2. Ang pagbasa ay pagbibigay –
kahulugan o interpretasyon sa
anumang simbolong nakalimbag
na isinasagiwa natin dahil kung
walang pag-unawa ay walang
pagbasa.
5. Una ay ang persepsyon ,pagkilala sa mga
salita
Pangalawa ay komprehensyon ,ang
kakayaahang maunawaan ang nilalam,ng
teksto sa pamamagitan ng ng isang konsepto.
Ikatlo ay reaksyon,paghuhusaga at emosyonal
na pagtugon
Ikaapat ay integrasyon,ang kakayahang
maiangkop sa buhay ng mambabsa ang
anumang konseptong naunawaan upang
maging makabuluhan.
6. 1.Denotasyon-kahulugan ng salita na
nakukuha sa diksyunaryo ang literal na
kahulugan.Nakapaloob ang mga
sumusunod:
bigkas.bahagi ng pananalita,etimolohiya
ng salita,kayarian ng salita at ang
kasalungat na kahulugan
2.Konotasyon-ito naman ang paghihiwatig
o asosyatibong kahulugan .
7. Iskimming-pagbasa ng madalian
Iskanning-paghahanap ng tiyak na
impormasyon
Kaswal-kung ang layunin ng pagbasa
aypalipasan lamang ng oras
Komprehensiv-matiim na pagbasa,inisa-isa
nag bawat detalye
Kritikal
Pamuling pagbasa
Basang-tala
Suring-Basa
8. Graf –tawag sa sistematikong
paglalarawan ng mga datops na
istatistikal.Layunin nitong
maipakita sa madaling paraan
ang mahalagang kaisipan o
ideya.
9. 1.Pasirkulong o Pie graf-ginagamit upang
mahusay na maipakita ang relasyon ng
bahagi sa kabuuan sa pamamagita ng
porsiyento o praksyunal.
11. Ito ay isang Pie Graph na nagpapakita ng
Budget ng Pamilyang Santos sa Buwan ng
Enero. Ang kanilang kabuuang budget para sa
buwan ng enero ay Php. 30000. Humigit-
kumulang Php. 12000 (40%) ng kanilang
budget ay para sa pagkain. Naglalaan naman
sila ng Php. 1500 (5%) para sa kanilang
savings. Kumakain naming ng Php. 6000
(20%) ang pambayad sa kuryente, telepono at
tubig.
12. Php. 1500 (5%) naman ang inilalaan para
sa baon ng dalawa nilang anak paunta sa
paaralan. Nakatira sa Tondo, Maynila ang
Pamliyang Santos at wala silang sariling
bahay kaya’t nagbabayad sila ng Php. 3000
(10%) para sa upa ng kanilang apartment.
Hindi naman kumukulang ang monthly
budget. Ginagamit ang Pie Graph upang
ipakita ang paghati ng kabuuang porsyento
sa iba’t-ibang bahagdan.
13. Gawin ang sinasaad ng pahayag na ito.
Gamit ang Pie bar gumawa ng pagpaplano
kung paano mo ibudget ang pera mo sa
sitwasyong ito.
Ikaw ay isang estudyanteng nangungupahan
malapit sa iyong paaralan.Paano mo
ibubudget ang pera mo sa isang buwan na
3000.Kasali na lahat lahat ang araw-araw
mong pangangailangan.
Ipaliwanag ang ginawang Pie graf.
14. 2.Talangguhit o Line graf
-Ito ay isang uri ng grap na
gumagamit ng linya para maipakita
ang pagkakaugnay ng mga bagay o
datos na pinaghahambing.
Ipinapakita ng linya kung paano
nagbabago ang bilang, dami o sukat
ng mga bagay o datos na
ipinapakita sa grap.
16. Ipinapakita sa line graph na ito ang
gross income ng WVSU Publishing
House sa kanilang Science at Math
books sa nakaraang dalawang buwan.
Noong Enero 15, 2012, Kumita ang
Publishing House ng Php. 40,000 sa
pagbebenta ng mga Science Books.
Samantalang umabot naman ng Php.
11000 ang halaga ng nabentang Math
Books sa mag katulad na araw at
buwan.
17. Gumawa ng line graf gamit ang mga
sumusunod na datos.Ito ay bilang ng mag-
aaral sa iba’t ibang grado
LALAKE BABAE
Grade 1- 25 30
Grade 2 15 28
Grade 3 12 40
Grade 4 32 8
Grade 5 10 22
Grade 6 9 40
Gumamit ng * para sa male at+ para sa female
18. 3. Bar Graf
Ang bar graf ay ginagamit sa
paghambing o pagpapakita ng
kalakaran ng sukat. Nagpapakita ito
ng kaugnayan ng mga ideya o
paghahambing ng magkaugnay na
mga ideya.
20. Gumawa ng Bar Graf gamit ang mga
sumusunod na datos. Ito ay halimbawa ng
pupolasyon sa SPCIS,level terserya
2007-420
2008-400
2009- 450
2010-375
2011-480
2012-600
Ipaliwanag ang ginawang graf
22. Ang isang larawan ng Palay ay
kumakatawan ng 20 sako ng bigas.
Ang mga taon na nasasakop sa graph
na ito ay ang mga sumusunod: 2007,
2008, 2009, 2010 at 2011. nakaani
lamang ang pamilyang Reyes ng 80 na
sako ng bigas noong 2007. Ang 2011
naman ay may pinakamalaking nakita
na umaabot sa 220 na sako ng bigas.
23. Noong 2010, mayroong 160 na sako ng
bigas. Mas mataas ito kumpara noong
taong 2009 na mayroon lamang 120 na
sako ng bigas. Ngunit mas mababa ito
noong 2008 na mayroon lamang 180 na
sako ng bigas. Ang kabuuang nakita ng
pamilyang Reyes sa loob ng
magkakasunod na 5 taon ay 760 na sako
ng bigas. Ang pictograph ay makakatulong
upang mas malinaw ang pagpapakita ng
impormasyon.
24. Maikling paraan ito ng paglalahad ng mga
kaugnay na impormasyong tambilang.Ang
mga paksa at bilang ay maayos na
inihahayag sa kolum upang mabilis na mabasa
at makagawa ng paghahambing.
25. Tsart ng Organisasyon-Binubuo ito ng mga
kahon na pinag-uugnay ng mga linya.Ang mga
kahon ay nakahanay mula sa itaas
pababa.Ang kahon sa itaas ay karaniwang
nag-iisa lamang at kumakatawan sa
pinakamataas na posisyon.
27. Ipinapakita rito ang iba’t ibang
paraan ng paglalahad ng
proseso.Karaniwang nagsisimula sa
kanan patungong kaliwa o kaya’y
itaas pababa.Ito ay ginagamitan ng
arrow upang ipakita ang daloy ng
proseso.