5. Si Jesus ay Tunay na Diyos.
Siya ang Salita
na dahil sa kanya ay
nalikha ang sanlibutan.
Siya ang Salitang
nagkatawang-tao.
6. Si Jesus ay tunay na tao.
Ipinaglihi at ipinanganak ni
Maria, dugo at laman ni Maria.
Bilang tao, siya ay
nakaranas din ng kamatayan,
subalit muli siyang nabuhay.
7. “HESUS”
Ang pangalan na
ang kahulugan ay
“Ang Diyos ay nagliligtas”
(Mateo 1:21).
8. Ang Misyon ni Jesus:
Tubusin ang tao
sa kanyang mga kasalanan
at bigyan ang tao ng
buhay na walang hanggan.
9. Si Jesus ang
“Kristo” o “Mesiyas.”
Ang “Kristo” ay wikang
Griyego, ang “Mesiyas” ay
wikang Hebreo, ang
kahulugang ay “Hinirang.”
10. Si Jesus ay “Kristo”
dahil siya ang totoong
Propeta, Hari at Pari.
11. Ang Diyos Ama ang nagpahayag
na si Jesus ang Mesiyas
nang si Jesus ay nagpabinyag
kay Juan sa Ilog Jordan:
“Ikaw ang ginigiliw kong
Anak, ikaw ang aking Hinirang”
(Marcos 1”11).
12. Si Kristo ay hindi isang
politikal na tagapagpalaya;
siya ay isang
espiritwal na Tagapagligtas.
13. Naparito si Jesus upang
palayain ang tao sa pagkaalipin
sa kasalanan at kamatayan, at
bigyan ang tao ng bago at
walang hanggang buhay.
14. Si Jesus ang
Bugtong na Anak ng Diyos.
Tayo ay mga anak ng Diyos
sa pamamagitan ng
pag-ampon sa
Sakramento ng Binyag.
15. Sa Sakramento ng Binyag:
“Hindi espiritu ng pagkaalipin
ang inyong tinanggap, kundi
ang espiritu ng pag-aampon;
sa bisa nito natin sinasabing
‘O Abba, O Ama”
(Roma 8:15).
16. Si Jesus ang Panginoon!
Ang ipahayag na
si Jesus ang Panginoon ay
pagkilala na siya ang Diyos.
Sinabi ni Apostol Tomas:
“Panginoon ko at Diyos ko”
(Juan 20:28).
17. Pinatunayan ni Jesus na siya ay
Panginoon, sa kanyang
ginawang mga himala, tulad ng
pagpapalayas ng demonyo at
pagpapatawad ng kasalanan.
18. “Diyos lamang ang makagagawa
ng ganitong kagila-gilalas na
bagay. Ang Banal na Kasulatan
ay nagtatapos sa ganitong
panalangin:
Amen! Halika, Panginoong Jesus”
(Pahayag 22:20).