksik ang kanilang mga sarili, paaralang kanilang
pinapasukan, layunin ng kanilang isinagawang pananaliksik, at binigyang-linaw ang tungkol sa pakay ng
ginawang pananaliksik. Kasabay ng pagkaunawa nila sa ibinigay ng mga mananaliksik na liham, sila ay lumagda
bilang patunay na sila ay sumasang-ayon. Kapalit ng kanilang pagladga at pagpayag na sila ay maging kalahok
ng isinagawang pag-aaral, nakiusap sila sa mananaliksik na itago ang kanilang pagkakakilanlan gayundin ang
paaralang kanilang pinapasukan. Dahil dito, maayos na tinugunan ang kailangang impormasyon ng mga
mananaliksik.

2.4 Proseso sa pagsasagawa ng in-depth na pakikipanayam sa mga kalahok

Mula sa Consent Letter na pinasagutan sa mga kalahok, kasama rito ang hakbang sa pagsasagawa ng
pakikipanayam. Napagkasunduan sa pagitan ng mga kalahok at mga mananaliksik na magkakaroon muna ng
pangkatang pakikipanayam at isunod ang isahang pakikipanayam para mabalida ang kanilang mga naging
kasagutan. Sa ganitong paraan, matagumpay na nakalikom ng mga impormasyon ang mga mananaliksik mula sa
mga gurong kalahok. Dagdag pa, mayroong mga pagkakataon na nagbibigay ng pahabol na kasagutan ang mga
kalahok at ito naman ay agad na tinugunan sa pamamagitan ng platform na messenger at email. Kaugnay rito,
pinapahalagahan ang mga tugon ng mga gurong kalahok lalo pa at kadalasan ay nahihirapan sa internet
connection ang mga kalahok at mga mananaliksik. Dahil dito, ang mga palugit na hiningi ng mga kalahok sa
pagbabalik ng kanilang tugon sa ipinawastong tema at pagpapakahulugan ng kanilang mga naging tugon ay
pinahintulutan ng mga mananaliksik na kahit ito ang naging dahilan na nagpatagal sa pagbuo ng pananaliksik na
ito.

22 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators)


Kalagayan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng araling panlipunan sa antas elementarya

2.5 Pagsusuri at pagberepika ng mga tugon ng bawat kalahok

Siniyasat ng mga mananaliksik ang bawat naging sagot ng mga kalahok na guro kung ang lahat ay
tumutugma sa bawat katanungan na ibinigay sa kanila. Dahil dito, natukoy ng mga mananaliksik ang tema ng
mga sagot ng mga kalahok. Sa pagsusuri ng mga tugon ng mga kalahok, sinipat ng mga mananaliksik ang
magkakatulad na tugon kung saan hindi na isinaalang-alang ang pangalan ng mga paaralan na tinuturuan ng mga
kalahok na guro dahil ang pagsusuri ng mga naging tugon ay batay na sa labinwalong (18) kabuuang bilang ng
mga kalahok. Dahil dito, nabuo ang tema na may kaisahan sa lahat ng mga tugon ng mga gurong kalahok.
Samantala, sa pagberipika ng mga tugon ay mabusising inalam ng mga mananaliksik kung ang bawat tugon ay
tugma sa ibinigay na mga katanungan at suliranin sa isinagawang pag-aaral, ito ay para na rin maiwasan ang
kalituhan o ang paghahalo-halo ng mga tugon na wala namang kaugnayan sa ibinigay na katanungan at suliranin.
Dagdag pa, ang mga tugon na hindi malinaw ay muling itinanong sa guro kung ano ang ibig sabihin ng kanilang
tugon at agad naman itong binigyang-linaw ng mga kalahok na guro. Subalit, ang mga tugon na natukoy na hindi
malinaw kung saan tapos nang isinagawa ang pakikipanayam ay agad na nakipag-ugnayan ang mga
mananaliksik sa mga kalahok gamit ang iba’t ibang platform para agad na maisagawa ang pagberipika at
pagsusuri ng mga nakalap na datos.

3. Resulta at Diskusyon

Simula sa implementasyon ng DepED Order no 16, s. 2012 na Guidelines on the Implementation of the
Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE), nagkaroon ng malaking pagbabago sa kurikulum
kung saan hindi na ginagamit ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa asignaturang Araling Panlipunan sa
Kindergarten at Baitang 1-3. Samantala, patuloy na ginagamit ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa
asignaturang Araling Panlipunan sa Baitang 4-6. Makikita sa ibaba ang mga datos na nakuha mula sa mga
kalahok sa pananaliksik na ito. Sa puntong ito, pinagtuunan na lamang ng pansin ang Kalagayan ng Filipino sa
pagtuturo ng Araling Panlipunan sa Antas Elementarya sa Baitang 4-6.

Dagdag pa, bawat resulta sa isinagawang pag-aaral ay sinuri sa pamamagitan ng mga karaniwang tugon ng
mga gurong kalahok kung saan nakabuo ng tema ang mga mananaliksik kasama ang pagpapakahulugan na
ibinigay. Lahat ng mga nabuong tema at pagpapakahulugan ay ipinawasto sa mga gurong kalahok kung
sang-ayon sila sa nabuong tema at pagpapakahulugan. Kaugnay pa rito, ang mga suhestiyon o mungkahi na
ibinigay ng guro sa mga nabuong tema at pagpapakahulugan ay tinanggap at isinama sa resulta para sa maayos
na paglalahad at pagtalakay sa resulta ng bawat suliranin ng pag-aaral na ito.

3.1 Naitulong ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Asignaturang
Araling Panlipunan

Table 1
Naitulong ng wikang Filipino sa pagkatuto Araling Panlipunan
Tema Pagpapakahulugan
Bahagyang nakatulong ang wikang Filipino sa Bahagyang nakatulong.
pagkatuto ng mga mag-aaral sa Baitang 4-6 sa
Asignaturang Araling Panlipunan.

Nakatulong nang malaki dahil ito ang ginagamit na Malaki ang naitulong ng mga sanggunian.
wika sa mga sanggunian sa Araling Panlipunan.

Madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga Nauunawaan ang paksa sa Araling Panlipunan kung
paksa sa Araling Panlipunan kung pahihintulutan gumagamit ng wikang katutubo.
silang gamitin ang wikang Cebuano kaysa sa wikang
Filipino.

Binibigyang-halaga ang paggamit ng wikang Pinahahalagahan ang wikang katutubo.


Cebuano kaysa sa wikang Filipino dahil madaling

International Journal of Research Studies in Education 23


De Mesa, A. R., & Labao, R. T.
nauunawaan ng mga mag-aaral ang pinag-aaralan sa
Araling Panlipunan.

Nauunawaan ng mga mga-aaral ang mga gawain sa Ipinapaliwanag ng mga magulang ng mga mag-aaral sa
Araling Panlipunan kung ipinapaliwanag muna ng wikang Cebuano ang mga gawain sa Araling Panlipunan para
mga magulang sa wikang Cebuano. maunawaan.

Filipino ang wikang gamit sa mga modyul ng Araling Wikang Filipino ang gamit sa mga modyul subalit hirap
Panlipunan ngunit nahihirapan maunawaan ng mga unawain ng mga mag-aaral ang mga paksa sa Araling
mag-aaral ang nilalaman kung kaya pahirapan din Panlipunan.
ang pagtuturo ng mga magulang.

Makikita sa Talahanayan 1 ang mga nabuong tema kaugnay sa naitulong ng wikang Filipino sa pagtuturo ng
asignaturang Araling Panlipunan. Natuklasan sa mga nakalap na impormasyon mula sa mga kalahok na guro ang
naitulong ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa asignaturang Araling Panlipunan ay Hindi Gaanong
nakatulong dahil ang mga mag-aaral sa Baitang 4-6 ay madalas gumagamit ng mother tongue dahil mas
nauunawaan nila ang mga paksa na tinatalakay. Datapuwat, ang mga sanggunian, modyul, at iba pang kagamitan
ay nakasulat sa Filipino, hindi pa rin maiwasan na talagang nasanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng unang
wika. Dahil dito, masasabing napatotohanan ang sinabi ni Nishanthi (2020), na ang paggamit ng mother tongue
ay napakahalaga sa pagbuo sa pag-iisip at emosyon ng bawat indibidwal. Kung kaya, sa tuwing tatalakayin ang
mga paksa sa Araling Panlipunan ay hadlang pa rin sa mga mag-aaral ang paggamit ng wikang Filipino ngunit
napakalaki ng tulong ng unang wika para lubos ang pagkaunawa at pagkatuto ng mga mag-aaral sa Baitang 4-6
sa asignaturang Araling Panlipunan.

3.2 Pagtanggap ng mga guro ng asignaturang Araling Panlipunan sa paggamit ng wikang Filipino bilang
wikang panturo

Table 2
Pagtanggap ng mga guro ng Araling Panlipunan sa paggamit ng wikang Filipino
Tema Pagpapakahulugan
Magaan sa loob ang paggamit ng Filpino bilang Tanggap ang wikang Filipino sa Araling Panlipunan.
wikang panturo sa Araling Panlipunan.

Nahihirapan sa pagbigkas ng mga salita gamit ang Kahit nahihirapan sa pagbigkas ng mga salita sa Filipino,
Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan ngunit ginagamit pa rin.
tuloy pa rin ang pagtuturo.

Humahamon ng kakayahan ang paggamit ng Filipino Hamon sa kakayahan ng mga guro ng Araling Panlipunan
lalo na kung tinatalakay na nang malaliman ang ang paggamit ng Filipino.
paksa sa Araling Panlipunan.

Mataas ang pagtanggap sa Filipino dahil istandard Istandard ang salita sa Filipino.
ang salita na ginagamit.

Lubhang nadaragdagan ang kaalaman sa paggamit ng Nadaragdagan ang kaalaman sa wikang Filipino.
Filipino na dahilan upang madaling maunawaan ang
mga paksa sa Araling Panlipunan.

Nahihirapan man ang mga mag-aaral sa Filipino pero Unti-unti nang nasasanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng
unti-unti na silang nasasanay gamitin ito. Filipino.

Natunghayan sa Talahanayan 2 ang pagtanggap ng mga guro ng asignaturang Araling Panlipunan sa


paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo kung saan halos lahat sila ay nagsasabing magaan sa loob
nila ang paggamit ng Filipino. Ayon sa paliwanag ng mga gurong kalahok na nangangahulugan lamang na
tanggap nila ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa Araling Panlipunan. Dagdag pa, nahihirapan man ang
mga guro sa pagbigkas ng mga salita sa Filipino ay pinagsisikapan pa rin nila na gamitin ang Filipino dahil ito
ang nakapaloob sa kurikulum na wikang panturo ng Araling Panlipunan. Sa mga nabanggit, masasabing
humahamon sa kakayahan ng mga guro ang paggamit ng Filipino sa asignaturang kanilang itinuturo at hindi sila

24 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators)


Kalagayan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng araling panlipunan sa antas elementarya
nahihirapan sa paggamit ng mga salita sa Filipino dahil istardard ang mga ito na ang ibig sabihin, hindi raw
katulad ng mother tongue na walang istandard ang mga salitang ginagamit dahil sa varayti nito kung saan ang
kanilang mga mag-aaral ay nahihirapan man subalit habang tumatagal nakakasanayan na nilang gamitin ang
wikang Filipino bilang wikang panturo sa asignaturang Araling Panlipunan.

Ayon nga kina Bylund, Abrahamsson, at Hyltenstam (2012) na mahalaga pa rin ang unang wika subalit,
dapat ding tingnan kung ito pa rin ba ay umaagapay sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Dahil dito, napatunayan sa
mga nakalap na impormasyon sa mga gurong kalahok na ang pagtanggap ng mga guro sa wikang Filipino bilang
wikang panturo sa Araling Panlipunan ay isinasaalang-alang pa rin ang kapakanan ng pagkatuto ng mga
mag-aaral.

3.3 Karanasan ng mga guro sa pagtuturo ng Araling Panlipunan gamit ang wikang Filipino bilang wikang
panturo

Table 3
Karanasan ng mga guro sa pagtuturo ng Araling Panlipunan gamit ang wikang Filipino
Tema Pagpapakahulugan
Ang pagtuturo ng Aralin Panlipunan ay nagiging Magaan at madali ang pagtuturo ng Araling Panlipunan.
magaan at madali dahil sa Filipino ang wikang
panturo na ginagamit dito.

Bagamat nasanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng Nagustuhan ng mga mag-aaral ang paggamit ng Filipino sa
mother tongue, natunghayan ang kagustuhan ng mga pagtuturo ng Aralaing panlipunan.
mag-aaral na matutuhan ang mga paksa sa Araling
Panlipunan kasabay ng paggamit ng Filipino.

Maraming mga guro at mag-aaral na nahihirapan sa Nahihirapan man sa paggamit ng Filipino, nagsusumikap pa
paggamit ng Filipino pero nagsusumikap na matuto rin ang mga guro at mag-aaral na gamitin ito.
sa paggamit nito para masanay hanggang sa mataas
na baitang.

Masaya ang klase kapag nasa loob ng silid-aralan Masaya ang talakayan sa klase gamit ang wikang Filipino.
dahil pakiramdam nila nasa ibang lugar sila at kahit
papaano hindi na sila gumagamit ng wikang Cebuano
na kanilang unang wika o mother tongue.

Noong modular pa ang platform ng pagkatuto, Nahihirapan ang mga guro at mag-aaral noong modular pa
pahirapan ang pagkatuto ng mga mag-aaral dahil ang pagtuturo at pagkatuto.
hindi nasasagutan nang buo ang mga gawain. Subalit
ngayon, kitang-kita sa mga mata at kilos ng mga
mag-aaral na natututo sila sa paggamit ng Filipino
dahil mayroon silang kapuwa mag-aaral na kanilang
nakakasalamuha.

Ngayon na Blended learning na, puspusan ang Nakitaan ang positibong pagtanggap ng mga guro at
pag-aaral ng mga mag-aaral at nakikita sa kanilang mag-aaral sa paggamit ng Filipino.
mga gawain na masaya sila kung gamit nila ang
Filipino.

Masaya at masarap magturo ng Araling Panlipunan Nasisiyahan at nagugustuhan ng mga guro at mag-aaral ang
kung ang gamit na wikang panturo ay Filipino. Filipino bilang wikang panturo.

Malinaw na positibo ang resulta kaugnay sa karanasan ng mga guro sa pagtuturo ng Araling Panlipunan
gamit ang wikang Filipino bilang wikang panturo. Lahat ng mga gurong kalahok ay nagsabing magaan at madali
ang pagtuturo ng Araling Panlipunan na Filipino ang wikang panturo na nagangahulugan lamang na magaan at
malinaw ang pagtuturo ng asignaturang Araling Panlipunan. Samantala, nasanay man ang mga mag-aaral sa
paggamit ng mother tongue, nakitaan pa rin sila ng kagustuhan na matuto kahit na Filipino na ang wikang
ginagamit sa Baitang 4-6. Sa kabila nito, nahihirapan man ang mga guro at mag-aaral na gamitin ang Filipino sa
pagtuturo at pagkatuto ng mga guro at mag-aaral, nagsusumikap pa rin sila na gamitin ang Filipino upang

International Journal of Research Studies in Education 25


De Mesa, A. R., & Labao, R. T.
matutuhan nila ang mga paksa sa Araling Panlipunan.

Sa pagkakataong ito, binigyang-linaw sa pag-aaral na ito na masaya ang mga guro at mag-aaral sa ngayon,
na ang pagtuturo at pagkatuto ay blended na, lalo pang naging masaya at masigla ang pagtalakay ng Araling
Panlipunan gamit ang Filipino dahil pinagsusumikapan ng mga guro at mag-aaral na maituro at matutuhan ang
naturang asignatura gamit ang Pambansang Wika.

Sa kabuuan, totoo ang sinabi ni Goswami (2018) at Kolb (1984) na ang lahat na hindi kailanman iwawaglit
ang pagpapahalaga sa paggamit ng mother tongue dahil ito ang pinakabatayan ng bawat mag-aaral sa kanilang
pagkatuto. Dagdag pa, ang pagkatuto ng mga mag-aaral ay nakasalalay sa wikang ginagamit sa pagtuturo kung
kaya, nararapat lamang na pagtuunan ng pansin ng mga kinauukulan ang wastong pangangalaga sa paggamit ng
wikang panturo sa paaralan.

3.4 Kalagayan ng wikang Filipino bilang wikang panturo sa asignaturang Araling Panlipunan sa antas
elementarya

Table 4
Kalagayan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa antas elementarya
Tema Pagpapakahulugan
Kadalasang nagagamit ang mother tongue sa Hindi pa rin nasanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng
pagtuturo ng Araling Panlipunan sa Baitang 4-6. wikang Filipino.

Pinapayagan ang mga mag-aaral sa Baitang 4-6 na Nanatiling mother tongue ang ginamit na wika sa pagtuturo
gamitin ang Mother Tongue upang maibahagi lamang ng Araling Panlipunan sa Baitang 4-6.
ang pag-unawa ng mga mag-aaral.

Madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga Nauunawaan ang paksa sa Araling Panlipunan kung
paksa sa Araling Panlipunan kung pahihintulutan gumagamit ng wikang katutubo.
silang gamitin ang wikang Cebuano kaysa sa wikang
Filipino.

Binibigyang-halaga ang paggamit ng wikang Pinahahalagahan ang wikang katutubo.


Cebuano kaysa sa wikang Filipino dahil madaling
nauunawaan ng mga mag-aaral ang pinag-aaralan sa
Araling Panlipunan.

Nauunawaan ng mga mga-aaral ang mga gawain sa Ipinapaliwanag ng mga magulang ng mga mag-aaral sa
Araling Panlipunan kung ipinapaliwanag muna ng wikang Cebuano ang mga gawain sa Araling Panlipunan para
mga magulang sa wikang Cebuano. maunawaan.

Filipino ang wikang gamit sa mga modyul ng Araling Wikang Filipino ang gamit sa mga modyul subalit hirap
Panlipunan ngunit nahihirapan maunawaan ng mga unawain ng mga mag-aaral ang mga paksa sa Araling
mag-aaral ang nilalaman kung kaya pahirapan din Panlipunan.
ang pagtuturo ng mga magulang.

Ipinapakita sa Talahanayan 4 ang mga natukoy na tema kaugnay sa Kalagayan ng Wikang Filipino bilang
wikang panturo sa Araling Panlipunan.

Sa unang tema, nabuo ang kadalasang nagagamit ang mother tongue sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa
Baitang 4-6 na may pagpapakahulugan na hindi pa rin nasanay ang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang
Filipino ay nagpapatunay lamang na ginagamit pa rin ng mga mag-aaral ang wikang Cebuano kahit na malinaw
na isinasaad sa kurikulum sa elementarya na sa Baitang 4-6 ay Filipino ang wikang panturo.

Samantala, sa ikalawang tema, natukoy ang Pinapayagan ang mga mag-aaral sa Baitang 4-6 na gamitin ang
mother tongue upang maibahagi lamang ang pag-unawa ng mga mag-aaral na may kahulugan na Nanatiling
mother tongue ang ginamit na wika sa pagtuturo ng Araling Panlipunan sa Baitang 4-6. Dito, malinaw sa tugon
ng mga kalahok na guro na pinahihintulutan nila na gumamit ng wikang Cebuano ang mga mag-aaral dahil
napansin nila na mas nakapagpapaliwanag ang mga mag-aaral kung ginagamit ang katutubong wikang Cebuano.

26 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators)


Kalagayan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng araling panlipunan sa antas elementarya
Habang ang ikatlong tema naman ay isinasaad na Madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang mga paksa
sa Araling Panlipunan kung pahihintulutan silang gamitin ang wikang Cebuano kaysa sa wikang Filipino na may
pagpapakahulugan na Nauunawaan ang paksa sa Araling Panlipunan kung gumagamit ng wikang katutubo.

Dagdag pa, napatunayan sa ikaapat na tema na mas pinahahalagahan ng mga mag-aaral ang paggamit ng
katutubong wika dahil mas madali nila naipaliliwanag ang mga ideya na nakapaloob sa mga paksa sa Araling
Panlipunan. Sa ganitong paraan, mas nangingibabaw ang paggamit ng mga mag-aaral ng wikang Waray kaysa sa
wikang Filipino.

Pahabol pa, sa ikalima at ikaanim na tema, noong panahon pa ng purong modular ang pagtuturo at
pagkatuto, nahihirapan ang mga magulang na turuan ang kanilang mga anak kung Filipino ang ginagamit ng mga
mag-aaral sa pagsagot nila ng mga gawain. Kaya naman, nagsilabasan sa social media ang mga mali-maling
salita sa Filipino na dahilan para maalarma ang mga guro upang gabayan ang mga mag-aaral sa paggamit ng
Filipino sa pagtuturo ng Araling Panlipunan.

Kung gayon, napatotohanan ni Rosales (2010) ang mga naturang tema, na ang pagpapalaganap sa Wikang
Pambansa ay isang malaking hamon sa panahong ito. Kung saan, ang bawat guro sa Araling Panlipunan ay
kailangan gumawa ng hakbang upang tuparin ang mandato ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) na wikang
Filipino ang wikang panturo sa Araling Panlipunan. Dahil kung hahayaan lamang ng mga guro ng Araling
Panlipunan na gamitin ang katutubong wika ng kani-kanilang mga mag-aaral ay hindi malayong mangyari na sa
mataas na antas ng pagkatuto pa sila matututo sa paggamit ng wikang Filipino.

4. Konklusyon at Rekomendasyon

Mula sa kinalabasan ng isinagawang pag-aaral, nabuo ang mga sumusunod na Konklusyon at batay rito,
nakabuo ang mga mananaliksik ng Rekomendasyon na makatutulong upang mas lalo pang pagyamanin o
pausbungin ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa asignaturang Araling Panlipunan.

Konklusyon - Mula sa resulta ng pag-aaral na ito, nabuo ang sumusunod na rekomendasyon:

 Hindi gaanong nakatulong ang wikang Filipino bilang wikang panturo sa Araling Panlipunan dahil
mas ginagamit pa ng mga mag-aaral ang katutubong wikang Cebuano kaysa sa wikang Filipino kung
saan pinahihintulutan na lamang ng mga guro upang makapagpaliwanag ang mga mag-aaral kaysa
hindi na sumali ang mga ito sa talakayan o pagsagot sa mga gawain.

 Magaan man sa pagtuturo ng Araling Panlipunan gamit ang wikang Filipino, hindi pa rin
maipagkakaila na may kahirapan ang paggamit ng Pambansang Wika sa panahon ng pandemya subalit
nabawasan ito nang isagawa na ang blended learning sa Taong Akademiko 2022-2023.

 Sa kabila ng hindi gaanong ginagamit ng mga guro at mag-aaral ang wikang Filipino bilang wikang
panturo sa asignaturang Araling Panlipunan, nagnanais pa rin ang mga guro at mag-aaral na masanay
silang gamitin ang Filipino sa kanilang talakayan sa klase na inilahad ng mga gurong kalahok kaugnay
sa kanilang karanasan sa pagtuturo ng Araling Panlipunan gamit ang Filipino bilang wikang panturo.

 Bagaman nahihirapan ang mga guro at mag-aaral sa paggamit ng Filipino sa pagtuturo ng Araling
Panlipunan, sinisikap pa rin nila na gamitin ang Filipino na may pagkakataon na ginagamit nila ang
katutubong wikang Cebuano para matugunan ang pangangailangan sa pagtuturo at pagkatuto na
maunawaan ng mga mag-aaral ang mga paksang tinatalakay.

Rekomendasyon - Mula sa konklusyon, nabuo naman ang sumusunod na rekomendasyon:

 Sa ngayon na blended learning na ang paraan ng pagtuturo at pagkatuto, kailangang sikapin ng guro
na maging huwaran sila sa mga mag-aaral upang hindi masanay ang mga mag-aaral na gamitin ang
katutubong wika upang sa gayon ay magamit na ng mga mag-aaral nang tuwiran ang Filipino sa

International Journal of Research Studies in Education 27


De Mesa, A. R., & Labao, R. T.
pagkatuto sa Araling Panlipunan.

 Maging huwaran ang mga guro na nagtuturo ng Araling Panlipunan sa paggamit ng Filipino dahil
nakasalalay sa kanila ang pagkasanay ng mga mag-aaral sa paggamit ng Filipino kung saan ang mga
mag-aaral ay nakadepende sa lahat ng ipinakikita ng kanilang mga guro.

 Magsagawa ng iba’t ibang paligsahan o gawain na hahasa hindi lamang sa kaisipan ng mga mag-aaral
sa pagkatuto sa Araling Panlipunan kundi gayundin sa paggamit ng wikang Filipino.

 Ipaliwanag sa mga mag-aaral na ang Filipino na ang ginagamit na wikang panturo sa Araling
Panlipunan sa Baitang 4-6 kung saan maaaring gamitin ang kagtutubong wika ngunit hindi sa paraan
na buong pahayag o sa kabuuan ng kanilang pagpapaliwanag ang gagamitin.

 Bumuo ang mga mananaliksik ng modyul sa Araling Panlipunan para sa Baitang 4-6 gamit ang
wikang Filipino at ipagamit ito sa kani-kanilang mga klase para sa balidasyon at kung natukoy na ang
kawastuhan at kagandahan ng nabuong modyul, ibahagi ito sa ibang mga guro upang magamit sa
kani-kanilang klase.

5. Sanggunian

Bylund, E., Abrahamsson, N., & Hyltenstam, K. (2012). Does first language maintenance hamper Native
likeness in a second language? A study of ultimate attainment in early bilinguals. Studies in Second
Language Acquisition, 34, 215–241.
De Mesa, A. R. (2022a). Mga karanasan ng mga guro sa baitang 3 sa pagtuturo ng mother tongue gamit ang
ortograpiyang waray ng komisyon sa wikang filipino. International Journal of Research Studies in
Education. https://doi.org/10.5861/ijrse.2022.208
De Mesa, A. R. (2022b). Wikang filipino sa panahon ng pandemya: pagsipat sa kalagayang pampagtuturo at
pampagkatuto. Asia Pacific Journal of Management and Sustainable Development, 10(3), 75-86.
Gonzalez, A. (2009). Ang kahalagahan ng wikang pambansa sa pagbubuo ng kakanyahang Pilipino. Retrieved
from https://ejournals.ph/article.php?id=7949
Goswami, T. (2018). The importance of preserving native languages. Retrieved from
https://byjus.com/the-learning-tree/importance-preserving-native-languages/
Husserl, E. (1991). On the phenomenology of the consciousness of internal time (1893-1917), transl. J. B.
Brough. Dordrecht: Kluwer Academic Publishers.
Kolb, D. A. (1984). Experiential learning: Experience as the source of learning and development (Vol. 1).
Englewood Cliffs, NJ: Prentice-Hall.
Leavay, P. (2017). Research design (Quantitative, qualitative, mixed methods, arts-based, and community-based
participatory research approaches). New York: A Division of Guilford Publication, Inc.
Nishanthi, R. (2020). Understanding of the importance of mother tongue learning. Retrieved from
https://www.researchgate.net/publication/345436020_Understanding_of_the_Importance_of_Mother_T
ongue_Learning
Rosales, A. (2010). Ang paggamit ng wikang filipino: Hamon sa lahat ng pilipino. Retrieved from
https://ejournals.ph/article.php?id=843

28 Consortia Academia Publishing (A partner of Network of Professional Researchers and Educators)

You might also like