Location via proxy:   [ UP ]  
[Report a bug]   [Manage cookies]                
Pumunta sa nilalaman

Hamburger

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Hamburger
Hamburger na pinalamanan ng isang hiwa ng kamatis, hiniwang pipino, at puting sarsa
KursoUlam
LugarEstados Unidos
GumawaMaraming nag-aangkin
Ihain nangMainit
Pangunahing SangkapGiniling na karne, tinapay

Ang hamburger o burger ay sandwits na may patty na gawa sa giniling na karne, kadalasan baka—na ipinalaman sa loob ng dalawang hati ng tinapay.[1] Madalas sinasahugan ito ng keso, letsugas, kamatis, sibuyas, pikels, bacon o sili, at nilalagyan ng mga kondimento tulad ng ketsap, mustasa, mayonesa o "sarsang espesyal", kadalasan isang baryasyon ng sarsang Libong Pulo. Kapag may palamang keso sa ibabaw ng hamburger patty, tinatawag itong cheeseburger ("keso burger").[2]

Ibinebenta ang mga hamburger sa mga bilihan ng pangmadaliang pagkain at iba pang restawran. Napakaraming mga baryasyon ng hamburger ayon sa bansa at rehiyon. Isa sa mga pangunahing produkto ng ilan sa mga pinakamalaking multinasyonal na fast-food chain sa ang burger: ang Big Mac ng McDo at Whopper ng Burger King ay naging mga pandaigdigang ikono ng kulturang Amerikano.[3][4]

Etimolohiya at terminolohiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nagmula ang salitang hamburger sa Hamburgo, ang ikalawang pinakamalaking lungsod sa Alemanya; subalit walang tiyak na koneksiyon sa pagkain at ang lungsod.[5]

Hamburger at fries sa Tokyo

Sa paglipas ng panahon, ang salitang burger ay naging sariling salita na may kaugnayan sa maraming uri ng sandwits, kahawig ng hamburger, ngunit gawa sa mga iba't ibang uri ng karne (o iba pang sangkap).[6] Kabilang sa mga halimbawa ang tsoriso sa tsori burger,[7] tosino sa tosino burger,[8] at bilang halimbawa na walang karne, (sapal ng) niyog sa niyog burger.[9]

Tumutukoy rin ang burger sa patty mismo, lalo na sa United Kingdom, kung saan bihira ang paggamit ng salitang patty sa pagtukoy sa giniling na baka. Dahil maaaring akalin na gawa sa baka ang hamburger, maaaring banggitin ang karne o kapalit ng karne bago ang salitang burger para sa kalinawan tulad ng nabanggit na tosino burger.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Hamburger - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "The history of the burger" [Ang kasaysayan ng burger] (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 15, 2019. Nakuha noong Oktubre 15, 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Rella, Emily (2021-12-03). "Burger King Is Selling Iconic Menu Item for Less Than a Dollar" [Burger King, Nagbebenta ng Ikonikong Produkto nang Wala Pang Isang Dolyar]. Entrepreneur (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Big Mac is 50, but McDonald's sticks with aging icon - CBS News". www.cbsnews.com (sa wikang Ingles). 2018-07-30. Nakuha noong 2023-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Harper, Douglas. "hamburger". Online Etymology Dictionary.
  6. Burger Merriam-Webster Dictionary
  7. "Chori Burger (New York's Best Burger)" [Tsori Burger (Pinakamagandang Burger ng New York)]. Jeepney Recipes (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Marso 2019. Nakuha noong 25 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "How Pogiboy's Iconic Tocino Burger Landed the Front Page of Food & Wine Magazine" [Paano Lumabas sa Unang Pahina ng Magasing Food & Wine Ang Ikonikong Tosino Burger ni Pogiboy]. Tatler Asia (sa wikang Ingles). Nakuha noong 11 Setyembre 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Niyog/ Sapal Burger (Meatless Coconut Burger) with Spicy Teriyaki Sauce" [Niyog/ Sapal Burger (Walang-Karne na Niyog Burger) na may Maanghang na Sarsang Teriyaki]. Pinoy Kusinero (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Marso 2019. Nakuha noong 22 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)