1. Punan ang mga kahon ng angkop na
kasingkahulugan ng mga sumusunod na parirala.
nagdadalantao imperyo
sensus emperador
sabsaban
1. pinuno ng imperyo
2. opisyal na pagbibilang ng tao sa isang
lugar
3. kulungan ng mga hayop
4. bansa na pinamumunuan ng emperador
5. buntis
2. Kapanganakan ni Hesus
Nang mga araw na iyon, nagpalabas
ng kautusan si Emperador Agusto na
magpalista ang buong imperyo.
Naganap ang unang sensus na ito
nang si Quirino ang Gobernador ng
Siria. Dahil dito, kailangang maglakbay
ang bawat isa para sa kanya-kanyang
bayan upang magpalista.
3. Umahon din si Jose mula sa bayan
ng Nazareth sa Galilea. Mula siya sa
angkan at lahi ni David. Nagpunta siya
sa Judea upang sa bayan ni David, na
tinatawag na Betlehem, magpalista.
Kasama niya si Maria na
ipinagkasundo na sa kanya na
nagdadalantao noon.
4. Habang naroon sila, dumating ang
sandali ng panganganak ni Maria. Sila
ay naghanap ng bahay na matutuluyan,
ngunit walang nagpatuloy sa kanila.
Hanggang sa napuntahan nila ang
huling tahanan na nag-alok sakanila ng
sabsaban dahil wala nang lugar para
sa kanila sa bahay. At nagsilang si
Maria ng isang lalaki na kanyang
panganay. Binalot ng lampin at inihiga
sa sabsaban.
5. 1. Sino ang nagpalabas ng kautusan na
magpalista ang buong imperyo?
__________________________
2. Kailan naganap ang unang sensus na
ito?
__________________________
3. Ano ang tawag sa bayan ni David na
pinagpalistahan ng pangalan ni Jose?
__________________________
6. 4. Sino ang kasama ni Jose nang siya ay
magpalista ng kanyang pangalan sa
Betlehem?
_________________________
5. Saan ipinanganak ni Maria si Hesus?
_________________________
6. Bakit sa sabsaban ipinanganak ni Maria
si Hesus?
_________________________
7. 7. Anong aral ang natutunan mo sa ating
binasang kuwento?
___________________________
8. Paano mo isasabuhay ang aral na
natutunan mo sa kuwento?
___________________________
35. Piliin ang mga salitang may diptonggo.
1. kulay bata palaka
2. nanay kabayo ahas
3. pagong bubuyog dilaw
4.kasabay daan hipon
5. isda sayaw yelo
36. Disyembre 11, 2015
Takdang- aralin:
Magbigay ng 5 salitang may
diptonggo at gamitin ito sa
maayos na pangungusap.
Editor's Notes
----- Meeting Notes (12/11/15 05:23) -----
Ngayon, ay atin ng babasahin ang kuwento na mula sa Bibliya, aklat ni Lucas kabanata 2: talata1-7
Handa na ba ang lahat?
Maupo ng maayos at
----- Meeting Notes (12/11/15 11:37) -----
Para sa ating aralin ngayon, tayo ay may babasahing kuwento.
Pero bago yun, atin munang alamin ang kahulugan ng mga salitang makikita natin sa kuwento upang mas maintindihan natin ang kuwento.
(Basahin ang panuto)
Sa kahon kayo pipili ng salitang ilalagay sa mga kahon.
Anong salita ang kakasya sa mga kahon
----- Meeting Notes (12/11/15 11:37) -----
Ang kuwentong ating babasahin ay mula sa Bibliya, Lucas 2: 1-7
Basahin nating lahat.
Basahin ng girls, then boys, then lahat
----- Meeting Notes (12/11/15 11:37) -----
Naunawaan ba ninyo ang kuwento?
Alamin natin kung talagang naunawaan ninyo ang kuwento.
----- Meeting Notes (12/11/15 12:22) -----
1.
----- Meeting Notes (12/11/15 12:23) -----
1. Ang nagpalabas ng kautusan na magpalista ang buong imperyo si Emperador Agusto .
2. Naganap ang unang sensus nang si Quirino na ang gobernador ng Siria.
3. Ang tawag sa bayan ni David ay Betlehem.
----- Meeting Notes (12/11/15 12:24) -----
4. Ang kasama ni Jose nang siya ay magpalista ng pangalan sa Betlehem ay si Maria.
5. Ipinanganak ni Maria si Hesus sa sabsaban.
6. Sa sabsaban ipinanganak ni Maria si Hesus dahil walang lugar para sa kanila sa bahay.
----- Meeting Notes (12/11/15 11:37) -----
Ngayong nalalapit na ang araw ng pasko, paano ka makakatulong sa ga batang walang damit, laruan at pagkain
----- Meeting Notes (12/11/15 12:25) -----
7. Ang aral na aking natutunan sa ating binasang kwento ay maging mapagbigay kapag may pangangailangan ang iba, sapat man o hindi.
8. Magpahiram ng gamit sa kaklaseng nangangailangan .
Magbahagi ng pagkain.
----- Meeting Notes (12/11/15 11:37) -----
Ngayon, basahin nating muli ang ilan sa mga salitang inyong natunghayan sa kuwento.
Basahin rin natin ang mga ss na salita.
*Ano ang mga titik na may salungguhit
*Ano ang kanilang tunog nang bigkasin ninyo ang mga ito.
*Anu-anong titik ang bumubuo sa bawat isa?
*Ano ang tawag natin sa pinagsamang tunog ng patinig at malapatinig?
*Ano ngayon ang kahulugan ng diptonggo?
----- Meeting Notes (12/11/15 11:37) -----
Ngayon magbigay naman kayo ng halimbawa ng salitang may tunog diptonggo.
----- Meeting Notes (12/11/15 11:37) -----
Magkakaroon tayo ng isang paligsahan, at ito ay pangkatang gawain.Magpapakita ako sainyo ng mga larawan na may tunog diptonggo, isusulat ninyo ang pangalan nito sa mliit na pisara, kapag narinig ninyo ang bell ay itataas na ninyo ang maliit na pisara
----- Meeting Notes (12/11/15 11:47) -----
Alin sa mga tunog diptonggo ang pinakagusto mo?
Magbigay ng halimbawa nito, at kung kayang gamitin sa pangungusap ay gamitin
----- Meeting Notes (12/11/15 11:47) -----
Kuhanin ng tahimik ang inyong kwaderno/notebook
At sagutan ang isang pagsasanay sa unang bahagi ng notebook nyo. Isulat ang date ngayon, Disyembre 11, 2015
----- Meeting Notes (12/11/15 11:47) -----
Kopyahin naman ang inyong takdang aralin sa