Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Arhentina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Republikang Arhentino
República Argentina (Kastila)
Salawikain: En unión y libertad
"Sa pagkakaisa at kalayaan"
Awitin: Himno Nacional Argentino
"Pambansang Himnong Arhentino"
Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Buenos Aires
34°36′S 58°23′W / 34.600°S 58.383°W / -34.600; -58.383
Wikang opisyalKastila (de facto)
KatawaganArhentino
PamahalaanPampanguluhang republikang pederal
• Pangulo
Javier Milei
Victoria Villarruel
LehislaturaCongreso de la Nación Argentina
• Mataas na Kapulungan
Honorable Senado
• Mababang Kapulungan
Honorable Cámara de Diputados
Kalayaan 
25 Mayo 1810
9 Hulyo 1816
1 Mayo 1853
Lawak
• Kabuuan
2,780,400 km2 (1,073,500 mi kuw) (ika-8)
• Katubigan (%)
1.57
Populasyon
• Pagtataya sa 2022
47,327,407 (ika-31)
• Densidad
14.4/km2 (37.3/mi kuw) (ika-214)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $1.239 trilyon (ika-30)
• Bawat kapita
Increase $26,506 (ika-66)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Decrease $621.833 bilyon (ika-24)
• Bawat kapita
Decrease $13,297 (ika-66)
Gini (2020)42.3
katamtaman
TKP (2021)Increase 0.842
napakataas · ika-47
SalapiPiso ng Arhentina ($) (ARS)
Sona ng orasUTC−3 (ART)
Kodigong pantelepono+54
Internet TLD.ar

Ang Arhentina (Kastila: Argentina), opisyal na Republikang Arhentino, ay bansang matatagpuan sa Timog Amerika. Pinapaligiran ito ng Bolivia at Paraguay sa hilaga, Brasil sa hilagang-silangan, Uruguay at Karagatang Atlantiko sa silangan, Chile sa kanluran, at Pasaheng Drake sa timog. Sumasaklaw ng lawak na 2,780,400 km2, ito ang ikalawang pinakamalaking bansa sa Amerikang Latino. Ang kabiserang pederal at pinakamalaking lungsod nito ay Buenos Aires.

Inaangkin ng bansa ang Kapuluang Falkland (Falkland Islands) (Kastila: Islas Malvinas) at South Georgia at ang South Sandwich Islands, mga teritoryong sakop ng kapangyarihan ng Britanya. Inaangkin din ng Arhentina ang 969,464 km² (374,312 sq mi) ng Antartika, na tinaguriang Antartikang Arhentino, isang pook na inaari rin ng Chile at ng Nagkakaisang Kaharian.

Ang Arhentina ang may pinakamataas na antas sa Talatuntunan ng Kaunlaran ng Tao (Human Development Index) at per capita ng Kabuuan ng Gawang Katutubo (Gross Domestic Product o GDP) sa kapantayan ng lakas ng pagbili (purchasing power parity) sa Latin Amerika.[1][2] Kasalukuyang kabilang ang bansang ito sa klasipikasyong Bansa ng mga Kumikitang nasa Gitnang-Antas (Upper-Middle Income Country)[3] o bilang isang pangalawang bumabangong pamilihan ayon sa Bangkong Pandaigdigan.[4][5] Ang antas-bilang (nominal) na pang-GDP ng Arhentina ang nagsasabing ang bansang ito ang ika-31 na pinakamalaking ekonomiya sa mundo.[6]

Pangalan at etimolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pangalang Arhentina ay nakuha mula sa Latin na argentum ("pilak" o plata sa Kastila), isang pangngalang may kaugnayan sa alamat ng Sierra de la Plata, na laganap sa mga unang manlalakbay na Europeo ng Río de la Plata.

Ang unang nakataláng gamit ng pangalan ay matutunton sa La Argentina y conquista del Río de la Plata (Ang Arhentina at pagsakop sa Río de la Plata), isang tula noong 1602 ni Martín del Barco Centenera na naglalarawan ng rehiyon at pagkakatatag ng Buenos Aires. Bagaman at pangkaraniwan nang ginagamit ang "Arhentina" noong ika-18 dantaon, pormal na tinawag ang bansa na Virreinato del Río de la Plata ng Imperyong Kastila, at "Nagkakaisang mga Lalawigan ng Río de la Plata" matapos ang kalayaan nito.

Sa wikang Ingles, nakaugaliang tawaging The Argentine (Ang Arhentina) ang bansa, upang gayahin ang tipikal na gamit nito sa Kastila na la Argentina. Nawala ito sa uso noong kalagitnaan hanggang nitong huling bahagi ng ika-20 dantaon, at sa ngayon ay tinatawag na lamang ang bansa na "Arhentina."

Sa wikang Kastila, ang Argentina ay pambabae (feminine). Dahil dito, isa ito sa mga taliwas sa tuntuning pambalarila na anumang pangngalang nagsisimula sa titik A ay dapat ginagamitan ng panlalaking paghalip (masculine pronoun) na el (hal. el agua, "ang tubig"). Ang dahilan nito'y hiniram ang pangalan mula sa wikang Pranses na L'Argent.

Mga lalawigan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Salta

Ang Arhentina ay isang pederasyon ng 23 lalawigan at isang nagsasariling lungsod, Buenos Aires. Ang mga lalawigan ay nahahating pang-administratibo sa mga departamento at munisipalidad, maliban sa Lalawigan ng Buenos Aires na nahahati sa mga partido. Ang Lungsod ng Buenos Aires ay nahahati sa mga komuna.

Ang de facto na opisyal na wika ay Kastila/Espanyol, na sinasalita ng halos lahat ng Arhentino. Ang bansa ang pinakamalaking pangkat na mananalita ng wikang Kastila na gumagamit ng voseo, ang paggamit ng panghalip na vos sa halip na (ikaw), na ginagamitan ng alternatibong porma ng mga pandiwa. Dahil sa malawak na heograpiya ng Arhentina, nagkakaroon ng malaking pagkakaiba-iba ang Kastila sa bawat rehiyon, bagaman at ang diyalektong higit na umiiral ay ang Rioplatense, na pangunahing sinasalita sa Ilog La Plata at ang punto'y kahawig ng wikang Neapolitan. Naimpluwensiyahan naman ng mga lumipat na Italyano at iba pang Europeo ang Lunfardo, isang rehiyunal na wikang pabalbal, na kumalat maging sa iba pang mga bansa sa Latin Amerika.

Mga pinakamalaking lungsod

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Iba't ibang paksa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://hdrstats.undp.org/indicators/5.html Naka-arkibo 2009-02-27 sa Wayback Machine. International GDP ranking
  2. http://hdrstats.undp.org/countries/country_fact_sheets/cty_fs_ARG.html Naka-arkibo 2010-07-15 sa Wayback Machine. Pinakamataas na HDI sa Amerika Latina
  3. Country Mga Klasipikasyon ng World Bank
  4. "Emerging Markets - Argentina". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-03-08. Nakuha noong 2008-03-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "The Global Emerging Markets Database (Talaan ng mga Bumabangong Pamihilang Pandaigdig)". Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-06-29. Nakuha noong 2008-03-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Human Development Report (Ulat ng Kaunlarang Pantao) 2007/2008 - Country Fact Sheets (Impormasyon ng mga bansa) - Arhentina". Inarkibo mula sa orihinal noong 2010-07-15. Nakuha noong 2008-03-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Encuesta Permanente de Hogares" (PDF). Indec. 23 Agosto 2015. p. 3.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)