2. State of the Nation Address
Of
His Excellency Benigno S. Aquino III,
President of the Philippines
to the Congress of the Philippines, Batasang
Pambansa, Quezon City
JULY 28, 2014
Bise Presidente Jejomar Binay; mga dating Pangulong
Fidel Valdez Ramos; Senate President Franklin M.
Drilon at mga miyembro ng Senado; Speaker Feliciano
Belmonte Jr. at mga miyembro ng Kamara de
Representante; Chief Justice Maria Lourdes Sereno at
ang ating mga mahistrado ng Korte Suprema; mga
kagalang-galang na kagawad ng kalipunang
diplomatiko; mga miyembro ng Gabinete; mga opisyal
ng lokal na pamahalaan; mga kasapi ng militar, pulis, at
iba pang kawani mula sa ating unipormadong hanay;
mga kapwa ko nagseserbisyo sa taumbayan; at sa aking
mga Boss, ang mga minamahal kong kababayan:
3. ANG HINDI TUMINGIN SA PINANGGALINGAN
Ito po ang aking ikalimang SONA, isa na lamang ang
natitira. May kasabihan po tayo: Ang hindi lumingon sa
pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.
Kaya marapat lang po siguro tayong magbalik-tanaw:
Noon, ang sitwasyon natin: Para bang kahibangan ang
mangarap. May burukrasyang walang saysay, patong-
patong ang tongpats, at bumubukol ang korupsyon sa
sistema. Naturingan tayong “Sick Man of Asia.” Ang
ekonomiya, matamlay; ang industriya, manipis. Walang
kumpiyansang mamuhunan sa bansa. Ang resulta:
kakarampot ang trabahong nalilikha. Dinatnan nating
tigang sa pag-asa ang mamamayang Pilipino. Marami
sa atin ang sumuko at napilitang makipagsapalaran sa
ibang bansa. Nakayuko na lamang nating tinanggap:
Talagang wala tayong maaasahan sa ating pamahalaan
at lipunan.
Nalugmok nga po ang Pilipinas dahil sa labis na
pamumulitika. Naglaho ang pananalig natin sa isa’t isa,
4. humina ang kumpiyansa sa atin ng mundo, at ang
pinakamasakit: Nawalan tayo ng tiwala sa ating mga
sarili.
Sa puntong ito natin sinimulan ang pagtahak sa tuwid
na daan.
REINVESTING IN THE PEOPLE
Bilang ama ng bayan, nakaatang sa aking balikat, hindi
lang ang mga suliraning ating dinatnan at mga
lumilitaw sa kasalukuyan—obligasyon ko ring
paghandaan ang kinabukasan. Sa bawat sandali,
kailangan kong isaalang-alang ang interes at punto-de-
bista ng lahat. Isipin na lang po ninyo: Para kang
nanonood ng 200 channel sa telebisyon nang sabay-
sabay. Kailangan, alam mo, hindi lang ang
kasalukuyang nagaganap, kundi ang pinanggalingan at
paroroonan ng nilalaman ng bawat channel. Bawal
malito, at kailangan, may tugon ka sa anumang tanong,
suhestyon, at kritisismo—at dapatsagutin mo ito, bago
pa iharap sa iyo.Hindi po madali ang trabahong ito, at
5. tao lang po ako, na kung minsan, nagkakaroon dinng
agam-agam.
Ngunit buo ang aking loob dahil malinaw ang aking
pangunahing layunin: Ang ibalik ang gobyerno sa dapat
nitong tuon—ang paglingkuran ang taumbayan sa
lahat ng panahon.
Di po ba’t may kasabihan tayo: Bigyan mo ng isda ang
tao, at mapapakain mo siya ng isang araw. Turuan mo
siyang mangisda, at habambuhay niyang mapapakain
ang sarili niya. Halimbawa nito ang TESDA. Sa Training-
for-Work Scholarship Program, nag-ambag ang DAP ng
1.6 billion pesos.Nakapagpatapos po ito ng 223,615
benepisyaryo. 66 porsyento nito—o katumbas ng
146,731 graduates—ang nagtatrabaho na ngayon. Iyon
naman pong 34 percent na natitira, tinutulungan na rin
ng TESDA na makahanap ng trabaho. Tingnan po ninyo:
Lahat po ng mga TESDA scholar, nakalista ang pangalan
at iba pang datos, na puwede ninyong kumpirmahin.
6. Kung hahatiin natin sa bilang ng graduates ang
naipagkaloob na pondo, pumapatak ng 7,155 piso ang
naipuhunan ng pamahalaan para sa training ng bawat
scholar. Sa BPO sector, mababa na ang kitang 18,000
piso kada buwan. Kada taon, kikita siya ng 234,000
piso. Ibigay man ang maximum tax deduction, ang
magiging income tax niya kada taon: 7,900 piso. Ibig
sabihin, ang pinuhunan ng estadong 7,155 piso, sa
unang taon pa lang, nabawi na, may sobra pa. Ito, at
ang lahat ng ibubuwis ng ating scholar hanggang
magretiro siya, ay magbibigay naman sa kanyang
kababayan ng parehong pagkakataon. Ito po ang
mabuting pamamahala: May tamang intensyon,
pamamaraan, at resulta. Lahat panalo.
Pakinggan po natin ang kuwento ng dalawang TESDA
graduate:
Nasimulan na rin po natin ang Expanded Conditional
Cash Transfer Program nitong Hunyo 2014, na may
pondong 12.3 billion pesos. Ngayon, suportado na rin
ng estado hanggang umabot ng 18 taong gulang ang
7. benepisyaryo.Bakit? Batay po kasi sa pag-aaral ng
Philippine Institute for Development Studies, 40
porsyento ang dagdag na sinasahod ng high school
graduate, kumpara sa grade school lang ang natapos.
Namumuhunan po tayo sa pinakamahalagang yaman
ng bansa: ang taumbayan. Pinapatunayan ito ng datos
ng NEDA. Ayon sa kanila, ang 27.9 percent na poverty
incidence natin sa unang semester ng 2012, bumaba
patungong 24.9 percent sa kaparehong panahon
noong 2013. Ang 3 percentage points pong ito ay
katumbas ng halos 2.5 milyong Pilipinong naka-alpas
na sa poverty line. Totoo namang dapat pagtuunan ng
masusing pansin ang pinakamahirap sa lipunan. Pero
hindi tayo titigil diyan: Ngayong nadagdagan ang
kakayahan natin, sinisikap nating hindi na manumbalik
sa ilalim ng poverty line ang lahat ng nakaalpas.
REGAINING TRUST THROUGH GOOD GOVERNANCE
Dumating po tayo sa lipunang parang isang sirang
bahay na hindi natin malisan. Ang malala pa dito, halos
8. wala tayong kagamitan at materyales para ayusin ang
sira. Nitong mga nakaraang taon, sa pakikiambag ng
bawat mapagkapwang Pilipino, nabubuo na natin ang
mga kagamitan at materyales na ito—tulad ng budget
na tanging nakatuon sa pangangailangan ng
mamamayan, at apat na sunud-sunod na taon na
nating naipapasa sa tamang oras. Kasama nito ang mga
batas na nagpapabilis ng pagdating ng pakinabang sa
ating mga Boss.
ECONOMIC ACHIEVEMENTS
Dito po—sa isang patas na sistema—nagsimula ang
panunumbalik ng sigla ng ating ekonomiya. Nakatipid
tayo dahil sa maayos na pangangasiwa ng pondo.
Napapalawak natin ang saklaw ng mga serbisyo nang
hindi nagtataas ng buwis, maliban sa Sin Tax Reform na
layuning ibsan ang bisyo sa lipunan.
Nagtrabaho tayo para magkaroon ng kakayahang
tustusan ang mga proyektong ipinatupad,
ipinatutupad, at ipatutupad pa natin. Pinaigting natin
9. ang pangongolekta ng buwis: mula sa koleksyong 1.094
trillion pesos noong 2010, naitaas natin ito sa 1.536
trillion noong 2013. Inayos natin ang pamamahala ng
ating mga utang. Ang resulta: Bumaba ang ating debt
to GDP ratio; ang perang dating dapat ibabayad sa
interes, napunta na sa social services. Pati ang mga
obligasyong karamihan ay minana lang, natugunan din
natin. Halimbawa: 1993 o panahon pa ni Pangulong
Ramosnang itinakda ang obligasyong i-recapitalize ang
Bangko Sentral ng Pilipinas sa halagang 50 bilyong piso
para magawa niya ang kanyang tungkulin. Ang
napondohan ng mga administrasyong nauna sa atin, 10
bilyong piso. 40 bilyon ang kakulangang iniwan sa atin;
nabayaran na po natin ito.
Pinaghirapan natin ang pondong mayrooon tayo
ngayon, kaya’t hindi po natin maaatim na waldasin
lang ito. Kung pipili nga ng tamang pinuno ang ating
mga Boss, malalagpasan pa ng susunod ang ating mga
nagawa, dahil malaki na ang naibawas natin sa
10. problema, at mas matayog na ang kanilang
pagmumulan.
Bakit po mas matayog? Nitong 2013, sa unang
pagkakataon, nagkamit tayo ng investment grade
status mula sa Moody’s, Fitch, at Standard and
Poor’s—ang tatlong pinakatanyag na credit rating
agency sa mundo. Sa pagsusuri nila ng ating
macroenomic fundamentals at governance,
nabawasan ang riskong itinatala, kaya tumingkad ang
kumpiyansa ng mga namumuhunan. Hindi pa nga po
nakuntento ang Standard and Poor’s: Nitong Mayo
lang, panibagong upgrade na naman ang ibinigay nila
sa atin. Ang hatid po nito: Dahil nga investment grade
na tayo, mas murang mahihiram ng gobyerno ang
pondo para sa mga programa at proyekto, mas
maraming naaakit na mamuhunan sa ating bansa, at
mas mabilis na natatamasa ng Pilipino ang benepisyo.
Kung susumahin naman po ang lahat ng puhunang
pumasok sa Philippine Economic Zone Authority simula
nang itatag ito noong 1995, makikitang 42 porsyento
11. ang pumasok sa 4 na taon ng ating panunungkulan.
Ang natitirang 58 porsyento, inabot ng 15 taon ang
ibang mga administrasyon para bunuin. Kumpiyansa po
tayo: bago tayo bumaba sa puwesto, papantayan o
hihigitan pa natin ang halagang ito. Kay Director
General Lilia de Lima: Salamat sa nagawa mo na, at
gagawin pa, sa pagkamit ng tagumpay na ito.
Talagang pa-take-off na ang ating ekonomiya at bansa,
at inaabot na natin ang mas matatayog pang mithiin.
Minana natin ang tila grounded na aviation industry:
napatawan tayo ng significant safety concerns ng
International Civil Aviation Organization o ICAO,
nabigyan ng downgrade ng United States Federal
Aviation Administration, at nilagyan ng restriction ng
European Union ang ating mga local carrier.
Nitong 2013, inalis na nga po ng ICAO ang significant
safety concerns sa Pilipinas. Sa parehong taon,
sinundan ito ng pagpayag ng European Union na
muling lumipad ang Philippine Airlines patungong
Europa, kaya direkta nang makakabiyahe ang Pilipino
12. mula Maynila hanggang London. Malamang nga po,
pasunod na ang Cebu Pacific dahil nabigyan na rin sila
ng pahintulot ng EU ngayong 2014. Ngayong taon din,
inupgrade ng United States Federal Aviation
Administration ang Pilipinas sa Category 1. Dahil dito,
maaari nang dumagdag ang mga ruta papunta sa
Estados Unidos.Sa larangan ng turismo at
pangangalakal, malaki ang itinulong ng pagdami ng
flight ng ating airlines tungo sa ibang bansa.
Dumarating sa atin ang mga ulat na sa dami ng gustong
bumisitang negosyante at turista sa ating bansa, kulang
na ang mga biyahe papunta rito. Magandang balita nga
po ang mga upgrade: Dadami ang biyahe, kaya’t
matutugunan ang suliraning ito. At sa patuloy na
pagtutulungan ng CAAP at ng ating mga local carrier,
pihadong mas marami pa tayong maaakit na turista at
negosyante sa mga susunod na taon. Panalo ang mga
umaasa sa sektor ng turismo, panalo ang sambayanang
Pilipino. Mabuting pamamahala po ang ugat ng mga
tagumpay na ito. Nagpapasalamat nga tayo kina
13. Director General William Hotchkiss, sa CAAP, at sa
ating mga local carrier para sa inyong pagsisikap.
Talagang nasa sentro ng pandaigdigang entablado ang
Pilipinas. Nito lang pong nakaraang Mayo,
nagpakitang-gilas tayo sa tagumpay ng pagdaraos ng
World Economic Forum on East Asia sa ating bansa.
Ihahayag natin sa gaganaping APEC Summit dito sa
susunod na taon ang kaunlarang nakakamit natin at
ang pagkakataong hatid nito para sa lahat. Walang
duda: More open for business na nga po ang Pilipinas.
Bukod nga po sa maaliwals na pagnenegosyo,
isinusulong din natin ang maayos na relasyon ng ating
mga manggagawa at mga kompanya.
Isipin po ninyo: Mula 2010, nananatiling mababa pa sa
sampu kada taon ang bilang ng mga strike ayon sa
National Conciliation and Mediation Board. Isa po itong
positibong bunga ng itinataguyod nating Single Entry
Approach o SEnA ng DOLE, kung saan dumadaan sa 30-
day conciliation-mediation ang mga nakahaing labor
14. cases. Ang maganda nga po: sa 152 notices of strike
and lockout noong 2013, isa lang ang natuloy na welga.
Ito ang pinakamababa sa kasaysayan ng DOLE.
INFRASTRUCTURE
Batid rin natin: Para magpatuloy ang pag-angat ng
ekonomiya at pagbukas ng pagkakataon, kailangan ng
imprastruktura. Ito ang aakit sa mga negosyante,
magpapabilis sa daloy ng produkto at serbisyo, at
sisigurong kaya nating makipagsabayan sa iba pang
merkado sa daigdig.
Napakalaki po talaga ng pagbabago: Lampas doble na
ang budget para sa imprastruktura, mula 200.3 billion
pesos noong 2011, naging 404.3 billion pesos ngayong
2014. Paalala ko po: Hindi po tayo nagdagdag ng buwis
maliban sa Sin Tax Reform na nakatugon sa kalusugan,
habang napanatili din ang ating allowable deficit, at
patuloy na bumababa ang ating debt to GDP
ratio.Malaki po ang epekto nito, dahil hindi lang lumaki
ang pondo: binawasan pa natin ang mga tagas sa
15. sistema, kaya natitiyak nating mas sulit ang bawat
pisong ginagastos ng estado.
Sa pamumuno ni Secretary Babes Singson ng DPWH:
Bawal ang tongpats, bawal ang bukol. Tinapalan na ang
mga butas sa lumang sistema, at pinatag ang proseso
sa ahensya. Isang simpleng halimbawa po nito ang
pagtatanggal ng Letter of Intent sa bidding process.
Noon po kasi, ginagamit ito bilang kasangkapan sa
kuntsabahan—kapag nalaman kung sino-sino ang
bidders ng proyekto, binibigyan ng puwang ang
sabwatan. Isa pa: Ang mga dokumentong hinihiling
mula sa bidders: 5 na lang, mula sa dating 20. Mas
mabilis ang proseso, at mas kaunti ang pagkakataong
manghingi ng pampadulas osuhol. Ang resulta: Halos
28 bilyong piso ang naisalbang pondo, at napaaga ang
pagpapatupad ng mga susunod na proyekto. Kaya
naman kay Sec. Babes at sa bumubuo ng DPWH:
maraming salamat sa inyo.
Hanep po talaga: Kasabay ng mga natipid ng DPWH,
ang nailatag, napaayos, napalawak, o naipagawa nilang
16. kalsada mula nang maupo tayo, umabot na sa 12,184
kilometro. Isipin ninyo: katumbas ito ng 4 na kalsadang
nag-uugnay sa Laoag hanggang Zamboanga City.
National roads lang po ito; wala pa rito ang mga local
farm-to-market roads o tourism roads.
Sa Public-Private Partnership program naman po: Mula
Disyembre 2011 hanggang nitong Hunyo, nakapag-
award at nakalagda na ng pitong PPP projects ang
inyong pamahalaan; ang halaga nito: tinatayang 62.6
billion pesos. Sa apat na taon natin sa tuwid na daan,
nalampasan na natin ang pinagsamang anim lamang na
aprubadong solicited PPP projects mula sa nakaraang
tatlong administrasyon.
Ang laki na po talaga ng pinagkaiba ng noon sa ngayon.
Sabi nga ni Secretary Cesar Purisima, dati, hindi
makaakit ang Pilipinas ng mga investor. Noon,
gobyerno pa mismo ang nag-aalay ng kaliwa’t kanang
insentibo, tulad ng pagbibigay ng commercial
development rights, subsidy, at iba pang garantiya.
Ngayon, baliktad na ang sitwasyon. Matindi ang
17. kompetisyon ng mga nag-uunahang kompanya; handa
silang magbayad para makuha ang pribilehiyong itayo
ang imprastrukturang kailangan natin. Halimbawa: Sa
Mactan-Cebu International Airport Passenger Terminal
Building, may premium ang gobyerno na umabot sa
mahigit 14 bilyong piso; sa NAIA Expressway Project
Phase 2, nakakuha ang gobyerno ng premium na 11
bilyong piso. Muli: Mabuting pamamahala ang ugat ng
lahat ng ito.
Tingnan naman natin ang TPLEX. Dahil sa kalsadang ito,
maginhawa na ang biyaheng Tarlac hanggang Rosales
sa Pangasinan. Ayon sa kanila, ang bahagi hanggang
Urdaneta, makukumpleto na bago matapos ang 2014.
Sa susunod na taon, aabot na raw ang daang ito
hanggang sa La Union.
Ang mga imprastrukturang matagal nang ipinako sa
pangako, atin na rin pong isinasakongkreto. Ang
Aluling Bridge, na 1978 pa binuo ang konsepto, bukas
na sa publiko. Ang Metro Manila Skyway Stage 3, na
bahagi ng Metro Manila Expressway na proyekto pa
18. noong dekada sitenta, inilunsad na natin noong Enero.
Sa mga dumadaan ng Osmeña Highway, nakikita
naman po ninyo kung gaano kabilis itayo ang mga
haligi para dito.Ang Ternate-Nasugbu Road, na noon
pang 1994 sinimulang ilatag ang plano—100 percent
complete na rin ngayon. Ang Basilan Circumferential
Road, na year 2000 pang under construction, malapit
na ring matapos. Ilan lang po ito sa mga
imprastrukturang wala tayong planong ipamana bilang
problema; sa halip, ngayon, nagsisimula na itong
mapakinabangan ng ating mga Boss.
NEDA BOARD-APPROVED PROJECTS
Muli, dahil sa mabuting pamamahala, mas may
kakayahan na tayong tugunan, maging ang mga
problemang paparating pa lang. Halimbawa: sa tubig.
Alam nating habang lumalago ang populasyon at
umaangat ang ekonomiya, mas maraming tubig ang
kakailanganin sa mga susunod na taon. Ayon nga po sa
pag-aaral, maaaring magkaroon ng kakulangan ng
tubig sa Metro Manila pagdating ng 2021. Hindi na po
19. natin hihintayin ang tagtuyot: Ang mga solusyong
talagang pinag-aralan ng mga dalubhasa, inaprubahan
na po natin—ang Kaliwa Dam Project sa Quezon, at
ang pag-aayos ng mga linya ng Angat Dam. Magandang
solusyon po ito kaysa kumuha ng tubig mula sa mga
aquifer sa ilalim ng lupa, na mas madaling pasukin ng
tubig-alat. Isa pa, kung sa mga aquifer lang tayo
nakasalalay, mas mapapabilis ang paglubog ng lupa—
na siya namang nagiging dahilan ng pagbaha.
Kasabay po ng mga dam para sa Metro Manila at mga
karatig-bayan ang suporta natin sa mga taga-lalawigan.
Aprubado na rin ang Water District Development
Sector Project, sa ilalim ng Local Water Utilities
Administration.
Siguro po, narinig na rin ninyo ang pinakamalaki nating
PPP project—ang Laguna Lakeshore Expressway Dike—
na bubuksan na rin ang bidding bago matapos ang
2014. Napakaraming benepisyong maidudulot nito.
Una, mababawasan ang pagbaha. Ngayon po, pag
pumalo ng 12.5 metro ang taas ng tubig sa lawa, tiyak,
20. babahain na ang mga komunidad sa paligid nito. Ang
solusyon: dikeng may taas na higit sa 15 metro.
Ikalawa: Malilinis ang tubig sa Laguna Lake. Ikatlo:
Bawas trapik. Sa ibabaw ng dike, magkakaroon ng
expressway, na babagtas sa Los Baños hanggang
Taguig. Pag natapos ang C-6 road na kokonekta sa San
Jose Del Monte, may isa na naman tayong paraan
upang makatawid ng Kamaynilaan nang hindi na
kakailanganing dumaan sa EDSA. Sa pakikituwang
ngpribadong sektor, ang obligasyon natin dito ay right
of way lang; porsyento ng lupang mare-reclaim ang
ipapambayad sa mananalong bidder. Dahil
dito,makukuha natin ang ating mga pangangailangan,
habang mababawasan din ang ating gastusin.
Ilang halimbawa lang po iyan ng mga proyektong
nakapila na para magdala ng benepisyo sa ating mga
Boss. Marami pang iba: Aprubado na rin ng NEDA
Board ang Laoag City Bypass Link Road Project; ang
Cebu Bus Rapid Transit Project; at ang LRT Line 1 South
Extension and Line 2 East Extension. Sa mga taga-
21. Palawan naman: Maliban sa mga proyekto sa Puerto
Princesa Airport, abangan na rin ninyo ang Busuanga
Airport. Naka-go signal na rin po ang pagpapatayo ng
phase one ng modernong Clark Green City sa Capas,
Tarlac, na pihadong magsisilbing sentro ng komersyo at
industriya, hindi lang sa Gitnang Luzon, kundi sa
kalakhang bansa. Sa dulo po, ang ambisyon natin sa
Clark Green City—maging di hamak itong mas malawak
na Bonifacio Global City. Ang dating liblib, magiging
hitik sa oportunidad.
REGAINING THE TRUST OF OUR PEOPLE
Sa mabuting pamamahala, nanunumbalik ang tiwala ng
merkado, ng mundo, at ng taumbayan sa ating
gobyerno. Nagbubunsod ito ng isang siklo: Dahil
nakikita ang resulta ng agenda ng reporma,
nakikiambag ang bawat isa sa ating mga Boss. Talagang
hindi nag-iisa ang gobyerno sa pagsusulong ng
malawakan at makabuluhang reporma. Totoo nga po:
Kayo ang aming lakas.
22. Kaya nga, Boss: Salamat sa inyong tiwala at pakikiisa,
na lalong naging mahalaga sa mga panahong
sinalubong tayo ng sunud-sunod na trahedya.
DISASTERS: ZAMBOANGA, BOHOL, YOLANDA,
GLENDA
Noong Setyembre 2013, sinugod ng masasamang
elemento ang Zamboanga: Ginawang human shield
ang mga kababayan nating namumuhay nang
mapayapa, at sinunog pa ang kanilang mga tahanan.
Nasubukan ang galing ng ating unipormadong hanay.
Pinakamasalimuot sa larangan ng bakbakan ang urban
combat—ngunit 195 ang nailigtas natin, sa 197
kataong naipit sa putukan. Saludo tayo sa ating mga
kapatid sa unipormadong hanay: Nagtagumpay ang
sambayanan dahil sa inyong sakripisyo.
Inatasan po natin si Secretary Singson na pangasiwaan
ang rehabilitasyon ng imprastrukturang nasira sa
Zamboanga. Pangunahin sa mga pangangailangan:
mabigyan ng tahanan ang mga kababayan nating
23. nasunugan. Ito po mismo ang isinasagawa natin sa
ilalim ng Zamboanga City Roadmap to Recovery and
Reconstruction. Pagpasok nga po ng Agosto,
magsisimula nang lumipat ang mga apektadong
pamilya sa mga permanenteng bahay sa Martha Drive
Subdivision. Kabuuang 7,176 na kabahayan sa iba’t
ibang lugar ang target nating makumpleto sa Hunyo ng
susunod na taon. Humihingi po kami ng pang-unawa.
Maraming problemang kinailangan munang lutasin
ukol sa pagkuha ng lupang lilipatan. Tinitiyak din nating
ang mga tahanang ito ay sumasang-ayon sa
pangangailangan ng kanilang relihiyon at kultura,
kaya’t hindi pangkaraniwan ang mga ito. Sa 1,661
pamilya namang gustong sila mismo ang magkumpuni
ng sariling tahanan,30,000 pisong halaga ng Home
Materials Assistance ang ipinapamahagi na.
3.5 billion pesos po ang nakahanda para sa
pagpapaayos ng imprastruktura, pagbili ng mga lote,
pagpapatayo ng mga permanenteng tahanan, at iba
24. pang suporta sa Zamboanga. 2.57 billion pesos dito,
nai-release na sa NHA at DPWH.
Ilang linggo naman matapos ang krisis sa Zamboanga,
niyanig ng lindol ang Central Visayas; pinakamalaki ang
pinsala sa Bohol. Dito natin nakita ang maaaring
maabot ng sambayanang nagkakaisa sa pagresponde
sa sakuna. Isang linggo matapos ang lindol, may
kuryente na sa Tagbilaran at sa lahat ng munisipalidad
sa Bohol.
Ngayon nga po, bawat isa sa 25 na kritikal na tulay at
kalsadang nasira ng lindol, nadadaanan na. May
kabuuang 3.583 billion pesos nang nai-release para sa
rehabilitasyon ng Bohol at Cebu. Kasama na rito ang
2.49 billion pesos na ipinagkaloob ng DILG sa lokal na
gobyerno, para sa pagpapagawa ng mga palengke, civic
center, tulay, water systems, munisipyo at ibang
strukturang pampamahalaan.
Bago naman po matapos ang 2013, dumating si
Yolanda— ang pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan.
25. 1.47 milyong pamilya ang talagang naapektuhan, at 44
sa ating 81 probinsya ang tinamaan. Sa Eastern
Visayas, kung saan pinakamalakas ang pinsalang
nadulot, napakaraming kinailangan ng agarang lingap.
Sa sobrang lakas ng bagyo, naparalisa ang maraming
LGU dahil sila mismo ay tinamaan.Natangay po pati
ang ating prepositioned relief goods, kaya’t talagang
kinailangang manggaling sa ibang lugar ang tulong.
Lalo pang naging mabigat ang pagdadala ng ayuda,
dahil bagsak ang imprastruktura: Walang kuryente,
hindi madaanan ang kalsada, at halos lahat ngtruck at
heavy equipment na kailangan ng ating first responder
ang nasira sa pinakaapektadong lugar. Walang
gasolina, at walang komunikasyon.
Kinailangan po talaga ng pambihirang pagkakaisa para
ipaabot ang tulong sa mga apektadong pamilya,
kalingahin ang mga naulila’t sugatan, siguruhing
walang mangyayaring outbreak ng sakit, at marami
pang ibang tungkulin. Halimbawa lang po sa pagkain.
Hindi lang bigas at de-lata ang kinailangang intindihin:
26. kailangan din ng mga repacking center, ng maraming
truck, pati na ng mga barkong magtatawid ng ayuda sa
mga apektadong probinsya. Pagdating doon ng relief
goods, kailangang malinis na ang kalsadang dadaanan,
at mapagasolinahan ang mga truck nang makabalik sila
sa pinanggalingan, upang muling makapagkarga ng
mga food pack.
Hindi nagpatumpik-tumpik sa pagresponde ang inyong
gobyerno. Nagmadali tayong linisin ang airport, kaya sa
loob ng 24 oras matapos ang bagyo, nakapasok na ang
tatlo nating C130 na may dalang ayuda. Sa mismong
araw ding iyon, nakapagtayo tayo ng communications
hub para maging mas mabilis ang daloy ng
impormasyon. Sa ikalawang araw, dumating na ang
Rapid Health Assessment teams ng DOH; ang dagdag
na sundalo, pulis, at BFP personnel mula sa ibang
probinsya; pati na mga kawani ng DSWD na nanguna sa
relief operations— sa distribution centers man sa
Eastern Visayas, o sa maraming repacking centers na
agad na nagbukas sa buong bansa.
27. Sa loob lang ng dalawang araw, napagana na ang Leyte
water district; sa ikatlong araw naman, bumukas ang
unang gasolinahan. Agad na nilinis ang pangunahing
mga kalsada. Pagsapit ng ika-22 ng Nobyembre o
dalawang linggo matapos ang bagyo, naipamahagi na
ang ika-isang milyong food pack sa mga nasalanta; at
nalinis na ang 35,162 cubic meters ng debris; atnalinis
at nadadaanan na muli ang 3,426 kilometers ng
National Roads—kasalukuyan naman nating
kinukumpuni ang 108.8 kilometrong napinsalang
daanan, tulay, approaches, at landslide prone areas.
Pagsapit nga po ng Pasko ng 2013, may kuryente na sa
lahat ng munisipalidad na tinamaan ng sakuna.
Kumbaga po sa Emergency Room, ibinuhos ng estado
ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang agad na
mai-stabilize ang pasyente. Nagpapasalamat tayo sa
mga kasapi ng ating Gabinete, na talaga naman pong
nanguna sa pagresponde sa mga apektadong
komunidad. Sina Sec. Cesar Purisima at Sec. Joel
Villanueva ng TESDA, na namuno sa logistics at nag-
28. organisa sa mga repacking center, nagmistulang
warehouse operator. Si Sec. Greg Domingo ng DTI,
naging head purchasing agent ng bansa, habang si Sec.
Linda Baldoz naman ng DOLE ay minabuting maging
call center operator para sa lahat ng gustong
tumulong. Salamat din kina Sec. Jun Abaya ng DOTC,
na naging dispatcher ng ating transportasyon; kay Sec.
Dinky Soliman na talagang pinatunayan ang pagiging
punong relief worker ng bansa; at kina Sec. Mar Roxas
ng DILG at Sec. Volts Gazmin ng DND, na nagbigay ng
marching orders sa ating unipormadong hanay mula sa
frontline ng sakuna. Salamat sa ating Gabinete.
To our friends and neighbors around the world: Your
outpouring of solidarity will never be forgotten by a
grateful Filipino people. Thank you.
Marahil nga po, sa kahandaan nating makiambag sa
abot ng ating makakaya, na siyang ipinapamalas ng
ating OFWs, peacekeepers at iba pang Pilipino sa labas
ng bansa, nang tayo naman ang nangailangan, nakita
ng mundong karapat-dapat din tayong tulungan.
29. Salamat sa inyo, at sa lahat ng Pilipinong nag-alay ng
dalangin at suporta, dito man o sa ibang panig ng
mundo.
Hindi po natigil ang trabaho natin. Nagsagawa tayo ng
livelihood interventions, upang maging mas mabilis
ang pagbangon ng mga nasalanta nating kababayan.
Ngayong Hulyo nga po, 221,897 trabaho na ang nalikha
matapos tayong magkaloob ng bangka, kagamitan sa
pangingisda at pagtatanim, mga binhi, at livestock.
Kasama na rin po dito ang mga sinuwelduhan nating
naging kabahagi ng cash for work program.
Tanggap naman po siguro ng lahat na malaki ang
problemang dala ni Yolanda. Pero ayon nga po sa
international standards, kapag nangyari ang ganitong
klaseng sakuna, isang taon ang inaabot bago matapos
ang relief at mag-umpisa ngrehabilitasyonang isang
bansa. Pero sa loob lang ng 8 buwan, idineklara ng
United Nations na nasa yugto na tayo ng rehabilitation.
Si Ginoong Yuri Afanasiev ng United Nations
Development Programme na nga po ang nagsabi: “We
30. have never seen a recovery happen so quickly. And
many of us have been in many different disasters.”
Mahabang panahon ang bubunuin para tuluyang
makabangon sa mabibigat na sakuna. Sa Haiti,
dalawang taon ang nakalipas mula ng lindol, marami
pa rin ang nasa evacuation center. Ang mga kapatid
natin sa Indonesia, inabot ng walong taon para maka-
recover sa tsunami sa Aceh. Mismong sa Amerika nga
po, sinasabing walong taon ang inabot para makabalik
sa dati matapos humagupit si Hurricane Katrina.
Hindi pa po tapos ang ating trabaho. Marami pang
bahay na kailangang ipatayo; marami pang mga
kababayan natin ang kailangang ibangong muli;
patuloy pa rin ang pag-build back better para sa mga
hinagupit ni Yolanda.
Kaya nga po: Ngayong Hulyo, isinumite na sa atin, at
nilagdaan na rin natin, ang LGU Rehabilitation and
Recovery Plan para sa Cebu, Iloilo, Samar, Eastern
Samar, Leyte, at Tacloban City. Pumasa po ito sa
31. masusing pagsusuri ng mga cluster ng Gabinete; laman
nito ang mga pangangailangan ng ating mga
kababayan, ayon na rin sa isinagawang malawakang
post-disaster needs assessment. Nabuo po ang
planong ito sa maigting na pagsisikap ni Secretary Ping
Lacson, na inatasan nga nating tumutok sa mga
hamong iniwan ni Yolanda. Umaasa po ako sa pakikiisa
ng Kongreso, dahil malaking halaga ang kailangan,
upang tuluyan nang maibangon ang ating mga
kababayan.
Alalahanin po natin: Nasa Diyos ang awa; nasa tao ang
gawa. Ito rin ang parehong ideya sa likod ng ating mga
hakbang para sa disaster preparedness. Binigyang-
lakas natin ang mga LGU na siyang mga frontliner
tuwing bagyo, gamit ang moderno at malawakang
forecasting system.
Sa DREAM-LiDAR project sa ilalim ng Project NOAH,
halimbawa, napapadali ang pagtukoy kung saan ang
mga lugar na pinaka-babahain. Nakamapa na po ang
19 sa target nating 20 river systems para matukoy kung
32. ano ang mga lugar na agad naapektuhan tuwing
bumubuhos ang ulan.
Dahil mas eksakto na ang pagtukoy natin kung kailan at
saan tatama ang epekto ng bagyo, ngayon po,
napapaaga ang paghahanda at pagbibigay babala ng
ating mga LGUs. Maaga na ring naililikas ang kanilang
mamamayan. Kung ang maayos na forecasting,
tatambalan pa natin ng mahusay na LGU, talaga naman
pong maraming buhay ang maililigtas. Sa Albay na
hinagupit kamakailan lang ng bagyong Glenda, walang
naitalang pumanaw dahil sa bagyo, salamat sa
mabuting pamamahala ni Governor Joey Salceda. At
kung kaya itong gawin ng isang probinsya na siya
ngang parang highway ng mga bagyo, bakit naman
tayo magdududa na kaya ito ng lahat?
MILITARY AND POLICE
Pag-usapan naman natin ang seguridad. Mulat po tayo
sa mga hamon sa bansa, at alam din nating mahal ang
33. kailangan nating mga kagamitan. Ngayon po,
ikinalulugod kong iulat sa inyo: Tuloy-tuloy ang
modernisasyon ng AFP. Nakuha na natin ang brand
new na 8 Sokol Combat Utility Helicopters, tatlong
AgustaWestland-109 helicopters, at ang kauna-
unahang landing craft utility ship na ginawa dito mismo
sa ating bansa, ang BRP Tagbanua. Dumating na rin po
ang apat na refurbished UH-1 helicopters at 2 navy
cutters. Nito namang nakaraang Mayo, pinasinayaan
na rin ang state-of-the-art Command Center ng Naval
Forces West sa Palawan.
Sa susunod na taon, lalapag na ang 2 sa 12 na FA-50
lead-in fighter trainer jets na binili natin. Ang natitira
naman po, inaasahan nating maidedeliver bago
matapos ang 2017. Target din nating makuha ang
karagdagang brand new na 8 Bell combat utility
helicopters, 2 anti-submarine helicopters, 10 pang
AgustaWestland-109 helicopters, 2 light-lift aircraft, 3
medium-lift aircraft, mga radar system at iba pang
kagamitang magpapaunlad sa kakayahan ng ating
34. Sandatahang Lakas. Samantala, sa Setyembre ng taong
ito,inaasahan ang pagdating ng karagdagang 17
refurbished UH-1 helicopters.
Dumating na rin ang paunang mga M4 assault rifles na
binili natin para sa kasundaluhan. Sa mga susunod na
buwan, ang kabuuang bilang ng baril na
mapapasakamay ng ating mga kawal: 50,629 units. Ang
bonus pa: dahil sa maayos na proseso ng procurement
at tapat na pangangasiwa sa pondo, may savings tayo
na mahigit 1.2 billion pesos, na ipinambibili na natin ng
mas marami pang baril.
Ididiin ko lang po: Brand new at de-kalidad ang lahat
ng ripleng ito. Di po ba noong araw: naubos na nga ang
pondo, hindi pa alinsunod sa spesipikasyong kailangan
natin ang binili nilang Kevlar Helmets. Imbes na sa US,
sa ibang bansa sila bumili. May na-convict na po dahil
dito. Pati ang isang hukom na diumano’y sangkot dito,
natapos na ang imbestigasyong inutos ng Korte
Suprema, at hinihintay natin ang kanilang pasya.
35. Tuloy ang pagtugis natin sa kalaban ng estado
atmasasamang elemento para sa mga krimeng ginawa
nila. Halimbawa nga po: Nahuli na ang Chairman at
Secretary General ng NPA nitong Marso.
Nanunumbalik na rin po ang normalidad at kaayusan
sa 31 probinsyang dating ginambala ng NPA.
Nagbabago na rin nga po ang mukha ng ating
kapulisan. Patunay po rito ang 30 pulis, sa pangunguna
ni Inspector Charity Galvez, na tumalo sa tinatayang
250 NPA na sumugod sa kanilang presinto noong 2011.
Nitong Marso naman po, 4 na bagitong pulis ang
buong-tapang na sumagupa laban sa Martilyo Gang sa
Mall of Asia. Mabuti nga po’t naabot na ang 1:1 police
to pistol ratio, kaya’t na-isyuhan na rin ng bagong baril
ang ating mga rookie policewomen. Dati, nakakaligtaan
ang kapulisan; ngayon, kinakalinga na sila ng estado, at
talaga namang tinutumbasan nila ito ng wagas at
masigasig na serbisyo.
Pakinggan po natin ang magigiting nating pulis:
36. Nito naman pong Hunyo, naging sunod-sunod ang
high-profile na pamamaslang. Arestado na ang ilang
mga sangkot sa pagpatay kina Mayor Ernesto Balolong,
sa negosyanteng si Richard King, at may sinusundan na
ring magandang lead ang ating kapulisan sa pagpatay
sa racecar driver na si Ferdinand Pastor. Huwag po
kayong mag-alala: habol natin ang hustisya sa
kabuuan, hindi ang bahagi lamang. Kaya bukod sa mga
ginawa nating pag-aresto, patuloy tayo sa paglikom ng
ebidensiya laban sa iba pang suspect. Pananagutin
natin ang lahat ng may-sala.
Pinapaigting pa natin ang pangangalaga sa seguridad
ng taumbayan. Simula ika-16 ng Hunyo ngayong taon,
ipinatupad natin sa NCRang Operation Lambat.
Matapos nating gawing triple ang dami ng checkpoints
at magsagawa ng iba’t ibang operasyon, ang resulta:
862 sasakyan at 29 firearms ang nakumpiska natin.
Nakapag-serve tayo ng 587 warrants of arrest, na
nagresulta sa pagkaaresto ng 410 suspect. Ibinalik din
natin ang Oplan Katok para matiyak na ang may tangan
37. ng lisensyadong baril ay ang karapat-dapat lamang.
28,714 na bahay sa NCR ang kinatok ng mga pulis para
sa operasyong ito.
Bago natin ipatupad ang Oplan Lambat, mula Enero
hanggang ikalawang linggo ng Hunyo, ang murder at
homicide sa NCR, umaabot sa 31 kaso kada linggo. Sa
limang linggo pa lang ng operasyon, ang murder at
homicide: Bumaba sa 22 kaso na lamang kada linggo.
29 porsyentong pagbaba ang naitala—katumbas ng 9
na pagpatay ang napigilan natin kada linggo. At sa NCR
pa lang po ito. Kung maisasabatas natin ang pension
reform, at makakakalap nga tayo ng sapat na pondo
para sa dagdag na pulis at para matuloy ang planong
pagbili ng kagamitan, lalong mapapalawak ni Sec. Mar
Roxas ang Operation Lambat, upang gawing mas ligtas
ang buong bansa. Nasa ilalim nga po sana ng DAP ang
pondong pang-kagamitan, pero dahil hindi ito na-
obligate bago bumaba ang desisyon ng Korte Suprema,
kailangan po nating maghanap ng pagkukunan ng
karagdagang pondo.
38. RIGHTING THE SYSTEM TO REGAIN TRUST
Tunay nga po: Tiwala ang pundasyon ng mabuting
pamamahala. Tiwalang maaasikaso ang lahat ng
tinamaan o tatamaan ng bagyo; tiwalang sa bawat
araw ng trabaho, ligtas mong mauuwian ang pamilya
mo. Tiwala na hindi kayo lalamangan ng inyong mga
pinuno; tiwalang nariyan ang inyong gobyerno,
kakampi ninyo, lalo na kung kayo ang nadedehado.
Tiwala na mananagot ang mga nang-abuso, at
maitatama ang mga proseso at institusyong ginamit
para nakawan kayo. Tiwala na kung sumunod ka sa
tama, makukuha mo kung ano ang dapat sa iyo. Ang
pagbabalik ng tiwala ninyo: Iyan po ang ibig sabihin ng
reporma.
CUSTOMS REFORM
Halimbawa: Sa Customs, na talaga naman pong
sinubok ang ating pasensya noong nakaraang mga
taon. Naging malinaw sa atin: Reset button ang
solusyon. Bumuo po tayo ng mga bagong tanggapan
39. para suriin at gawing epektibo ang mga patakaran sa
Customs. Nagtalaga tayo ng bagong commissioner,
anim bagong deputy commissioner, kasabay na rin ang
40 iba pang maaasahang indibidwal para ipatupad ang
ating mga reporma. Ibinalik din natin sa tamang
posisyon ang mga empleyado. Totohanang ipinagbawal
ang mga guwardiyang umaastang kahera, o
warehouseman na ginagawang examiner.
Marami nga po ang nagsasakripisyo para ayusin ang
Customs. Kabilang dito ang mga kawani mula sa ibang
departamento, na hiniling nating lumipat sa Customs
dahil tiwala tayo sa kanilang integridad. Sino nga ba
naman ang naghahanap ng sakit ng ulo, lalo pa’t
walang garantiya ng tagumpay? May mga
ipinagpaliban ang kanilang promotion. May mga
nagpahiwatig din ng agam-agam dahil sa takot na
balikan sila ng mga sindikato. Pero sa huli, tumugon
sila sa ating panawagang maglingkod. Marapat lang na
personal kong pasalamatan ang lahat ng kawaning ito,
sa pangunguna ni Commissioner Sunny Sevilla.
40. Pinapatunayan po natin: Sa paninindigan at
pagkakaisa, kayang linisin kahit pa ang isang
institusyong napakahabang panahon nang dinungisan
ng katiwalian. Patunay po rito ang good news na
natatanggap natin: Mula Enero hanggang Abril 2014,
umangat ng 22 porsyento ang cash collections ng
Customs kumpara sa parehong panahon noong 2013.
Ang kabuuan nilang koleksiyon sa unang apat na
buwan ng taon: 117 billion pesos.
Ang masasabi ko naman sa mga patuloy na rumaraket:
Alam kong hindi na kayo tinatablan ng takot at
kahihiyan. Nasa inyo kung makukunsensya kayo—kung
maaawa kayo sa mga nalululong sa drogang
pinapapasok ninyo, o sa mga magsasakang
napagkakaitan ng tamang kita. Ang sa akin lang: Kapag
sumapat na ang nililikom na ebidensiya laban sa inyo,
sa Bilibid ang susunod ninyong destino.
AGRARIAN REFORM
41. Kung pag-uusapan natin ang mga repormang
nagsisimula nang magbunsod ng malawakang
kaunlaran, marapat din pong ibalita ko sa inyo ang mga
pangyayari ukol sa repormang agraryo.
Alam naman po natin, at malinaw sa batas: kailangan
munang tukuyin ang maaari at hindi maaaring
ipamahaging lupain. Pero ang masaklap, ipinamana sa
atin ang bungi-bunging datos. Taong 1913 pa sinimulan
ang Cadastral Survey, na tutukoy ng hangganan ng mga
lupaing saklaw ng bawat lungsod, bayan, at lalawigan
sa Pilipinas.
Isa pang problema: Inuna ng mga nakaraang
administrasyon ang distribusyon ng mga lupaing
madaling ipamahagi tulad ng mga government-owned
land, at lupaing napagkasunduan na ng may-ari at
magsasaka. Ang naiwan sa atin ay mga lupaing
maraming kumplikasyon, at ugat pa ng mahabang
debate at demandahan.
42. Dagdag din nga pong suliranin ang masalimuot na
sitwasyon sa ARMM. Ang lupa ng ARMM ay tinatayang
1.5 milyong ektarya. Pero ang lupang nakatala na
dinatnan natin, nasa 2.9 million hectares dahilsa
patung-patong na pag-angkin ng lupa. Nagtataka nga
po si Governor Mujiv Hataman ng ARMM—paano kaya
nanganganak ang lupa?
Wala po tayong balak na ipasa ang mga suliraning ito
sa susunod sa atin, para pag-ugatan lang ng
panibagong mga problema at ng lalong pagkaudlot ng
repormang agraryo.
Sa 2015, makalipas ng 102 taon, matatapos na rin ang
Cadastral Survey. Ngayong taon, ihahain din nating
muli sa Kongreso ang panukalang batas para i-extend
ang paghahain ng Notice of Coverage, na hindi agad
natapos nang husto dahil nga sa mga problemang
kinailangan muna nating solusyonan. Oras na maihain
ang panukalang batas, umaasa tayong maipapasa ito
sa lalong madaling panahon.
43. PEACE
Kung tiwala nga po ang pag-uusapan, dapat ding isama
ang Bangsamoro. Matapos ang mahabang panahon ng
hidwaan at napupurnadang negosasyon, naibalik
nanatin ang tiwala. Pruweba po nito: Noong nakaraang
Marso, nilagdaan na ang Comprehensive Agreement
on the Bangsamoro.
Pero simula pa lang ito ng ating pag-usad sa landas ng
malawakang pag-unlad sa Mindanao. Wala pong
makakatangging napag-iwanan ang ARMM. Gusto po
nating bigyan ng pantay na pagkakataon ang lahat ng
Pilipino, kaya nga dapat may boost up, para naman
maka-catch up ang ating mga kababayang nasa
laylayan. Halimbawa, sa budget na imumungkahi natin
para sa 2015, 5.17 billion pesos mula sabudget ng
DPWH ay nakalaan para sa imprastraktura ng ARMM.
Kasalukuyan na po nating pinapanday ang panukalang
Bangsamoro Basic Law. Humihingi po tayo ng pang-
unawa sa ating Kongreso ukol rito. Mahalaga pong
44. maging masusi ang paghimay natin ng bawat
probisyong ilalatag. Sa abot ng ating makakaya,
isusulong natin ang isang panukalang batas na
makatuwiran, makatarungan, at katanggap-tanggap sa
lahat.
Kung maisasabatas nga po ang Bangsamoro Basic Law
bago matapos ang taon at maisasagawa ang
kinakailangang plebesito, mabibigyan ng isa’t
kalahating taon ang Bangsamoro Transition Authority
para ipakita ang positibong pagbabago. Kung
maaantala naman ito, natural pong iikli rin ang
panahon para mapatunayan na tama nga ang landas
ng kapayapaang tinatahak natin.
PROMISES FULFILLED
Napakarami na nga po nating narating dahil sa tiwala—
at wala tayong balak basagin ang tiwalang ito. Ang
gobyerno ninyo ngayon: mayroong isang salita. Hindi
ko na po iisa-isahin ang mga natupad nating panata sa
tuwid na daan; baka masabihan lang tayong
45. nagbubuhat ng sariling bangko. Pero mahirap din
namang hindi tayo magbanggit, dahil malamang nag-
aabang na ang mga magsasabing wala tayong
ginagawa. Kaya samahan niyo na lang akong magbigay
ng ilang halimbawa: Trabaho’t pagkakataon para sa
napakaraming Pilipino, nalikha at patuloy pang
nililikha. Sa katunayan, mula Abril 2013 hanggang Abril
2014: nasa 1.65 million ang nadagdag sa bilang ng mga
Pilipinong nagtatrabaho.Minanang kakulangan sa aklat,
upuan, at silid-aralan, napuno na; habang ang mga
panibagong pangangailangan dahil sa K to 12,
pinupunuan na rin. 1:1 police-to-pistol ratio, meron na.
Modernisasyon ng Sandatahang Lakas, nangyayari na.
Pangmatagalang kapayapaan sa Mindanao,
sumusulong na. Pag-angat ng ating ekonomiya, tuloy-
tuloy pa.
Sabay-sabay nang natutupad ang ating mga pangarap:
kalusugang pangkalahatan, silid-aralan, trabaho,
daungan, kalsada, paliparan, kaligtasan, kapayapaan.
Ang nabawi nating pambansang dangal, sinamahan pa
46. ng pagkilala ng mundo sa bagong anyo ng Pilipinas.
Ang kaban ng bayang mula sa pawis ng mamamayan,
ginugugol para lamang sa kanilang kapakanan.
Pakinggan po nating muli ang isa pa sa ating mga Boss:
PRONOUNCEMENTS
Ngayon nga po: Ang problemang dinatnan,
nasolusyonan. Ang nandiyan, tinutugunan. At ang
problemang parating pa lang, pinaghahandaan na rin.
Naniniwala ako: Kung mananatili ang inyong tiwala,
masosolusyonan natin ang mga ito.
ENERGY
Tingnan po natin ang sitwasyon sa enerhiya. Ginagawa
na po natin ang lahat para siguruhing natutugunan ang
lumalagong pangangailangan ng bansa. Sa kabila nito,
meron pong mga pangyayaring talagang hindi natin
inaasahan, na maaaring magbunsod ng problema sa
47. susunod na taon. Halimbawa: Kailangan nating bunuin
ang mga kakulangan dahil sa outages para sa
maintenance ng mga lumang planta, ng mga biglaang
paghinto ng operasyon dahil sa pagkasira, at ng delay
sa implementasyon ng mga bagong planta.
Huwag po nating kalimutan, may banta din ng El Niño
na makakaapekto sa kapasidad ng mga hydro
powerplant, at magpapataas pa ng demand sa
kuryente. Kung sa ating mga kabahayan nga, lalakas
ang gamit natin ng electric fan o aircon dahil sa init ng
panahon, lalo naman po sa mga industriya at negosyo.
Hindi ito kasing-simple ng pagpunta sa tindahan at
pagsabing, “Pabili nga po ng 600 megawatt generator,
at paki-install na rin bukas.”
Ang habol natin: kumpletong paghahanda para hindi
tayo maparalisa sakaling mangyari ang worst-case
scenario. Dapat, kahit sa susunod na taon pa uusbong
ang problema, meron na tayong pinaplanong solusyon
para dito. Kaya nga po inatasan ko si Secretary Icot
Petilla ng DOE: Makipag-ugnayan ka na sa Joint
48. Congressional Power Commission, sa Energy
Regulatory Commission, sa industriya, pati na sa mga
consumer, upang madagdagan ang kakayahan nating
tugunan ang problema sa enerhiya.
RICE PRICES + AGRICULTURE
Batid ko rin po na apektado ang mga Boss natin sa
pabugso-bugsong pagtaas ng presyo ng bigas.
Mukhang totoo nga po ang mga ulat: May ilang mga
halang ang bitukang hoarder na itinatago lang ang
bigas, para kapag tumaas ang presyo, ibebenta nila ang
stock para kumita nang di-makatuwiran.
Hindi puwede ito. Kung sa tingin nila wais sila, mas
mahusay ang ginagawang diskarte ng inyong gobyerno.
Ang agarang solusyon: mag-import pa ng bigas, i-
supply sa merkado, pababain ang presyo, at panatilihin
ito sa risonableng antas, para malugi ang mga
nagsasamantala sa Pilipino.
Noong Nobyembre ng nakaraang taon, nagsimula na
tayong mag-import ng 500,000 metriko tonelada para
49. magsilbing ayuda sa supply na pinanipis ng nagdaang
mga bagyo, at dumating na lahat ito noong Marso.
Nito ding Pebrero, inaprubahan ng NFA Council ang
pag-angkat natin ng karagdagang 800,000 metriko
tonelada bilang pagpuno sa ating buffer stocking
requirement, at 360,750 metriko tonelada na nito ang
dumating ngayong Hulyo; pagdating ng Setyembre,
makakarating na ang kabuuan. Naaprubahan na rin
ngayong Hulyo ang agarang importasyon ng 500,000
metriko tonelada ng bigas sa pamamagitan ng open
bidding. May standby authority rin ang NFA na mag-
angkat ng karagdagan pang 500,000 metriko tonelada,
bilang paghahanda sa magiging epekto ng kalamidad
sa ani at sa presyo ng bigas.
Kapag dumating ang karagdagan nating inaangkat,
mapupuwersa na ngayong magbenta ang mga hoarder
ng bigas na nakatago sa kanilang mga kamalig. Sa mga
hoarder na ito: Kung gusto ninyong makipagmatigasan,
sige lang, subukan ninyo ang estado. Tandaan lang
ninyo: Anim na buwan lang ang itatagal bago mabulok
50. ang stock sa mga warehouse ninyo. Siguradong
malulugi kayo kapag nalunod na ang merkado sa
dagdag na bigas. Kumikilos kayo kontra sa mga Pilipino;
kami naman, isinusulong ang interes ng bawat Pilipino.
Tingnan natin kung sino ang mananalo.
Bukod sa pag-iimbestiga sa mga diumano’y nagtago ng
NFA rice, sinisiyasat na rin natin ang lahat ng mga
pwedeng nagkuntsabahan sa mga ahensya.
Iniimbestigahan na ang mga empleyadong
pinagdududahan upang makasuhan at mapakulong sa
hinaharap.
Sabay ng pagtugis sa mga mapang-abuso, patuloy rin
ang mga proyekto natin para alagaan ang mga nasa
sektor ng agrikultura. Ginagawa nating kaakit-akit na
kabuhayan ang pagtatanim ng palay. Alam naman po
natin na tumatanda na ang ating mga magsasaka, kaya
malaki ang maitutulong sa food security kung
mahihikayat natin ang mga kabataan na pasukin ang
ganitong hanapbuhay.
51. Nagkakaloob po tayo ng mga makabagong kagamitan
sa pagsasaka para sa episyenteng pagtatanim at pag-
aani. Mula 2011 hanggang Mayo ng 2014, naipamahagi
na natin ang kabuuang 4,628 production machineries,
11,362 post-production machineries, at 105 rice mills
sa iba’t ibang farmer’s associations. Sa tulong po nito,
nabawasan ang nasasayang sa ani ng ating mga
magsasaka. Bukod rito, pinapaunlad natin ang mga
patubig, nagpapagawa tayo ng farm-to-market roads,
at nagsusulong ng training programs upang masagad
ang kanilang kita.
SUPPLEMENTAL BUDGET + CLARIFICATORY
LEGISLATION + BUDGET
Pag-usapan naman po natin ang budget. Ang
Ehekutibo, nagmumungkahi ng mga proyekto;
inaaprubahan naman ito ng Kongreso. Kailangan nga
lang po nating itigil ang ilan, para makasiguradong
sumusunod tayosa naging desisyon ng Korte Suprema
ukol sa Disbursement Acceleration Program. Alam ko
pong kaisa kayong mga nasa bulwagang ito sa
52. paniniwalang hindi dapat ipagkait ang benepisyo sa
ating mamamayan, at dapat nga itong makarating sa
kanila sa lalong madaling panahon.
Kaya nga po: Ipinapanukala namin ang pagpasa ng
supplemental budget para sa 2014, upang hindi naman
maantala ang ating mga programa atproyekto. Kasabay
po nito, nananawagan din tayo sa pakikiisa ng
Kongreso, upang maipasa ang isang Joint Resolution na
maglilinaw sa mga depinisyon at kaisipang tila
pinagtatalunan pa—at iba pang mga usaping kayo lang
sa lehislatura, bilang mga nagsulat ng batas, ang
makakapaglinaw.
Sa unang araw po ng trabaho matapos ang SONA,
ihahain natin sa Kongreso ang panukalang 2.606 trillion
pesos na 2015 National Budget. Gaya ng lagi, binuo ito
kasama ang mamamayan, gamit ang stratehiyang
naglalaan ng pondo kung saan lamang ito tunay na
maghahatid ng benepisyo. Umaasa po tayo sa pakikiisa
ng ating mga mambabatas na pagtibayin ito, bilang
53. pangunahing instrumento sa paglikha ng pagkakataon
para sa sambayanang Pilipino.
Pakinggan naman po natin ngayon ang isang
benepisyaryo ng Alternative Learning System program
ng DepEd. Matingkad siyang patunay ng pagkakataong
naihahain sa ilalim ng mabuting pamamahala.
PERORATION
Siya po, at ang marami pang benepisyaryongtulad niya,
ang natatabunan sa tuwing umiingay ang orkestra ng
negatibismo sa balita. Itong maiingay na ito,sadyang
isinasara ang isip at namumuhay sa sariling mundo at
realidad. Habang nakikita ang pagbabago sa lipunan,
nangyayari na nga ang ating inasahan: lalong
dumadalas, lalong umiinit, at lalong tumitindi ang pag-
atake nila sa atin. Habang lumilinaw ang benepisyo ng
reporma, pahirap nang pahirap ang pag-asang
magtagumpay ang panlilinlang nila, kaya’t nagtatanim
sila ng duda. Desperado na sila.
54. Bakit nga po ba sila galit na galit? Tingnan po natin ang
kanilang motibasyon. Para sa mga ginawa nang
negosyo ang kanilang posisyon: kung maayos natin ang
mga sistema, nawawalan sila ng pagkakataong
mansamantala. Natural lang na kontrahin nila tayo. Ito
namang mga walang ibang layunin kundi ibagsak ang
gobyerno: Puwede lang madagdagan ang kanilang
hanay kung maraming nagdurusa, at nawalan ng tiwala
sa sistema. Ngayong nakukumpuni na ang sistema at
natutugunan ang pagdurusa, nababawasan na ang
puwede nilang i-recruit, kaya pakaunti nang pakaunti
ang kanilang bilang. Natural lang din na kontrahin nila
tayo. Ang pinakamaingay na kumokontra sa atin ay ang
ayaw ng transpormasyon, dahil nagsamantala at
nakinabang sila sa lumang kalakaran.
Ganito ko nga po naiisip angating situwasyon: Para
tayong mga mamamayang matagal na naipit sa isang
isla kung saan may nag-iisang tindahan. Dahil walang
pagpipilian, napapataas nila ang presyo kung kailan nila
gusto, at talaga nga naman pong inaabuso tayo.
55. Inatasan po ninyo akong itimon ang bangka ng estado
tungo sa kabilang isla, kung saan mas maraming
tindahan, mas maraming pagpipilian, mas maayos ang
buhay, at mas malawak ang pagkakataon. Siyempre
po, ang nagpapatakbo ng tindahan sa ating isla, ayaw
tayong pumalaot, dahil mawawalan sila ng inaabuso.
Lahat, gagawin nila para pigilan ang ating pagtawid sa
kabilang pampang: Sasabihin nilang pareho lang
naman doon; wala naman talagang pagbabago doon.
Itatali nila tayo sa daungan, bubutasan ang ating
bangka, makikipagkuntsabahan para iligaw ang ating
biyahe.
Ang totoo po, hindi naman ako ang kinokontra ng mga
ito, kundi ang taumbayang nakikinabang sa tuwid na
daan. Kontra sila sa magsasaka sa Iloilo, na mahigit
limampung taong nangarap ng maayos na irigasyon, at
ngayon ay nakikita nang ginagawa ang Jalaur Multi-
purpose River Project. Kontra sila sa napakaraming
estudyanteng hindi na kailangang magsiksikan sa mga
classroom. Kontra sila sa nagkatrabaho dahil nasanay
56. ng TESDA; kontra sa mga maagang naililikas sa
panahon ng bagyo dahil sa pinahusay na PAGASA;
kontra sa mga informal settler na nailayo sa panganib
dahil sa programang pabahay; kontra sa mga
maralitang libre nang nakakapagpagamot sa
pampublikong ospital; kontra sa mga sundalong may
modernong kagamitan kaya mas may kumpiyansa nang
ipagtanggol ang bayan; kontra sa mga Moro at
katutubong abot-tanaw na ang kapayapaan. Mga Boss,
kontra po sila sa inyo.
Ang totoo po niyan, wala pa tayo sa puwesto, inaatake
na tayo. Sanay na tayong sinasalubong ng negatibong
komentarista sa almusal, pang-aalipusta sa tanghalian,
insulto sa hapunan, at may intriga pa bilang midnight
snack. Ngayon nga pong Pangulo ako, tuloy pa rin ang
mga kontra sa pagbabago. Sa tingin ko, maski sa
pagbaba ko sa puwesto, hindi pa rin sila titigil.
Naalala ko po ang isang matandang babaeng nakausap
ko dati sa kampanya. Ang sabi niya sa akin, “Noy, mag-
iingat ka. Marami kang makakabangga.” Totoo ang
57. kanyang babala. Pero buo ang loob kong kaharapin ang
mga nakakabanggang ito, dahil alam ko: iilan lamang
sila, at di hamak na napakarami natin. Mas malakas
tayong mga handang makisagwan tungo sa pagbabago.
Magtatagumpay tayo sa labang ito, dahil tayo ang nasa
tama. Nangarap tayo, nagsimula tayo, nagsikap tayo,
nakabuwelo tayo, at ngayon, umaarangkada na nga po
ang Pilipino. Lalong magiging sulit ang pagod at
sakripisyo natin kung itong nasimulan natin ay itutuloy
ninyo.
Kayo ang haharap sa sangandaan; kayo ang
magpapasya kung magtutuloy ang pagbabago.
Tandaan lang po natin, ito ang aking ikalimang SONA;
isa na lamang ang natitira. Sa 2016, pipili kayo ng
bagong pinuno ng ating bayan. Ang sa akin lang po:
Para ipagpatuloy at mas mapabilis pa ang
pagbabagong tinatamasa na ng ating lipunan, iisa lang
ang batayan sa pagpili ng papalit sa akin: Sino ang wala
ni katiting na dudang magpapatuloy sa
transpormasyong ating isinakatuparan?
58. Kayo ang Boss, kayo ang lakas, kayo ang gumagawa ng
pagbabago—kaya kayo rin ang magpapatuloy nito.
Nasasainyo kung paanong isusulat sa kasaysayan ang
mga panahong ito. Maaari itong maalala bilang tuktok
ng ating tagumpay, bilang magandang simulaing
nasayang lang. Pero mas maganda pong di hamak kung
maalala ang mga nagawa natin bilang simula pa lang ng
ating mahabang paglalakbay tungo sa katuparan ng
mas matatayog pang pangarap.
Noong minungkahi po ng ilang mga grupo na ako’y
tumakbo, ang sabi nila sa akin, hindi namin inaasahan
na lutasin mo lahat ng problema ng ating bansa sa loob
ng anim na taon. Pero simulan mo na sana. Nakita
naman ninyo kung saan tayo nanggaling, at nakita
naman ninyong lampas-lampas pa sa ating mga
pinangarap noong simula ang tinatamasa natin
ngayon.
Pinapanday na natin ang sistema kung saan talagang
patas ang laban; kung saan ang sumusunod sa
patakaran ay nakakarating sa nais niyang paroonan;
59. kung saan may tunay na kumpetisyong nagbubukal ng
pagkakataon at malawakang kaunlaran; kung saan ang
lahat ay may kakahayang panghawakan ang sariling
kapalaran.
Abot-kamay na ang isang lipunang kayang sumalo sa
mga nasa laylayan; kung saan ang bawat isa ay
kumikilala sa kanyang tungkulin sa kapwa at sa bayan;
kung saan tuloy-tuloy at walang-hanggan ang
pakikiambag at sama-samang pag-angat ng
sambayanan.
Papalapit na po talaga tayo sa minimithi nating
kinabukasan, kung saan naghahari ang katarungan, at
tunay pong walang maiiwan.
Ito ang resulta ng reporma, at ito ang ipinaglaban
natin, at patuloy pang ipinaglalaban: Hindi ang
pagpapanatili ng nakasanayan, kundi ang pagbabago
ng sistema para makinabang ang lahat.
Mga Boss: Binigyan ninyo ako ng pagkakataong
pamunuan ang transpormasyon. Kung hinindian ko ang
60. hamon na iniharap niyo sa akin, para ko na ring sinabi
na tutulong akong pahabain ang inyong pagdurusa, at
hindi maaatim ng konsensiya ko iyon. Kung tinalikuran
ko ang pagkakataon, parang tinalikuran ko na rin ang
aking ama’t ina, at ang lahat ng inialay nila para sa atin;
hindi mangyayari iyon. Sa paghakbang sa tuwid na
daan, pinili ninyo ang mabuti at ang tama; tumotoo
kayo sa akin—at ako naman ay tumotoo sa inyo.
Ang transpormasyong tinatamasa natin ngayon, ay
magagawa nating permanente sa gabay ng Panginoon.
Hangga’t buo ang ating pananalig at tiwala, at hangga’t
nagsisilbi tayong lakas ng isa’t isa, patuloy nating
mapapatunayan na, “the Filipino is worth dying for,”
“the Filipino is worth living for,” at idadagdag ko
naman po: “The Filipino is worth fighting for.”
Mga Boss, kayo ang gumawa ng transpormasyong
ating tinatamasa. Kayo ang susi ng pagpapatuloy ng
lahat ng positibong pagbabagong naaabot natin.
Buong-buo ang tiwala ko: Nasa eksena man ako o wala,
tutungo ang Pilipino sa dapat niyang patunguhan.
61. Maraming salamat po.
- See more at: http://philnews.ph/2014/07/28/pres-
aquinos-2014-state-of-the-nation-address-sona-full-
transcript-filipino/#sthash.CwHeVUFl.dpuf