Camarines Sur
Camarines Sur | ||
---|---|---|
Lalawigan ng Camarines Sur | ||
Camarines Sur Provincial Capitol | ||
| ||
Location in the Philippines | ||
Mga koordinado: 13°40′N 123°20′E / 13.67°N 123.33°E | ||
Country | Pilipinas | |
Region | Bicol (Rehiyong V) | |
Itinatag (Hiwalay mula sa Ambos Camarines) | Marso 19, 1919 | |
Kabisera | Pili | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Sangguniang Panlalawigan | |
• Gobernador | Vincenzo Renato Luigi Villafuerte (PDP-Laban) | |
• Bise gobernador | Salvio Patrick Fortuno (PDP-Laban) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 5,497.03 km2 (2,122.42 milya kuwadrado) | |
Ranggo sa lawak | Ika-16 mula sa 81 | |
Pinakamataas na pook | 2,011.7 m (6,600.1 tal) | |
Populasyon (senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 2,068,244 | |
• Ranggo | 13th out of 81 | |
• Kapal | 380/km2 (970/milya kuwadrado) | |
• Ranggo sa densidad | ika-19 mula sa 81 | |
kasama ang mga parteng malalayang lungsod | ||
Mga dibisyon | ||
• Mga malalayang lungsod | 1
| |
• Component cities | 1
| |
• Mga munisipalidad | ||
• Mga barangay |
| |
• Mga distrito | una hanggang ikalimang mga distrito ng Camarines Sur (shared with Naga City) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
IDD : area code | +63 (0)54 | |
Kodigo ng ISO 3166 | PH-CAS | |
Mga sinasalitang wika | ||
Websayt | camarinessur.gov.ph |
Ang Camarines Sur (Filipino:Timog Camarines) ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Bicol sa Luzon. Pili ang kabisera nito at kahanggan ang Camarines Norte at Quezon sa hilaga, at Albay sa timog. Sa silangan nito ang pulong lalawigan ng Catanduanes sa ibayo ng Maqueda Channel.
Pinakamalaki ang Camarines Sur sa anim na lalawigan ng Bikol sa lawak ng lupa at populasyon. Ang Lungsod Naga, ang sentrong pangkalakalan (commercial) at kultural ng lalawigan, ipinagmamalaki ang mga mall katulad ng LCC Central (isang sangay ng LCC Chain na nakabase sa Lungsod ng Legazpi), ang Robertson's na nasa Diversion Road, mga maliliit hanggang sa katamtamang tindahan, at institusyong edukasyonal. Matatagpuan sa Lawa ng Bato at Lawa ng Buhi ang isdang pinakamaliit na pangkalakalan (commercial) na inaani, ang Sinarapan (Mistichthys luzonensis).
Sa Camarines Sur matatagpuan ang Bundok Isarog.
Heograpiya at Klima
Pisikal
Matatagpuan ang lalawigan ng Camarines Sur sa gitnang bahagi ng Tangway ng Bikol. Pinakamalaki rin ang lalawigan sa rehiyon ng Kabikulan na may sukat na 5,266.8 km kwadrado. Nasa gitna ng lalawigan ang Kapatagan ng Bikol. Napalilibutan ito ng mga kabundukan, ang dalawa ay ang Bulkang Isarog, at ang Bulkang Iriga. Ang silangang bahagi ng lalawigan ay matatagpuan sa bulubunduking Tangway ng Caramoan, na nakaharap sa pulo ng Catanduanes sa silangan.
Ang Ilog Bikol ay dumadaloy sa gitna at katimugang bahagi ng lalawigan patungo sa Look ng San Miguel.
Klima
Ang klima ng Camarines Sur, gaya ng karamihan sa mga lalawigan ng Pilipinas ay tropikal. Tag-init mula sa buwan ng Marso hanggang Mayo at tag-ulan sa nalalabing bahagi ng taon. 27.0 °C ang pangkaraniwang temperatura ng lalawigan.
Mamamayan at Kultura
Populasyon
Ayon sa senso noong Mayo 2000, mayroon kabuuang 1,693,821 mga residente sa Camarines Sur, upang ito ay maging ika-15 pinakamataong lalawigan sa Pilipinas.
Mga Wika
Dahil ang lalawigan ay nasa Rehiyong Bikol, ang pangunahing wika sa Camarines Sur ay Wikang Bikolano. Kinokonsidera ng mga Filipinong Linguista na ang diyalektong sinasalita sa paligid ng Lungsod ng Naga, o ang Bikol Central, ang pamantayang Bikol na madaling nauunawan ng mga Bikolano, na tinatawag ding Bikol Naga, at iba pa sa Bikol Canaman, kung saan ang pinadalisay na diyalektong Bikol ayon sa Hesuitang Antropolohistang si Frank Lynch, S.J.. Ang iba pang diyalektong sinasalita sa lalawigan ay ang Bicol Albay, na sinasalita sa katimugang bahagi ng lalawigan sa paligid ng Lawa ng Buhi, at ang Rinconada Bikol (na kilala rin bilang Bikol Nabua) na ginagamit sa paligid sa mga lugar sa paligid ng Nabua, Camarines sur. Isang diyalekto ng Bikol Naga, na tinatawag na Partido, ay sinasalita sa silangang bahagi ng lalawigan sa paligid ng Golpo ng Lagonoy. Karamihan sa mga mamamayan ng lalawigan ay nakakaunawa ng Tagalog at Ingles.
Heograpiya at Klima
Lupain
Matatagpuan ang Camarines Sur sa gitna ng Tangway ng Bikol. Pinamalaki rin sa rehiyon ang lalawigan na may kabuuang sukat na 5,266.9 kilometro parisukat. Matatagpuan sa gitna ng lalawigan ang Kapatagan ng Bikol. Nakapalibot dio ang mga kabundukan, dalawa dito ay ang Bundok Isarog at Bundok Iriga. Matatagpuan sa silangang bahagi ng lalawigan ang mabundok na Tangway ng Caramoan, kung saan nakaharap sa pulo ng Catanduanes.
Klima
Ang klima ng Camarines Sur ay walang pinagkaiba sa klima sa kalakhan ng bansa na may klimang tropikal. Kadalasang tuyo at tag-init sa Marso hanggang Mayo at basa at maulan sa nalalabing mga buwan ng taon. Ang mga buwan ng Hunyo at Oktubre ang nagmamarka ng panahon ng mga bagyo.
Kasaysayan
Bago Dumating ang mananakop na Kastila
Bago dumating ang mga Kastila, Ibalon ang tawag noon ng mga katutubo sa buong tangway na tinatawag natin ngayon na Bikol o Kabikulan kung saan naroroon ang Lalawigan ng Camarines Sur.
Ayon sa teorya ng mga mananalaysay, ang mga tinatawag na Negrito ang mga unang pangkat-tao na tumira sa kapuluan ng Pilipinas, kaya't ang mga sinaunang tao na tumahan sa Ibalon ay ang mga maiitim na tao na tinatawag ngayong mga Agta. Sila ay nataboy sa bundok sa pagdating nga mga bagong pangkat-tao na, ayon sa Espanyol na manlalakbay na si Miguel de Loarca, ay kahawig ng mga tao sa Bisaya, partikular ng mga taga kanlurang bahagi ng Kabisayaan. Ngunit, iba sa mga Bisaya, ang mga taga-Ibalon ay hindi "Pintados" o hindi nagta-tattoo sa katawan bilang kaugalian.
Ang wikang Bikol ay bahagi ng malaking pamilyang-wika ng Malayo-Polynesian na siyang laganap na wika sa timog-silangan Asya at sa lahat ng kapuluang nasa Karagatang Pasipiko.
Panahon ng Kastila
Sa panahon ng mga Kastila, ang lalawigan ay ginawang bahagi ng Ambos Camarines (kabahagi ang lalawigan ng ngayo'y Camarines Norte). Ang mga Kastila ay nagtayo ng isang pamayanan sa tabi ng ilog Naga na bahagi ng mahabang ilog Bikol na tinawag nilang Nueva Caceres at siyang ginawang pangunahing bayan sa buong rehiyon. Ito ang naging lungsod ng Naga ngayon.
Digmaang Pilipino-Amerikano
Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Amerika
Panahon sa ilalim ng pamumuno ng Hapon
Pagkatapos ng pangalawang pandaigdigang digmaan
Batas Militar
Sa lalawigan ng Camarines Sur ipinanganak ang Bagong Hukbong Bayan ng rehiyong Bicol. Pagkatapos idineklara ni Ferdinand Marcos ang martial law noong 21 Setyembre, mula sa kamaynilaan, umurong ang ilang aktibista sa lalawigan upang magbuo ng armadong pakikibaka sa rehiyon. Pinangunahan ang pag-oorganisang ito ni Romulo Jallores sa may Partido area.
Heograpiya
Mga Lungsod
Mga Bayan[2]
Mga sanggunian
- ↑ "List of Provinces". PSGC Interactive. Makati City, Philippines: National Statistical Coordination Board. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Enero 2013. Nakuha noong 13 Pebrero 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-04-25. Nakuha noong 2020-05-19.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)