Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
SlideShare a Scribd company logo
Creator of Heaven & Earth
Ang Lumikha
ng Langit at Lupa
  (Ika-4 na Panayam)
“Nang simulang likhain ng Diyos
ang lupa at langit… Ang langit ay
naghahayag na ang Diyos ay
dakila! Malinaw na nagsasaad
kung ano ang kanyang gawa.”
(Genesis 1:1 / Salmo 19:2)
“Si Kristo ag panganay sa lahat ng
nilikha. Sapagkat ang lahat ng
nasa langit at nasa lupa ay
pawang nilikha ng Diyos sa
pamamagian niya at para sa
kanya. Sa kanyang nasasalalay
ang kaayusan ng lahat ng bagay.”
(Corinto 1:15-17)
Ang Manlilikha: Banal na Santatlo
 Ang Tatlong Persona ay kumikilos nang
 sama-sama bilang Isang Diyos sa
 paglikha, pagtubos at pagpapanal.

Ang Diyos Ama ay lumikha sa
 pamamagitan ng kanyang Anak na si
 Hesu-Kristo, sa kapangyarihan ng
 Espiritu Santo.
“Iisa lamang ang Diyos, ang Ama na
lumikha ng lahat ng bagay, at tayo ay
nabubuhay para sa kanya. Iisa ang
Panginoon, si Hesukristo, at sa
pamamagitan niya ay nilikha ang
lahat ng bagay, at sa pamamagitan
din niya ay nabubuhay tayo, at ang
Espiritu Santo na nagbibigay-buhay.”
(1 Cor 8:6 / 2 Cor 3:6)
Paliwanag ni San Ireneo:

“Ang Diyos ay Ama, Manlilikha, May-
Akda, ang gumawa ng lahat ng bagay
sa pamamagitan ng kanyang Salita
(Anak) at Karunungan (Espiritu
Santo), katulad ng kanyang dalawang
kamay.”
Ang Paglikha
Ang Paglikha Ayon sa Biblia at Agham
Ang pagkakaiba ng paliwanag ng paglikha
 ayon sa Biblia at Agham ay dalawang paraan
 ng pagpapaliwanag sa iisang gawang-sining.

Ang pagpapaliwanag ng Agham ay kung
 “paano” – nakatuon sa mga materyal na
 ginamit, sukat, bigay, gulang, mga kulay at
 mga pamamaraan.
Ang Paglikha Ayon sa Biblia at Agham
Ang pagpapaliwanag sa Biblia ay tungkol sa
 “bakit” na binigyang-kahulugan ang layunin
 at hangarin ng Lumikha at ang kahulugan at
 katotohanan ng nilikha. Ipinahahayag din ng
 nilikha ang pag-uugali at katauhan ng
 Lumikha.
Ang magkaibang pagpapaliwanag ay kapwa
 totoo at mahalaga, nagpupuno sa isa’t isa, at
 nagbibigay ng mas buong pang-unawa sa
 nilikha.
Biblia at Agham
Ang Biblia ay hindi sumasalungat sa turo
 ng Agham tungkol sa turo ng Ebolusyon.

Ang anim na araw ng paglikha ay hindi
 nangangahulugan ng 24 oras sa isang
 araw. Ito ay isa lamang pamamaraan ng
 pagpapaliwanag na gumamit ng
 “biblical language” sa paglalahad ng
 katotohanan.
Ayon sa Biblia…
 Isa lamang ang Manlilikha na
 pinanggalingan ng lahat ng umiiral,
 na lumikha sa pamamagitan ng
 isang malaya at mapagmahal na
 pagkilos ng kanyang banal na
 kalooban at karunugan.
Ang Paglikha
     Ayon sa Turo ng Simbahan
1. Ang Diyos ang lumikha mula sa kanyang
   banal na kabutihan upang ibahagi ang
   kanyang kabutihan sa iba, hindi dahil sa
   kanyang pangangailangan o kakulangan.

2. Lumikha Siya sa pamamagitan ng isang
   malaya, binalak, may nilalayong
   pagkilos, hindi sa pamamagitan ng kahit
   anong uri ng likas na pinagmulan.
Ang Paglikha
      Ayon sa Turo ng Simbahan
3. Lumikha ang Diyos mula sa
 kawalan, hindi mula sa anumang bagay
 o mula sa ibang diyos na umiiral na.
Ang Nalikhang Katotohanan
Dalawang Kahihinatnan:
1. Ang lahat ay nakasalalay sa Diyos at walang
   lakas sa sangnilikha ang makalalaban sa
   Diyos. Ang mga Kristiano ay pinalaya na
   mula sa nakakabahalang pagkatalot sa
   anumang lakas o kapangyarihan sa daigdig.
2. Walang anumang bagay sa sangnilikha ang
   maaring sambahin. Ang pagsamba sa diyos-
   diyusan ay isang pagtataksil sa Diyos.
Tao: Tugatog ng Paglikha
Ang Tao, Tugatog ng Paglikha
 “Ano nga ang tao upang iyong
  alalahanin? Ano nga siya na sukat mong
  kalingain? Nilikha mo siya na halos
  kapantay ng iyong luingning at
  kadakilaan. Pinamahala mo sa buong
  daigdig, sa lahat ng bagay, malaki at
  maliit. (Salmo 8:4-6)
Nakikita at Di-nakikita
• Ang Diyos ang lumikha sa langit at lupa, sa
  lahat ng bagay na nakikita at di-nakikita.
• Ang “lupa” ay tumutukoy sa lahat ng bagay
  na nakikita, hindi lamang sa ating
  planeta, kundi sa lahat.
• Ang “langit” ay sumasagisag sa hindi
  nakikitang espiritwal na daigdig ng
  Diyos, katulad ng mga anghel na mga purong
  espiritu.
Mga Anghel na Tagatanod
Ang Mga Anghel
• Ayon kay San Agustin: “Ang salitang ‘anghel’
  ay tumutukoy, hindi sa kanilang kalikasan,
  kundi sa kanilang tungkulin bilang mga
  ‘espiritwal na lingkod’ at mga isinugo upang
  tumulong sa mga maliligtas” (Hebreo1:14).

• Ang mga anghel ay puro at espiritwal na
  nilalang, may isip at kalooban.
Mga Anghel
      sa Kasaysayan ng Kaligtasan
Sa Aklat ng Lumang Tipan, ang mga anghel at
 arkanghel ay mga tanda at kasangkapan ng
 pagmamahal at pagkalinga ng Diyos sa
 kanyang bayan.
Sa Aklat ng Bagong Tipan, ang buhay ni
 Hesus, mula sa kanyang pagsilang hanggang
 sa pag-akyat sa langit, ay napapaligiran ng
 pagsamba at paglilingkod ng mga anghel.
Mga Anghel na Tagatanod
• Dahil sa personal na pagmamahal ng Diyos sa
  bawat nilikha, nagtalaga Siya sa bawa’t isa sa
  atin ng isang anghel para maging bantay at
  tagapagturo.

• Ayon kay San Basilio: “Ang bawa’t binyagan
  ay may anghel na tagapagtanggol at pastol na
  umaakay sa kanya sa buhay.”
Ang Kahulugan ng Paglikha
     Para sa Mga Tao
Unang Personal na Aspeto
• Ang Diyos ay lumikha, nagtataguyod sa
  bawat isa sa atin sa pag-iral ngayon.

• “Walang bagay na mananatili kung hindi
  mo kalooban, at walang
  makapagpapatuloy jung hindi mo
  nilalang.” (Karunungan 11:25)
Ikalawang Personal na Aspeto
• Ang Diyos ang nagkakaloob ng layunin
  sa paglikha at ang mga tao ay bumubuo
  ng lakas na nag-uugnay.

• “Lalangin natin ang tao. Ating gagawin
  siyang kalarawan natin. Siya ang
  mamamahala sa mga isda, mga ibon at
  lahat ng hayop.” (Genesis 1:26)
Tao: Katiwala sa Pangangasiwa
• Ayon sa PCP II: “Ang tao ay
  pinagkatiwalaan ng Diyos upang
  pangasiwaan ang daigdig at ito ay
  nangangailangan ng ating makataong
  pakikiisa, matatag at matiyagang
  paninindigang italaga ang sarili sa
  kabutihang-panlipunan, sa kabutihan ng
  lahat at ng bawat isa sapagkat tayo ay
  tunay na may pananagutan sa lahat.”
Ikatlong Personal na Katangian
• Ang pangako ng Manlilikha na maging
  kasama ng Kanyang mga nilikha.

• “Ako ay sasaiyo, huwag matakot. Ako
  ang iyong Diyos, di ka dapat mangamba
  kaninuman.” (Isaias 41:10)
Ang Banal na
Kagandahang-Loob
    ng Diyos
Tao: Kalarawan ng Diyos
• Dahil sa ating kakayanang mangatwiran, dahil
  sa ating kaluluwang espiritwal, at dahil sa
  ating kakayanang makagawa ng mga
  kapasyahang moral.
• “Mula sa kanyang kaloob-looban, ang tao ay
  isang panlipunang nilalang, at hangga’t hindi
  niya iniuugnay ang sarili sa iba, di siya
  mabubuhay at di niya mapapaunlad ang
  kanyang mga kakayahan.” (GS 12)
Pagkakaisa ng Sangkatauhan
• Ayon sa Vatican II: “Ang lahat ng tao ay
  bumubuo ng iisang pamayanan; iisa ang
  pinagmulan dahil nilikha ng Diyos ang buong
  sangkatauhan upang manirahan sa ibabaw ng
  lupa. Iisa rin ang layunin ng tao – ang Diyos.
  Ang kanyang kagandahang-loob, ang
  pagpapamalas ng kanyang kabutihan, ang
  kanyang plano ng kaligtasan, na
  ipinagkakaloob sa lahat ng tao….”
Ang Kasamaan at Paghihirap
• Hindi pinawi ng kagandahang-loob ng
  Diyos ang lahat ng kasamaan at
  paghihirap sa daigdig. Ngunit
  ipinagkaloob ng Diyos sa mga
  mananampalatayang Kristiano ang
  espiritwal na lakas at pag-asa na
  kinakailangan upang harapin ang mga
  kasamaan at tanggihan ito.

More Related Content

Creator of Heaven & Earth

  • 2. Ang Lumikha ng Langit at Lupa (Ika-4 na Panayam)
  • 3. “Nang simulang likhain ng Diyos ang lupa at langit… Ang langit ay naghahayag na ang Diyos ay dakila! Malinaw na nagsasaad kung ano ang kanyang gawa.” (Genesis 1:1 / Salmo 19:2)
  • 4. “Si Kristo ag panganay sa lahat ng nilikha. Sapagkat ang lahat ng nasa langit at nasa lupa ay pawang nilikha ng Diyos sa pamamagian niya at para sa kanya. Sa kanyang nasasalalay ang kaayusan ng lahat ng bagay.” (Corinto 1:15-17)
  • 5. Ang Manlilikha: Banal na Santatlo  Ang Tatlong Persona ay kumikilos nang sama-sama bilang Isang Diyos sa paglikha, pagtubos at pagpapanal. Ang Diyos Ama ay lumikha sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Hesu-Kristo, sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
  • 6. “Iisa lamang ang Diyos, ang Ama na lumikha ng lahat ng bagay, at tayo ay nabubuhay para sa kanya. Iisa ang Panginoon, si Hesukristo, at sa pamamagitan niya ay nilikha ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan din niya ay nabubuhay tayo, at ang Espiritu Santo na nagbibigay-buhay.” (1 Cor 8:6 / 2 Cor 3:6)
  • 7. Paliwanag ni San Ireneo: “Ang Diyos ay Ama, Manlilikha, May- Akda, ang gumawa ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng kanyang Salita (Anak) at Karunungan (Espiritu Santo), katulad ng kanyang dalawang kamay.”
  • 9. Ang Paglikha Ayon sa Biblia at Agham Ang pagkakaiba ng paliwanag ng paglikha ayon sa Biblia at Agham ay dalawang paraan ng pagpapaliwanag sa iisang gawang-sining. Ang pagpapaliwanag ng Agham ay kung “paano” – nakatuon sa mga materyal na ginamit, sukat, bigay, gulang, mga kulay at mga pamamaraan.
  • 10. Ang Paglikha Ayon sa Biblia at Agham Ang pagpapaliwanag sa Biblia ay tungkol sa “bakit” na binigyang-kahulugan ang layunin at hangarin ng Lumikha at ang kahulugan at katotohanan ng nilikha. Ipinahahayag din ng nilikha ang pag-uugali at katauhan ng Lumikha. Ang magkaibang pagpapaliwanag ay kapwa totoo at mahalaga, nagpupuno sa isa’t isa, at nagbibigay ng mas buong pang-unawa sa nilikha.
  • 11. Biblia at Agham Ang Biblia ay hindi sumasalungat sa turo ng Agham tungkol sa turo ng Ebolusyon. Ang anim na araw ng paglikha ay hindi nangangahulugan ng 24 oras sa isang araw. Ito ay isa lamang pamamaraan ng pagpapaliwanag na gumamit ng “biblical language” sa paglalahad ng katotohanan.
  • 12. Ayon sa Biblia…  Isa lamang ang Manlilikha na pinanggalingan ng lahat ng umiiral, na lumikha sa pamamagitan ng isang malaya at mapagmahal na pagkilos ng kanyang banal na kalooban at karunugan.
  • 13. Ang Paglikha Ayon sa Turo ng Simbahan 1. Ang Diyos ang lumikha mula sa kanyang banal na kabutihan upang ibahagi ang kanyang kabutihan sa iba, hindi dahil sa kanyang pangangailangan o kakulangan. 2. Lumikha Siya sa pamamagitan ng isang malaya, binalak, may nilalayong pagkilos, hindi sa pamamagitan ng kahit anong uri ng likas na pinagmulan.
  • 14. Ang Paglikha Ayon sa Turo ng Simbahan 3. Lumikha ang Diyos mula sa kawalan, hindi mula sa anumang bagay o mula sa ibang diyos na umiiral na.
  • 15. Ang Nalikhang Katotohanan Dalawang Kahihinatnan: 1. Ang lahat ay nakasalalay sa Diyos at walang lakas sa sangnilikha ang makalalaban sa Diyos. Ang mga Kristiano ay pinalaya na mula sa nakakabahalang pagkatalot sa anumang lakas o kapangyarihan sa daigdig. 2. Walang anumang bagay sa sangnilikha ang maaring sambahin. Ang pagsamba sa diyos- diyusan ay isang pagtataksil sa Diyos.
  • 16. Tao: Tugatog ng Paglikha
  • 17. Ang Tao, Tugatog ng Paglikha  “Ano nga ang tao upang iyong alalahanin? Ano nga siya na sukat mong kalingain? Nilikha mo siya na halos kapantay ng iyong luingning at kadakilaan. Pinamahala mo sa buong daigdig, sa lahat ng bagay, malaki at maliit. (Salmo 8:4-6)
  • 18. Nakikita at Di-nakikita • Ang Diyos ang lumikha sa langit at lupa, sa lahat ng bagay na nakikita at di-nakikita. • Ang “lupa” ay tumutukoy sa lahat ng bagay na nakikita, hindi lamang sa ating planeta, kundi sa lahat. • Ang “langit” ay sumasagisag sa hindi nakikitang espiritwal na daigdig ng Diyos, katulad ng mga anghel na mga purong espiritu.
  • 19. Mga Anghel na Tagatanod
  • 20. Ang Mga Anghel • Ayon kay San Agustin: “Ang salitang ‘anghel’ ay tumutukoy, hindi sa kanilang kalikasan, kundi sa kanilang tungkulin bilang mga ‘espiritwal na lingkod’ at mga isinugo upang tumulong sa mga maliligtas” (Hebreo1:14). • Ang mga anghel ay puro at espiritwal na nilalang, may isip at kalooban.
  • 21. Mga Anghel sa Kasaysayan ng Kaligtasan Sa Aklat ng Lumang Tipan, ang mga anghel at arkanghel ay mga tanda at kasangkapan ng pagmamahal at pagkalinga ng Diyos sa kanyang bayan. Sa Aklat ng Bagong Tipan, ang buhay ni Hesus, mula sa kanyang pagsilang hanggang sa pag-akyat sa langit, ay napapaligiran ng pagsamba at paglilingkod ng mga anghel.
  • 22. Mga Anghel na Tagatanod • Dahil sa personal na pagmamahal ng Diyos sa bawat nilikha, nagtalaga Siya sa bawa’t isa sa atin ng isang anghel para maging bantay at tagapagturo. • Ayon kay San Basilio: “Ang bawa’t binyagan ay may anghel na tagapagtanggol at pastol na umaakay sa kanya sa buhay.”
  • 23. Ang Kahulugan ng Paglikha Para sa Mga Tao
  • 24. Unang Personal na Aspeto • Ang Diyos ay lumikha, nagtataguyod sa bawat isa sa atin sa pag-iral ngayon. • “Walang bagay na mananatili kung hindi mo kalooban, at walang makapagpapatuloy jung hindi mo nilalang.” (Karunungan 11:25)
  • 25. Ikalawang Personal na Aspeto • Ang Diyos ang nagkakaloob ng layunin sa paglikha at ang mga tao ay bumubuo ng lakas na nag-uugnay. • “Lalangin natin ang tao. Ating gagawin siyang kalarawan natin. Siya ang mamamahala sa mga isda, mga ibon at lahat ng hayop.” (Genesis 1:26)
  • 26. Tao: Katiwala sa Pangangasiwa • Ayon sa PCP II: “Ang tao ay pinagkatiwalaan ng Diyos upang pangasiwaan ang daigdig at ito ay nangangailangan ng ating makataong pakikiisa, matatag at matiyagang paninindigang italaga ang sarili sa kabutihang-panlipunan, sa kabutihan ng lahat at ng bawat isa sapagkat tayo ay tunay na may pananagutan sa lahat.”
  • 27. Ikatlong Personal na Katangian • Ang pangako ng Manlilikha na maging kasama ng Kanyang mga nilikha. • “Ako ay sasaiyo, huwag matakot. Ako ang iyong Diyos, di ka dapat mangamba kaninuman.” (Isaias 41:10)
  • 29. Tao: Kalarawan ng Diyos • Dahil sa ating kakayanang mangatwiran, dahil sa ating kaluluwang espiritwal, at dahil sa ating kakayanang makagawa ng mga kapasyahang moral. • “Mula sa kanyang kaloob-looban, ang tao ay isang panlipunang nilalang, at hangga’t hindi niya iniuugnay ang sarili sa iba, di siya mabubuhay at di niya mapapaunlad ang kanyang mga kakayahan.” (GS 12)
  • 30. Pagkakaisa ng Sangkatauhan • Ayon sa Vatican II: “Ang lahat ng tao ay bumubuo ng iisang pamayanan; iisa ang pinagmulan dahil nilikha ng Diyos ang buong sangkatauhan upang manirahan sa ibabaw ng lupa. Iisa rin ang layunin ng tao – ang Diyos. Ang kanyang kagandahang-loob, ang pagpapamalas ng kanyang kabutihan, ang kanyang plano ng kaligtasan, na ipinagkakaloob sa lahat ng tao….”
  • 31. Ang Kasamaan at Paghihirap • Hindi pinawi ng kagandahang-loob ng Diyos ang lahat ng kasamaan at paghihirap sa daigdig. Ngunit ipinagkaloob ng Diyos sa mga mananampalatayang Kristiano ang espiritwal na lakas at pag-asa na kinakailangan upang harapin ang mga kasamaan at tanggihan ito.