Epp 5 Week 2 Las
Epp 5 Week 2 Las
Epp 5 Week 2 Las
KONSEPTO:
Ang paglalaba ng maruming damit ay isang paraan ng pangangalaga. Sa
paglalaba, inaalis ang kumapit na dumi, pawis at alikabok na nakadikit sa damit.
Napananatili ang anyo ng damit kapag ito’y nilabhan. Nasa paglalaba rin ang
ikatatagal o ikahahaba sa gamit ng damit. May mga wastong paraan ng pagkukusot ng
damit na dapat sundin:
1. Ihanda ang sabon, palanggana, tubig, eskoba (pang-alis ng makakapal na
dumi sa damit), hanger at mga sipit ng damit.
2. Ihiwalay ang pinakamaruming damit at gayun din ang mga puti sa mga de-
kolor.
3. Suriing isa-isa ang damit kung may mantsa o sira, tingnan din kung may
laman ang mga bulsa.
4. Basain isa-isa ang mga damit.
5. Sabunin nang una ang mga puti at bigyang-pansin ang kwelyo, kilikili, bulsa,
at mga laylayan.
6. Ikula (ibilad ang puting damit sa init ng araw na may sabon) ang mga puting
nasabon na habang nilalabhan ang mga damit na di gaanong marumi at de-
kolor.
7. Banlawang mabuti ang mga damit nang tatlong beses o higit pa hanggang
maalis ang bakas ng sabon.
8. Ulitin ang pagsasabon sa mga puting damit kung kinakailangan.
9. Isampay gamit ang sipit o i-hanger sa nasisikatan ng araw ang mga puting
damit at ang mga de-kolor sa di-gaanong nasisikatan ng araw upang hindi
agad kumupas ang kulay.
B. Isaayos ang mga titik sa bawat bilang upang mabuo ang salita na inilalarawan ng
parirala. Isulat ang sagot sa patlang.
________________1. N B A O S - bumubula, tumutulong sa pag-aalis ng dumi sa damit
________________2. G U B T I - inilalagay sa palanggana o batya upang maibabad ang
maruruming damit
________________3. L D E B A - sisidlan ng mga damit at tubig
________________4. S W H A N I G O R B A D – katambal ng brush na kung saan ay
ipinapatong ang damit upang matanggal ang dumi
________________5. K S O B A E – pang-alis ng makakapal na dumi sa mga damit.
Layunin: Naisasagawa ang wastong paglalaba gamit ang washing machine.
Gawain Blg: 2 Pamagat: Wastong Paraan ng Paglalaba Gamit ang Washing Machine Araw: 3-4
KONSEPTO:
Sa paglalaba maaaring gumamit din ng washing machine,
narito ang mga pamamaraan sa paglalaba gamit ang washing
machine:
1. Paghihiwalay
Ihiwalay ang puti sa de-kolor, marumi sa di-gaanong
marumi, nangungupas, at panloob
Kung may bagong damit siguraduhing nakahiwalay
dahil may dye na natatanggal mula sa hibla ng tela na
maaaring makahawa sa lumang damit.
Ihiwa-hiwalay ang cotton, silk sa denim (maong) na tela.
Siyasatin ang mga bulsa na maaaring may laman; pera, tisyu, o papel
Aspile o perdibleng natutusok
2. Isara ang zipper, fastener ng anumang damit at ayusin ang tali ng damit upang hindi
magkabuhol- buhol.
3. Lagyan ng tubig ang washing machine ayon sa dami ng damit na lalabhan.
4. Ibuhos ang sabong pang-washing machine ayon sa dami ng lalabhan.
5. Ilagay ang damit na lalabhan. Iwasang ma- overload ang washing machine.
6. Ilagay ang setting na angkop sa lalabhan.
7. Banlawang mabuti ang mga damit.
8. Idagdag ang fabric conditioner (kung nais lamang na gumamit nito) sa huling
banlaw.
9. Tuyuin ang mga damit sa spin dryer o patuyuin sa init ng araw o mahanging lugar.
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Sagutin ng TAMA kung ang kaisipan ay
wastong paraan ng paglalaba gamit ang washing machine at MALI naman kung hindi.
__________ 1. Punuin ng damit ang washing machine.
__________ 2. Lagyan ng angkop na setting.
__________ 3. Gumamit ng baretang sabon.
__________ 4. Tingnan ang mga bulsa ng damit kung may laman.
__________ 5. Lagyan ng sapat na tubig.
B. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung tama ang isinasaad na pahayag at malungkot na
mukha kung hindi tama ang pahayag.
________1. Kung may bagong damit siguraduhing nakahiwalay dahil may dye na natatanggal mula sa
hibla ng tela na maaaring makahawa sa lumang damit.
________2. . Ihiwa-hiwalay ang cotton, silk sa denim (maong) na tela.
________3. Paghalu-haluin ang lahat ng mga labahin.
________4. Ihiwalay ang puting damit sa di-kulay upang maiwasan na mahawaan ang mga ito.
________5. Ihiwalay ang maruming damit sa di-gaanong marumi.
Susi sa Pagwawasto:
Gawain I: Araw 1-2 Gawain 2: Araw 3- 4
A. B.
A. 3 a. 1. MALI 1.
5 b. 2. TAMA 2.
1 c. 3. MALI 3.
2 d.
4. TAMA 4.
4 e.
5. TAMA 5.
B. 1. SABON
2. TUBIG
3. BALDE
4. WASHING BOARD
5. ESKOBA