Aralin 6 Ang Kabihasnang Indus sa Timog Asya (3rd yr.)
1. ARALIN 6
ANG KABIHASNANG
INDUS SA TIMOG ASYA
Prepared By:
Jessabel Carla L. Bautista
Social Studies Teacher
Tagudin National High School
Mabini, Pangasinan
2. Tulad ng iba pang sinaunang
kabihasnan, iniluwal ang
kabihasnang ito sa mga ilog at
lambak ng Indus na nasa hilagang
kanlurang bahagi ng India.
Umunlad ang kabihasnang ito at
tinawag na mga lungsod ng
Mohenjo-Daro at Harappa.
3. • Madalas na tawaging sub-kontinente
ang India dahil sa laki nito. Halos lahat
ng anyong-tubig at lupa ay makikita
rito tulad ng disyerto, matabang
lambak, mga kapatagan, matataas na
talampas, mababang baybayin, mga
naglalakihang ilog, at mga
kabundukan
4. • Ang kabihasnang India ay umusbong sa
paligid ng Indus River. Ang tuktuk ng
kabundukan ng Himalaya ay nabalot ng
makapal na yelo, mula sa yelo natutunaw
rito nagmumula ang tubig ng Indus River.
• Ang Indus River ay may habang 2,900 km
(1,800 milya) na bumabagtas sa Kashmir
patungong kapatagan ng Pakistan.
5. Ang Kabihasnang Indus
• Ang kabihasnang Indus ay batay sa
matandang Lungsod ng Harappa at
Mohenjo-Daro. Karamihan sa nahukay
na labi ay mula sa Harappa, tinawag
minsan ang kabihasnang Harappan.
Gayunpaman, tumutukoy pa rin ito sa
kapwa Harappa at Mohenjo-Daro.
6. Lipunan at Kultura
Dravidian – sinasabing bumuo ng
kabihasnang Indus
• May malalaking kalsada, at sistema ng
patubig na tumutustos sa pangangailangan
ng mga tahanan maging noong unang
panahon.
10. • Gumamit ang mga tao ng laryong putik na
pinatutuyo sa pugon sa paggawa ng bahay.
Gumamit sila ng mga hulmahan upang
magkakapareho ang mga laryo
• Maganda ang kanilang mga iskultura at
simple ang istilo ng arkitektura.
• Naniniwala at sumasamba sa mga
kaluluwa na naninirahan sa kalikasan at
maging sa tao.
11. Ekonomiya
•
Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay ng
mga tao. May matabang lupa nadulot ng malimit
na pag-apaw ng mga ilog na pinagtaniman ng
palay, mais, kape, bulak, niyog, at iba pa.
• May mga nahukay na relikyang nagpapatunay na
nakipagkalakalan ang sinaunang India sa
Mesopotamia tulad ng mga inukit na batong seal
na ginamit sa pagtatak ng mga kalakal.
12. • Ang lipunang Indus ay kinakikitaan na
nag malinaw na pagpapangkatpangkat ng mga tao.
• Nakatira sa bahagi ng moog ang mga
naghaharing uri tulad ng paring-hari at
mga opisyal.
• Sa kabahayan, naninirahan ang mga
magsasaka, mangangalakal at
artisano.
13. Sanhi ng Pagbagsak
• Pagdating ng mga mananakop na Aryan
mula sa Gitnang Asya noong 1500 B.C.
14. Ambag sa Kabihasnan
• Pictogram – ay ang pagbibigay ng
representasyon sa isang bagay sa anyong
larawan.
- Parisukat na seal carving na
yari sa Soapstone, isang uri ng pulbos na
pinatigas at kadalasang ginagawang
dekorasyon at selyo.
15. • Mga piguring bronse at terracotta
ng mga bagay at diyos na
sinasamba ng tao.
• Mga alahas na yari sa
ginto, metal, at iba pang
mamahaling bato tulad ng jade at
lapis lazuli.
16. Kabihasnang Aryan (1500-530 B.C.)
o Ang Panahong Vedic
- “Arya“ ay nangangahulugang
“marangal” sa wikang Sanskrit.
- Ito ay ginagamit upang tukuyin ang
mga pangkat ng tao o lahi.
17. • VEDAS – ay tinipong akda ng mga
himnong pandirigma, mga sagradong
ritwal, mga sawikain at mga salaysay.
• 4 na sagradong aklat
• Rig Veda
• Sama Veda
• Yajur Veda
• Atharva Veda
18. Pamahalaan
• Nahahati sa mga pamayanan na may
kanya-kanyang pamahalaan.
• Pinamumunuan ito ng rajh na
nagmamana ng katungkulan at may
katulong na lupon ng tagapayo na
binubuo ng mga pinuno ng tahanan.
19. Lipunan at Kultura
• Tinawag na Panahong Vedic dahil ditto isinulat ang mga
Veda o ang apat na aklat ng karunungan. Ito ay kalipunan
ng mga himnong pandigmaan, mga ritwal na panrelihiyon,
at mga kwento.
Rig Veda - ang pinakamatanda sa apat,
tungkol sa kalikasan
Sama Veda - ay tungkol sa mga ritwal habang
Yajur Veda - ay naglalaman ng mga sinaunang
seremonya.
Athava Veda - tungkol naman sa kultura at
mga tradisyon ng mga Aryan.
20. • Sa ilalim ng sistemang caste;
• Brahman - binubuo ng mga pari
nanagsisilbing guro.
• Kshatriya - ang mga maharlika at
mandirigma.
• Vaisya - mga karaniwang mamamayan,
mga artisano,mangangalakal
magpapastol, at magsasaka.
• Sudra - na mga manggagawa at alipin.
21. • Untouchable o pariah
- Sa labas ng sistema matatagpuan.
- mga mamamayang hindi Aryan na
karaniwang mahihirap at gumaganap ng
mababang uri ng trabaho.
39. • Sumasamba sa maraming diyos
sa kalikasan tulad nina Indra, ang
diyos ng bagyo at Agni, ang diyos
ng apoy. Sa pagsambang ito
nagmula ang relihiyong
Hinduismo, ang pangunahing
relihiyon sa India ngayon at isa sa
pinakamatandang relihiyon sa
daigdig.
44. • Ang Budismo, na pinasimulan
ni Gautama Buddha noong 600
B.C., ay isa ring mahalagang
relihiyon sa India na kumalat sa
iba pang lupain sa Asya.
46. • Walang kalayaan ang babaing Indian sa
panahong ito, ngunit mayroon silang
karapatang magmay-ari ng negosyo at
kasangkapan tulad ng alahas na maaaring
ipamana sa kanilang mga anak. Ang mga
biyuda ay hindi na maaari pang mag-asawa
o bumalik pa sa dati nitong pamilya at
dapat mamamuhay nang simple at ibuhos
ang boung buhay sa pagdarasal hanggang
sa kanyang kamatayan.
47. • Hindi siya pwedeng dumalo sa mga
kasiyahan, magsuot ng makukulay sa
gamit, gumamit ng pabango, kumain
ng karne at pulot.
• Ang iba ay nagpapakamatay at
sumasama sa libing ng asawa na
tinatawag na suttee.
52. • Ang mga anak ng mayayamang pamilya ay
nakapag-aaral. Ipinapakabisa sa mga magaaral ang mga Veda.
• Ang krimen noong panahong iyon ay
maaaring maparusahan ng kamatayan.
• Mahilig sa kasayahan ang mga Aryan. Sila
ay madalas manood at makilahok sa karera
ng mga karwahe, pagsasayaw, at
pagsusugal
53. Ekonomiya
• Pagpapastol at pagsasaka ang
pangunahing hanapbuhay ng mga Aryan.
• Nagtanim sila ng barley at trigo.
• Magaling din sa mga gawang-kamay ang
mga Aryan. Ang pangunahing hanapbuhay
noon ay
pagkakarpintero, paghahabi, pagkukulti ng
balat ng hayop, at paggawa ng mga
kasangkapan sa bahay gaya ng araro at
asarol
54. Sanhi ng Pagbagsak
• Sinalakay at napailalim sa mga
Persiano sa pamumuno ni Cyrus the
Great noong 530 B.C.
55. Ambag sa Kabihasnan
• Relihiyong Hinduismo at Budismo
• Sistemang caste
• Konsepto ng reinkarnasyon o muling
pagkabuhay at ang karma na nagsasabing
ang ginawa ng tao sa kasalukuyang buhay
ay maparurusahan o magagantimpalaan sa
susunod nilang buhay.
• Sa panitikan, ang mga Veda at ang
Upanishad
57. Imperyo sa Sinaunang India
• Imperyong Maurya 320-185 B.C.
• Imperyong Gupta 320-500 A.D.
• Imperyong Mogul 1526-1793 A.D.
58. Imperyong Maurya 320-185 B.C.
Nagtatag: Chandragupta Maurya (324300 B.C.)
Pamahalaan
• May maayos na pamahalaan na nakasentro sa
hari. Ang imperyo ay hinati sa mga distrito na
pinamunuan ng mga kasapi ng pamilya ng hari.
Malaki rin ang bahaging ginampanan ng mga
tagapayo ng hari, tulad ni Kautilya sa panahon ni
Chandragupta Maurya, na may akda ng
ARTHASASTRA.
60. • Sa ilalim ni Bandusara (297 B.C.), anak ni
Chandragupta, nasakop ng imperyo ang
talampas ng Deccan (273-232 B.C.)
• Nagpalabas si Asoka, ang pinakamagaling na
pinuno ng imperyo, ng maraming batas na
tinawag na Rock Edicts. Ito ay nakaukit sa mga
bato, dingding ng mga kweba, at sa mga
pampublikong lugar. Ang mga batas na ito ay
naglalaman ng mga konsepto ng kawalan ng
karahasan, paggalang sa lahat ng relihiyon at
opinyon, pagsunod sa magulang, at pagiging
makatao sa mga naninilbihan.
61. • Pinalaganap ang Budismo sa panahon
ni Asoka. Nagpasagawa siya ng mga
daan, mga balon, at mga bahaypahingahan. Ipinagbawal din ang
pagsasakripisyo sa mga hayop at
nagpatayo ng mga sentrong
pangkalusugan para sa lahat ng
mamamayan
62. Lipunan at Kultura
• Ang lipunan ay nahahati sa pitong uri
– mga
pilosopo, magsasaka, kawal, pastol, ar
tisano, mahistrado, at konsehal.
Pinakamalaking grupo ang mga
magsasaka.
• Hindi maaaring mag-asawa ng hindi
kauri ang mga Hindu.
63. • KAISIPANG AHIMSA - Pag-iwas sa
karahasan at paggalang sa mga nilalang
na may buhay ay sisinasabuhay din niya
64. Ekonomiya
• Nakipaglaban sa mga Persiano na
pinamunuan ni Seleucus, ang mga
Seleucid, noong 3000 B.C.
• Pagsasaka at pagpapastol ang
pangunahing hanapbuhay, nagtanim ng
millet, trigo, at bulak.
• Nangulekta ng buwis mula sa mga
mangangalakal ng bulak at may-ari ng
lupa.
65. Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Pag-unlad
• Ang maayos na sistema ng pamahalaan at
ang mga buwis ang siyang tumustos sa
mga gastusin ng imperyo.
66. Pagbagsak
• Umusbong ang mga nagsasariling estado
sa timog ng kahariang Sunga at Kalinga.
• Napabayaan ang hukbong military sa
panahon ni Asoka dahil itinuon niya ang
pansin sa pagpapalaganap ng Budismo.
Hindi nito nakayang ipagtanggol ang
imperyo mula sa mga nag-alsang Hindu na
ayaw ng Budismo.
• Hindi nakaagapay ang pamahalaan sa mga
gastusin ng imperyo
67. Ambag sa Kabihasnan
• Encyclopedia sa medisina na isinulat
ni Charaka.
• Aklat sa pulitika ni Kautilya, ang
Arthasastra (The Science of Material
Gain) na tungkol sa pagpapalawak at
paggamit ng kapangyarihan
68. Imperyong Gupta 320-500 A.D.
Nagtatag: Chandragupta (320-335 A.D.)
Pamahalaan
• Sa ilalim ng pamumuno ni Samudragupta
(335-375 A.D.), anak ni Chandragupta I,
lalong napalawak ang imperyo hanggang
Talampas ng Deccan. Ang pagpapalawak
na ito ay nagdala ng yaman sa imperyo sa
pamamagitan ng mga buwis na sinisingil ng
imperyo sa mga nasakop na lupain.
69. Lipunan at Kultura
• Itinuring na Gintong Panahon ng India. Ang
mga ambag ng Imperyong Gupta sa
kabihasnan ay nagpapahayag ng
kasaganaan na dulot ng mga yaman mula
sa mga nasakop at kapayapaang tinamasa
nito sa panahon ni Asoka. Sa panahong ito
umunlad ang pagkamalikhain ng mga tao
at nalinang ang sining at kultura sa India.
70. Ekonomiya
• Pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay
ng mga Gupta. Nagtanim sila ng
bigas, trigo, at tubo, gayundin ng mga
prutas tulad ng
mangga, melon, apricot, peach, peras, at
iba pa.
• May mga minahan ng mineral at asin, mga
pabrika ng sandata, at pagawaan ng
ornamenting ginto at pilak.
71. • Nakipagkalakalan sa Ehipto, Gresya,
Roma, at Ceylon (ngayon ay Sri Lanka).
• Ang ilan sa mga produkto nila ay
bulak,mga telang chintz, calico at
cashmere,garing, at elepante na ipinagpalit
nila sa musk, seda, at amber
72. Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Pag-unlad
• Mahusay na pamamahala ng mga
naunang pinuno.
Pagbagsak
• Pagsalakay ng mga Hun mula sa
Gitnang Asya noong 415 A.D.
73. Ambag sa Sibilisasyon
• Dinar – gintong barya na inuukitan ng
tula at iba pang disenyo.
• Sakuntala – dula ni Kalidasa at mga
pabula na may aral tungkol sa
moralidad at pulitika.
74. • Sa arkitektura, ang Iron Pillar sa Delhi ay
isang magandang halimbawa ng
teknolohiya noong panahong iyon.
• Mga epikong Ramayana at Mahabharata
at ang pagtulong sa kanila ni Krishna sa
pagbawi sa trono mula sa kanyang
magandang asawang si Sita na kinuha ng
isang demonyo mula sa Persia
75. • Simbolong zero at bilang na 1
hanggang 9.
• Pi na katumbas ng 3.14 at 365.3568
na bilang ng araw sa isang taon
• Sistemang decimal
• Ang University of Nalanda, ang unang
unibersidad sa daigdig, na nag-alok ng
mga kurso sa relihiyon, pilosopiya, at
sining
76. • Nagbigay sa mundo ng mga telang
cashmere, calico, at chintz na hanggang
ngayon ay ginagawang damit at sapin sa
bahay.
• Mga fresco painting (pinta sa pader na
plaster) sa kweba ng Ajanta sa
Maharashtra.
77. Imperyong Mogul 1526-1793 A.D.
Nagtatag: Babur (1526-1530)
Pamahalaan
• Sa ilalim ng pamamahala ni Akbar the
Great noong 1556-1605 A.D., apo ni
• Babur, nagpatayo ng mga monumento at
palasyo sa India.
• Naabot ng imperyo ang katanyagan sa
panahon ng pamamahala nina Akbar
Jahangir na namuno noong 1605-1627 at
Shah Jahan noong 1628-1658
78. Lipunan at Kultura
• Magkahalong tradisyong Hindu at
kaugaliang Muslim ang umiral sa
lipunan noong panahon ni Akbar at
sumunod na namuno.
• Ipinagbawal ang pang-aalipin ng
mga babae at batang bihag sa
digmaan.
79. • Inalis din ang suttee o ang pagsunog ng mga
biyuda kasama ng bangkay ng kanilang asawa.
Ang kaugaliang ito ay nagsimula noong 1 A.D.,
dala ng mga Raiputs, mga mandirigmang Kushan
na naniniwala sa monogamya o pagaasawa ng
isa lamang.
• Nagkaroon ng direktang komunikasyon ang
emperador at mga mamamayan sa pamamagitan
ng mga korte ng hustisya na pinamunuan ng
emperador.
80. Sanhi ng Pag-unlad at Pagbagsak
Pag-unlad:
• Pinalawak ang imperyo sa
pamamagitan ng pagkakasundo ng
mga Hindu at Muslim sa imperyo.
81. Pagbagsak
• Napabayaan ang pamahalaan sa panahon
ni Aurangzeb (1695-1707), na nagtuon ng
pansin sa pakikidigma sa pag-asang
masasakop ng imperyo ang buong India.
82. Ambag sa Kabihasnan
• Istilong Mogul sa sining at arkitektura. Ito
ay sining ng India na hinaluan ng
impluwensya ng Persia.
• Ang Taj Mahal na itinayo sa pagitan ng
1620-1648 ay itinuturing na isa sa
pinakamagandang halimbawa ng
arkitekturang Indian. Ipinatayo ito ni Shah
• Jahan para sa paborito niyang asawa na si
Muntaj Mahal.
83. Tandaan Mo!
• Kung titingnan nang masusi ang
mapa ng India, mapapansin na tila
dalawang tatsulok na pinagdikit sa
baso ang hugis nito. Nakatutok
ang maliit na tatsulok sa mga
kabundukan ng hilagang Asya
habang ang malaki naman ay sa
karagatang India.
84. • Dahil sa laki ng India, binubuo ito
ng apat na rehiyong heograpikal.
Ang kapatagan sa India-Ganges,
Talampas ng Deccan, mga
kabundukan sa hilaga, at
Baybaying
Gilid.
85. • Ang mahalagang ambag ng sinaunang
India sa daigdig ay ang relihiyong
Hinduismo at Budismo, konsepto ng karma
at reinkarnasyon, mga Veda at Upanishad
na naging mahalagang bahagi ng
panitikan, mga epikong Ramayana at
Mahabharata,sistemang decimal, mga
pintang fresco, at arkitekturang Mogul at
Persian gaya ng tanyag na Taj Mahal