Epp 5 Week 4 Las
Epp 5 Week 4 Las
Epp 5 Week 4 Las
KONSEPTO:
Ang makinang panahi ay maaaring patakbuhin sa pamamagitan ng paa, kamay o kuryente.
Mga Bahagi ng Makinang de-Padyak
Mahalagang malaman ang mga bahagi ng makinang de-padyak at ang gamit ng bawat isa.
1. Kabinet o Kahon. Dito itinatago ang ulo o katawan ng makina. Karaniwang mayroon
na ring mga kahon para sa mga sinulid, gunting at iba pang kagamitan sa pananahi.
2. Ulo. Ito ang buong makinang panahi. Binubuo ito ng maliliit at tiyak na bahagi upang
ang makina ay umandar.
3. Bed o Kama. Ito ang patungan ng tinatahi.
4. Spool pin. Pinaglalagyan ito ng karete ng sinulid sa itaas na bahagi ng ulo ng makina.
5. Balance wheel. Nagpapaandar ito o nagpapahinto sa makina, katulong ang gulong sa
ilalim.
6. Bobbin winder. Pinaglalagyan ito ngbobina upang makapagiikid ng sinulid.
7. Bobina. Pinaglalagyan ito ng sinulid sa ilalim ng makina.
8. Shuttle. Pinaglalagyan ito ng bobina sa ilalim ng makina.
9. Belt o Koreya/Kulindang. Ito ang nagdurugtong sa maliit na gulong sa ibabaw at sa
malaking gulong sa ibaba ng makina.
10. Thread guide. Binubuo ito ng tatlong kalawit na pumapatnubay sa sinulid mula sa
spool pin hanggang sa karayom.
11. Presser foot. Bahagi ito ng makina na pumipigil o umiipit sa tela habang tinatahi.
12. Presser lifter. Ito ang nagtataas o nagbababa ng presser foot.
13. Feed dog o Ngipin ng makina. Nasa ilalim ito ng presser foot na nag-uusod ng tela
habang tinatahi ito.
14. Needle bar. Pinaglalagyan ito ng karayom at nagdadala ng sinulid sa itaas kapag
tinatahi.
15. Throat plate. Ito ang platong metal na nasa ilalim ng karayom.
16. Slide plate. Ito ay takip na metal na maaaring buksan upang maaliso mapalitan ang
bobina.
17. Stitch regulator. Bahagi ito na nasa ibaba ng ikutan ng sinulid sa bobina na nag-
aayos ng haba o ikli ng mga tahi.
18. Tension regulator. Ito ang bahaging nagluluwag o naghihigpit ng tahi.
19. Drive wheel. Ito ang malaking gulong na nakikita sa gawing kanan ng makina sa ilalim
ng kabinet. Ito ang pinagkakabitan ng kulindang at nagpapaikot ng balance wheel.
20. Treadle. Tapakan o Pidal. Ito ang pinapatungan ng mga paa upang patakbuhin ang
makina.
21. Needle clamp. Ito ang nagsisilbing kabitan ng karayom.
A. Panuto: Ibigay ang tinutukoy sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa kahon at isulat
ito sa patlang.
Needle clamp Drive wheel Feed dog Presser foot
Tension regulator Treadle Needle bar Presser lifter
Balance wheel Slide plate Stitch regulator
B. Panuto: Iguhit ang ☺ kung tama ang pangalan ng nasa larawan at kung hindi.
Spool pin
_____ 2. ______ 5.
Belt
KONSEPTO:
Ang mga natirang retaso sa pagtatabas ng kasuotan ay maaari pang pakinabangan.
Siguraduhing walang masasayang na materyales upang hindi maaksaya. Magagawa ito kung
gagamitin ang pagiging malikhain. Halimbawa, maaari itong tahiin at gawing headband,
potholder at pamunas-kamay na magagamit sa kusina.
Mga hakbang ng paggawa ng potholder
1. Pagpatung-patungin ang mga natirang retaso.
2. Gumawa ng dalawang padron para sa pang-iababaw
na hawakan.
3. Linyahan ang padron. Ilagay ang inayos na retaso sa
loob ng pang-ibabaw na hawakan.
4. Ihilbana ang mga gilid.
5. Tahiin ng overcasting ang mga gilid.
6. Pagtapatin nang maayos. Ihilbana at tahiin sa kamay
o makina.
Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paggawa ng potholder. Isulat ang bilang 1, 2,
3, 4, 5 sa patlang.
______ Linyahan ang padron. Ilagay ang inayos na retaso sa loob ng pang-ibabaw na hawakan.
______ Pagtapatin nang maayos. Ihilbana at tahiin sa kamay o makina.
______ Pagpatung-patungin ang mga natirang retaso.
______ Ihilbana ang mga gilid.
______Gumawa ng dalawang padron para sa pang-iababaw na hawakan.
Susi sa Pagwawasto
A B 3____