2. Lagyan ng tsek ang mga
bagay na maaaring
gamitin upang
makatulong sa tamang
paraan ng pag-inom ng
gamot at X ang hindi
kailangan.
3. Saan Nagkamali si Luis
Masama ang pakiramdam ni Luis
nang dumating galing paaralan.
Pagkatapos ng hapunan, nagsimula
siyang bumahing at nahirapang
huminga dahil sa baradong ilong.
Agad siyang kumuha ng gamot
mula sa lagayan at ininom ito nang
hindi binabasa ang label.
4. Saan Nagkamali si Luis
Pagkalipas ang isang oras, sa halip na bumaba ang
lagnat at mawala ang sipon ay lalo pa itong lumala.
Naglitawan din ang maliliit na pantal sa katawan na
may kasamang pangangati. Nang dumating ang
kaniyang Nanay, nabahala ito sa kalagayan ni Luis.
Nagpasya ang kaniyang Nanay na dalhin siya sa
pinakamalapit na pagamutan.
5. Saan Nagkamali si Luis
Pinayuhan ng doktor ang mag-ina na
siguraduhing di pa lipas ang gamot na
iniinom, at laging nasa patnubay ng
nakakatatanda. Binigyan ng doktor si Luis
ng tamang gamut at panuto sa pag-inom
para sa kaniyang karamdaman.
6. Sagutin ang mga Tanong:
1. Ano ang naging sakit ni Luis?
2. Para saan ang ininom niyang gamot?
3. Ano ang nangyari sa kaniya?
4. Ano ang mali sa ginawa ni Luis?
5. Ano sa palagay ninyo ang dapat niyang ginawa?
7. Suriin ang larawan.
Pagkatapos ay sagutin ang
mga tanong. Isulat ang
sagot sa inyong papel
• Ano ang mapapansin sa
mga batang ito?
• Ano sa palagay ninyo ang
mga dahilan kung bakit
ganyan ang itsura nila?
8. MGA DAPAT TANDAAN SA PAG-INOM NG
GAMOT
• Uminom ng tamang gamot na nireseta ng doktor
• Uminom ng gamot ayon sa dami at tamang sukat nito.
• Basahin ang etiketa ng gamot bago ito inumin.
• Uminom ng tamang gamot para sa tamang uri ng sakit.
• Huwag uminom ng gamot na neriseta sa ibang tao.
• Huwag uminom ng gamot na lagpas na sa “Expiration
Date”.
9. Pagmasdan ang mga larawan. Alin sa mga larawan ang
nagpapakita ng hindi pagsunod sa tamang alituntunin sa
tamang pag-inom ng gamot? Isulat sa inyong papel kung
bakit mali ang ipinakikita nito.
11. Ang tamang paggamit o pag-inom ng gamot at pagsunod sa alituntunin sa
pag-inom nito ay dapat sundin. Ang hindi pagsunod sa tamang paggamit ng
gamot ay nakasasama sa katawan
Magpangkat at isadula ang isang sitwasyong nagpapakita ng maling
paggamit ng gamot at ipakita ang tamang paggamit nito.
12. Unang grupo: Paggamot sa sarili (self-medication)
Ikalawang grupo: Paggamit ng labis sa sukat (overdose)na
kailangan na gamut
Ikatlong grupo: Pag-inom ng iba’t ibang klase ng gamot sa
parehong sakit.
13. MGA DAPAT TANDAAN SA PAG-INOM NG
GAMOT
• Uminom ng tamang gamot na nireseta ng doktor
• Uminom ng gamot ayon sa dami at tamang sukat nito.
• Basahin ang etiketa ng gamot bago ito inumin.
• Uminom ng tamang gamot para sa tamang uri ng sakit.
• Huwag uminom ng gamot na neriseta sa ibang tao.
• Huwag uminom ng gamot na lagpas na sa “Expiration
Date”.