Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                

Grade 9 3rd Gradng 3.1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Filipino 9

Ikatlong Markahan
Modyul1

Mindanao State University


UNIVERSITY TRAINING CENTER
Marawi City
Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Kanlurang Asya

ARALIN 3.1
A. Panitikan: Rama at Sita
Isang Kabanata sa Epikong Hindu-(India)Isinalin sa Filipino
Ni Rene o Villanueva
B. Gramatika/Retorika Uri ng Paghahambing (Magkatulad at di-Magkatulad)
C. Uri ng Teksto: Naglalarawan
Ang modyul 3 ay tungkol sa mga akdang pampanitikan ng mga bansa sa Kanlurang Asya tulad ng
Lebanin, Saudi Arabis, Bhutan, Israel at India. Ang katawagang Kanlurang Asya ay kadalasang
ginagamit sa mga kasulatan sa arkeolohiya. Ang Kanlurang Asya ang rehiyong pinagtatagpuan ng
hangganan ng tatlong mahahalagang kontinente sa daigdig- ang Africa, Asya, at Europa. Ito ay
binubuo ng bansang Arabo, tulad ng Saudi Arabia, Lebanon, Jordan, Syria, Iraq, at Kuwait.
Pangunahing pinagkukunan ng langis ang rehiyong ito. Nanggaling din dito ang mga pangunahing
relihiyon sa daigdig gaya ng Judaism, Kristiyanismo, at Islam. Ang Kanlurang Asya ay itinuturing na
Moslem World.
Panimula:

Tulad ng maraming bansa sa mundo, mayaman din ang India sa mga akdang pampanitikan tulad
ng epiko. Masasalamin sa kanilang mga naisulat ang kanilang mga pangarap, mithiin, paniniwala, kultura,
at tradisyon. Mayaman ang India sa kultura at paniniwala. Pinaniniwalaan ng bansang ito ang
kagandahan, katotohanan, at kabutihan. Naniniwala sila na pinagpapala ng Diyos ang maganda at
matalino at kumikilos nang ayon sa kanilang lipunan. Napakarami rin nilang tradisyon. Halos sa loob ng
apat na libong taon ay tila hindi nagbago ang mga kinagisnang tradisyon ng mga Hindu. Ang mga ito ang
pumukaw sa interes ng mga dayuhang manlalakbay.
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang iyong pag-unawa sa epiko,
bibigyang-tuon mo kung paano naipakita sa epiko ang kabayanihan ng isang tao. Bahagi rin ng aralin
ang pag-unawa mo sa mga uri ng paghahambing upang maipamalas at mapaghambing ang
pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bansa sa Asya. Inaasahang din na sa pagtatapos ng araling ito
ikaw ay makakasulat ng isang halimbawa ng epiko tungkol sa itinuturing na bayani sa alinmang bansa
sa Asya.

Gawain 1B. Name the Picture Game: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag na may kaugnayan
sa larawan. Isulat ang sagot sa sagutang-papel
Mahuhulaan mo ba?
1. Ako ay isang relihiyosa.
Pag-ibig ko’y ipinadama sa tao
Nakilala ako sa buong mundo
Sa taguring The Living Saint ay
Nakilala ako nang ako’y buhay pa.
Sino ako?

1
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul1

Sagot:________________
2. Simbolo ito ng pagmamahal
Gusaling ipinagawa ni Shah Jahan
Upang magsilbing libingan ng kaniyang
Asawang si Muntaz Mahal. Ano ito?

Sagot:_________________
3. Isa itong bansa sa Timog-Kanlurang Asya.
Si Pratibha Patil ang pangulo nila.
Kahanga-hanga ang kanilang pilosopiya.
Kagandahan, katotohanan at kabutihan.
Ito ang kanilang pinahahalagahan.
Anong bansa ito?
Sagot: ________________
4. Pinakatanyag na pagbati ng mga Hindu.
Isinasagawa kapag bumabati o nagpapaalam
Ang dalawang palad ay pinagdaraop at nasa
ibaba ng mukha. Mahuhulaan mo ba kung
anong salita ito?

Sagot:__________________
Rama at Sita
(Isang Kabanata)
Epiko-Hindu (India)
Isinalin sa Filipino ni Rene O. Villanueva
Sa gubat tumira sina Rama, Sita, at Lakshamanan nang ipatapon sila mula sa kaharian ng
Ayodha. Minsan, isang babae ang dumalaw sa kanila. Hindi nila ala, nagpapanggap lamang ang babae.
Siya ay si Surpanaka, ang kapatid ni Ravana, na hari ng mga higante at demonyo. “Gusto kitang
mapangasawa,” sabi nito kay Rama. “Hindi maaari,” sabi ni Rama. “May asawa na ako.” Narinig ni Sita
ang dalawa kaya lumabas siya. Niyakap ni Rama si Sita sa harap ni Surpanaka.

Nagselos ng husto si Supranaka. Sa galit ay bigla siyang naging higante. Nilundag niya si Sita
para patayin. Pero mabilis na nayakap ni Rama ang asawa at agad silang nakalayo kay Surpanaka, siya
namang pagdating ni Lakshamanan

“Sige patayin mo siya!” sabi ni Rama. Binunot ni Lakshamanan ang kaniyang espada at nahagip
niya ang tenga at ilong ng higante. Sino ang may gawa nito?” sigaw ni Ravana nang Makita ang ayos ng
kapatid. Nagsinungaling si Surpanaka kay Ravana para makaganti kay Rama. Sinabi niyang nakakita siya
siya ng pinakamagandang babae sa gubat at inalok niya itong maging asawa ni Ravana pero tumanggi ang
babae.

2
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul1

Nang pilitin daw niya, tinagpas ng prinsipe ang kaniyang ilong at tenga. “Tulungan mo ako, Ravana,”
sabi pa nito. “Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.” Naniwala naman si Ravana sa kuwento ng
kapatid. Pumayag siyang ipaghinganti ito.

Ipinatawag ni Ravana si Maritsa. May galing si Maritsa na mabago ang sarili sa kahit anong anyo
at hugis. Nang malaman ni Maritsa na sina Rama at Lakshamanan ang makakalaban, tumanggi itong
tumulong. “Kakampi nila ang mga Diyos,” sabi ni Maritsa.

“Kailangan umisip tayo ng paraan kung paanong makukuha si Sita nang hindi masasaktan sina
Rama.” Nakumbinsi naman si Ravana kaya nag-isip sila ng patibong para maagaw nila si Sita.

Isang umaga habang namimitas ng bulaklak, nakakita si Sita ng isang gintong usa. Tinawag agad
niya sina Rama at Lakshamanan para hulihin ang usa na puno ng mamamahaling bato ang sungay. “Baka
higante rin iyan,” paalala ni Lakshamanan. Dahil mahal na mahal ang asawa, kinuha ni Rama ang
kanyang pana at busog. “Huwag mong iiwan si Sita kahit ano ang mangyari,” Bilin ni Rama sa kapatid.
Parang narinig ng usa ang sinabi ni Rama. Agad itong tumakbo kaya napasigaw si Sita. “Bilis! Habulin
moa ng gintong usa!”

Matagal na naghintay ang dalawa pero hindi pa rin dumarating si Rama. Pinilit ni Sita si
Lakshamanan na sumunod sa gubat. Hindi, kailangan kitang bantaya,” sabi nito. Ilang oras pa silang
naghintay nang bigla silang nakarinig ng isang malakas na sigaw. Napaiyak si Sita sa takot pero ayaw pa
ring umalis si Lakshamanan kaya nagalit si Sita. “Siguro gusto mong mamatay si Rama para ikaw ang
maging hari,” sabi nito kay Lakshamanan. Nasaktan si Lakshamanan sa bintang ni Sita. Para patunayang
mahal niya ang kapatid, agad siyang sumunod sa gubat. Wala silang kamalay-malay na sa labas ay
naghihintay si Ravana.

Sa gubat, napatay ni Ravana ang usa at bigla itong naging si Maritsa. Nagpanggap naman si
Ravana na isang matandang paring Brahmin. Nagsuot ng kulay kahel na roba at humingi siya ng tubig
kay Sita. Hindi nakapagpigil si Ravana. “Bibigyan kita ng limang libong alipin at gagawin kitang reyna
ng Lanka,” sabi ni Ravana. Natakot si Sita at nabitiwan ang hawak na banga.

Itinulak ni Sita si Ravana. Bumalik sa nayong higante si Ravana. Hinablot ni Ravana ang
mahabang buhok ni Sita at isinakay sa karuwaheng hila ng mga kabayong may malalapd na pakpak.
Nagsisigaw at nanlaban si Sita pero wala siyang magawa. Lihim na nagsisi si Sita sa ginawa niya kina
Rama at Lakshamanan. Itinapon niya ang mga bulaklak sa kaniyang buhok. Nagdasal siya n asana ay
Makita iyon ni Rama para masundan siya at mailigtas.

Mula sa isang mataas na bundok, narinig ng isang agila ang sigaw ni Sita. Hinabol ng ibon ang
karuwahe ni Ravana. Pinagtataga ni Ravina ang agila at duguan itong bumagsak sa lupa.

Pabalik na sina Rama at Lakshamanan nang Makita nila ang naghihingalong agila. “Dinala ni
Ravana ang asawa mo sa Lanka,” sabi nito bago mamatay. Sinunuog ng magkapaid ang bangkay ng agila.
Pagkatapos ay naghanda sila upang sundan ang hari ng mga higante sa Lanka. Dinala ni Ravana si Sita sa
Lanka, ang kaharian ng mga higante at demonyo. “Mahalin mo lang ako ay ibibigay ko sa iyo ang lahat
ng kayamanan,” sabi ni Ravana. Pero hindi niya napasuko si Sita.

3
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul1

Hiningi ni Rama ang tulong ng hari ng mga unggoy para salakayin ang Lanka. Sa labanang
naganap, maraming kawal na unggoy ang napatay pero mas maraming higante ang bumagsak na pugot
ang ulo. Hinanap ni Rama si Ravana at silang dalawa ang naglaban.

Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang mapatay ni Rama ang hari ng mga higante.
Tumakas ang iba pang mga higante nang Makita nilang patay ang kanilang pinuno. Umiiyak na tumakbo
si Sita sa kanyang asawa. Nagyakap sila nang mahigpit at muling nagsama nang maligaya.

Ang epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na


nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga
diyos o diyosa. Ang paksa ng mga epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang
paglalakbay at pakikidigma. Ang salitang epiko ay galing sa Griyego na epos na nangangahulugang
‘awit’ ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa pasalaysay na kabayanihan.
Tinatawag namang “macro-epic” ang isang epiko kung ito ay sobrang haba at maaring umabot o
humigit pa sa isang-daang araw ang pagkukwento nito. Ang macro-epic ay naglalaman ng “micro-
epic” o isang parte o bahagi kwento na maaring ihiwalay at makabuo ng isa pang bukod na kwento.
Mga Elemento ng Epiko
Ang mga sumusunod ay ang elemento na bumubuo sa isang epiko:
1. Banghay – Ito ay ang pagkakasunod ng mga pangyayari. Ito ay maaring maging payak o
kompikado. Ang banghay ng isang epiko ay nahahati sa limang bahagi: ang simula, saglit na
kasiglahan, kaskdulan, kakalasan, at wakas.
2. Matatalinhagang salita – Ang mga matatalinhagang salita ay ang mga salitang hindi
nagbibigay ng direktang kahulugan.
Halimbawa:
Balat sibuyas – mahiyain
mapaglubid ng buhangin – sinungaling
3. Sukat at Indayog – Ang sukat ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod. Sa epiko, may tiyak
na sukat na sinusunod, ito ay wawaluhing pantig, lalabindalawahing pantig, at
lalabingwaluhing pantig.
4. Tagpuan – Ang tagpuan ay ang lugar at oras kung saan naganap ang mga pangyayari.
Naapektuhan nito ang takbo ng kwento, kaugalian at desisyon ng mga tauhan. Nagbibigay daan
din ito upang malinawan ang mga mambabasa sa banghay, paksa, at tauhan ng kwento.
5. Tauhan – Ang tauhan ang siyang nagbibigay ng buhay sa epiko. Sa madaling salita, ang
tauhan ay ang mga kumikilos sa akda. Sa kwento ng kabayanihan, ang mga tauhan ay
karaniwang may taglay o angking kapangyarihan.
6. Tugma – Ang tugma ay laging matatagpuan sa huling pantig ng bawat taludtod. Ito ay ang
pagkakasingtunog ng mga pantig sa dulo ng salita.
Mga Katangian ng Epiko
Ang epiko ay may mga katangian na gumagabay sa mambabasa upang mas madaling mabatid na
ang akdang kanilang binabasa ay nabibilang sa epiko. Narito sa ibaba ang ilan sa mahahalagang
katangian na dapat makikita sa isang akda o kwento:
1. Umiikot ang kwento sa mapanganib na pakikipagsapalaran ng bayani. Tulad ng nabanggit
sa itaas, ang epiko ay tumatalakay sa pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga
makapangyarihang nilalang.

4
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul1

2. May mga bansag o pagkakakilanlan ang mga tauhan. Karaniwang dinadagdagan ng


“epithet” ang mga pangalan ng tauhan upang mas matandaan ito ng mambabasa. Ang epithet
ay pang-uri na naglalarawan sa tao o bagay. Halimbawa: Mighty Achilles mula sa akda ni
Homer.
3. May malawak na tagpuan. Hindi lamang sa iisang tagpuan at oras naganap ang kwento.
Maaring maganap ang istorya nito sa iba’t ibang parte ng mundo o maging sa buong
kalawakan at ibang mundo.
4. Naglalaman ng mahahabang kawikaan na galing sa mga tauhan.
5. Pagkakaroon ng supernatural na mga pangyayari. Hindi mawawala sa epiko ang mga
kabulabulalas na mga pangyayari tulad ng pakikisalamuha ng diyos sa mga tao. Naglalaman
din ito ng mga hindi kapanipaniwalang mga pangyayari.
6. Ipinapakita ang agwat sa pagitan ng mga diyos at mga mortal na tao. Sa pakikisalamuha
ng mga diyos sa mga tao, laging pinapakita ang kalamangan ng mga ito sa mga kayang gawin
ng mga tao.
7. May mga bayahing nagsisilbing modelo at huwaran sa mga mamayan. Ang epiko ay
ginawa upang maging inspirasyon ng mga katutubo para ipaglaban ang tama. Ang mga bayani
sa uri ng panitikang ito ay nagpapakita ng mga katangian tulad ng pagiging matapang at
pagkakaroon ng paninindigan na nagiging dahilan upang tularan sila ng mga tao.
8. Naglalaman ng mga matatalinhagang salita. Isa rin sa mga katangian ng epiko ang
pagkakaroon ng matatalinhagamg salita kung saan napapagana ang isip ng mga mambabasa sa
kung ano ba talaga ang ibig ng mga salitang nakapaloob sa akda.
Mga Halimbawa ng Epiko: Narito ang ilan sa mga halimbawa ng epiko ng Pilipinas at sa mundo.
Ang mga kwentong ito ay nagpapakita ng mga kabulabulalas na pangyayari at nagpapakita ng
kabayanihan ng tauhan.
Halimbawa ng Epiko sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay mayaman sa panitikan lalo na pagdating sa Epiko. Ang bawat rehiyon sa ating
bansa ay mayroong maipagmamalaking sarili nilang kwento ng kabayanihan at ilan dito ay mababasa
mo sa ibaba (pamagat lamang):
Epiko ng Luzon
Biag ni Lam-ang – Nagmula sa lalawigan ng Ilocos.
Hudhud: Kwento ni Aliguyon – Nagmula sa probinsya ng Ifugao.
Ibalon (Bicol)
Kudaman (Palawan)
Manimimbin (Palawan)
Ullalim (Kalinga)
Hinilawod (Panay)
Humadapnon ( Epic from Panay)
Epiko ng Visayas
Labaw Donggon
Maragtas
Epiko ng Mindanao
Bantugan
Darangan (Maranao)

5
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul1

Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)


Agyu
Bidasari
Olaging (Bukidnon)
Sandayo (Zamboanga)
Tudbulul
Tuwaang
Ulahingan
Ulod
Halimbawa ng Epiko ng Mundo
Marami ding kwento ang tumatalakay sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan ang nailimbag sa
iba’t-ibang parte ng mundo. Narito sa ibaba ang ilan sa mga halimbawa ng epiko na nakilala ng husto
sa buong mundo.
The Epic of Gilgamesh
The Illiad & The Odyssey (Gresya)
Mahabharata (India)
Beowulf (Inglatera)
The song of Roland (Fransya)
Sundiata
Ramayana (India)

Sanggunian:
Pinoy Collection (Epic poems in the Philippines)
qwiklit.com
tagaloglang.com
Gawain 2A. Paglinang ng talasalitaan-tukuyin kung ano ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit. Isulat sa sagutang-papel

1. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo.


2. Hinablot ni Ravana ang mahabang buhok ni Sita.
3. Nagpanggap si Ravana bilang isang matandang paring Brahman.
4. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana umisip sila ng ibang paraan.
5. Gumawa sila ng patibong para maagaw nila si Sita.
Gawain 2B. Sagutan ang mga tanong.
1. Paano nagkakaiba ng mga katangian ang bawat tauhan?
2. Paano pinatunayan nina Rama at Sita ang kanilang pagmamahalan?
3. Makatotohanan ba ang kanilang ginawa upang patunayan ang kanilang pagmamahalan?
4. Bakit ayaw labanan ni Maritsa ang magkapatid na Rama?
Gawain 3. Basahin ang bawat katanungan. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa
sagutang papel.

1. Sina Rama at Sita ay ipinatapon mula sa


a. Palasyo ng Udon Panjahb. kaharian ng Ayodha c. kaharian ng bundok Grairat d. Lanka

2. Sino si Ravana?
a. hari b. kapatid ni Maritsa c. asawa ni Surpanaka d. prinsipe ng kaharian ng ayodha

6
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul1

3. Sino ang nakahagip ng tenga at ilong ni Surpanaka?


a. Rama b. Maritsa c. Ravana d. Lakshamanan
4. Ano ang gustong ipahuli ni Sita kay Rama at Lakshamanan habang siya’y namimitas ng bulaklak?
a. agila b. usa c. unggoy d. kuting
5. Kaano-ano ni Rama si Lakshamanan?
a. kalaban b. kapatid c. kaibigan d. anak
6. Bihagin mo si Sita para maging asawa mo. Ano ang kahulugan ng salitang bihagin?
a. Ikulong b. bitagin c. hulihin d. akitin
7. Ano ang ipinagbagong anyo ni Maritsa?
a. agila b. usa c. unggoy d. kuting
8. Ano ang kahulugan ng hindi pagsuko ni Sita kay Ravana?
a. natatakot b. hindi niya ito gusto c. naniniwala sa milagrod. mahal niya si Rama
9. Nakumbinsi ni Maritsa si Ravana kaya umisip sila ng ibang paraan. Ang salitang nakumbinsi ay
nangangahulugang _?
a. napapayag b. napasubaybay c. napasunod d. napaniwala
10. Kanino humingi ng tulong si Rama para sa pagsalakay sa kaharian ng higante at demonyo?
a. hari ng mga agila b. hari ng mga usa c. hari ng mga unggoy d. hari ng mga
tigre
Basahin ang kasunod na teksto. Hanguin sa loob ng teksto ang mga pahayag na nagpapakita ng
paghahambing. Isulat ang mga salitang ginamit sa paghahambing.
UGNAY-WIKA:

Nagkakaiba, Nagkakapareho sa Maraming Aspeto

Isa ang India sa mga bansang nasa Timog Kanlurang Asya. Hindilingid sa karamihan na ang
bansang ito ay may napakaraming tradisyon. Halos sa loob ng apat na libong taon ay tila hindi nagbago
ang mga kinagisnang tradisyon ng mga Hindu. Nagtatanong, nagtataka kung ano nga ba ang ibig sabihin
ng mga ito. Halimbawa, ang Namaskar o Namaste ay ang pinakatanyag na uri ng pagbati ng mga Hindu.
Ito ay parehong isinasagawa kapag bumabati sa pagdating o kaya ay namamaalam. Pinagdaraop nila ang
kanilang dalawang palad at inilalagay sa ibaba ng mukha.

Samantalang, kabilang naman sa Silangang Asya ang bansang Singapore. Dati itong kabilang sa
bansang Malaysia ngunit nagsarili lamang noong 1965. Iba-iba ang nasyonalidad at kultura ng mga
naninirahan sa bansang ito subalit lahat ay may kalayaan sa wika at sa relihiyon upang magkaroon ng
pagkakaisa. Iginagalang ng bawat isa ang paniniwala ng iba kaya’t kahit magkaiba ang paniniwala ng
mga Singaporean, hindi ito naging hadlang sa kanilang pag-unlad. Sa halip na magkawatak-watak,
humanap sila ng paraan upang Makita ang magagandang katangian ng kanilang kultura para mapaunlad
pa ang kanilang bansa. Bukas na bukas sa pagbabago at kaunlaran ang bansang ito kaya maring dayuhan
mula sa mayayamang bansa ang nangangalakal ditto kahit pa mahigpit ang pagpapatupad ng kanilang
mga batas. Mahigpit na sinusunod ng lahat ang mga batas maging ng mga mamamayan o ng mga
dayuhan man.

Sadyang mabilis ang pagsulong ng kaunlaran sa bansang ito. Idagdag pa ang katotohanang isa ito
sa mga sentro ng teknolohiya.

Sa dalawang bansang nakapaloob dito, maaaring may mas nakakahigit sa kanilang mga katangian
bilang isang bansa. Maaaring pareho sila sa ibang bagay subalit may mga pagkakaiba.

7
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul1

Halimbawa, higit na mas mabilis ang pag-unlad ng isa sa isa, lalong maraming tradisyon ang isa sa isa,
parehong maunlad sila pagdating sa wika, at pareho itong kabilang sa bansayang Asya. Nagkakaiba man
sa maraming bagay, nagkakatulad naman sa ibang aspekto.

Gawain 4A. Basahin ang bawat katanungan. Piliin lamang ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa
sagutang papel.

1. Ano ang dalawang bansang pinanghambing sa tekstong ito?


a. Singapore at Malaysia b. India at Singapore c. India at Malaysia d. Saudi Arabia at
Singapore
2. Paano nagkakaroon ng pagkakaisa ang bansang Sinapore base sa teksto?
a. nagkakaroon ng taonang pyesta c. paghalal ng karapat-dapat na mamumuno ng
kanilang bansa
b. may batas na sinusunod d. lahat ay may kalayaan sa wika at sa relihiyon
3. Naniniwala ang bansang ito na pinagpapala ng Diyos ang maganda at matalino at kumikilos nang ayon
sa kanlang lipunan.
a. Singapore b. India c. Malaysia d. Saudi Arabia
4. Kailan nagsarili ang bansang Sigapore na dating kabilang sa bansang Malaysia?
a. 1962 b. 1964 c. 1965 d. 1963
Pagkatapos mong sagutin ang mga gawain, naragdagan ba ang iyong kaalaman sa araling
paggramatika? Sa araling ito, malalaman mo kung ano ang mga salitang ginagamit sa paghahambing ng
antaas o lebel na katangian ng dalawang tao, bagay, ideya, at iba pa na makakatulong sa malawak mong
pagtingin sa mga ito. Halika na, basahin, at unawain mo ang araling paggramatikang ito.
May Dalawang Uri ng Paghahambing

1. Pahambing o Komparatibo-ang ginagamit kung naghahambing ng dalawang magkaibang antas


o lebel ng katangian ng tao, bagay, ideya, pangyayari, at iba pa. May dalawang uri ang
kaantasang pahambing:
a. Paghahambing na magkatulad-Ginagaamit ito kung ang dalawang pinaghahambing ay may
patas na katangian. Ginagamitan ito ng mga panlaping ka-, magka-, ga, sing-, magsing-, at
mga salitang paris, wangis/kawangis, gaya, tulad, hawig/kahawig, mistula, at
mukha/kamukha.
Ka-nangangahulugan ng kaisa o katulad
Halimbawa: Ang Singapore ay dating kabilang sa Malaysia.
Magka-nangangahulugan din ng kaisahan o pagkakatulad.
Hal: Magkamukha lamang ng kultura ang India at Singapore
Sing-(sin/sim-)gaya rin ng ka-, nagagamit ito sa lahat ng uri ng pagtutulad.
Hal: Magkasingganda ang India at Singapore
Ang maramihang sing- ay naipapakita sa pag-uulit ng unang pantig ng salitang-ugat. Muli,
wala ang ganitong pattern sa mga rehiyon ng bansa na hindi gumagamit ng reduplikasyon.
Kasing-(kasin-kasim) ang paggamit at kahulugan ay katulad din ng sing-, (sin-/sim-).
Pansinin kapag ginagamit sa pangungusap, ganito ang pattern ng ppagkabuo: kasing+s.u.+
ng/ni+pangngalan+ si/ang+pang.
Hal: Kasimbilis ng kidlat ang pagsulong ng bayang ito sapagkat sila ang sentro ng
teknolohiya.

8
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul1

Magsing-(magkasing-/magsim-) ang pagtutulad ay napipisan sa paksa ng pangungusap.


Hal: Ang dalawang bansa ay magkasingyaman.
Ga-nangangahulugan ng gaya, tulad, paris, para.
Hal: Gamundo ang pagpapahalaga nila sa kalayaan sa wika at relihiyon upang magkaroon ng
pagkakaisa.

b. Paghahambing na di-magkatulad-nagbibigay ito ng diwa ng pagkakait, pagtanggi, o


pagsalungat sa pinatutunayang pangungusap.
May Dalawang uri ang Hambingang di-magkatulad:

1. Hambingang Pasahol-may mahigit na katangian ang pinaghahambingan sa bagay na


inihahambing. Ginagamit ang sumusunod upang maipakita ang ganitong uri ng paghahambing.

Lalo- nangangahulugan ng pagdaragdag o pagpapahigit sa kulang na katangian. Sinusundan ito


ng katuwang na panghambing na kaysa kay kung ngalan ng tao ang pinaghahambing, kaysa o
kaysa sa kung ngalang bagay o pangyayari.

di-gasino- tulad ng ginagamit sa paghahambing ng uri o katangian ng mga tao. Sinusundan ito ng
alinma sa mga katagang naghahambing, kabilang ang gaya, tulad, para, o paris na sinusundan ng
panandang ni.
di-gaano-tulad ng-/tulad din ng di-gasino subalit sa mga hambingang bagay din ginagamit.
di-totoo- nangangahulugan ng pagtawad o pagbabawas sa karaniwang uri. Nagagamit itong
pamalit sa di-gasino at di-gaano.

2. Hambingang Palamang- may mahigit na katangian ang inihahambing sa bagay na


pinaghahambingan. Naipakikita ito sa tulongg ng sumusunod:
Lalo-ang diwa ng paghahambing ay magiging kalamangan at di kasahulan kung ang
sinasamahang pang-uri ay nagpapahayag ng kalakhan, kataasan, kalabisan, o kahigitan. Muli,
katuwang nito ang kaysa/kaysa sa/ kay.
Hal: Lalong maunlad ang isa kaysa sa isa.

Higit/mas- tulad ng kaysa/kaysa sa/ kay: sa sarili ay nagsasaad ng kalamangan kung ginagamit
ito sa paghahambing.
Hal: Higit na malinis ang isa kaysa sa isa.
Labis- tulad din ng higit o mas
Hal: Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
Di-hamak- kung ginagamit ay karaniwang isinusunod sa pang-uri
Hal: Di-hamak na mapuputi ang Singaporean sa mga Hindu.

3. Modernisasyon/Katamtaman-naipakikita ito sa pag-uulit ng pang-uring may panlaping ma-, sa


paggamit ng salitang medyo sinusundan ng pang-uri, sa paggamit ng katagang may na sinusundan
ng pang-uring nabuo sa pamamagitan ng mga panlaping kabilaang ka-han.

Gawain 4B. Magbigay ng mga halimbawa ng mga sumusunod na salitang ginagamit sa paghahambing.

9
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul1

1. magka-

2. di-gaano

3. lalo

4. di-hamak

Sagutang Papel

Pangalan: ____________________________Seksyon__________Code #: Score: ______

Gawain 1. Gawain 2A.


1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5.

Gawain 2B.

1.

2.

3.

4.

10
Filipino 9
Ikatlong Markahan
Modyul1

Gawain 3.
1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Gawain 4A.
1.

2.

3.

4.

Gawain 4B.
1.

2.

3.

4.

11

You might also like