Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
SlideShare a Scribd company logo
Ang Klima
Ang klima ay ang kabubuang kalagayan ng
 panahon na tumatagal sa isang bansa.
 May kinalaman sa klima ang uri ng ating
 kasuotan at mga bahay na itinayo natin.
Ang dalawang uri ng klima sa bansa ay ang tag-
 araw at tag-ulan.
Ang Panahon
• Ang panahon ay ang kalagayan ng papawirin
  at kalagayan ng hangin sa alinmang lugar sa
  bansa sa maikling panahon
Pag-ikot ng
mundo sa araw
Ang Temperatura
• Ito ang nagsasabi kung gaano kainit o kalamig
  ang isang lugar.
4 na Uri ng Klima

Unang Uri ng Klima   Tuyo

Ikalawang Uri ng     Walang panahong
Klima                tuyo
Ikatlong Uri ng      Hindi tiyak ang
Klima                panahon
Ikaapat na Uri ng    Halos pantay ng
Klima                distribusyon ng ulan
• Unang uri- Luzon, Negros, Palawan,
  Minadanao at Mindoro.
• Ikalawang uri- Catanduanes, Albay,
  Camarines Norte, Samar, Leyte, Quezon,
  Sorsogon, Camarines Sur, at Silangang
  Mindanao.
• Ikatlong uri- Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya,
  Silangang Lalawigang Bulubundukin,
  Masbate, Romblon, Timog Quezon, Palawan,
  Cebu, Negros, at Hilagang Mindanao.
• Ikaapat na uri- Batanes,Mindoro, Bohol,
  Marinduque, Kanlurang bahagi ng Camarines
  Sur, Albay at sa ilang bahagi ng Mindanao
3 Uri ng Hangin
Ang hangin ng Pilipinas ay nagmumula sa iba’t
 ibang direksyon at pabagu-bago. May tatlong uri
 ng hangin sa bansa. Ang hanging balaklaot o
 hanging hilaga (tradewinds) ay nanggagaling sa
 hilagang kanluran ng bansa. Ang hanging
 habagat ay nagmumula sa timog-kanluran. Ang
 hanging amihan o sabalas ay nagmumula sa
 hilagang-silangan. Ang tatlong uri ng hangin a
 bansa ay may epekto sa temperatura,
 distribusyon ng ulan at kahalumigmigan ng isang
 lugar
Mga Babala ng Bagyo
• Ang PAG-ASA (Philippine Atmospheric,
  Geophysical, and Astronomical Services
  Administration) ay nagpapalabas ng apat na
  uri ng babala kapag panahon ng bagyo.
  Ipinalabas din ng PAG-ASA ang bagong
  paraan ng pagbibigay-babala sa bagyo na
  tinatawag nilang Modified Public Storm
  Warning System (MPSWS).
Babala ng bagyo bilang 1
• Kalagayang Meteorolohikal
Ang lugar ay maaapektuhan ng bagyo na may
  hanging umiihip ng 30 hanggang 60 kph sa loob
  ng 36 na oras.May manaka-nakang pag-ulan.
• Lakas ng Hangin
Ang maliliit na puno ay mababali ang mga sanga.
  Ang mga bahay na yari sa hindi matibay na
  materyales ay ililipad ng hangin.Hindi gaano ang
  pinsalang mararanasan. Pinapayuhan ang mga
  tao na subaybayan ang taya ng panahon sa loob
  ng anim na oras.
Babala ng bagyo bilang 2
• Kalagayang Meteorolohikal
Katamtamang bagyo ang makakaapekto sa
  mga lugar.. Umiihip ang hangin nang 60 kph
  hanggang 100 kph sa loob ng 24 oras.
• Lakas ng Hangin
Maaaring humilig at bumagsak ang mga
  puno. Ang mga bahay naman na yari sa
  kugon at nipa ay mabubuwal. Mapanganib
  para sa mga maliliit na sasakyang pandagat.
Babala ng bagyo bilang 3
• Kalagayang Meteorolohikal
Lubhang malakas na hangin ang mararanasan
  na mula 100 kph hanggang 185 kph sa loob
  ng 18 oras
Babala ng bagyo bilang 4
• Kalagayang Meteorolohikal
Maapektuhan ng napakalakas na bagyo ang
  lugar. Makararanas ng napakalakas na hangin
  mula 185 kph. At higit pa sa loob ng 12 oras.
• Lakas ng hangin
Malaki ang kapinsalaang hatid sa mga pananim.
  Mabubunot ang mga ugat ng maraming puno at
  babagsak ang mga ito. Ang mga gusali at mga
  bahay na yari sa iba’t ibang materyales ay
  masisira. Higit na malaking pinsala ang hatid sa
  mga lugar na apektado.
Mga Surilaning Hatid ng
Klima
Nagkakaroon ng pagbaha kung tag-ulan,
 nagkakabuhul-buhol ang trapiko at
 nasususpinde ang mga klase dahil sa pagbaha
 lalo na sa mga pook urban at sa Kamaynilaan.
 Madalas din ang bagyo tuwing tag-ulan na
 nagiging sanhi ng pagkasira ng mga pananim
 at bahay. Ang mga tao ay hindi
 nakapagtatrabaho at hindi nakalalabas ng
 bahay.
• Sa panahon naman ng tag-araw ay
  lubhang maalinsangan at napakainit ng
  paligid. Kadalasan ding nagkakaroon ng
  kakulangan sa tubig. Ang mga
  magsasaka ay hindi makapagtanim
  dahil nagkakaroon ng sobrang
  pagkatuyo ng mga lupang sakahan. Ang
  mga pananim ay namamatay.
  Nararanasan din ang madalas na sunog
  ng mga kabahayan at mga kagubatan
  tuwing tag-araw.

More Related Content

Ang klima

  • 1. Ang Klima Ang klima ay ang kabubuang kalagayan ng panahon na tumatagal sa isang bansa. May kinalaman sa klima ang uri ng ating kasuotan at mga bahay na itinayo natin. Ang dalawang uri ng klima sa bansa ay ang tag- araw at tag-ulan.
  • 2. Ang Panahon • Ang panahon ay ang kalagayan ng papawirin at kalagayan ng hangin sa alinmang lugar sa bansa sa maikling panahon
  • 4. Ang Temperatura • Ito ang nagsasabi kung gaano kainit o kalamig ang isang lugar.
  • 5. 4 na Uri ng Klima Unang Uri ng Klima Tuyo Ikalawang Uri ng Walang panahong Klima tuyo Ikatlong Uri ng Hindi tiyak ang Klima panahon Ikaapat na Uri ng Halos pantay ng Klima distribusyon ng ulan
  • 6. • Unang uri- Luzon, Negros, Palawan, Minadanao at Mindoro. • Ikalawang uri- Catanduanes, Albay, Camarines Norte, Samar, Leyte, Quezon, Sorsogon, Camarines Sur, at Silangang Mindanao. • Ikatlong uri- Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Silangang Lalawigang Bulubundukin, Masbate, Romblon, Timog Quezon, Palawan, Cebu, Negros, at Hilagang Mindanao. • Ikaapat na uri- Batanes,Mindoro, Bohol, Marinduque, Kanlurang bahagi ng Camarines Sur, Albay at sa ilang bahagi ng Mindanao
  • 7. 3 Uri ng Hangin Ang hangin ng Pilipinas ay nagmumula sa iba’t ibang direksyon at pabagu-bago. May tatlong uri ng hangin sa bansa. Ang hanging balaklaot o hanging hilaga (tradewinds) ay nanggagaling sa hilagang kanluran ng bansa. Ang hanging habagat ay nagmumula sa timog-kanluran. Ang hanging amihan o sabalas ay nagmumula sa hilagang-silangan. Ang tatlong uri ng hangin a bansa ay may epekto sa temperatura, distribusyon ng ulan at kahalumigmigan ng isang lugar
  • 8. Mga Babala ng Bagyo • Ang PAG-ASA (Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration) ay nagpapalabas ng apat na uri ng babala kapag panahon ng bagyo. Ipinalabas din ng PAG-ASA ang bagong paraan ng pagbibigay-babala sa bagyo na tinatawag nilang Modified Public Storm Warning System (MPSWS).
  • 9. Babala ng bagyo bilang 1 • Kalagayang Meteorolohikal Ang lugar ay maaapektuhan ng bagyo na may hanging umiihip ng 30 hanggang 60 kph sa loob ng 36 na oras.May manaka-nakang pag-ulan. • Lakas ng Hangin Ang maliliit na puno ay mababali ang mga sanga. Ang mga bahay na yari sa hindi matibay na materyales ay ililipad ng hangin.Hindi gaano ang pinsalang mararanasan. Pinapayuhan ang mga tao na subaybayan ang taya ng panahon sa loob ng anim na oras.
  • 10. Babala ng bagyo bilang 2 • Kalagayang Meteorolohikal Katamtamang bagyo ang makakaapekto sa mga lugar.. Umiihip ang hangin nang 60 kph hanggang 100 kph sa loob ng 24 oras. • Lakas ng Hangin Maaaring humilig at bumagsak ang mga puno. Ang mga bahay naman na yari sa kugon at nipa ay mabubuwal. Mapanganib para sa mga maliliit na sasakyang pandagat.
  • 11. Babala ng bagyo bilang 3 • Kalagayang Meteorolohikal Lubhang malakas na hangin ang mararanasan na mula 100 kph hanggang 185 kph sa loob ng 18 oras
  • 12. Babala ng bagyo bilang 4 • Kalagayang Meteorolohikal Maapektuhan ng napakalakas na bagyo ang lugar. Makararanas ng napakalakas na hangin mula 185 kph. At higit pa sa loob ng 12 oras. • Lakas ng hangin Malaki ang kapinsalaang hatid sa mga pananim. Mabubunot ang mga ugat ng maraming puno at babagsak ang mga ito. Ang mga gusali at mga bahay na yari sa iba’t ibang materyales ay masisira. Higit na malaking pinsala ang hatid sa mga lugar na apektado.
  • 13. Mga Surilaning Hatid ng Klima Nagkakaroon ng pagbaha kung tag-ulan, nagkakabuhul-buhol ang trapiko at nasususpinde ang mga klase dahil sa pagbaha lalo na sa mga pook urban at sa Kamaynilaan. Madalas din ang bagyo tuwing tag-ulan na nagiging sanhi ng pagkasira ng mga pananim at bahay. Ang mga tao ay hindi nakapagtatrabaho at hindi nakalalabas ng bahay.
  • 14. • Sa panahon naman ng tag-araw ay lubhang maalinsangan at napakainit ng paligid. Kadalasan ding nagkakaroon ng kakulangan sa tubig. Ang mga magsasaka ay hindi makapagtanim dahil nagkakaroon ng sobrang pagkatuyo ng mga lupang sakahan. Ang mga pananim ay namamatay. Nararanasan din ang madalas na sunog ng mga kabahayan at mga kagubatan tuwing tag-araw.